Press Release
January 27, 2016

AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT

Question: Your assessment re: hearing?

Sen. Grace Poe: Sinabi naming na tinatayuan namin ang unang committee report at sa tingin ko naman ay napagtibay na iyon. Marami tayong mga napagusapan ngunit iyan ay napagusapan na rin. Binigyan lang namin ng respeto at pagkakataon ang isang Senador na magtanong dahil wala siya noong unang mga pagdinig. Subalit kung titingnan natin ang mga basehan ng sagot ngayon, wala naman talagang mga nasabi na maaaring magpalit ng aming committee report. Pero, nalinawan ang mga bagay na ito.

Unang-una, hindi lamang ito ordinaryong police operation, ito ay isang counter terrorism operation. Talagang malinaw ang involvement ng mga Amerikano. Pangalawa, ang ating pangulo ay hindi naman nag-utos na huwag magpadala ng military o artillery support. Pangatlo, talagang maraming mga lumabas na impormasyon dito na hindi sinunod ni Gen. Napenas ang mga dapat na mga operasyon para maging mas safe ang operasyon na ito para sa ating mga SAF 44.

Q: On the President's meeting with Gen. Napenas.

Poe: Yun ay hindi naman nagbago. Nakita naman natin na kahit na suspendido noong mga panahon na iyon si Gen. Purisima, patuloy niyang sinasabi na siya ay informer lang. Pero nakita din natin na alam niya ang buong operasyon na ito at sa kaniya nagrereport. Kaya nga kung babalikan natin ang unang committee report at ihahambing natin sa mga sinabi ngayon, yun pa rin ang magiging resulta nitong pagdinig na ito.

Q: What happens next?

Poe: Nandun pa rin siyempre ang responsibilidad niya, pero subalit nakita naman natin sapagkat may iba't ibang binabato sa kaniya katulad na maaaring sinabihan yung military na wag tumulong, hindi naman totoo 'yon. Pero nakita naman natin na ang pagkukulang ng ibang mga nakasali dito tulad ni Gen. Napenas. Nakita din natin ang pagkukulang ng pagplaplano nila. At nakita naman natin noong pagpaplano palang, ibabalita ko rin na yung transcripts ng executive session ay ilalabas na. Pwera na lamang yung video o yung identity ng isang nakasama doon na hindi naman makakapagbago sa mga testimonya. Pero makikita ninyo doon sa transcript na iyon noong umpisa, si Gen. Napenas mismo ay hindi rin nagsasabi kung sino ang mga talagang nasa likod nito. Yung mga involvement ng banyaga dito, noong bandang huli na niya naipagtapat at kulang-kulang pa, at ngayon rin, mayroon pang naidagdag. Kaya sabi namin, pakonti-konti, patingi-tingi ang pagbigay din ng impormasyon.

Q: Hindi po ba dinisclose ni Napenas ang full extent ng US role sa Executive Session?

Poe: Nadisclose naman niya na nagbibigay sila ng intelligence. Pero ang mas nalinawan natin ngayon ay mayroon palang ongoing coordination dahil nga sa counter-terrorism program nila na ang mga katulad ng mga Amerikano ay pumupunta sa mga SAF commanders kung mayroong mga operasyon na ganito at hindi naman din sila naninibago dito. So, ibig-sabihin, siguro ang mga ito ay may nangyayari ng may regularidad, kaya nga sinasabi ko, kailangang humngi ng permiso, at least sa PNP Head bago kayo makipagugnayan sa mga ganito.

Q: Case recommendations?

Poe: There is a case that we recommended the ombudsman to file, mayroon pong mga DOJ observers na nandiyan kanina, ang kanilang tugon po sa amin, nasa preliminary investigation po sila sa kaso na ito at wala pang tinutukoy na deretsong mga pangalan lalong lalo na doon sa grupo ng MILF.

Q: Statement on what Enrile said na "hindi ginawa ng pangulo ang lahat ng kaya niyang gawin para iligtas ang mga SAF troopers sa misencounter"

Poe: Sinabi rin niya sa maraming pagkakataon na ito ay kaniyang sariling opinion. Maaari talaga na sabihin natin na lahat tayo ay may pagkukulang dito, at sinasabi nga natin...Yun nga din, may nabanggit si Sen. Trillanes na ang nakakalungkot dito sa mga dumalo lalong lalo na sa pinaka head commander ng PNP-SAF dapat inako noong umpisa pa lamang ang pagkukulang at responsibilidad.

Q: Ma'am, hindi nagpabaya ang pangulo para iligtas ang SAF 44?

Poe: Para sa akin, siguro kinulang talaga ng tamang impormasyong ibinigay sa kaniya kaya importante talaga ang chain of command dito sapagkat abala ang isang pangulo sa maraming ibang bagay na dapat mismo ang PNP chief ang dapat nakatutok dito.

Q: Thank you, ma'am.

News Latest News Feed