Press Release
February 23, 2016

Transcript of Sen. Cynthia Villar's press conference today,
February 23, 2016 (Hearing on rice smuggling)

Q: Tumataas po ang incidence ng smuggling ngayon?

Villar: Last year tsaka this year parang vicinity ng 700,000 metric tons a year. Pareho silang 700,000. Pero iyong previous year, 2014, mataas; 2015, mataas; 2013, mababa; 2012, mataas.

Q: Yung UN figures?

Villar: Yung UN, yung binibigay ng private sector.

Q: Government representatives are saying they have their own figures, hindi sila naniniwala sa figures na issued by UN. They feel na smuggling is controlled.

Villar: Syempre sasabihin nila yun, sila ang government. I think UN is hindi biased, third party. Why will UN distort their figures, tell me? What's the reason? Kung walang smuggling, ano naman ang masama sa kanila kung walang smuggling? I cannot comprehend the reason why will UN distort the figure.

Q: Are you satisfied with any of the answers?

Villar: Kasi kaya gusto ko ring nilalabas yung UN, para malaman nila ang katotohanan. Kasi parang ayaw nilang i-accept ang fact. Sasabihin ng mga tao sa labas na rampant ang smuggling, sasabihin ng gobyerno, hindi. Malalaman natin kung ano ang totoo so we cited the UN figure. Ngayon kung ayaw nilang tanggapin, basta tayo ilalabas lang natin kung ano ang nakita natin. Transparent lang tayo.

Q: Napakatagal nang problema ang smuggling, three years na kayong nag-iimbestiga dito, bakit sa tingin ninyo walang nangyayari?

Villar: Talagang mayayaman ang smuggler and they can manipulate people. I think that's the reason.

Q: But it doesn't mean na mawawalan na kayo ng gana na i-pursue ito...

Villar: We did this last hearing to close, kasi ang term natin 2013 to 2016, that's the 16th Congress. Next year is another Congress so we want to summarize what we have done.

We enumerated the recommendations and then ano ginawa sa recommendation para in our minds clear iyon. Ito ang problema, ito ang recommendation, ano ang nangyari. Para kung talagang wala tayong nagawa, nakita natin na wala tayong nagawa. And maybe, to inform din ang government and lest they forget, ito ang recommendation, ano ang ginawa mo. Baka nakakalimutan nila. Maganda din iyong may summary and if they don't agree with the dates, mag-submit sila ng reports to tell us what they have done. Otherwise, if they cannot submit a report, then we make a report based on what we believe.

Q: Doon sa report ninyo, maaasahan ba namin na may irerekomenda kayo na kakasuhan na government official na nagpapabaya sa trabaho?

Villar: Ang kaso is DOJ, hindi naman ako lawyer, hindi ko alam ano ang liability nila based on law. Ako ang sinasabi ko lang, we expected DOJ to file cases, they did not file. Then we expected NFA to do G2G (govertment-to-government) kasi iyon ang recommendation ng BOC to simplify their work kasi nahihirapan na sila. Hindi rin nila sinunod. Iyon ang nakikita ko doon. Iyong BOC sabi nila iimplement nila yung single window system para baka sakali makatulong, obviously hindi pa nila naiimplement. Iyon ang 3 na nakita ko. Of course, natutuwa ako sa DTI na meron na silang very active na price monitoring, ang Supreme Court in-istop na nila ang pag-issue ng TRO para i-seize ang rice na walang import permit. Dati practice iyon, lahat ng RTC nag-iissue ng TRO, pinigil iyon ng Supreme Court. Iyon ang mga nakikita kong good points.

Q: Sabi ni Administrator Dalisay, hindi naman daw nababanggit ni Secretary Purisima yung G2G?

Villar: Kasi ang sabi niya sa akin, hindi daw siya ang nag-recommend noon. Iyon daw ang decision ng NFA Council. So nung makita ko si Secretary Purisima tinanong ko sya, talaga bang ayaw nyo na ilimit sa G2G ang importation? Sabi niya, wala, okay lang sa amin iyon. Gusto ko lang malaman, sino ba ang ayaw mag-G2G? Confused ako kasi kapag kinausap mo individually ang mga nasa NFA Council, ang sabi nila okay lang sa kanila ang G2G pero sinasabi ni Administrator Dalisay na gusto niya ang G2G kaso iyon ang decision ng NFA Council. Nagtuturuan na sila. We are asking for the transcript of their meeting.

Q: Hindi ba pwedeng idaan sa legislation ang G2G para mandatory?

Villar: Iyon ang ita-try kong i-pass next Congress kung kaya. Kasi napasa namin ang extension ng ACEF, medyo mahirap dahil galit sila diyan. Naipasa namin iyong making agricultural smuggling economic sabotage, medyo mahirap iyon pero napasa namin. Malay mo mapasa namin ito, we will try.

Q: Sabi ng NFA baka mag-shoot up ang price ng palay dahil sa G2G?

Villar: Wala naman tayong pinipigil na importation. Ang pinipigil natin ay smuggling. Iyon naman ang hindi ko maintindihan sa sinasabi nila. Hindi ko naman siya pinipigil na mag-import but limit it to government kasi ang mga private ang nagi-smuggle. Kung may shortage, sila ang mag-import. Hindi naman nila pwedeng sabihin na wala silang pera kasi nagsumahan na rin kami, kikita pa sila. Kasi kapag nag-import sila, hindi sila magbabayad ng tax, mura sa abroad. Maipagbibili nila sa mga tao at kikita pa sila.

Parang P7 per kilo ang projection, kikita sila. In fact, they don't need to ask government for budget anymore because they will earn enough to support NFA as an agency because of that. Hindi naman kailangan ng puhunan kasi they can borrow and pay it after selling the rice. Napakadaling i-sell ng rice sa Pilipinas, lahat ng tao bumibili ng rice.

Q: Is it possible na may kumikita sa pag-issue ng import permit sa private sector kaya hindi mapigil?

Villar: Hindi masama isip ko so hindi na ako magko-comment diyan. Ako, trabaho lang ito.

Q: But that is possible?

Villar: Posible.

Q: May movement ngayon against Marcos para hindi siya manalo?

Villar: Expected na niya iyon. We have talked about it a long time ago that that is very imminent.

Q: Makakaapekto ba sa kanyang candidacy kasi binubuhay ang mga nangyari during Martial law?

Villar: Expected na niya iyon, alam niya so it's a consideration already in his candidacy. That is something na expected.

Q: Ano ang kailangang gawin ni Sen. Marcos to counter the campaign against his candidacy?

Villar: Magaling naman iyon, kaya niyang pag-isipan kung ano ang gagawin niya doon. It's part of the strategy already.

Q: Fair ba na sabihin na kasalanan ng Tatay at ipapasa sa anak?

Villar: It's for individual voters to decide. Kami kapartido namin siya, biased kami. We will see if the voters will accept that. Kasi tayo naman may freedom tayo, maraming ipi-feed sa atin, may i-aacept tayo, merong hindi. So i think it deopends on the voters. Kasi kung kami ang tatanungin mo, syempre kapartido namin siya, biased kami.

Q: Hindi kaya iyon indication na maraming threatened kay Sen. Marcos?

Villar: Of course. That's politics... Medyo hot na tayo ngayon, malapit na. Two months to go, almost. Expected iyon. I think alam niya iyon na this will happen. It's not something na magugulat siya.

Q: Napaghandaan na niya?

Villar: Oo. Noon sinasabi ko sa kanya iyan. Sabi niya ano ang magagawa natin doon, we expect that. He has accepted that it will be part of the campaign.

Q: Sa NP members na tatakbo as VP, may susuportahan na ba kayo?

Villar: Free zone nga eh.

Q: Sa presidential, meron nang sinusuportahan ang NP?

Villar: Wala pa. Marami na sa kanila ang committed, iba-ibang kandidato. May committed kay Mar, may committed kay Grace...

Q: Kayo po?

Villar: Wala.

Q: Sa debate may comment po ba kayo?

Villar: Tingin ko iba-iba ang approach nila, depende sa taste ng tao like for example, mga local government, down to earth ang mga sagot nila. Iyong mga part ng national government, would be more on statistics, or mas studied. Depende sa taste ng taong makikinig. Iyong ibang tao gusto nila ang ganun, aral na aral. Iyong iba naman ang gusto yung praktikal at saka may color.

Q: Who came prepared?

Villar: I think prepared naman sila. Sa aking taste lang, gusto ko yung mga solution na realistic. Pwede mong sabihing maraming solution pero kung mahirap namang i-implement, mahihirapan din tayo, based on my experience. Dapat ang solution practical and implementable kasi we can say very nice things pero hindi naman natin kayang i-implement, mahirap din iyon. Dapat kayang i-implement. Iyon ang question, kung makakagawa tayo ng enough to help our people.

Q: Sino ang may pinakapractical na solution? Si Duterte ba?

Villar: Iba-iba sila, iyong iba na nag-aral meron din silang practical solution. Depende sa topic. Pero in the end, I think, who can implement it well. Iyon ang judgement. Kung sino ang may kayang mag-implement. Kasi we can have all the plans but can we implement it? Sa akin iyon kasi pwedeng pinakamaganda ang programa mo pero wala ka namang na-implement, wala rin iyon. Pwede namang simple lang ang programa mo pero nagawa mo, okay iyon.

Q: Kanino ka naimpress?

Villar: Kaibigan ko kasi lahat sila, baka magalit sa akin.

Q: Iyong ACEF at anti-smuggling act, parehong nasa Malacanang na?

Villar: Lima ang nasa Malacanang, ACEF, anti-smuggling, farm tourism, Halal and then yung establishment of fish hatcheries in 14 provinces.

Q: Walang word from Malacanang kung pipirmahan?

Villar: Wala naman. Hindi naman ito kontrobersyal.

Q: So walang mabi-veto?

Villar: Sa tingin ko wala kasi pure legislation ito, wala namang budget na malaki. Nandun na iyong budget, it's a matter of continuing. Iyong mga fish hatcheries cleared with DA na iyon if they can do it. Kaya namin pinasa because they said they can do it. In fact, they advised us kung ano ang pipiliin kasi iyon daw ang tama based on studies.

Okay na iyon. Iyong Halal naman is accreditation iyon to make sure that the accreditation is reliable kasi ang tina-target natin export. Kapag ang accreditation mo hindi ayos tapos inexport mo, mare-reject iyon. Hindi pa yata na-transmit, dapat daw sabay-sabay. Nahihirapan daw ang Bills and Index to transmit kasi ang daming napasa at sabay-sabay.

Q: Pero matatransmit iyon bago matapos...

Villar: Of course. Tsaka kahit hindi sila on time, napasa iyon.

News Latest News Feed