Press Release
February 25, 2016

Excerpts of DZRH Interview with Senate President Franklin M. Drilon by Joe Taruc and Milky Rigonan
February 25, 2016

On the 30th Anniversary of the EDSA People Power Revolution

SPFMD: Binabati po natin ang ating mga kababayan ng Happy 30th Anniversary. Thirty years ago, February 22, 1986 doon po nagsimula ang People Power Revolution.

Q: Thirty years ago, pagkatapos ng EDSA People Power Revolution ay isa po kayo sa mga umalalay kay Pangulong Cory Aquino.

SPFMD: Ako po ay nasa private sector noon. Apat na araw, nandoon kami sa EDSA at ang aking contact noon kay Pangulong Cory ay very limited, dahilan po sa ang aking kliyente pa noong ako ay nag-pa-practice ay ang yumaong kapatid na si Dr. Josephine Cojuangco-Reyes na kliyente ko noon, and doon ako umaalalay through the sister of Cory, si Josephine Cojuangco-Reyes.

Q: Hindi po natin maiwasan na banggitin na kayo po ang isa sa mga itinalaga niya sa Department of Labor noon.

SPFMD: Kung inyong maalala, noong in-interview lagi ako noon ni Joe at marami pong nakikinig sa atin noon dahil Secretary of Labor ako noon, at maraming nakikinig sa atin na mga security guards, etc. at maraming tao dahil sa mga batas ukol sa paggawa.

Ang tanong ninyo, bakit ako napasok? Iyan po ay dahilan sa naghanap ng katulong ang yumaong Bobit Sanchez bilang Kalihim ng Department of Labor noon na medyo hirap noon, maalala ninyo na noon ay talagang ang labor sector, tine-test kung hanggang saan ang limits of the freedoms they have. Kaya sabi ni Bobit, "Tulungan mo ako rito," kaya pumasok ako as Deputy Minister on Labor dahil yaan ang practice ko.

Q: No. 1 po nga po ng problema ng bansa natin ngayon ang contractualization, noon pong panahon ninyo ay wala pong mga ganyan.

SPFMD: Hindi po, dahil sinusunod natin ang batas. Ang sinasabi ng batas, hindi po pwedeng gawing contractual ang trabaho na kasama sa negosyo ng kompanya. Halimbawa, yung mga tellers sa mga bangko. Yoon ay regular activity sa bangko, kaya hindi mo pwedeng sabihin na "Kukuha ako ng contract sa labas, mag-outsource ako." Hindi po iyan pwede dahil iyan ay regular function ng isang bangko. Sa ganoon iyan. Ang mga position na pangangailangan ng employer sa kanyang negosyo, yaan ang mga hindi pwedeng i-contract.

Q: Kailangan pa ba ng additional legislation para mahigpit na maipatupad ang mga batas, ngayong mga empleyado laging end of contract pagdating ng 6 buwan, walang pagkakataon na maging regular employees?

SPFMD: Sa akin hindi na kailangan eh, maliwanag na ang ating batas. It is a question of enforcement, of implementation. Sa katunayan, maalala ninyo noong panahon ko bilang Secretary of Labor, mayroong isang malaking dayuhang bangko, ang damin na-hire na contractual, talagang pina-absorb ko na, employees pina-absorb na sila. Nanalo kami sa Korte Suprema. Kaya ang batas ngayon, wala ring pinagkaiba.

Q: Hindi natin maikakaila na ngayon ay marami pa ring mga kompanya na puro contractual ang mga trabahador.

SPFMD: It is a matter of enforcement. Ito siguro ay dahilan na rin sa hindi sapat ang trabaho sa bansa, kaya ang state ng labor ay madaling gawin ito, at marami tayong nakikita na strictly speaking, ay hindi tama.

Q: Kaya po siguro ay nakikita rin ng ating mga kababayan ang ginawa ninyo noon sa Department fo Labor kaya nga wala yung mga ganyang contractual noon. Hindi ganoon katindi ang labor unrest ng panahon na iyon.

SPFMD: Let me correct: Noong 1986 talagang ang daming nagulantang dahil sa 20 taon na-suppressed ang labor movement. Noong nagkaroon tayo muli ng kapangyarihan mag-organize at labor freedom, maraming union na nabuo at tinetesting nila dahilan sa na-suppressed sila ng 20 taon. Pagpasok lang ng 1986 nagkaroon uli ng labor rights. Ngunit talagang we exercised mediation, talagang pinaghirapan natin. Ilang oras tayo sa isang araw sa Department on Labor, nagko-conciliate, at binuo natin ang isang institution para po yung mga di pagkakaintidihan ay mabigyan ng avenue para makapag-usap sa pamamagitan ng National Conciliation and Mediation Board.

Q: On legacy of EDSA People Power Revolution

SPFMD: Ngayon talaga nagkaroon ng basic growth and freedoms kaya naman sana po today ay I'll let you know ano ba ang value ng EDSA. Alam mo po - lalo na sa ating mga kabataan - you will not know the value of democracy and freedom until it is taken away from you.

Noon, ang dalangin nila noong Martial Law ay pwede kaming magwelga, pwede kaming lumaban para sa aming mga rights bilang mga manggagawa. Uulitin ko lang po para sa ating kabataan - you will not know the value of democracy and freedom until it is taken away from you. Hindi mo alam na ang sarap pala, kapag tayo ay malaya. At iyan po ay sana huwag natin malimutan.

Noong Martial Law po noong ako ay nagpapractice ng abogasiya, pag nahuli ang kliyente ko, pag may kaso at nahuli ang kliyente ko, diretso ako sa Crame. Imbes na huwes ang kaharap mo, kay sarhento ka magpapaliwanag. Bilang abugado, talagang masakit sa loob mo na wala kang magawa, dahil noon po ay Martial Law. You will not know the value of freedom until it is taken away from us. Marami mang mga pagkukulang sa nakalipas na 30 taon, ngunit ang hindi madedeny ay tayo ay may working democracy. Mayroon tayong mga institusyon, institutions of democracy and these are working. You can not deny that. Ito po ay katunayan, tayo po ngayon sa DZRH ay malayang bumatikos.

Q: O magmungkahi ng mga solusyon para sa ikakabuti ng bayan.

SPFMD: Alam mo nabanggit mo yung "sa ikabubuti ng bayan." Noong Martial Law, ang slogan ay "Sa ikabubuti ng bayan, disiplina ang kailangan." Mayroong isang komentarista, ang sinabi " Sa ikabubuti ng bayan, bisikleta ang kailangan." Kaya ayun nakulong. Yan po ay mga halimbawa na nagpapatunay na sa kung ano man ang nakikita natin ngayon, yaan po ay dahil sa ipinaglaban ni Pangulong Cory noong 1986 ang ating kalayaan.

Q: Sangayon po ba kayo sa mga mungkahing hakbang na sa mga ganitong okasyon ay dapat ang lahat ng politiko ay isantabi muna ang politika, regardless of color?

SPFMD: Let it be, that's part of our freedom. Huwag nating pilitin. Kung yaan man ay darating, let it come as a natural process.

News Latest News Feed