Press Release
March 3, 2016

Excerpts of RMN Cebu Interview with Senate President
Franklin M. Drilon by Atty. Ruphil Bañoc

Q: Kumusta po kayo ngayong linggo na ito?

SPFMD: Ito, Big Man pero pumapayat dahil sa kampanya.

Q: Aside from sa rally ninyo mamaya, ano-ano pa po ba ang mga inyong pupuntahan?

SPFMD: Well marami pa po. Unang una, marami pa po kaming pupuntahan. Yes, we are on the campaign trail.

Q: Kayo po ay 4 time Senate President - ang pinakamahaba since the EDSA Revolution . Ano- ano na po ba ang mga batas na naisulong at naipasa sa ilalim ng inyong pamumuno?

SPFMD: Ilan lang po ang aking babanggitin. Pinakaimportante yung Iskolar ng Bayan Act. Yan po naipasa natin, ito po ay nagbibigay ng scholarship sa top 10 high school students, libre na po ang kanilang sa pampublikong unibersidad pagdating ng Hunyo. Ito po isa sa ating ipinasa.

Pangalawa po yung tax exemption limit sa 13th month pay, sa mga bonus. Iyan po ay naipasa din yung pagtaas ng tax exemption limits sa mga Christmas bonus, mula P30,000 papunta sa P82,000. Ibig sabihin, kung noon ang bonus mo ay lalagpas na ng P30,000 ay binubuwisan ka na. Sa ating ipinasang batas ay hanggang P82,000 ay wala na pong buwis iyan.

Ito pong mandatory Philhealth coverage for senior citizens ay ating ipinasa din natin iyan, noong nakaraang Kongreso. Pero in relation to this, kung nagkakaroon tayo ng pera o pondo para sa Philhealth yan pa ay dahilan sa mga sin taxes na ipinasa ni Senator Drilon noong 15th Congress. Ang Sin Tax Reform Law ay nagpataas sa mga buwis sa mga naninigarilyo at umiinom ng alak, kaya noong nakaraang taon ay mahigit po sa P140 billion ang nalikom ng ating pamahalaan dahil doon sa mga sin taxes na itinulak ni Senator Drilon.

At ito po nagamit natin para sa libreng coverage sa Philhealth ng around sa 70 percent ng ating mga kababayan, ito po ay libre ang gamot at hospitalisasyon at malaking bagay po iyan.

Alam mo yung pinaguusapan nagyon at pinagdedebatehan ngayon, yung citizenship ni Senatro Greace Poe? Ako po ay nagsulat noong batas na iyon, yung Dual Citizenship Act. Ako po ang sumulat niyang batas na iyan, pero hindi po ako nagkokomento bilang respeto sa Supreme Court. Q: Ang laki po ng benefit niyang sin taxes na kayo ang author nito, dahil doon napunta sa Philhealth, especially sa mga seniors.

SPFMD: Talagang tinayuan ko yan, at dahil sa solid performance ko diyan ay naipasa natin ang batas. Mahirap at by one vote ako nanalo diyan. Pero naipasa ang batas, at nevertheless nakatulong at napondohan natin ang Phillhealth.

Q: Kaya malaki ang benefit ng senior citizens dahil covered na sila lahat.

SPFMD: Lahat po ng seniors ay covered na niyan. At mas importante, may pondo. Mahirap yung covered nag pero wala namang pondo. Kaya iyan po ang naitulong ko.

At siyempre, ang mga taxes na iyan, nakakatulong iyan. Halimbawa yung Pantawid Pamilyang Pilipino program, mapopondohan natin iyan dahil sa maganda ang koleksyon ng ating pamahalaan. Pati po yung mga infrastructure dito sa Cebu ay atin pong napondohan iyan dahil sa malaki ang pondo ng bayan dahil maganda ang koleksyon.

Yaan po ay dahilan sa Daang Matuwid, sa good governance. Hindi mo po pwedeng sabihin na maaring malaki ang proyekto kung walang pondo, at ang pondo ay nangyayari lamang kung tayo po ay nagbabaayad ng tamang buwis at ang buwis ay nanggagaling sa pamahalaan.

Q: Itong Overseas Absentee Voting Act, ikaw rin pala ang author nito.

SPFMD: I authored that, noon pa yan, iyan po ay aming ipinasa kasama doon sa Dual Citizenship Act. Yang Overseas Absentee Voting Act ay para po ang ating mga overseas workers ay pwedeng bumoto, dahil ang election natin, to elect future leaders, yaan po ay importante. Ngayon, dapat isali natin at ngayon nga ay isinasali natin ang mga estimated na 5 million na kababayan natin na pwedeng bumoto sa labas ng bansa.

Having said that, medyo nalulungkot po ako na medyo mahina ang turn-out sa ating mga kababayan,

Q: Ano po ang panawagan ninyo ngayon?

SPFMD: Ang panawagan ko po ngayon sa ating mga kababayan sa ibayong dagat, ang kinabukasan po natin ya depende sa mga leader na ating inihahalal. Ang karapatan po natin na maghalal ng maayos na pinuno, yaan po ang ating kinabukasan. Kaya hinihimok ko po kayo: Exercise your right to vote. Bumoto po kayo.

Bukas po, hindi lang sa halalan ngunit may period sa absentee voting eh, kahit one month - kung hindi ako nagkakamali - of voting by May pwede pa. Exercise your right to vote. Sumali po tayo sa mga halalan upang maayos ang mga lider na ating maihalal. Lalo na po sa ating overseas Flipino workers, marami po sa inyo ay influential sa inyong mga kamag-anak dito sa ating bansa, tulungan niyo po at magbigay ng advice kung sino ang karapat-dapat, na may malinis na pamumuno, na ipagpapatuloy ang mga benepisyo ating nakakamtan. Dito po sa plataporma ng "Daang Matuwid," nakikita po natin ang pagunlad ng ating bayan.

Q: Kapag nabigyan kayo po muli ng mandato sa Senado ano po yung mga panukalang batas na prayoridad ni Senator Drilon?

SPFMD: Unang una yung Salary Standardization Law IV. Nagibgay na ng executive order ang Pangulo,ngunit iyan po ay para lamang sa kasalukuyang taon sa 2016. Next year, unless maipasa ang isang batas, ay wala pong increase, at iyan po ay para dapat sa 2016, 2017, 2018 at 2019. Yung 2016, inutos na ng Pangulong Pnoy. Yung sa 2017, 2018 at 2019, yun po ay tatrabahuhin natin through a Salary Standardization Law IV. Yun ang unang unang gagawin natin.

Pangalawa yung income tax reform law. Alam po ninyo, ang income tax structure, sa 1995 pa ang basehan ng ating income tax system, kung saan ang P500,000 ay binubuwisan ng 32 percent. Yung P500,000 ay sinet noong 1995 pa, at iba na po ang katumbas ngayon ng P500,000.

Kaya kailangan reviewhin natin nang maitama yung income tax structure natin, as I said, yung P500,000 sinet pa po ito noong 1995, twenty years ago. Ang halaga ng P500,000 twenty years ago ay hindi na po P500,000 ngayon, pero ang buwis, 32 percent. So atin pong titingnan iyan.

Yung pong sa anti-political dynasty, atin din pong itutulak iyan.

Q: Aside from Senator Drilon, wala na po bang politikong Drilon?

SPFMD: Wala po. May dalawa po akong kapatid sa pamahalaan, but sila ay career employees. Ang isa po manager sa GSIS sa amin sa Iloilo, at yung isa ay doctor at medical director sa regional hospital sa Negros Island region.

Q: Kaya po may karapatan kayo na ipush ang anti-political dynasty.

SPFMD: Meron po akong "k" ika nga. At inumpisahan na natin sa nakaraang Kongreso, yung Sangguniang Kabataan Reform Law, yaan po ay may anti-dynasty provision na maliit na hakbang, ngunit mabuti iyan ay ginawa. At over the years, magiging full na ang ating compliance sa 1987 Constitution.

Q: Sa tingin mo makakalusot iyan, sa Congress?

SPFMD: Siguro paliwanagan lang iyan. Ipapaliwanag natin siguro na ito ay kailangan natin.

Itutulak din natin yung Political party Reform Act, dahilan po sa ngayon, ang reklamo ng taumbayan, ang mga politko, parang tsaleko lang ang mga partido, ngayong araw itong partido, sa makalawa, ibang partido na naman, ibang tsaleko na naman. Kaya isa po sa ating itutulak ay yung political party reform na ipagbabawal itong turncoatism, yung bigla-bigla na lang magpapalit ng partido. Kaya ang mamamayan, hindi maganda ang tingin sa mga partido, ay dahil po sa ganitong mga bagay, kaya atin pong aayusin.

News Latest News Feed