Press Release
April 19, 2016

Transcript of DZRH Interview with Senate President Franklin M. Drilon by Rey Sibayan and Henry Uri

Q: Sa nakalipas na tatlong eleksyon kayo ay consistently number 4. Ngayong 2016, nangunguna po kayo sa mga survey. Ano po ang masasabi niyo dito?

SPFMD: Mas nakakataba po sa puso na nangunguna tayo sa listahan ng ating mga kababayan na boboto sa May 9. Mas inspired po tayong manalo at maglingkod muli dahil marami pong naniniwala sa atin, sa Big Man ng Senado. Ito po ay isang recognition ng ating mga nagawang reporma sa batas at nakalipas na termino bilang senador at pangulo ng ating Senado. Kaya maraming salamat po sa ating mga kababayan.

Q: Bilang author po ng Overseas Absentee Voting Act, ano po ang inyong masasabi sa ginagawang pagboto ng ating mga OFWs?

SPFMD: Alam n'yo po, ako ang co-author ng Absentee Voting Act of 2003. Ipinasa natin iyan para bigyan ng pagkakataon ang mga overseas Filipino workers na magamit ang kanilang karapatang bumoto, kahit na sila po ay nasa labas ng bansa.

Importante po na lumahok po tayo sa halalan dahil kailangan natin ang mga lider na disente at tunay na paglilingkod sa bansa. Kung hindi tayo boboto, huwag tayong magreklamo kung ang mahalal ay yung mga mga magnanakaw o walang alam sa pamumuno.

Kaya isa lang po ang aking mensahe sa ating kababayang mga manggagawa sa ibayong dagat: Lumabas po tayo at bumoto. Huwag sana pong sayangin ng ating mga botanteng OFW ang halos isang 21 na araw natitira sa period ng overseas voting para sila ay bumoto sa kanilang gustong mamumuno sa bansa.

Alam mo, nakakalungkot dahil ang estimate namin noong kami ay ginagawa namin itong batas na ito, may 7.5 million na kababayan tayo sa labas ng bansa. May 7.5 million tayo na pwedeng bumoto sa labas ng bansa. Sa ngayon po ang registered voters natin ay 1.376 million lamang. At out of 1.38 million, mga 66,378 lamang ang bumoto as of April 17, ayon sa DFA.

Kaya nakakalungkot ito, it is much less than 10 percent of our registered voters sa ibayong dagat, kaya hinihimok ko ang ating mga kababayan, get out there and vote. Importante po ang inyong mga boto, mga kababayang OFW.

Q: Nagbigay po ng positibong outlook sa ekonomiya ng bansa ang isang international research firm dahil umano sa mga nagawa ng Aquino administration. Ano po ang inyong masasabi?

SPFMD: Alam n'yo po, maganda yung assessment sa ating bansa international research firm na Capital Economics. Ang sabi po nila: "the achievements of President Beningo Aquino III will outlast his presidency."

Ibig sabihin, may mga repormang nakapagpaganda sa ating buhay, bilang mga Pilipino will go beyond his presidency. Tama nga naman, dahil sa pamumuno ng Presidente Aquino, lumago ang ating ekonomiya by an average of 6.2 percent - na pinakamabilis since the 1970's.

Ayon sa kanila, ang ating ekonomiya ay"crisis-proof" o patuloy na lalago kahit na magkaroon pa ng slowdown sa pandaigdigang merkado.

Yung mga ganitong bagay po ang dapat isipin ng ating mga kababayan kapag bumoto sila sa Mayo 9. Ipagpatuloy po natin itong mga magagandang reporma na nagawa ng ating Pangulo, dapat po ang susunod na lider ay maipapagpatuloy at palalawakin ang mga naabot natin sa Daang Matuwid, yung 4Ps beneficiaries at yung Philhealth, yan po ay nagawa dahil sa reporma na nakapagbigay ng ginhawa sa ating mga kababayan.

So ito ang tanong: Itututloy ba natin ito o ilalagay sa alanganin sa susunod na administrasyon? Dapat po ang susunod na lider ay maipapagpatuloy at palalawakin ang mga naabot natin bilang isang bansa sa ilalim ng Daang Matuwid.

Q: Ano po ang inyong reaksyon dito sa pinakahuling vice presidential debate na nilahukan ng inyong pambato sa Liberal Party na si Leni Robredo?

SPFMD: Alam mo po yung sinasabing "Nagawa na iyan sa dalawang lungsod," sa akin po yung sa vice presidential debate, nagawa na lahat po ng sinasabi nila sa buong bansa, hindi lang sa 2 lungsod. Sa buong bansa po napalago natin ang ekonomiya, kaya po hindi na nakapagtataka na sa pinakahuling mobile survey ng Social Weather Stations (SWS), si Congresswoman Robredo na po ang number one at nangunguna sa mga kandidato sa pagkabise presidente.

Kaya ako po ay naniniwala na sa pagdating sa halalan, ang tambalang Mar- Leni po ang pipiliin ng ating mga kababayan bilang kanilang presidente at bise-presidente.

News Latest News Feed