Press Release
April 22, 2016

SENATOR FRANCIS ESCUDERO PRESS CONFERENCE TRANSCRIPT

FGE: Hello.

MODERATOR: Would you like to a have an open statement, Sir?

FGE: Ano?

MODERATOR: Would you like to have a...

FGE: Wala na. Diretso nalang.

MODERATOR: Yes.

FGE: Ubos na ang boses ko.

MODERATOR: (laughs) Okay. Sige. We'll receive the first question.

QUESTION: Sir, good afternoon po.

FGE: Yes.

QUESTION: We have to keep in mind we have a website...

FGE: COMELEC?

QUESTION: All our data is out in the open

FGE: Oo nga e. Nakita ko rin 'yung address ko at pangalan ko doon e pati 'yung kay Heart. It is cause for worry kasi nga wala palang security feature 'yon. Baka 'yung transmission ng election results hindi rin ganoon kakumplikado 'yung security features kaya pinaalarm na namin 'yung mga abogado namin at 'yung mga IT experts namin na muling makipag-ugnayan sa COMELEC para matiyak na ito ay isolated incident dahil ito ay data lang. Paano 'pag 'yung transmission ng results ng election ang ma-hack? 'Yon, mas nakakabahala 'yon.

QUESTION: What I wanted to say, hindi kaya possible ang failure of election?

FGE: 'Wag naman. Sayang naman 'yung pagod namin. Sana hindi. Once every three years lang ang trabaho ng COMELEC. Alangan naman palpak pa sila sa trabaho nila. Hindi yata katanggap-tanggap 'yon. Sana lang makita ng COMELEC kung gaano ba ka-secure 'yung ating transmission ng votes at, pangalawa, ipaliwanag sa publiko ano ba ang nangyari, bakit nagkaron ng hacking sa database ng COMELEC. 'Yung mga nagtatago tuloy ng address, nakita na 'yung mga address nila.

'Yung address ko kahit sabihin ko naman sa inyo walang problema. Barangay Buhatan Maharlika Highway Kilometer 586 Sorsogon City, Sorsogon, Sorsogon. 'Yung presinto ko nandoon din 'yon, nilagay sa website.

MODERATOR: Thank you.

QUESTION: Good morning, Senator. I am... Sir, naglilipatan na po 'yung iba-ibang local candidates and their supporters from one camp to another. Ang iba po actually papunta po sa kampo ninyo ni Madame Senator Poe. Ano pong observation niyo dito? Is this proper po ba? Ito po ba talaga ang building politics ng ganito or do you observe this as a paradox po entirely?

FGE: Well, it's fully industry. It's not illegal. At 'yan ang rason kung bakit wala kaming sinalihang partido ni Senator Grace. Kadalasan 'pag may nagiging presidente, hindi ba lumilipat lahat sa partido ng presidente. Halimbawa noong nanalo si Presidente Aquino noong 2010, ang congressman at miyembro ng Liberal Party ay 21 o 23 lang yata. Ngayon 110 na sila.

Noong tumakbo si dating Pangulong Estrado, labingwalo lang ang miyembro ng LAAMP. Noong naging presidente siya, umakyat ng 150 congressmen. Si Pangulong Ramos, inimbento lang niya 'yung partido niyang LAKAS. Ang miyembro no'n kapatid niya, si Steven De Venecia, dalawang congressman, at pamangkin niya. Noong naging presidente siya, umakyat ng 176 members of congress ang miyembro ng partido niya.

Wala kaming partido talaga ni Senator Grace kasi gusto namin hindi na kailangang mangyari 'yung nakikita naming nangyayari ngayon. Manalo man si Senator Grace, manalo man ako, wala silang partidong lilipatan dahil wala naman kaming kinabibilangan na partido. Puwede silang mag-stay put sa mga partido nila para naman sa ganoon magkaroon ng stability ang ating political party system.

QUESTION: Sir, isa nalang po. Ano na po ang progress tungkol sa finayl ninyong case sa COMELEC of complaint na napupunta po kay Mar ang boto ng mga OFWs?

FGE: Wala pa kaming feedback mula sa COMELEC. Pinapacheck namin sa mga hurado which inaasahan namin may feedback kami within today mula sa COMELEC kung totoo nga ba na iba ang binoto pero ang lumalabas sa bilang Roxas-Robredo. Medyo mali naman yata at dispalinghado 'yon. Pakisabi sa kanila hindi na 'yon Tuwid na Daan.

MODERATOR: Thank you. Yes?

QUESTION: Hello, Senator.

FGE: Hi, Sir. Nagkita tayo ulit.

QUESTION: Sa ngayon, dito, Senator, tungkol po sa mga magsasaka natin. Humihingi sila ng paumanhin sa magsasaka natin lalo na alam naman natin kaya nga po... kung sakaling kayo ang pangalawang pangulo, anong plano mo para matulungan natin 'yung mga magsasaka natin?

FGE: Hindi na dapat maulit muli 'yung nangyari sa Kidapawan kung saan bigas 'yung hinihingi nila bala ang pinadala sa kanila ng gobyerno, kung saan gusto nila makipag-usap sa Department of Agriculture pulis ang pinadala ng gobyerno. Alam ninyo iyong tama ng isang magsasaka, eksakto sa ng noo, sa pagitan ng dalawang mata. Ibig sabihin hindi po iyon putukan, barilan o encounter. Sniper ang tumira doon sa magsasaka. Hindi na dapat mangyari po iyong muli. Layunin sa Gobyernong may Puso, maglaan ng 300-B para sa Agriculture. Para hindi na magkulang ang tulong na ibinibigay natin para sa ating mga magsasaka. Two years ago, alam na natin na may El Niño. Walang ginawa ang Department of Agriculture. Sa katunayan intact pa iyong calamity fund ng administrasyon. Para sana nagamit para matugunan ito. Dagdag irrigation, small water impounding facility, alternative livelihood, ang dami sanang pwedeng magawa pa at magamit. Ngayon kitang kita ko sa Mindanao pati sa Visayas at Luzon nagbibitak bitak ang lupa. Tuyo nag lupa, tigang na tigang talaga mula sa tubig. Sana ito ay naresolbahan sa paghahanda ng maaga ng Department of Agriculture. Pinondohan namin ang PAG ASA para accurate ang kanilang weather forecasting. Kaya nga alam natin 2 years before na merong El Niñong darating. Pero inspite and despite of that hindi nila ginamit iyong panahong iyon. Palpak at walang puso ang gobyernong ito.

QUESTION: Sir, Robert Capinpuyan, ano po ba ang hinahangad na gawin ng ating mga opisyal sa pamahalaan para macontrol or mastop itong NGCP tower bombing?

FGE: NGCP tower bombing. Seguridad. Para sa akin ang ugat ng kahirapan at ang ugat ng rebelyon at kriminalidad, kahirapan. Hanggang nandiyan ang kahirapan palaging may aakyat ng bundok. Palaging may mag rerebelde. Palaging may magnanakaw at pumapatay. Dapat tugunan natin ang ugat ng problema, kahirapan. Kaya layunin namin dito sa Mindanao, maglalaan kami sa unang taon, 2017. 30% ng National Budget para sa Mindanao. Katumbas po nito, P1-T. Kada probinsya mag lalaan din po kami ng hindi bababa sa P25-B, halimbawa dito sa inyo, sa Misamis Oriental 25-B ang aming ilalaan sa 2017. Sana sa pamamagitan ng pondong iyon, mabawasan ang kahirapan sa lugar na ito. Mabawasan ang mga rebelyon rebelyon. At sa dagdag seguridad, kakayanin na po ng Armed Forces at PNP para alagaan at protektahan ang mga tore ng NGCP.

QUESTION: Sir gusto ko lang malaman iyong pro-BBL po ba kayo o anti-BBL?

FGE: Depende anong klaseng BBL. Iyong bersyon ng OPAP, anti BBL ako. May sarili kaming bersyon sa Senado na ginawa na sumasang ayon sa Konstitusyon. Dinagdagan namin ang poder ng ARMM, pero tinanggal namin iyong mga iligal na probisyon. At inayos namin iyong mga mali at baluktot na ginawa ng OPAPP sa bersyon nila ng BBL.

QUESTION: May pangalawa pa po.

FGE: Yes.

QUESTION: Ano ba iyong pinakamalaking pagkakamali mo bilang isang pulitiko at paano mo ito itinama?

FGE: Nang pumasok ako sa pulitika. Mas masaya ang buhay sa labas ng pulitika. Kapag nakapasok ka na, mahirap ng lumabas. Iyon na siguro iyong pinaka mali dahil kapag nasimulan mong makatulong at manilbihan, nakakaadik din iyon minsan. Mahirap ng umalis. Pero ngayon na nakapasok na ako, papunta lang naman ako sa pagtatapos ng aking... ng kwento ko sa pulitika. Manalo man ako konting panahon na lang din iyon. Hindi man ako manalo konting panahon na lang din naman iyon. So ika nga ng kasabihan. It is always greener on the other side of the fence. I look forward to quieter times after the elections or after my stint in politics, whatever the outcome maybe.

QUESTION: Kapag nanalo ka sa halalan, ano pa ba ang gagawin mo bilang isang vice president?

FGE: Lahat ng binanggit ko sisikapin kong gawin sinoman ang pangulo. Lalo na kung si Senator Grace ang pangulo dahil ito ay bahagi ng aming plataporma. Pero magkaiba man kami ng partido ng pangulo, sisikapin ko pa ring itulak ang mga paniniwala kong ito dahil wala namang mali sa mga sinasabi ko. Ano ang mali sa 300-M para sa Agriculture. Kelangan naman talaga nila iyon. Ano nag mali sa 1-T para sa Mindanao kelangan din naman talaga nila iyon. Patuloy kong isusulong iyon. Kung ano ang maninilbihan bilang ikalawang pangulo. Hello?

QUESTION: Okay senator good morning.

FGE: Babaan ninyo kaya ng konti para hindi mahirapan. Kung hindi kunin mo na lang iyong mic.

QUESTION: Okay sen. Oo, may tanong po ako sir kasi hindi kita nakita noong rally ni Senator Grace Poe ano po ang nangyari?

FGE: Magkahiwalay kami ng schedule noong araw na iyon talaga sinisikap naming marating mas maraming lugar. Dahil kokonti lang naman ang mga resources naming dalawa. So as much as possible, nirarating namin ang iba't-ibang lugar sa mas maraming pagkakataon. Pangalawa, yung sumusuporta naman yata sa kanya dito, hindi naman ako ang sinusuportahan din. Tanggap ko yun, dahil importante na manalo s'ya. Importante ang pangulo ko ang manalo, kesa ako.

QUESTION: Follow-up po, Senator. Narinig na namin ang inyong mga plataporma kung ano ang gagawin mo kung manalo ko bilang bise-presidente sa Pilipinas. So sa aming mga media, Sir, ano'ng pwedeng maitulong mo para ma-stop na po yung media killing?

FGE: Alam n'yo ang media killing na yan, ang solusyon naman talaga, hulihin at papanagutin ang sinumang gumagawa. Ang gobyerno kasi, tila pinapayagan at walang bahalang sinasabing pribadong away ang patayan ng media at hindi naman ang pagiging media ang rason o dahilan.

Dapat tanggapin ng gobyerno, ang pagiging media ang rason at dahilan kung bakit napaslang ang isang miyembro ng media. To be able to send the message correctly and strongly, hindi yan papayagan ng gobyerno. Hindi yan tatatntanan ng gobyerno. Halimbawa, pag may pinapatay na congressman o senador, tingin mo titigil ang gobyerno hangga't hindi nahuhuli yun? Syempre hindi. Dapat ganun din ang maging dating kapagka sa kahit sinong media ang pinatay. Hindi rin titigil ang gobyerno. Hindi rin sila tatantanan, para sa gayon, maiwasan at magdalawang-isip ang sino mang nagbabalak manakit o pumatay na miyembro ng media.

QUESTION: Last na lang po, Sir. Ano'ng reaklsyon n'yo po, lola, 75 years old na nasa NAIA na allegedly na nakunan ng laglag-bala? Ng bala?

FGE: Kapal ng mukha ng DOTC talaga e. Hindi pa nadala. At itong si Pangulong Aquino, hindi na rin nadala kay Secretary Abaya. Alam kong ilang buwan na lang s'ya. Pero pagdudusahin pa ba n'ya tayo sa kapalpakan ni Secretary Abaya sa DOTC? Pagdudusahin pa ba n'ya tayo sa laglag-bala na hindi tumutigil? Sa totoo lang, nakakapalan na ako ng mukha sa mga opisyal ng airport natin sa Manila. Huli na. Ginagawa pa din at patuloy pa ring ginagawa. Ewan ko kung saansila humuhugot ng kapal ng mukha at lakas ng loob para gawin pa rin yun.

QUESTION: Senator, yung sinabi mo po kanina na 300 billion for agriculture at saka 35 billion for (inaudible),saan n'yo po iso-source ito?

FGE: Dating chairman ako ng committee on finance. Alam ko po kung paano aayusin ang budget. It's about allocating scarce resources. Ang savings ng gobyerno, mula 2011, yun pa lang 723 billion na.

300 billion lang ang gusto ko para sa agrikultura. Dagdagan pa natin yung ibang gusto kong gastusin, isang trilyon sa Mindanao, 12.4 billion para libre lahat ng state colleges at universities. 100 billion para sa ating mga OFWs.

Ang sabi nila, magastos daw ako. Hindi gastos ang tingin ko roon. Ang tingin ko roon investment, investment sa ating mga estudyante; investment sa ating magsasaka at mangingisda; investment sa ating OFWs; at investment dito sa Mindanao.

QUESTION: Yung FOI. Alam naman natin na supporter si Grace Poe, Senator Grace Poe, sa FOI. Ano po'ng... Will you take this up as your pet legislation when you are elected as vice-president?

FGE: I don't have to, because I'm the principal author of the FOI bill in the Senate. Si Senator Grace ang principal sponsor ng FOI bill. Ibig sabihin, s'ya ang nagtanggol. Pinasa na namin yan sa Senado. Ang Kamara de Representantes ang hindi nagpapasa n'yan. Dakdak sila ng dakdak tungkol sa FOI, hindi naman nila pinapasa. Pwede ba ipasa muna nila bago sila magsabi na pabor sila at pinaglalaban nila ang FOI bill. Sa Senado, pinasa na namin yan more than two years ago.

QUESTION: Senator, Bobby Laxa po ng Rappler.

FGE: Hi, Bobby.

QUESTION: Sir, unang tanong, ano po sa pananaw ninyo yung rape joke ni Duterte?

FGE: Yung?

QUESTION: Rape joke ni Duterte.

FGE: Nalungkot ako sa kanyang sinabi. May mga bagay-bagay na hindi mo dapat dinadaan sa biro, at isa na po yun. May anak din akong babae. Nag-alala't nasaktan din ako sa mga pahayag na 'yun.

QUESTION: Follow-up po. I hope you can confirm that you're working with Romeo Jalosjos? You got your support. How do you reconcile this, Sir, that he is a convicted child rapist while you are condoning a rape joke?

FGE: Magkaiba po yun. Ang suporta ng kanilang partido doon sa Zamboanga del Norte ay hiwalay. Besides, pinagsilbihan, pinagdusahan, at sinerve n'ya yung sentence n'ya dun. Hindi naman umulit at nagsisi na kaugnay sa kanyang ginawa. Marahil, yun ang pagkakaiba. Itong taong ito, may pinagdaanan, pinagsisihan at pinagbayaran ang kanyang kasalanan. Hindi siya pinardon, sinerve niya ang sentence niya.

QUESTION: Sir, babalik lang po ako sa Comelec data leaks. Can the Comelec be sued po for being negligible considering ilang araw nalang eleksyon na?

FGE: Yes, because I think there is a basis to sue them on the basis of the rights to privacy. Sa akin okay lang malaman ang address ko. Pero 'yung mga taong di gustong malaman ang address nila kung saan sila nakatira, it is the duty of Comelec to keep that data private and secure. Hindi yan dapat bukas sa publiko lalo na kung wala naman silang sinabi na open to the public ang isusubmit mong information sa iyong registration.

QUESTION: Sir may lumabas na SWS mobile survey saying na si Cong. Robredo yung nanalo sa April 10, any reaction?

FGE: Lahat ng survey pinag-aaralan namin, tinitignan namin positibo man o negatibo. Sa katunayan, yung pinakamalalang survey ang pinaniniwalaan namin para mas magtrabaho kami. Kasi kung hindi totoo 'yun e'di ibig sabihin mas maganda at magiging malawak ang resulta at pabor sa amin.

QUESTION: Sir last on Duterte, may bagong article on inquirer saying na binaril niya 'yung isang kafrat niya during law school, hindi naman namatay pero nasaktan. What does this about (inaudible)

FGE: Is that a statement from him or statement from Sen. Trillanes?

QUESTION: Meron din siyang sinabi, doon sa rally yata.

FGE: So hindi sa inquirer?

QUESTION: Pero ginawa na rin ng Inquirer. Sinabi niya sa isang rally tapos may article ngayon sa Inquirer na confirming it.

FGE: Siyempre nakakabahala 'yung mga pahayag na 'yun. Bilang abogado at bilang human rights advocate, pinaglaban ko ang karapatan sa maraming pagkakataon at nagpasa rin ako ng maraming panukalang batas para maiwasan na mangyari muli 'yung human rights abuses na nangyari noong panahon ng martial law. Hindi ko alam kung salita lang ito o totoo naganap o nangyari o gagawin muli. Pero sana hindi nga totoo at sana salita nga lang ito. Sahil nakakabahala sa marami sa ating mga kababayan, lalo na sa inyo na miyembro media kung ito nga ay totoo noon at kung may balak pa siyang gawin muli ito.

QUESTION: Yung sinabi mo na sa budget kayo, sa tingin niyo po is Abad liable at tutugisin ba ng administrasyon ninyo once manalo kayo, 'yung ginawa niya sa DAP?

FGE: Wag ako, Supreme Court. Supreme Court ang nagsabi liable si Sec. Abad sa ginawa niya sa DAP dahil bawal, ilegal at unconstitutional 'yun. Ang pinagbabasehan ko, hindi opinyon ko, ang desisyon mismo ng Korte na nagsabi na may liability si Sec. Abad.

QUESTION: Good Morning Sir. So balik po tayo, dito sa Misamis Oriental, hindi pa rin nadeclare na under state of calamity, so if kayo manalo bilang vice president, wala po ba kayong gagawin para kahit unang tulong man lang sa magsasaka?

FGE: Actually ginawa na po namin 'yun. Kalahati ng ng pondo para sa kalamidad nilagay namin sa calamity fund. Kalahati nilagay ko sa quick response fund. Ano ang pagkakaiba noon? Ang calamity fund pwede lang gamitin pag nagdeclare ng state of calamity. Ang quick response fund hindi kailangan ng state of calamity. Kaya nga quick, kaya nga response. Mabilis na pwedeng gamitin para yan dyan. Ang calamity fund kailangan dumaan sa NDRRMC -- National Disaster Risk Reduction Management Council. Ang quick response fund, yung ahensya mismo ang pwedeng gumamit ng diretso ng hindi na dadaan sa NDRRMC. Kung kami ang may hawak ng gobyerno, agad namin gagamitin ang QRF at hindi na magpapaligoy ligoy pa na magbigay ng state of calamity bago magamit yung calamity fund.

QUESTION: Sir magandang tanghali po, kung kayo po ni Sen. Grace, ikaw manalo, si Duterte po ba ay tutugisin ng gobyerno na administrasyon niyo? Sa lahat ng mga sinasabi niya ngayon, with regard with the HR violations?

FGE: Iba ang salita, iba ang gawa. Alam mo sa panahon ng eleksyon marami sinasabi ang mga kandidato. Kalahati siguro totoo, kalahati siguro hindi. Kung may paglabag man sa batas, kailangan sampahan ng kaso. Pero hindi naman siguro krimen ang magsabi ka ng bagay bagay na ginawa mo o baka hindi mo ginawa. Malay natin, maliban nalang kung may ebidensya at pruweba. Wala rin yata 'yung batas na nagsasabi na dapat na ikulong 'pag nagyabang ka o may sinabi kang isang bagay na hindi totoo. Maliban na lamang kung libelous . Ibig sabihin may inusulto kang tao at dinemanda ka ng taong 'yon. libelous is a private crime that can only be filed by the person offended. Na para bang pagbabasehan

QUESTION: Paano din po kung talagang may mga magpu-push din ng kaso?

FGE: Then, the case should be denied. The case should be validating.

QUESTION: Sir, do you think among the presidential candidates that the God of Devourer is the most dangerous?

FGE: Is the most?

QUESTION: Dangerous.

FGE: Based on its words, yes. Wala ng ibang nagsasabi nu'ng sinasabi niya e. 'Yung papatayin kong kriminal. Ano pa ba? Pugot ulo 'yung congressman sa Amerika at Australia. Nakakabahala naman talaga 'yung mga pahayag na 'yon. Pero si Frank, ganoon na rin ang sinasabi. Pero sigurado ba tayo na gagawin talaga o 'yon talaga ang gagawin? Kasi baka mamaya si Frank nagyayabang lang hindi naman talaga totoo 'yung mga sinasabi niya. Binobola niya lang 'yung mga kababayan niya.

QUESTION: So, you're suspect this is just ano, puro salita lang?

FGE: I honestly don't know. I have no personal knowledge kung may ginawa ba talaga siyang pagpaslang noon. Tulad niyo, balita lamang ang naririnig ko at kwento niya. Kasi wala pa naman nagsampa ng kaso tungkol dito. Mayroon pa bang magsasampa ng kaso at kung may ebidensya sila susuportahan ko sila sa kasong isasampa nila. Gaya ng nasabi ko, advocate ako ng human rights. Tutulungan at ipagtatanggol ko palagi ang karapatang pantao.

QUESTION: Senator, sa Sunday na po 'yung presidential debate. Ano po 'yung i-advice niyo kay Senator Grace Poe?

FGE: Hindi pa kami nagkikita. Bukas pa lamang kami magkikita para pag-usapan 'yung presidential debate. Sasagot ako 'pag mga payo hinihingi niya dahil para sa akin simple lang siguro. Ilabas niya kung sino talaga siya at kung ano 'yung nakikita ko sa kanya, kung ano nakikita sa kanya ng mga marami sa ating mga botante; na siya ay isang batang pinulot na ang kapalaran sana ay walang patutunguhan pero nandito siya ngayon - posibleng maging presidente ng ating bansa.

Kung may ganyang kapalaran at posibilidad ng batang pulot, ano pa kaya kayo? Ano pa kaya tayong lahat? Siguro dapat pagkunan ng inspirasyon nating lahat ang kanyang buhay.

MODERATOR: Follow up question lang, do you have? Do you have a question? Mark.

QUESTION: Senator, if once you've become vice president, ano pong cabinet position ang hihingin mo?

FGE: Hindi pa namin pinag-uusapan ni Senator Grace. Sa akin, kahit ano pwede naman sa akin. Madalas binigay sa vice president, Housing ang pinagtatalunan ng mga tao na 'yon. Kahit na Housing pa tatanggapin ko kung iyong ang ibibigay naman sa akin. Kung DOJ ang ibibigay, abogado ako. Ano mang departamento, pareho pa rin naman ang gagawin ko. Papasok ako araw-araw ng maaga, tatapusin ko 'yung trabaho ko, uunahin ko palagi 'yung interes ninyo at hindi interes ng iba at ano mang ahensya 'yan hindi ko pagnanakawan maski na piso. So ano man 'yon, pareho pa rin naman ang gagawin ko.

MODERATOR: Follow up question, Mark? Wala na?

QUESTION: (Inaudible)

FGE: Atin at huwag natin bibitiwan 'yon. Salamat sa pagtawag ng West Philippine Sea. Tigilan na natin bilang mga Pilipino tawaging South China Sea 'yan para pangalan pa lang, atin na agad. Itutuloy natin ang sinimulan ng gobyerno; legal at illegal, regional, multilateral. Kaya para sa akin, dapat buksan din natin ang bilateral at back channel talks.

Mapayapang paraan din naman 'yan. Hindi natin dapat alisin 'yan sa mga posibilidad na pwede nating gawin at pilitin ipaglaban ang ating karapatan sa West Philippine Sea. Ang sunod na magiging problema 'pag nanalo tayo sa kaso, paano natin i-eenforce 'yan? Kailangan natin ng tulong ng international community para i-enforce ano mang paborableng desisyon ng The Hague pabor sa Pilipinas.

QUESTION: Thank you sir.

QUESTION: Sir, anong masasabi ninyo doon sa larawan na kumakalat ngayon sa Facebook sa paggamit ng government helicopter sa pangangampanya nina Kris Aquino kanila Mar Roxas?

FGE: 'Pag tinanong kung tuwid na daan pa ba 'yan, pinagsisigawan nila tuwid daw ang daan nila. Mukhang hindi na ata tuwid 'pag gumagamit sila ng government resources. Nito pong kampanya halos 'yan ang ginawa nila - ginamit ang government resources sa pamamagitan ng pag-distribute ng 4Ps.

Sa pamamagitan ng pagsabi na hindi matutuloy ang 4Ps 'pag matalo sila. Pag-distribute ng mga projects ng Department of Agriculture at paggamit ng government resources sa pangangampanya. Sige na, Presidente kinakampanya sila. Pero sana huwag gagamitan ng government resources sa pangangampanya sa kanyang mga kandidato.

QUESTION: Sir, if ever may magsampa ng kaso, hindi ba iyon magiging delay for the elections?

FGE: No. Because the case of the criminal liability of the officers of the Comelec. They have committed negligence and not making sure that the data base is secure. Walang kinalaman iyon sa paggamit ng registered voters natin na nasa database ng Comelec. Ang nakakabahala lang siguro ay baka sinaksakan ng mga flying voters iyong mga listahan na iyon. Kung nailabas niya, baka may naidagdag din kasi sila. Dapat i-imbentaryo ng Comelec iyon.

QUESTION: Sir, doon lang sa posisyon ng vice president and iyong mga bagay na sinasabi ninyo na ipu-push through like budget. These are the things that required legislation. I don't know how a vice president can...?

FGE: These are part of the platform of Senator Grace and myself at ng gobyernong may puso. I've been a member of congress for 18 years. 9 sa house, 9 sa senate. Alam ninyo nakita ko na iyan e. Dapat manggaling sa executive branch iyong proposal. Halimbawa, tingin ninyo bilang senador, kaya kong maglagay ng 1 trillion para sa Mindanao na matagal ko ng pangarap at matagal ko ng plano? Ang inilagay nilang budget sa Mindanao, 300 billion lang. Saan ako kukuha ng 700 billion.

Kailangan magbawas ako sa mga ahensiya ng gobyerno. Magbawas ako sa Visayas. Magbawas ako sa Luzon. Tingin ko papayag ang mga congressman na taga doon Dapat iyong proposal nandoon na mismo nakapaloob iyong 1 trillion para sa budget para sa Mindanao. Para lahat ng Mindanao congressmen, ipagtatanggol nila iyon. (inaudible) kasi ang budget. Bago ako makadagdag, may kailangan muna akong bawasan bilang congressman, bilang senador.

Pero, bilang presidente. Bilang nasa executive branch, buo ang budget. Depende sa iyo kung paano mo paghahati-hatiin. Kaya nga gusto naming tumawid ni Senator Grace from legislation to execution. Mas makikita namin, mas maipapatupad naming lahat ang layunin bilang pangulo, bilang ikalawang pangulo at hindi namin kakayanin bilang miyembro lamang ng senado.

QUESTION: Desisyon sa kaso ni Senator Grace Poe?

FGE: Tapos na iyon. Nadesisyunan na ng Korte Suprema. Ang pikon talo. Talo na sila, kung ano pa ang sinasabi nila. Kung nanalo sila, tatahimik naman kami. Tatanggapin namin at magwi-withdraw na si Senator Grace dahil disqualified siya e. Sana sila ganoon din. Natalo na sila sa kaso. Nag-decide na ang Supreme Court. Dinismis na ang kaso para sa reconsideration. Final na ang desisyon. Sana, tanggapin na po nila iyon.

FGE: Yes,Mike?

QUESTION: Any update on Kidapawan dispersal rally?

FGE: Pina-follow up ko ngayon. Actually, kay General Marquez. Ngayon ang taning na ibinigay nila para sumagot sila. Nagtataka lang ako. Iyong chief of police ng Abra, tinanggal niya ng walang paliwanag dahil may nagreklamo. Porke't ba heneral kapag nagreklamo hindi pareho ang pagtrato? Hinihintay ko ang aksyon kay General Marquez. At ang paalala ko lang kay General Marquez at General Sembo, anuman ang resulta ng eleksyon na ito. Magkikita kita pa rin kami sa mata at nandoon pa rin naman sila sa mga puwesto nila. Titiyakin ko sa kanila, papapanagutin ko sila sa ginawa nilang ito. Hindi man nila aksyunan ito sa panahong ito.

MODERATOR: Anyone. Yes, Joey?

QUESTION: (inaudible) willing na ilabas sa public ang psychological test

FGE: Isama mo na ang pagda-drug test puwede ba? Lahat na lang ng test na puwede mong gawin. Gawin na natin. Maliban na lamang kung kaya pang gumawa ng bata. Lahat na psychological, drug test lahat na po. Kasi iyon qualification talaga iyon sa pagtakbo bilang presidente.

Pero, iyong ibang pisikal na pangangailangan, hindi naman qualification iyon sa pagtakbo. Pero dalawa, psychological at drug test. Iyong drug test, hindi lang ihi. Dapat pati dugo at buhok para malaman talaga natin gumamit o gumagamit ba siya o hindi.

QUESTION: (inaudible)

FGE: Wala, kaya sana kayo ang manawagan. Anytime, manawagan kayo susunod ako. Drug test at psychological test, pareho willing akong gawin kahit anong oras, thank you.

QUESTION: Senator, are you confident na (inaudible)sa halalan?

FGE: Hindi pero sinisikap namin na maging malinis at kapanipaniwala iyan. Trabaho namin bilang kandidato ay tiyakin na magiging malinis ang halalan. Katulad din iyan ng mga botante, sana pagtulong-tulungan natin. Hindi ako kumpiyansa, kaya nga marami kaming ginagawa upang matiyak na magiging malinis at kapani-paniwala ito, thank you.

QUESTION: Senator, bago na po kasi yung regional director namin sa PNP. Gusto ko lang ma-verify na kung gaano po katotoo na kaya po tinanggal si (inaudible)dahil po daw sa mga (inaudible.

FGE: Pakitanong si Leni, pakitanong si Mar. Sila lang naman ang kaya magtanggal ng Chief of Police ng provincial director ng regional director. Wala kaming posisyon gawin iyan. Sila ang tanungin mo, yung mga Liberal Party members. Pero hindi na ako magugulat kung iyon nga ang dahilan.

Ang dami nilang tinanggal na mga chief of police dahil lamang hindi kakampi o nirekeklamo ng kapartido nila. Andaming acting pa hanggang ngayon at hindi pine-permanente dahil nga gusto nila under the gun and threatened sila kapag hindi kumampi at hindi sumunod, tatanggalin ng DILG at ng PNP. Sana naman ang COMELEC, huwag automatic pumapayag sa lahat ng gustong gawin ng PNP at nirerekomenda ng PNP. May resolba ba ang inilagay sa batas na dapat pumayag muna ang COMELEC bago mag-reshuffle ang PNP. Ang problema nagiging rubber stamp lamang ang COMELEC sa mga gusto ng PNP na gusto naman ng LP.

MODERATOR: Last one or two questions.

QUESTION: Sir paano niyo ba masasabi yung (inaudible)yung unang print kasi, yung binoto niya ibang kandidato tapos lumabas sa receipt Mar Roxas tapos hindi naman nila binoto si Mar Roxas.

FGE: Natanong iyan kanina, actually ang lumabas daw Mar-Leni sa resibo niya. Ngayon namin malalaman ang sagot ng COMELEC sa reklamong inihain namin at ng mga abogado namin sa COMELEC kaugnay sa kaganapang iyan. Hopefully, may magandang paliwanag ang COMELEC at nabawi yung limang boto pa kung saka-sakali nga na iba ang binibilang ng makina sa binoboto ng tao.

QUESTION: Jerome Daras, my own question here is we have been declared no. 8 na safest city. What programs are you undertaking for our own airport, Lagandingan airport.

FGE: Huwag natin pag-usapan ang airport, dapat magkaroon tayo ng railway system sa buong MIndano, both for cargo and passenger, connecting not only the airports but also all the ports. Bahagi iyan ng P1-T budget na nais naming gawin sa Mindanao para may counter-part ang gobyerno para masimulan iyan upang maenganyo ang private sector na pumasok din. Doon ako nag-landing sa Lagandingan kanina.

Malayo talaga ang biyahe pagpunta dito. Bahagi kasi ito ng kapalpakan talaga ng DOTC na hindi ko maintindihan. Whether under Sec. Roxas or Sec. Abaya, kapalpakan po nila ang kakulangan sa pag-aaral kaugnay sa mga inireport natin. Tignan niyo yang Lagandingan airport, ngayon pa lang masikip na.

Wala pa ngang limang taon masikip na agad yung terminal, hindi man lang pinag-aralan o pinag-isipan. Nag-project sana sila ng growth rate ng tourism at arrivals. Ganun din sa Silahi, ganoon din sa Iloilo, ganun din sa mga bagong airports na ginawa nila. Lahat, wala pang dalawa o tatlong taon, maliit na at masikip na.

QUESTION: Currently we are trying to position Cagayan De Oro's gateway to Northern Mindanao and for next year, 2017, we have particularly won 3 big conferences which is the medical conference, which is the college of surgeon which 2000, ophthalmologist for a thousand and anesthesiologist for a thousand, which is in April and May. The problem here is infrastructure, if you look at (inaudible)coming from Lagandingan, we call Lagindingan airport landingan airport. So now, what program can you help us, this is going to be for next year you already being elected as vice president, are Department of Public Works.

FGE: We will continue the spending battle that this government with respect to the DPWH. Right now, the budget of the DPWH is just nearly 5% of GDP for infrastructure; add to that the vertical funding of government for school buildings, bridges, airports, ports as well as farm to market roads. We will maintain at the very least 5% of the GDP spending for agriculture.

Hopefully, they will increase it to 7% in four years- time. That's in accordance to the whole roadmap. Maraming ginawang kalye ang gobyerno ito, to be fair kay Secretary Singson, ipagpapatuloy po namin iyon. Tignan niyo ang Mindanao, kumpleto ang coastal road ng Mindanao, ang kulang, yung kalyeng nagti-tic-tac-toe sa gitna para mas maikli ang biyahe sa pagitan ng mga probinsya at hindi mo kailangan umikot-ikot ng malayobago ka makapunta sa isa pang probinsya.

Maswerte rin tayo, maraming lugar pa para magawa ito, kabilang na ang katabi lang...katabi ng highway ang riles ng tren. Principally first, for cargo pangalawa siguro, ang for passengers dapat mauna muna yung cargo para makatulong sa murang paghatid ng mga produkto to our ports and networks from various farms and from various haciendas here in Mindanao.

QUESTION: Thank you. Ah, senator, ang federalism po, tingin niyo...

FGE: Bukas ako sa Federalism pero ang balik ko na lang sa'yo, ano ba yung proposal na federalism ni Digong Duterte, hindi ko pa kasi naririnig yung detalye eh. Si Senator Cayetano, tinutulak din yon, labing walong taon kami sa Kongreso pero wala naman siyang finile na bill tungkol doon. Ano ba yung klase ng federalism? Per province ba? per region ba? Per city ba? Per tribe ba? Di ko naman narinig.

Federalism lang ang sinabi nila eh kaya mahirap mag-komentaryo kung pabor ba ko o kontra...bukas ako sa Federalismo depende sa klase. Ang pinakamalapit na nating eksperimento sa pederalismo, ARMM. Hanggang ngayon mahirap pa rin ang tao sa ARMM e. Pangalawa, hanggang ngayon inaamyendahan pa rin natin ang ARMM, hindi pa natin napeperpekto kung hindi nga natin maayos-ayos yan sa isang rehiyon sa ating bansa, wag naman natin gagawin sa buong Pilipinas.

Aanuhin mo ang core strengthening, devolution found in the Local Government Code, halimbawa po, mula sa Sin Tax, 142 billion yon, maglalaan kami, 1 billion kada probinsya para ma-modernize ang lahat ng provincial at district hospitals sa lahat ng probinsya sa ating bansa, that is part of devolution...that is part of giving enough funds to local government units. Yung BUB, pinodownload na namin yan sa LGU, bottoms up budgeting tapos may menu? Pano pag wala sa menu yung kailangan mo? Pano naging bottoms up budgeting yon, pinadownload na yung pondong yon sa LGUs.

I'm of the form belief, if we devote the funds to the Local Government Units that is the closest we can get to federalism and if it still not enough, then that's the time perhaps, that we should experiment with federalism in other parts of the country but only after, we have made our work already. Hindi pa kasi umuubra ang ARMM hanggang ngayon.

MODERATOR: Thank you, Sir. Final question. Yes Sir, final question, Sir?

QUESTION: Sir, uhm, Commission on Elections is using too much power right now, and this proposal is allowing a voter to cast another vote if there's a problem to his/her vote. It's very unearthed that never happened before that this ballot is 1:1 per vote, and this would lead to public outcry... na baka magkaroon ng dayaan and just yesterday, your rival Sen. Bongbong Marcos said and I'll quote it, "only the government has the capacity to cheat" and since we will give a chance for a voter to cast another vote is quite odd.

FGE: Alam niyo, bago lang si Chairman Bautista sa Comelec, patawarin na lamang natin siya dahil tila hindi niya nalalaman ang kanyang mga sinasabi. Hindi ho pwede yon, ipinagbabawal yon.

QUESTION: Iligal at bawal yon...

FGE: Iligal nga at bawal nga yon, hindi pwede yon. May takdang bilang lang ang balota at ang sobra na balota na dapat i-report at ire-report din, hindi ganun kadali yung gusto niyang gawin. Maski nga yung mall voting na gusto niya eh. Patawarin na lamang natin dahil bago lang siya doon. Paano yung mall voting? Paano mo malalaman kung saang mall ka boboto? Di ba ang gagawin mo, pupunta ka pa rin sa eskwelahan kung saan ka dati bumoto, titingnan mo yung pangalan mo, bago mo malaman kung saang mall ka boboto, di ba? Pero pipila ka pa rin sa eskwelahan...so napahaba ba o napaikli?

Pangalawa, kung lahat pwedeng bumoto sa mall, paano dadalhin yu ng resulta kung nasa iba't ibang munisipyo kayo nakarehistro? Paano ka boboto sa Mayor, pwede kang bumoto ng national sa mall, paano ka boboto sa konsehal? Paano malalaman ng makina kung saan mapapadala yung resulta kaugnay sa particular o specific na municipal vote mo for Mayor, Vice Mayor, Councilors? Mali naman ata ang panukalang yan pero para sa akin, ang abogado namin ang humahawak ng lahat ng aming legal na galaw sa Comelec, hindi ako nakikipag-meeting sa Comelec at ayokong gamitin ang pagiging senador ko para awayin si Chairman Bautista, patawad at imbestigahan siya baka sabihin, iniimpluwensyahan ko ang Comelec.

Mga abogado namin ang naghahandle ng mga isyung yan sa ngayon at tiwala ako na magagampanan nila ang tungkulin nila na maging kinatawan namin sa Comelec.

QUESTION: Thank you, Sir.

MODERATOR: Your parting statement, Sir? Ubos na ata ang boses niyo, Sir.

FGE: (laughs) Maraming salamat na lang sa inyong pagdalo, salamat sa oras, salamat sa panahon, karangalan ko na makapiling at makasama kayo sa umagang ito at sana kami magawaran... (audio cut)

News Latest News Feed