Press Release
April 25, 2016

Transcript of Pandesal Forum guesting
of Senator Francis G. Escudero (FGE)

Venue: Kamuning Bakery
Moderator: Columnist Wilson Lee Flores

MODERATOR: Welcome to the Pandesal Forum of Kamuning Bakery Cafe. We are very privileged and fortunate to have with us again the most popular, talented, dynamic Sen. Chiz Escudero who is the leading vice presidential candidate. Senator, alam niyo si Serge Osmeña was here, I know you are not allies pero he said to the media nung Sabado na you are still the strong contender, he said. It came out in Philippine Star kahapon and the media that you are still a very strong contender for VP and definitely one of the most talented and qualified. Welcome Senator.

FGE: Maraming salamat, malugod po namin kayong tinatanggap at maraming salamat sa pagdalo dito sa Pandesal Forum ng pananghalian.

MODERATOR: Welcome Senator. Who would like to ask the first question?

QUESTION: Opening statement?

FGE: Okay na po 'yun. Welcome nalang sa pandesal na pananghalian.

MODERATOR: Senator, many media people were asking me, ano ang reaction niyo sa debate last night and how do you rate your running mate? Sabi rin ni Tony Velasquez, she was most impressed with Sen. Grace Poe. Sabi niya, I know Duterte is also very popular, how do you asses what happened last night.

FGE: Siyempre biased ako. Solid at maganda ang performance ng aking katandem na si Sen. Grace kagabi at binabati ko siya. Kinongratulate ko na siya matapos nung debate. Pero hindi ko rin tatawaran yung ibang mga nakilahok sa debate kagabi. At least naging bukas sila kaugnay sa kanilang mga opinyon, sa kanilang mga plataporma at programa. Lalo na sa parte ni Sen. Miriam na alam naman nating may karamdaman pero nandoon siya ng tatlong oras at hindi niya tinantanan na makilahok sa pinakahuling debate ng mga presidentiables.

MODERATOR: Senator congratulations, nabasa namin sa media na marami nang mga governors na lumilipat sa inyo. The latest ay si Albay Governor and then kahapon nakita ko sa debate, I was there in Dagupan, nakita ko 'yung Vice Mayor ng Davao anak ni Mayor Duterte. Anong ginawa niyo sa kanya bakit kayo nag-usap and then after that, inannounce niya sayo siya kakampi. Ang tatay niya katandem ibang tao, ano ang ginawa niyo sa kanya?

FGE: Magkaibigan at magkakilala kami bago pa man mag-eleksyon, bago ako tumakbo, bago tumakbo ang kanyang ama. Hindi naman siguro dapat magbago 'yun sa panahon ng eleksyon dahil tiyak ko, hindi naman magbabago din 'yun pagkatapos ng eleksyon.

Labing walong taon na ako sa loob ng gobyerno, naka-apat na eleksyon na ako. Marami akong naging kaibigan dahil sa pulitika at sa eleksayon pero wala pa akong nakaaway dahil sa pulitika at eleksyon. Marami sigurong umaway pero ako, walang nakaaway at inaway.

MODERATOR: I heard many governors of Bicol, pinakamaraming vice presidential candidates from Bicol Region. There are 6 provinces, what is the situation about in support sa inyo and the others?

FGE: Nasa pahayagan yata ngayon na si Gov. Tallado, Gov. Villafuerte, Gov. Salceda at kaninang umaga lang pati si Gov. Lee ay nagpahayag na ng suporta kay Sen. Grace gayundin sa inyong lingkod.

MODERATOR: Ano ang mga probinsya nitong apat?

FGE: Camarines Norte, Camarines Sur, Albay at siyempre 'yung lalawigan ko, Sorsogon.

MODERATOR: Yung assistant ko taga Catanduanes. Any question from the media? Si Serge nung Sabado sabi niya you are still the strong contender kasi you are very close to top 2. How do you react to all this surveys coming out every other day?

FGE: Pati ako naguguluhan na sa mga survey na lumalabas. Kaliwa't kanan at iba -iba. Basta para sa akin lahat ng survey pinag-aaralan namin. Lahat ng survey, tinitingnan namin kung ano ang puwedeng maging impact. Gayundin kung ano pa ang puwede naming gawin at baguhin sa aming kampanya.

Ang kampanya naman ay work-in progress. Hindi po nakaukit sa bato ang tamang stratehiya o taktika. Nagbabago-bago talaga iyan. Nakikita natin ang mga survey. Mataas, mababa. Nagbabaliktaran ang mga survey. So, sa dulo magsisikap at magsisipaglaban naman ang lahat ng kandidato. Dahil sa dulo ang pinakahuling survey, 'ika nga ay ang botohon mismo sa araw ng eleksyon sa May 09. Iyon ang mabibilang at bibilangin.

MODERATOR: Yes, Miss Barbara?

QUESTION: Barbara Mae Dacanay.

FGE: Hi, ma'am?

QUESTION: May we all stress all the vice presidential candidates including yourself?

FGE: Ang hirap naman ho no'n. ang sabi ko wala pa akong nakagalit sa eleksyon. Mukhang magkakaroon ako. Si Vice President Binay, siya na yata ang may pinakamatagal na karanasan sa gobyerno--

QUESTION: ...the vice presidentiables?

FGE: A the vice presidentiables. Sabi ninyo kasi kanina ang dinig ko presidentiables. Lahat po sila mayroong angking talino, kakayahan at karanasan na puwedeng mai-ambag sa ating opisina at posisyon bilang ikalawang pangulo. Hindi ko po puwedeng tawaran ang kakayanan ninuman.

Sa aming mga tumatakbo sa pagka-ikalawang pangulo. Lahat ay legislator. Lahat ay nasa senado o kongreso at gustong tumawid sa executive branch. Marahil tulad ko, nababagalan sila sa bilis ng pagbabago at pag-implement ng mga batas na aming ipinapasa kaya lahat naglalayon tumawid at mapunta hindi lamang sa paggawa ng batas. Pero, sa pagpapatupad at pag-implement ng batas kung saan marahil at kami diyan nakikita ang problema at susi kung bakit hindi natin tunay na nakakamit o nakakamtan ang pag-unlad ng Pilipinas.

QUESTION: Sir, were you surprised with Leni Robredo's rise in the surveys. How will these latest survey can affect to your campaign in the next few weeks?

FGE: Dalawang linggo na lang at kakaunti na lamang panahon na lamang iyon. Gaya ng sinabi ko, ang survey pababa-taas, taas baba iyan. Sinuman ang pinakamataas, hindi dapat magyabang. Sinuman ang nasa baba, sa pinakababa hindi rin dapat mainis. Dahil giya at snap shots lamang iyan ng pananaw ng ating kababayan sa partikular na panahon at partikular na lugar kung saan lamang kinuha iyon.

Lahat pinaniniwalaan at pinag-aaralan namin Kaya't lahat naman din, mula't mula itinuring naming seryoso ang kalaban. Wala kaming minaliit sa mga tumatakbo. Anuman ang numero na ibinigay sa kanila ng survey.

MODERATOR: People are asking how can you explain the unexpected surprising surge of Mayor Duterte? What do you think ho? Is it anti-government sentiment?

FGE: Ang tingin ko anti-establishment vote iyon. Ibig sabihin, iyong mga galit, tutol at ayaw sa gobyerno ay tila doon nagpupunta ang uri at klase ng pahayag niya laban sa pamahalaan at kaugnay sa mga mali na ginagawa ng pamahalaan sa ngayon.

QUESTION: Follow up lang. Beyond the re-establishment those are shared by other three candidates and yet Mar Roxas is below.

FGE: Tingnan ninyo na lamang ang approval rating ni Pangulong Aquino at ang vote share ni Secretary Roxas, magkalayong magkalayo. Halos kalahati. Ni hindi nakukuha ni Secretary Roxas ang establishment vote.

QUESTION: Why?

FGE: Kapag sinabi ko baka may gawin pa siyang pagbabago sa kampanya. Basta, hindi po niya nakukuhang maliwanag. Ang approval rating yata ni Pangulong Aquino ay nasa kulang kulang 50% pa. Ang kanyang boto ay wala pang kalahati. Ayon sa survey po ha doon sa approval rating ni Pangulong Aquino.

QUESTION: Why po?

FGE: Hindi ko po alam. Tao lang siguro ang makakasagot kung bakit hindi nila na-identify iyong pangangampanya at pag-i-endorso ni Pangulong Aquino kay Secretary Roxas. Nang sabihin ko kung paano, bakit at paano ang gagawin niya. Siguro para sa mga strategist niya na iyon para pag-isipan at i-analyze.

Hindi ko po ugali kasing tanungin at sumagot kapag hindi naman po niya itinatanong kung ano ang dapat gawin. Kailanman, hindi ako tatanungin ni Secretary Roxas kugn ano ang dapat niyang gawin.

QUESTION: Is it a kiss of death? Is Aquino's endorsement also a kiss of death despite the spotlight?

FGE: I don't know ma'am. Quite frankly, I tried to poll that, I tried to ask that. But quite frankly, I cannot find a question that will reveal that, the answer to that question. Kasi ang dami pong variables, ang dami permutation, baka isa lamang iyon at maliit pa na bahagi na pagpasya ng tao. So mahirap pong ma-analyze yun at masiyasat sa ngayon. Maliwanag, lahat ng pumapabor kay Pangulong Aquino, hindi pumapabor kay Secretary Roxas na ininedorso niyang kandidato.

QUESTION: Sinong secret candidate niyo?

FGE: Wala po. Kung secret iyan at kung sinabi ko, di hindi na ho secret iyon. Wala po. Sa katunayan, yung napabalitang usapan diumano ni Senator Grace at ni Pangulong Aquino, wala pong ganoong nangyaring kaganapan. Huli kaming nagkapalitan ng text, ni walang tawag o usap, ni Pangulong Aquino, ay noong gri-neet ko siya ng 'Merry Christmas', 'Happy New Year' at 'Happy Birthday', at nagpasalamat po siya.

Wala rin kaming personal na ugnayan o palitan man lang ng text o email mula noong nagsimula ang panahon ng kampanyahan. Tinitiyak ko sa inyo, hindi po ako o kami ang Plan B dahil wala naman po yatang Plan B si Pangulong Aquino.

QUESTION: So hindi siya secret candidate, hindi rin siya second candidate?

FGE: Hindi po. Secret, second o B. Hindi po.

QUESTION: Magandang hapon Senator. Paano pa ang itatakbo ng remaining two weeks, kasi malapit na. Yung klase ng kampanya ninyo?

FGE: Karamihan ng remaining two weeks siguro yung mga kandidato bilang mo na lamang yung kanilang mga rally. Simulan natin mula sa meeting de avance pabalik. Karamihan mag-iikot na iyan sa mga lugar na last-minute kailangan nilang ikutan at bisitahin at kailangan din ng mahaba-habang panahon para makapag-plano, makapag-tawag-tawag, kasama na rin ang pagmuni-muni.

So, siguro yung public appearances ng mga kandidato, bilang at magkakalayo na ngayon. Dahil mas mahabang panahon ang kanilang gugugulin para tumawag, kumausap, sa mga lider nila kung saan-saang parte man ng bansa. Bago man o dati, para hindi sila lisanin.

QUESTION: So far, paano mo ia-assess yung tinakbo ng kampanya mo sa buong bansa?

FGE: Ginawa namin ang kaya at magagawa namin sa limited na resources namin. Hindi tulad ng mga katunggali ko, wala naman po akong pera at partido. Katulad namin, katulad ko lamang si Senator Grace. Ginawa namin sa abot ng aming makakaya ang puwede naming gawin given our limited resources. Walang pagsisisi, walang pagkukulang sa parte namin. Kung ano lamang ang kaloob ng Diyos, ika nga, na resources, tao at pagkakataon, yun lang din ang minaximize namin.

QUESTION: Balikan ko po yung nangyaring debate kagabi. Sa tingin mo ba na-address yung mga mahahalagang issue na isinusulong ninyong dalawa ni Senator Grace, at kung may kulang man, ano sa tingin mo ang dapat?

FGE: Hindi napag-usapan ang agrikultura kagabi at partikular mga magsasaka. Mangingisda lamang na may kinalaman sa West Philippine Sea. Ano pa ba? Hindi rin gaanong napagtuunan ng pansin yung isang superhighway, hindi tren, hindi kalye, hindi MRT, kung hindi yung information superhighway, na para sa akin, karapatan na iyan ng bawat mamamayan. Access sa internet at mabilis na internet speed. Ano pa ba? Sa plataporma namin? Yung RH kasi batas na, kailangan na lang ipatupad.

QUESTION: FOI?

FGE: Ang FOI hindi napag-usapan din kagabi kung ano ang balakin at balak noong mga taon doon sa entablado, bagaman maliwanag naman yun, sponsor ng FOI si Senator Grace, ako ang pangunahing author, pasado na iyan sa Senado. Sa House, doon nakabitin at nakabinbin.

QUESTION: Money laundering hindi rin na-mention?

FGE: Hindi rin... oo, may Senate hearing na kasi.

QUESTION: Sir, yung usapin tungkol sa contractualization kagabi, natalakay halos si Duterte lang at si Grace Poe ang sumagot na parang diretsong katanungan. Ano kako, bakit si Roxas parang inhibit sa usapin?

FGE: Alam niyo, sa parte ni Secretary Roxas, isang linya ang tumatak sa akin na sinabi niya kagabi. 'Nagawa na namin iyan, ginagawa na namin iyan. Sinasabi pa lang nila, nagawa na namin.' Simple ho ang tanong ko sa kanya. Kung totoong nagawa nila, bakit may tanong pa? Bakit may nagrereklamo pa? bakit may nagsasabi pa na problema yunhanggang ngayon? So ano ang extent ng nagawa po nila? Kaugnay ng contractualization, may mga nagsabi din, ire-repeal daw po nila yung batas.

Sa totoo lang, sang-ayon ako sa sinabi ni Senator Miriam, labag yan sa Kontitusyon, labag din yan sa batas. Kung may ire-repeal tayo, hindi yung batas, Department Order ng Department of Labor ang kailangang i-repeal, na ang kailangan lamang, utos ng pangulo sa kanyang alter ego na DOLE Secretary; na i-repeal ang Department Order No. 18 Series of 2011. Kung hindi po ako nagkakamali, sa aking pagkakaalala ng numero, gawin lamang po yun, sarado na ang pintuan at bintana para mag-contractualize, kumuha ng mga contractual ang mga kompanya.

Alam n'yo po, ipapaliwanag din namin sa mga kompanya, bahagi ng inyong pag-asenso at paglago ang inyongmga empleyado. Dapat mag-invest sila sa kanilang mga empleyado. Hindi tulad ngayon, parang gamit at kasangkapan lamang ang tingin nila sa mga empleyado. Hindi ba nila naisip, kapag ka may security of tenure o kasiguruhan ang mga empleyado sa kanilang trabaho, kaya din nilang magplanong bumili ng motor. Hulugan. Kaya nilang mag-planong bumili ng bahay o ano pang kagamitan, na hulkugan din. Mas may perang iikot sa ekonomiya. Mas may perang magsusuporta sa anumang industriya o negosyo na kanilang pinapasukan. Kung may kasiguruhan sa trabaho, tataas at lalaki ang purchasing power ng ating mga manggagawa.

QUESTION: Senator, anong status ng Kidapawan Senate hearing at ano'ng stand n'yo dun sa, kasi agrikultura ang isa sa mga platform ninyo.

FGE: Sa Gobyernong May Puso, hindi po mangyayari yung sitwasyon kung saan nanghingi sila ng bigas, bala ang binigay sa kanila. At ayon sa testimonya sa Senado ng isang testigo, sa pagitan ng dalwang mata sa noo ang tama ng isang magsasaka. Alangan namang tsamba yun. Nagkaputukan, nagpaputok ng basta-basta yung pulis, tumama sa noo, sa gitna ng dalawang mata? Dapat siyasatin pa ng mas malalim. Sniper ba ang tumira? O ligaw na balang nagkataong tumama sa pagitan ng dalawang mata nung napatay na magsasaka?

Pangalawa, tama ka, Wilson, pangunahin sa aming porgrama tugunan ang problema ng kahirapan. Dahil apra sa amin, habang may Pilipino na hindi mapakain, mapaaral, o mapagamot ang kanyang pamilya, palaging may kakapit sa patalim at magiging kriminal o aakyat sa bundok. So ang solusyon, ang hamon sa atin, anong gagawin natin para matugunan, maresolbahan ang problema ng kahirapan? Ang istratehiya po namin ay dalawa. Una, saang sektor ba matatagpuan ang mahirap. At pangalawa, saang parte ng Pilipinas pinakamarami ang mahirap? Pag pag-usapan natin ang sektor, agrikultura po yan. 60% ng mahihirap natig mga kababayan, umaasa sa sektor na yan. Saang lugar naman, sa Mindanao. Kaya din po may kaguluhan sa Mindanao.

Layunin po namin, sa pamamagitan ng paglaan ng napakalaking budget sa mga lugar na yan sa kasaysayan ng bansa, at sa sektor na yan, nais naming maakay ang mahirapm tungo sa kaunlaran at pag-asenso. Ulitin ko lamang, 300 billion sa agriculture. 1 trillion para sa Mindanao. 10% ng budget sa agriculture. 30% ng budget para sa Mindanao. Humigit-kumulang 25 billion pesos po ito sa kada-probinsya sa Mindanao. Para sa gayon, maramdaman nilang may gobyernong tumutupad sa pangako at nakakasabay na sila sa mga pag-asenso't pag-unlad na nakikita sa Visayas at sa Luzon.

QUESTION: Senator, na-mention n'yo ngayon about taniman at agriculture. Ibang taniman naman ho ang i-mention n'yo ho. Ano'ng comment n'yo po sa tanim-bala na sinagot kahapon sa debate? Anong stand ninyo tungkol dyan?

FGE: Natawa ako nung papakain daw yung bala dun sa nagtatanim. Kasi may kasabihan tayo diba, inaani mo kung ano ang tinanim mo. Pwes, pag tinanim nila yun, tama lang na kainin o ipakain sa kanila yun. Nagugulat ako sa lakas ng loob nung gumagawa n'yan. Hanggang ngayon, at nung sumagot si Secretary Roxas, ini-imbestigahan pa daw.

Kailan matatapos yung imbestigasyon? May tinanggal at kinasuhan na ba sila? Tumigil lang pansamantala aba'y ginawa uli sa matanda namang mag-asawa. Wala. Alam niyo sa pagtatapos ng administrasyong ito, tunay na nakakalungkot at dismaya ang ahensya ng DOTC at lahat ng opisina na nasa ilalim po niya.

MODERATOR: May tanong daw...may tanong daw doon sa likod. Anyone wants to ask question there? Sinong gustong magtanong pa? Ay, may nagsabi kanina...

FGE: Kung wala, okay lang...

MODERATOR: May nagtatanong sa likod kanina taga- Manila Bulletin saka Business Mirror, tinatanong kung darating pa si Heart Evangelista? Sabi ko, pag dumating baka di niyo pansinin si Senator. So, what is your wife doing now to campaign and how is she...

FGE: (laughs) Pag libre lang siya nangangampanya siya. Priority pa rin niya itong pinagkasunduan namin bago pa nagsimula ang kampanya, priority niya palagi ang kanyang trabaho. Hanggang ngayon, contract artist pa rin siya doon sa isa sa mga major networks. Ayun. At ah...

MODERATOR: Endorser siya ng isang bangko?

FGE: May obligasyon siya doon sa kanyang kontrata, ang kanyang home network at yun ang priority. Kailanman hindi siya papasok sa pulitika at ako, kahit na hindi tatanggapin pa rin, hindi rin ako papasok sa showbiz. (laughs)

MODERATOR: Ang lolo daw niya Bikolano governor?

FGE: Del Gallego ang kaniyang lolo sa nanay kung saan ipinangalan ang isang bayan sa Camarines Norte. Norte, Camarines Norte.

MODERATOR: Sa mga presidentiables, sabi ng mga experts, it is down only to two people - parang si Senator Grace Poe and Mayor Duterte, do you agree and how do you assess that?

FGE: Alam niyo sa lumalabas na survey tila ganon pero kung tatanungin ako ni Senator Grace ang magiging payo ko pa rin sa kanya, wag maliitin ang...wag hindi panisinin yung ibang katunggali niya dahil alam niyo, kada elesksyon ay unique. Walang dalawang eleksyon na magkapareho.

Hindi mo pwedeng sabihin na porke't nangyari yan noon na ganito, ganito rin ang mangayayari niyan ngayon. Baka magising at magulat ka, iba pala. So, para sa akin, kada eleksyon tinitingnan ko ng hiwalay sa mga naunang eleksyon, pinakamalapit na siguro, giya lamang siya pero hindi siya pattern na pwede mong sundan at sabihin pag ABCDE dapat F, pag 1 plus 1 equals 2.

Minsan sa eleksyon, hindi ko sinasabing may dayaan, hindi palaging pareho ang suma ng mga dating meron ka o wala ka kaugnay ng magiging resulta ng halalan. Tandaan natin, malalayang tao ang pinapaboto natin sa May 9, anuman ang kanilang pananaw ngayon, pwedeng magbago bukas o makalawa at walang sinuman ang pwedeng magdikta sa kanilang ilalagay sa balota pagdating ng oras ng peligro na nakaupo sila sa loob ng classroom at magse-shade ng mga pangalan.

MODERATOR: Senator, may nagtext sa akin na doon sa kabila, may ipinapatanong daw sa iyo about Comelec, may mga tao sa labas concerned sila, possible cheating ba...are you concerned on possible cheating?

FGE: Hinihintay namin ang report ng aming abogado namin na makipagpulong sa Comelec kaugnay sa dalawang bagay: Una, yung diumano, ibang resulta sa binoto ng ilang OFWs natin sa iba't ibang bansa.

Pangalawa, yung na-hack na listahan ng registered voters, isinapubliko ang dapat na pribado pero kung nasa publiko nila yan, eh baka nadagdagan din nila ng pangalan, baka nabawasan na rin nila ng pangalan, baka binalasa din nila ang mga pangalan na magreresulta sa pawala-walang pangalan o naliligaw na mga presinto pagdating ng araw ng eleksyon.

Yung dalawang yun ang mas nakakabahala at kung ang listahan ng registered voters ay na-hack, gaano tayo kasigurado at secure yung transmission ng resulta ng eleksyon pagdating ng pagtatapos ng halalan? Hindi rin ba maha-hack yon? At ano ang security features para matiyak na hindi nga maha-hack 'yon? Hindi pa po sumasagot. Ngayon pa lang namin makukuha. Maya-maya ng kaunti siguro. May meeting po kami sa aming mga abogado mamaya at inaasahan kong babalikan nila kami kaugnay sa kasagutan ng Comelec sa tatlong bagay na ito.

QUESTION: Anong (inaudible) kausapin niyo...?

QUESTION: What time.

QUESTION: What time is (inaudible)?

FGE: Gabi po. Alas siyete pa po. Alas otso ng gabi dahil sa traffic. Aalis po sila sa mga opisina nila ng mga alas dos ng hapon para magkita-kita po kami ng alas siyete ng gabi.

QUESTION: Inayos na daw ang traffic sabi ni... May nagtatanong pa doon sa likod. Hindi sila makadaan sa mga camera.

FGE: Malamang mga pandesal 'yang nagtatanong. QUESTION: 'Pag tanong ho, about the religious po kasi may mga lumalabas sa mga balita: pinuntahan ng mga presidential candidates ang Iglesia ni Cristo. Kayo ho, may plano pa kayong makipag-meeting sa Iglesia? Anong status ng Iglesia po?

FGE: Mayroon at nagpunta na rin po ako doon. Lahat naman siguro ng kandidato sinusuyo ang iba't ibang grupo, religious man o hindi kabilang na ang Iglesia ni Cristo. At hindi naman siguro sila dapat pulan* kung gagawin 'yan dahil pagkakataon pa rin 'yon maipaliwanag ang kanilang programa at plataporma sa bawat sektor, bawat grupo - malaki man o maliit - lalo na kung malaki.

QUESTION: Sir, kayo po... Sir, kayo po ba (inaudible) ano po 'yung naging feedback sa'yo?

FGE: Wala namang feedback. Usapan lamang at palitan ng pananaw at pagbibigay at paglalahad ng plataporma at programa.

QUESTION: This morning lang.

QUESTION: Sino humarap?

QUESTION: Sinong kausap daw ninyo?

FGE: Si Ka Eduardo.

QUESTION: Ka Eduardo.

QUESTION: Ka Eduardo Manalo. Ang ganda nu'ng pangalan, Manalo.

FGE: Ano?

QUESTION: Gaano katagal 'yung meeting? FGE: Hindi ho tinime-an. Labinlima, dalawampung minuto. Ganoon.

QUESTION: Walang pandesal?

FGE: (Laughs)

QUESTION: Sir, aside from Iglesia, sino po 'yung religious groups na nilapitan niyo?

FGE: Halos lahat naman nakausap o kinausap na rin kami. Mas madali siguro kung babanggitin mo at sasagot na lang ako kaysa mag-enumerate ako.

QUESTION: Ang El Shaddai?

FGE: Nagkausap na rin kami ni Bro. Mike.

QUESTION: Kailan 'yun sir?

FGE: Matagal-tagal na. Linggo na nu'ng lumipas.

QUESTION: 'Yung Jesus Is Lord ata?

FGE: Hindi pa kami nagkakausap nang personal.

QUESTION: (Inaudible)

FGE: Nagkausap na rin kami.

QUESTION: (inaudible)

FGE: Yes.

QUESTION: May mga times na in...

FGE: Yes, ako. Ako.

QUESTION: Lahat...

FGE: Siyemrpe kung sinong may kailangan siya ang dapat kumatok.

QUESTION: Sir, 'di ba 5 days ago?

FGE: Yes, linggo na.

QUESTION: I have a question, sir. Can you give the strength... Can you give the command votes of all these religious groups? The command votes. The number of command votes...

FGE: Hindi ko po alam. Nasa sa kanila po siguro para sabihin 'yon hindi para sa akin. Pero kung Rotary Club nga na isang distrito ay pinupuntahan at kinakausap ko, pinapaliwanagan at nagbibigay ng talumpati, ano pa po kaya 'yung mas malalaking grupo? So bahagi naman po 'yon ng panunuyo ng sino mang kandidato sa ano mang grupo o indibidwal na botante pa nga.

QUESTION: Is there a Catholic group?

FGE: There is. Because 90% of Filipinos are Catholic.

QUESTION: Or 85%.

FGE: 85% ba? 85% are Catholic and most of them vote. So there is a Catholic vote. Only that they vote of course not necessarily as a group.

QUESTION: Women's po?

FGE: When you say women's vote as a bloc? Kada organisasyon po siguro, hindi bilang kasarian. Pero sa lalake aplikable po 'yon. Wala ring men's vote. Kada organisasyon din po 'yon.

QUESTION: How many Bicolano votes do you know in your region? Bicolano vote.

FGE: Ilan ba? Hindi ko kabisado ang mga region. Dati 'yon ang trabaho ko: alamin ang boto ng kada rehiyon. Iba na humahawak ngayon ng statistics kaugnay sa bilang at dami ng mga botante. 4, 8, 1.6, 9... Siguro mahigit tatlong million. Kino-compute ko lang kada probinsiya. More than 2 million.

QUESTION: Kasama niyo si GP kanina, Senator Chiz?

FGE: Yes. Magkasama kami.

QUESTION: So dalawang balik na siya?

FGE: Ha?

QUESTION: Dalawang balik na?

FGE: Ang hindi ko po nakausap si Ka Eduardo muna.

MODERATOR: A, so this is the first visit ni Senator Grace Poe with our party?

FGE: Yes.

QUESTION: As kayong dalawa lang, Sir? Wala nang ibang kasama?

FGE: Wala. Wala kaming ibang kasama.

MODERATOR: Wala?!

FGE: (laughs) Wala. (laughs) Wala. I assure you wala.

QUESTION: So pareho kayong mini-meet ng sabay? Hindi individual?

FGE: Sabay. Nauna lang siyang dumating dahil maaga siyang dumating e. 'Yung takdang oras, maaga siyang dumating sa nauna siyang pumasok. 'Yun ang kuwento lang niya.

MODERATOR: Around what time daw na-meet ninyo?

FGE: Kaninang alas-nuebe.

MODERATOR: 9 o'clock.

QUESTION: Sir, 'yung isa, Sir, malinaw na pinag-usapan kasi last time medyo nailang pa si Senator Poe. Hayun. Pero you talked about the progression.

FGE: Actually, issues pa rin ang pinag-uusapan, plataporma, at mga balakid. Sa ganiyang klaseng pakikipag-usap naman hindi naman na kailangan pag-usapan ng diretso o rekta ang mga bagay-bagay.

Palitan lang talaga ng pananaw dahil 'yung paghingi mo ng panahon at paghihingi ng oras maliwanag na hudyat naman na 'yo nng iyong pagnanais na mahingi ang tulong at suporta nila.

QUESTION: Sir, where does this go? Kung kailan sila magdedecide?

FGE: Hindi. That's an internal matter to them. Ni hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob tanungin 'yon.

QUESTION: Sir, pati do'n sa other religious groups na nandito ngayon wala ring commitment pa?

FGE: Wala.

QUESTION: But how will you know?

MODERATOR: How will you know about their commitment?

FGE: I'll throw the question back at you: how do you know? Because how would you know at some point, too?

QUESTION: Yea.

FGE: Exactly. Pagbibigay alam po usually 'yan.

MODERATOR: You'll announce it?

FGE: Hindi anunsyo, sasabihan ng personal 'yung kandidato.

MODERATOR: You'll have to have... Marami daw ang magbabalik din sa Liberal Party? Narinig niyo ba 'yon?

FGE: Nasaan na sila?

QUESTION: Tatambay na muna.

FGE: Actually, hindi naman pagbalik. Ang 'di pagbaliktad ang tawag ko doon, pagpapahayag ng kanilang susuportahan sa eleksyong ito. Tandaan niyo, noong nagpasyang tumakbo, halimbawa, si Secretary Roxas, noong nagpasyang magsuporta sa kaniya si Pangulong Aquino, hindi naman kinausap isa-isa.

Hindi naman sila nag-referendum, wala namang botohan sa loob ng partido na ito ang susuportahan. By acclamation lamang ang nangyari. At sa silencio lang, sa pagkakasilencio lamang ng mga miyembro siguro, naisip at sinabi nilang ito din ang pasya nila. So ang tingin ko rito, ngayon pa lamang nagpapasya ang ilang mga miyembro ng ilang mga partido kaugnay sa kanilang susuportahan sa darating na eleksyon.

MODERATOR: Kamusta ang status ng NPC political machinery on your candidacy?

FGE: Okay naman po. Pero mas maganda manggaling sa kanila dahil hindi na ako authorized o kwalipikado magsalita para sa NPC mula no'ng magbitiw ako bilang miyembro ng NPC noong 2009. Noon, ako nagsasalita para sa NPC. Ngayon, hindi na ako pupuwede.

MODERATOR: Noon, si Mark Cojuangco pa yata? Lalapit ka sa kanila?

FGE: Hindi ko alam. Hindi pa kami nagkakausap. Hindi kami nagkakausap ni Congressman Mark Cojuangco.

MODERATOR: Ano pang question that you'd like to ask? Yes?

QUESTION: Sir, ano pong masasabi mo sa uri ng pananalita ni Duterte?

MODERATOR: Pakiulit ang tanong.

QUESTION: Ano po 'yung komento niyo sa uri ng pananalita ni Duterte?

MODERATOR: Language.

FGE: Kung ano siya, ganoon siya. Pero nakakalungkot lang na may mga pagkakataon na sana... Pati naman siya sinasabi niya na, 'di ba, i-fine daw siya kapag... 'Di ba may sinabi siyang ganoon?

QUESTION: Magbabayad siya?

FGE: Magfa-fine daw siya dahil siya mismo yata hindi rin naman niya gusto 'yon. Pero nakakalungkot lang na nasa kaniya ang atensiyon ng publiko ngayon at maraming naririnig na hindi marapat o nararapat. At ikinakalungkot kong marinig lalo na ng mga tao partikular 'yung mga musmos pa kaugnay sa... Ano bang MTRCB rating ng news? PG ba 'yon o ano ba 'yon? Ano ba ang news?

MODERATOR: Parental Guidance ho. PG PG. General Patronage.

FGE: Actually hindi napag usapan iyan noong debate. Sana magandang palitan iyon sa pagitan ni Senator Grace at ni Mayor Duterte. Si Senator Grace bilang dating chairperson ng MTRCB.

MODERATOR: Oo nga. Mentioning Senator Grace Poe ulit. Si Duterte inoffer ang DSWD sa kanya. Ano ang reaksyon ni Senator Grace Poe and kayo?

FGE: Nag react na yata siya doon. Na kung siya ay mabibigyan ng pagkakataon i-ooffer niya ang Anti-Crime Czar at kung hindi niya magagawa katulad ng ipinangako niya. Iyong tatlo hanggang anim na buwan, bilang pangulo si Senator Grace na mismo na ang magtatanggal sa kanya. Hindi na niya kelangang mag resign. Kung mangyayari iyon.

MODERATOR: Kaibigan pa rin silang dalawa ano?

FGE: Oo naman.

MODERATOR: They seemed friends.

FGE: Oo naman maski naman kami ni Mayor Duterte, kami ni Vice President Binay...

MODERATOR: Maganda iyon. So kanina may tanong siya, napagkamalan niyang... about the presidentiable. Can you assess si Binay and the others daw? Kasi kaibigan ninyo siya. And you were the adviser before?

FGE: Hindi para sa akin para tawaran ang kanilang kakayanan. Kung maaalala ninyo ang lalaki din ng lamang noong nakaraang eleksyon sa pagkapangulo at ikalawang pangulo. Biglang nagbago sa dulo. Sa totoo lang, wala po yatang exit poll na nakabasa noong magiging resulta nang eleksyong iyon.

Wala ding polling na nakabasa noong resulta noong eleksyong iyon. Maliban lang yata sa isa o dalawa. So, kada eleksyon iba talaga ang tinik. Parang basketball game ito biruin o, ito iyong rules. Four quarters, 12 minutes ba?

MODERATOR: Oo

FGE: 12 minutes kada quarter, limang manlalaro sa magkabilang team. Pero walang iisang laro na pareho. Ganon din po ang eleksyon. Walang iisa, walang dalawang eleksyon na magkapareho.

MODERATOR: Saan ang meeting de avanse ng part ng grupo ninyo?

FGE: Pinafinalize pa po namin pero malamang kung saan din kami nag proclamation rally. Sa Plaza Miranda sa ngayon. Pero wala pang pinal na pasya kung saan.

QUESTION: What is the strategy of Grace Poe and you to win?

MODERATOR: In the last two minutes of the basketball game.

FGE: Basta paparatingin po namin ang aming mensahe sa maraming kababayan natin. Iyon lang po siguro ang pwede ko masabi at sabihin. Dahil hindi naman po marapat na inihahayag din sa publiko na maririnig ng mga kalaban namin iyong aming istratehiya, ang taktikang gagawin. Basta't the long and short of it, sisikapin po naming maiprating sa mas maraming tao. Sa mas maraming lugar sa bansa ang aming mga mithiin at layunin at pagkakaiba nito sa ibang mga kumakandidato din.

MODERATOR: Tama kayo kasi may ibang kandidato magaling doon sa mangopya (laughs). Sabi niya. May questions pa kayo diyan? Yes?

QUESTION: How will you battle Bongbong?

FGE: Same answer ma'am I've been battling him since start of the campaign.

MODERATOR: Ninong ninyo iyon?

FGE: Ex ninong.

MODERATOR: Ex ninong.

FGE: Ex ninong kasi ex wife na rin.

MODERATOR: Ay oo ex ninong. Okay kasi ex wife tama. Galing galing. Talaga very precise ang galing ng numbers ano? Very good very good.

FGE: (laughs) Ma'am hindi ba the accessory follows the principal? QUESTION: (laughs)

FGE: But were friends ma'am. Were colleagues and friends in the Senate.

MODERATOR: And anti-establishment din si Bongbong? You think kasi, kahit na (inaudible) tinapon na sa kanya mataas pa rin siya?

FGE: Iba yata iyong anti-establishment sa anti-Noynoy vote. Magkaiba iyon.

MODERATOR: Can you please explain, please?

FGE: Iba iyong anti-Noynoy o anti-Aquino sabihin na natin sa anti-establishment.

FGE: Iba iyong anti-Noynoy o anti-Aquino sabihin na natin sa anti-establishment.

MODERATOR: Can you please tell us?

FGE: Magkaiba, tao iyong isa. Administrasyon at buong makinarya ng gobyerno iyong isa.

MODERATOR: So in the case of Bongbong it is a combination anti-establishment and anti-Aquino behind his rise? Or his fall?

FGE: Hindi ganon kasimple kasi hindi mo pwedeng ikaila. Meron din siyang base ng Marcos loyalist. So parang, parang birthday cake lang iyan. Hindi lang iisa ang sangkap o parang sinigang o kare kare. Hindi lang iisa ang sangkap. Maraming sangkap parati. Hindi iisang grupo o sektor lang.

MODERATOR: Magandang example birthday cake. We do birthday cakes here. (laughs) Todong benta. So...

FGE: Okay.

MODERATOR: One more question last? Anybody wants more question? Just in case, ambush mamaya? They want ambush e, they want to ambush you.

FGE: Wala na akong boses. May debate pa kami sa Linggo. Sayang ang boses.

QUESTION: Saan sir?

FGE: GMA daw inayos.

MODERATOR: A debate?

FGE: GMA daw inayos. Manood kayo

MODERATOR: So may debate kayo ngayong Sunday?

FGE: Pero may inaayos ding presidential debate na isa pa. CNN naman.

MODERATOR: A wow. Very interesting very interesting.

FGE: CNN naman.

MODERATOR: CNN din.

FGE: Sa muli maraming salamat sa pagkakataon at panahon. At least may nagawa kayo ngayong hapon at may pananghalian. Karangalan kong makausap kayo at maimbitahan dito sa Pandesal forum maraming salamat Wilson.

MODERATOR: Thank you very much.

FGE: Maraming salamat po sa inyong lahat. Thank you and good afternoon.

MODERATOR: Thank you very much. Thank you senator. We wish you good luck.

News Latest News Feed