Press Release
May 5, 2016

Transcript of Kapihan sa Senado

Guest: Sen. Francis G. Escudero (FGE)
Moderator: Cely Bueno

MODERATOR: Good morning everyone, welcome to our weekly Kapihan sa Senado and our guest for today, siya na ba? Is he the next vice president?

FGE: Vice what?

MODERATOR: Let us all welcome, Senator Chiz Escudero. Hi sir, magandang umaga.

FGE: Good morning Cely, magandang umaga sa inyong lahat. Salamat sa inyong pagdalo sa Kapihan ni Cely Bueno.

MODERATOR: Kapihan ng Senado. (laughs)

FGE: Ending in O pa rin naman.

MODERATOR: Sir, limang tulog na lang, sabi nga nila, judgment day na. So, how do you feel? Are you nervous, hindi ka na makatulog, ngayon mo ba nararamdaman yung pagod?

FGE: Siyempre kabado, lahat ng tumatakbo, lahat ng kandidato, lamang man o naghahabol. Pero looking forward ang lahat ng kandidato na matapos na ang kampanyahan, magpasya ang taong bayan at makapagpahinga at makabawi ng konti sa tulog at panahon sa pamilya at mahal sa buhay.

QUESTION: So sir, ano yung mga last strategies ninyo, kasi recently...

FGE: Huwag na, baka malaman pa ng kalaban, ok na yun. Basta ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya sa limitado naming resources para maparating ang aming mensahe at makahikayat ng higit na suporta sa meron kami sa ngayon.

QUESTION: Kasi sir, may mga observation na lately, hindi kayo nakikita na kasama ni Senator Grace Poe sa campaign sortie. So napag-usapan niyo ba yun o individual decision yun?

FGE: Kahit naman yung mga senador, hindi na rin namin gaanong nakakasama. Ganyan naman talaga ang lahat ng kampanyahang pinagdaanan ko. Sa huling dalawang linggo, nagpupunta na ang mga kandidato kung saan nila kailangang magpunta, kung saan sila mahina, kung saan sila hindi pa nakakapunta, at madalas magkakaiba iyan sa pagitan ng mga magka-tandem, sa pagitan ng mga nasa slate namin. Kaya maski yung sa Senate slate nagpupunta sila sa iba't-ibang lugar na rin kung saan nila kailangan maghabol. Gayon din sa amin ni Senator Grace.

QUESTION: Sir, si Senator Grace, parang ang focus na niya ngayon, motorcade, kayo mukhang more on media exposure ang ginagawa niyo.

FGE: Media at motorcade din. Nagmotorcade kami, magkasama kami ni Senator Grace sa Rizal dahil hindi pa kami nakaikot sa Rizal sa buong kampanya, so depende. Kung ang pinatutukuyan mo ay issue, wala hong issue. Talagang iyon lamang ang stratehiya at oras ng pangangampanya na mayroon kami.

QUESTION: Sir, recently, nabuhay na naman yung sinasabing fist fight between you and Mr. Niel Llamanzares.

FGE: Mister talaga? Kumpare ko yun.

QUESTION: Ok, ng mister ni Senator Grace Poe. So once and for all?

FGE: Walang once and for all, once and always. Walang pag-aaway, walang hindi pagkakaunawaan, walang bangayan, sigawan o suntukan. Wala naman akong black eye, wala ring pasa sa maski na anong parte ng katawan. Kami na ang pinakamalapit na magkatandem sa kampanya at halalang ito.

Wala na silang mabatong ibang issue, kaya imbento na lamang. Nakakalungkot, pilit nilang pinag-aaway yung hindi magkaaway. Bakit hindi nila pag-awayin yung dati nang magkaaway? Sa parte at panig namin, malalim ang aming pinagsamahan, malalim din ang aming relasyon. Higit pa rito ang aming pinagdaanan at nalampasan. Maliit na bagay lamang itong kampanya.

QUESTION: Pero sir, hindi ba, it is normal ang unavoidable na sa ganito ay nagkakaroon minsan ng disagreement, mga arguments, how to use the campaign funds, how to run the campaign?

FGE: Hindi Cely, dahil malawak ang kaisipan ko kaugnay sa kampanya. Ni minsan, wala akong nakaaway sa kampanya. May mga umaway pero siguro sa akin, pero ni minsan wala akong nakaaway. Marami akong naging kaibigan sa lahat ng kampanyang tinakbuhan ko o pinatakbo ko. So walang basehan, kathang-isip, imbento, hindi totoo at walang ganoong kaganapan man lamang kahit na malapit doon. Mamaya nga magkikita rin kami ni Niel mamayang hapon, isa yun sa mga pupuntahan ko din. Gusto niyo magpa-picture ako at ipost ko sa Twitter?

MODERATOR: Kung gusto niyo, isama niyo kami sir?

QUESTION: Saan daw kayo magkikita sir, and ano yung occasion?

FGE: Malamang sa bahay nila. Nagkikita naman kami halos linggo-linggo. Halos linggo-linggo rin naman kami nagmi-meeting, so magkikita uli kami mamaya.

QUESTION: Pero sir, ano yun, intriga at nalaman niyo na ba yung sino yung source ng intrigue?

FGE: Piso isa ang intriga pag eleksyon. Yung totoo nga minsan nililiko pa at napakadaling mag-imbento ng hindi totoo. Hindi ko na aabalahin pa ang sarili ko at pag-aaksayahan ng oras kung kanino nanggaling. Basta hindi totoo, wala namang halaga yun.

QUESTION: Sir, do you believe in survey?

FGE: Lahat ng survey, pinagaaralan ko, yung pinakamalalang survey, yun palagi ang pinaniniwalaan ko para sa gayon mas magsipag, gumalaw at kumilos pa kami. Kung hindi man totoo yun, ibig sabihin, mas dikit yung laban at mas malaki yung ilalamang namin kung saka-sakali.

QUESTION: Pero hindi po ba kayo nadi-discourage, kasi dati consistent kayo na number one sa vice presidential candidate. Pero ngayong malapit na yung election, parang naka-overtake na sa inyo yung dalawa.

FGE: Ganun naman talaga ang survey. Tataas, bababa, kung mapapansin n'yo, yung mga mataas noon, hindi na naman mataas ngayon. Yung mababa noon hindi na masyadong mabaab ngayon. Parang gulong yan. Umiikot yan ng tuluy-tuluyan. Minsan mas mabilis. Minsan mas mabagal. Ang hamon, papaano natin magagawa na paggawa ng May 9, sa ikot ng gulong, ikaw yung nasa taas at hindi yung nasa baba.

QUESTION: Pero Sir, ano yung nakita n'yong factor bakit hindi na-sustain?

FGE: Isa lamang naman. Kulang kami ng resources at makinarya ni Senator Grace. Alam namin yun mula't-mula. At yun ang sinisikap naming punuan sa pamamagitan ng sipag at konti pang pag-iikot.

QUESTION: Sir, marami na din kayong mga ads. So hindi ba yun...

FGE: Yung konting resources namin, tinaya naman talaga namin sa ads sa dulo. Hindi kasi namin kaya mag-ads ng buong kampanya. So sa dulo lang talaga kami nag-aads dahil yun lang ang kaya ng budget namin.

QUESTION: Pero Sir, ngayong malapit na ang eleksyon, may mga inaasahan pa ba kayo na endorsement ng iba't-ibang grupo? O...

FGE: Meron palagi. May mag-e-endorse, may mang-iiwan, may mag-e-endorse, may mang-iiwan. Ganun naman talaga itong mga huling araw ng kampanyahan. Pero hindi para sa akin na sabihin siguro kung sinu-sino. Hayaan nating manggaling sa kanila.

QUESTION: May lumabas na daw pong ano e, sample ballot ng INC. Have you heard that, Sir?

FGE: Hindi pa. At hindi ako miyembro para pangunahan sila o magsalita din para sa kanila. Mas magandang manggaling sa kanila. Ang daming lumalabas na balita na dineny din naman nila. Hindi naman daw opisyal na pahayag nila. Darating yung panahon na magpapahayag sila ng opisyal. Siguro ang pinakamaganda, antayin na lamang natin.

QUESTION: Are you satisfied sa preparations ng COMELEC considering na nagkaroon din nga ng pag-hack sa kanilang webiste, sa listahan ng mga botante? So, ano yung expectations ninyo dahil Monday na nga yung eleksyon?

FGE: Hindi kami kuntento pero wala na kaming magagawa kundi tayaan ang proseso at umasa na magagawa at magagamapanan ng COMELEC ang kanilang trabaho sa mas maraming lugar sa ating bansa. Nakahanda kami at marahil ang mga watchers at abogado ng mga kandidato, kabilang na ang PPCRV, para tiyakin, tumulong, at magbantay na magiging maayos ang halalang ito.

QUESTION: So meron kayong enough na mga tao to protect your votes?

FGE: Kulang pa din. Pero, pinupunuan. Sinisikap tagpi-tagpiin. May ilang araw pa naman para matiyak na may tao kami sa bawat prsinto sa buong bansa.

QUESTION: Sir, yesterday, si senatorial candidate Belgica, may allegations ng vote-buying, although sinabi n'yo nga na dun sa kanyang petition doon sa COMELEC, yun ang standard-bearer ng... Ang LP standard-bearer nila yung inirereklamo n'ya. Pero sa mga interview, binabanggit din ho si Senator Grace Poe.

FGE: Liwanagin ko. Yung una n'yang finile, 'ni hindi binanggit ang pangalan ni Senator Grace. Apparently, may take two s'ya. May pahabol s'ya kung saan binanggit ang pangalan ni Senator Grace, pero ang nilagay n'ya dun, meron daw coordinator na nag-alok ng era para magsuot ng puting t-shirt pero hindi daw binayaran yung nagsuot ng puting t-shirt.

Napakalayo po nun sa vote-buying. Sarili n'yang alegasyon, kanya na pong tinatanggi ang kanyang akusasyon. Maliwanag, may motibo si Ginoong Belgica. Kandidato s'ya sa slate ng kalaban ni Senator Grace at tumatakbo mismo s'ya bilang senador. So marahil, maliawanag ang hugot n'ya.

QUESTION: Sir, he's running under Duterte.

FGE: Hindi ko alam e. Kasi diba wala na yata s'yang slate. Basta, tumatakbo s'ya bilang senador at iba ang sinusuportahan n'yang pangulo. So, ang pinaghuhugutan o pinaggagalingan n'ya marahil ay yun.

QUESTION: He is supporting Duterte? Right, Sir?

FGE: I think so. But, before, I think, he was supporting Binay. I don't know. I get lost in the translation sa mga sinusuportahan ng mga kandidato, sa papapalit-palit na panahon, ngayong malapit na ang eleksyon.

QUESTION: So Sir, ang motibo n'ya para, to promote yung presidentiable nasinusuportahan n'ya?

FGE: Pati s'ya, dahil kandidato s'ya e.

QUESTION: So media mileage?

FGE: Kandidato s'ya e. Oo. Sinakyan naman naman ninyo.

QUESTION: (Laughs) May lumabas kasi sa ano. Sir, nag-isyu na si Senador Grace po today ng kanyang copy of Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth. How about you, Sir?

FGE: Taun-taon, pinopost po namin sa website yung aming SALN. Kayo, hindi naman ninyo tinitingnan o. Taun-taon pino-post namin. Kaka-file pa lang namin nung samin at ipo-post po namin yun sa aming website. Wala naman kaming tinatago. Kahit na hindi eleksyon, nasa website namin yun. Lalo na ngayon na panahon ng eleksyon.

QUESTION: Pero, Sir, ano yung comparison between 2014 and 2015 sa inyong net worth? May pagtaas ba o pagbaba?

FGE: Wala halos pagbabago. Nakapangasawa ako pero dahil may prenup kami, nasa hiwalay na page ang ari-arian ng asawa ko. Bahagi yun sa declaration, pero hindi akin yun. Pero bahagi yun sa aming ipopost.

QUESTION: Sir, can we get the hard copy nung inyong SALN?

FGE: Okay lang. Magbibigay kami mamaya pero nasa website din namin 'yan. It should up in our website within this week, kasi ini-scan at ina-upload at inaayos doon sa website namin.

QUESTION: Sir, marami ang nagtataka doon sa biglang pag-angat ni Mayor Duterte sa survey pagdating sa presidential. Ang sabi ng iba, ito daw ay yung expression ng disappointment sa Daang Matuwid. Do you think so, Sir?

FGE: Posibleng nakukuha niya ang tinatawag nating anti-establishment vote, pero apat na araw pa ang eleksiyon. Mahirap mag-post game analysis nang hindi pa tapos ang game. Tingnan na lamang natin ang resulta ng halalan at doon natin himayin ang magiging resulta. Sa ngayon, gaano man kaikling panahon, tulad ng mga nagdaan at ibang halalan, marami parin ang pwede at dapat na mangyari bago maghalalan na maaring makapagpabago o makapagdagdag o makapagpabawas sa sinumang tumatakbo.

QUESTION: Sir, may advantage ba yung anti-establishment na ginagawa ni Mayor Digong Duterte?

FGE: Ni hindi ko alam kung sinasadya 'yon o yun talaga ang paniniwal ang paniniwala at posisyon niya. So, again, yung mga post-game analysis, kaya post-game ang tawag, pagkatapos na ng laro. Pagkatapos na ng eleksiyon. Lahat nang ito, puro mga haka-haka at teoriya lamang sa puntong ito.

QUESTION: Pero Sir, hindi ba parang nakakalungkot na kahit na sinasabi ni Digong ay pagmumura o minsan kabastusan, parang natutuwa parin yung tao sa kanya? Anong indication non?

FGE: Alam po ninyo sa isang demokrasiya, walang mangmang at walang matalino. Ang sinusunod ay isa lamang, gusto ng mas nakararami. Mas masakit naman siguro sa tenga yung mga nagsasabi't nagsasalita, karapat dapat o hindi karapat dapat o dapat kami lang. Sa isang demokrasiya, walang may monopoliya ng magandang intensiyon para sa ating bansa. Bawat isa sa atin, may angking talino at talento na pwedeng ialay para sa ating bansa. Tanggalin na at bitawan muna yung mga sense of entitlement. Sa araw ng eleksiyon, mayaman ka man o mahirap, tig-i tig-isa lang tayo ng boto. Pantay at pareho.

QUESTION: Pero Sir, anong dating nung refusal ni Duterte na mag-issue ng bank secrecy waiver? Considering na before e sila yung naghamon na pumirma ng waiver yung mga kandidato para daw may transparency, makitang walang tinatago.

FGE: Sooner or later, bago man o pagkatapos ng halalan. Kailangan harapin ni Mayor Duterte at ipaliwanag 'yan. Anoman ang resulta, manalo siya o hindi, kailangan niyang harapin at ipaliwanag 'yan.

Bahagi ng ingay at girian sa pulitika, anomang mga posisyon ng mga kandidato sa ngayon, siguro 'yun lamang ang pinagkaiba ko din. Kung ano ako bago mag-eleksiyon, ganoon parin ako habang eleksiyon, at pagkatapos ng eleksiyon. Wala akong planong baguhin. Dahil naniniwala ako sa prinsipyong, what you see is what you get pagdating sa kandidatura ko. Mahirap kasing magpanggap kapag panahon ng eleksiyon tapos babalik ka na naman sa dati mo pagkatapos ng eleksiyon.

QUESTION: Ibig sabihin niyo Sir, kapag nanalo si Digong, may mga kontrobersiya na agad na haharapin siya?

FGE: Bilang lider ng bansa, kapag may tanong dapat sagutin. Kapag may isyu, dapat ipaliwanag. Yun naman talaga ang kalakaran sa isang demokrasiya. Transparency at accountability is the name of the game.

QUESTION: Sir, hindi ba nakakatakot, sabi nga ide-declare na niyang revolutionary government once na ang Congress ay hindi raw maging supportive sa kanyang programa.

FGE: Nakakatakot talaga at nakakapagbigay ng pangamba 'yon sa marami subalit bahagi 'yan sa mga pahayag niya na tinitimbang pa ng ating mga kababayan kung bakit ayaw siya marahil o kung bakit gusto rin siya sa kabilang banda.

Anumang pangamba ang ibinibigay nito, tiyak ko nandoon sa mga nakaupo na maaring matanggalan at mawalan ng trabaho kung mangyayari nga 'yan. At syempre yung kagulohang dala 'yan at pagbagsak ng ekonomiya kung magaganap nga ang kanyang sinasabi.

QUESTION: Sir, allowed ba 'yon? Ligal ba yung sinasabi niyang yung kanyang mga assets, properties e regalo sa kanya. As a government official, allowed ba kayong tumanggap ng regalo na ganoon?

FGE: Hindi. Labag 'yan sa batas. Depende na lamang kung moderate gifts, ika nga quote and quote, ang kanyang ginaganap. At depende rin kung ito ba ay may kinalaman sa kanyang trabaho o hindi.

At kung siya ba ay isang opisyal nung mga panahong 'yon o hindi rin. Maraming katanungan, maraming alegasyon na napakahirap na resolbahan sa harap ng camera. Mas masasagot ang lahat nang 'yan sa masusing imbestigasyon na isasagawa. Sana bago mag-eleksiyon pero baka hindi na sapat ang panahon.

QUESTION: So, are you hoping na ma-enlighten ang public at makita nila yun?

FGE: Syempre umaasa ako na si Senator Grace ang kakatigan at susuportahan ng ating mga kababayan sa pagkapangulo, ang katandem ko bilang presidente. Dahil anomang plataporma at programa meron ako, ito'y buo at kumpletong-kumpletong mapapatupad lamang kapag siya ang maluklok at maupo bilang pangulo ng bansa.

QUESTION: Sir, pang-social media, isa sa mga ginagamit na rin. Nag-iba na rin talaga 'yung mode ninyo. Pero mukhang may pag-abuso dahil ang dami ngayong nabibiktima ng pambu-bully sa social media dahil dito sa election.

FGE: 'Pag millenial ka talaga minsa'y na-bully ka na malamang sa internet at sa social media. Alam mo rin na hindi lahat ng nababasa mo at nakikita mo roon ay dapat paniwalaan.

Siguro 'yung hindi pa millenial at ang mas mabilis tumalon at lumukso sa mga nababasa nila sa social media. Pero sa tunay na millenial, alam nila na hindi dapat agad luksuhan at paniwalaan ano mang nakikita at nababasa nila roon dahil sila mismo naging biktima na ng imbentong kwento o meme sa social media.

QUESTION: Sir, under the law 'yung Anti-Cybercrime Law. Pwede sila mag-file ng complaints 'di ba?

FGE: Nandoon pa rin Celly, pero sa akin mas matimbang 'yung kalayaan sa pamamahayag na dapat din nating ginagarantiyahan sa kabilang banda lalo na sa panahon ng kampanyahan. 'Ika nga nila, 'yung maninipis ang balat at hindi kayang kumuha at tumanggap ng akusasyon o kritisismo hindi dapat lumahok sa halalan.

QUESTION: Sir, final na ba 'yung inyong meeting de avance?

FGE: May 7 sa Plaza Miranda ang aming meeting de avance. 'Yon ang pinagpasyahan ni Senator Grace.

QUESTION: Sir, anong oras 'yon?

FGE: 5, 6? 5 o'clock. 5 o'clock. Mga 5, 6. 5, Filipino time nila. 6 so... 5, 6. (Laughs)

MODERATOR: Any other question? Jam? Survey?

QUESTION: Sir, may susunod pa ba 'yung survey?

FGE: Ang alam kong susunod na survey sa May 9 na. Resulta ng eleksyon.

QUESTION: At ready ka na sir ano man ang maging hatol ng taong bayan on May 9?

FGE: Noong tumakbo ako Cely, tinanong ko ang sarili ko. Handa ba akong tanggapin ang dalawang posibilidad sa halalan? Handa ko bang tanggaping mananalo ako? Handa ko bang tanggapin na iba ang mapipili ng ating mga kababayan? Nu'ng ang sagot ko sa dalawang tanong na 'yan ay oo, doon ako lamang nagpasyang tumakbo.

Ang hinihiling ko sa lahat ng aking kandidatura, hindi na ako'y manalo. Mula noong 1998 hinihiling ko palagi ko ano ang kaloob ng Diyos. 'Yon naman palagi ang aking dasal upang sa gayon bukal at bukas sa'yo tanggapin na kung ikaw ay panalo wala kang oras para sa'yong pamilya at mahal sa buhay.

Kung ikaw ay hindi papalarin marahil may ibang nakalaan para sa'yo ang Diyos. 'Yan dapat ang pananaw nang lahat ng kumakandidato para wala hong pikon pagkatapos ng eleksyon. Dahil napakaganda at napakakulay ng buhay para mainis at mabwisit at mapikon sa iisang yugto lamang ng inyong buhay sa mundo.

QUESTION: Sir, ano man ang maging resulta; manalo or matalo? Kung manalo, okay. Kung matalo, hindi na 'yung 'di ba may nagpa-file pa ng election protests, hindi agad nagko-concede.

FGE: Sa buong buhay ko Cely tinanggap ko palagi ang desisyon at pasya ng ating mga kababayan, tungkol man sa akin o sa ibang kandidato.

QUESTION: Pero sir, ano ba ito? Parang realization? Mahirap talagang tumakbo sa mataas na position kung independent at walang partido na...?

FGE: Walang ganoon Cely. Lahat 'yan ay naka-ukit at naka-ukit sa tadhana't nakasulat 'ika nga sa mga palad mo. Madalas ko ngang sinasabi at matagal ko nang sinasabi 'di ba, ang pagtakbo't pagpanalo bilang pangulo at pangalawang pangulo by fate and by faith. F-A-T-E at F-A-I-T-H. By fate and by faith. Makakamit 'yan nang sino mang magwawagi.

MODERATOR: Okay, Marlon.

QUESTION: Sir, sa Monday sino pwede mong makakalaban mong mahigpit? Si Bongbong or Robredo or Cayetano?

FGE: Apat kaming naglalaban-laban na double digits sa pagka-ikalawang pangulo. Apat din silang naglalaban na may double digits sa pagka-pangulo. Isa doon sa apat na 'yon, sa pagka-pangulo o ikalawang pangulo man, ang magwawagi.

Alalahanin ninyo noong 2010, double digits din ang lamang ni Secretary Roxas sa pagka-vice president. Double digits din ang lamang ni Senator Villar kay President Estrada pero nagbago o lumiko sa ibang resulta 'yung halalan. Hindi ko sinasabing 'yon ang mangyayari ngayon. Kada eleksyon ay unique at kakaiba. Ang sinasabi ko lamang, nangyari na noon at posibleng mangyari din. Kaya sino man ang nasa range, 'ika nga 'yung apat dapat tignan at ikonsiderang seryosong kalaban.

QUESTION: Naniniwala ka na may kakayahan si Secretary Mar na mandaya ngayong eleksyon?

FGE: Ang may kakayahan lang mandaya, administrasyon. Walang iba.

QUESTION: So paano niyo babantayan 'to para maiwasan 'yung kinatatakutang dayaan?

FGE: 'Wag lang kami, pati kayo. Paano natin babantayan para matiyak na hindi mangyayari anumang uri ng milagro o dayaan. 'Yun ang nakakatakot at nakakapangamba minsan sa mga survey na naglalabasan mula sa kung anu-anong grupo na kaliwa't kanan.

Baka nagma-mind conditioning lamang sila kaugnay sa gusto nilang maging resulta sa halalan. Pero sa dulo buo ang kumpiyansa ko sa ating mga kababayan. Maski nga sa sabungan may tumataya sa llamado, may tumataya pa rin sa dehado. Ang tao tataya at boboto sa kung sino talaga ang kursonada nila, hindi kung sino lamang ang nagkataong llamado o dehado sa partikular na panahon ng halalan.

QUESTION: Sir, knowing Secretary Roxas and PNoy, capable ba sila at ia-allow ba nila 'yung mandaya sa election?

FGE: Hindi ako close kay Secretary Roxas. Kaya ko lamang magsalita sa pagkakakilala ko kay Pangulong Aquino. Ang sagot ko ay hindi at umaasa ako na hindi at hindi siya nagbago.

MODERATOR: Leila?

QUESTION: Ano po 'yung nakikita niyong reasons na kaya hindi pa insurmountable 'yung lead ng frontrunners aside 'yung... 'Yun bang voter turnout inaasahan niyo rin na...?

FGE: Ang soft voters at undecided ay medyo mataas pa rin. Mahigit sampung porsyento pa. In fact, kulang-kulang dalawampung porsyento ang soft voters at undecided na magpapasya't magdedesisiyon 'pag nakita na nila 'yung balota, kung ano 'yung pangalan na sumisigaw o kumakanta o umaawit sa kanila. So bawat kandidato nangampanya na ng 86 days.

Ano ba naman 'yung apat nalang na araw? Di tapusin na nila anuman ang posisyong tinatakbuhan nila. Kaunti nalang 'yon. Hindi rason para mawalan ng loob ang sinumang dehado o naghahabol ngayon dahil apat na araw nalang 'yan. Kaunting tiis nalang, kaunting pagod nalang. Dapat magpursigi na sila.

QUESTION: So, Sir, ang tatargetin niyo nang... 'yung last day ng kampanya, 'yung mga undecided pa 'tsaka 'yung mga soft?

FGE: Sa Pilipinas kasi hindi naman kasing detalyado ang datos tulad sa America na kaya mo talaga i-pinpoint target kung sino at nasaan 'yung soft at undecided. Kaya sa abot na lamang ng aming makakaya, sisikapin namin na maparating ang aming mensahe't mithiin sa mas marami nating kababayan.

QUESTION: Sir, 'yung NPC ang sinuportahan Poe-Escudero tandem. Sa tingin niyo ba makakadeliver ng malaking boto or marami bang mga NPC ang medyo sa iba sumusuporta?

FGE: Hindi ko kaya at ayaw kong magsalita para sa NPC. Hindi na ako miyembro ng NPC. Mas maganda sila ang sumagot ng katanungan niyo na 'yan.

QUESTION: As former NPC member?

FGE: Hindi na nga. Former na lang. Para sa akin, anumang tulong ng sinumang partido o kandidato, malaking bagay 'yon sa aming independent na takbo. Pero sa dulo, gaya nga ng sinabi ko kanina, tigitigiisa tayo ng boto. Miyembro ka man ng NPC o Liberal, ng NUP o ng NP, tigitigiisa pa rin tayo ng boto pagdating ng May 9.

QUESTION: Sir, saan ka pala boboto sa Monday?

FGE: Sa Sorsogon.

QUESTION: Ay, hindi pala. Mahirap i-cover. (laughs)

FGE: ikaw ang pupunta doon, 'di ba?

QUESTION: Buhatan Elementary?

FGE: Maaga ka naman uuwi. Maaga kaming boboto para hindi na pumila.

QUESTION: Tuesday or Wednesday?

FGE: Hindi. Maaga kaming uuwi mula sa eskuwelahan.

QUESTION: Sir, may na-observe ka ba na difference ng kampanya ngayon at noong mga previous election? Ano na 'yung naging pagbabago?

FGE: Wala pa ako, Cely, sa stage na ina-analyze ko at nagha-hindsight na ako sa kampanya e. Tatapusin ko muna 'yung apat na araw ng kampanya para mayroon kami, at panahon na mayroon pa kami para mangampanya. Pagkatapos na marahil doon na ako magbabalik tanaw sa kampanyang ito kung babalik tanawan ko.

QUESTION: Pero wala naman kayong nakikita na medyo nagkaroon kayo ng pagkukulang sa mga strategies doon sa during the campaign period?

FGE: Palaging may kulang dahil ang resources naman namin ay hindi sapat. Hindi kami nagkulang sa ideya at imahenasyon sa kampanya. Nagkulang lamang kami sa kakayahan na magawa at gawin lahat 'yon.

QUESTION: Sir, 'yung mensahe sa publiko? Kasi sabi 'O, kaya daw umangat 'yung isa dahil ang mensahe niya about unity, pagkaka-isa'. Sa tingin niyo may kulang doon sa inyo?

FGE: Post-claim analysis na 'yan. May kasabihan tayo: victory has many fathers but defeat is an orphan. Marami nang may kagagawan, marami nang rason kung bakit lamang o mananalo ang kandidato. Marami na rin dahilan at rason kung bakit hindi ang isang kandidato. Ayaw kong pasukan ang debate o kwentuhang yan.

QUESTION: Sir kung manalo ay si Senator Grace Poe who will be the next Senate President?

FGE: I have no idea. We haven't talk about it yet.

QUESTION: Tito Sotto daw?

FGE: Usually naman ang pagpapasya ng Senate President ay nagmumula sa mga senador. Nagkakataon lang na bumabagay yan sa type at trip at gusto ng presidente rin. Minsan din ay hindi, so depende. Ang pangunahing kailangan, suporta ng mga senador. Basbas ng pangulo ang pangalawa.

QUESTION: Kapag si Duterte...

FGE: (laughs) Hindi ko alam.

QUESTION: So mukhang kampante ka naman?

FGE: Ano?

QUESTION: Kampante ka?

FGE: Hindi ako kampante, kontento ako. Mag kaiba 'yun. Iba ang kampante sa kuntento. Kampante kumpiyansa ka. Kuntento, ibig sabihin nagawa mo na ang kaya at pwede mong gawin at aantayin mo nalang ang resulta. Walang regrets at wala kang pagsisishan kaugnay ng ginawa at nagawa namin nitong nagdaang 86 na araw.

QUESTION: So walang panghihinayang na sana Day 1 isinama niyo na si Heart sa kampanya?

FGE: Wala. Maliwanag 'yun sa usapan namin simula pa lang, prayoridad ang trabaho niya hindi ito. May trabaho ako at prayoridad ko rin 'yun. May trabaho siya at prayoridad niya 'yun. Tulad ng madalas kong sinasabi, hindi siya kailanman papasok sa pulitika at ako gustuhin ko man o may mag-alok man, hindi rin ako papasok kailanman sa showbiz.

QUESTION: So sir pinag-usapan niyo na ba ni Sen. Poe kung papaano kung ganito ang maging resulta ng eleksyon? Anong? Balik tayo sa Senado or...

FGE: Hindi. Gaya ng sinabi ko, tatapusin namin ang huling apat na araw ng kampanya. Siguro pag uusapan namin 'yun sa Linggo, pag nagkausap kami. Ang dalawang posibilidad na mangyari, yun siguro ang tamang panahon para pag usapan yun. Dahil bawal na mangampanya sa araw na yun.

QUESTION: Pero di ba sa mga last minute, may mga gapangan, may mga kinakausap, di ba may ganon...

FGE: Basta gapangan sa pulitika, hindi sa ibang lugar sa kwarto okay lang 'yun. Dapat gawin 'yun ng lahat ng kandidato.

QUESTION: May ineexpect po ba tayo na lilipat sa inyo? Last minute?

FGE: Meron, may mga ineexpect din kaming tatalon. Ganon naman talaga sa mga huling araw ng eleksyon. Nagiging parang palaka ang marami sa pulitiko na patalon talon. Mula dito papunta roon, mula roon papunta dito. Normal na siguro yan at dapat nang asahang mangyayari.

QUESTION: So kailan namin malalaman kung sino...

FGE: Pag nag announce sila na nandoon na sila o dito na sila o dito sila at hidni sila doon.

QUESTION: Sino?

FGE: Hindi para sa akin ang magpangalan, wala rin akong clue dahil hindi lamang ako ang nakikipag-usap. At tungkol sa timing at venue, mas magandang manggaling sa kanila. Pangalawa, sobra at grabe pa rin ang panggigipit at man to man ng administrasyon sa marami sa ating mga opisyal. So hindi ko tiyak kung gagawin o mangyayari pa 'yun.

QUESTION: So sir sa mga nakausap niyo nagbigay ng commitment?

FGE: Maraming nagbibigay ng commitment at alok ng tunlong subalit hindi makalabas dahil may kaso sila, dahil kakasuhan sila, dahil baka palitan yung (inaudible) nila. Dahil baka yung project na ipinangako hindi marelease sa kanila. Maraming bagay at dahilan, sila lang ang makakasagot niyan.

QUESTION: Baka ganon ang mangyari, last minute, 5-days to go before election?

FGE: Posibleng mangyari, posibleng hindi mangyari gaya nga ng sabi ko. Pero maraming adjustments na mangyayari at magganap sa mga susnod na araw. Hindi pa kayo nasanay sa eleksyon. Ang last four days at last three days usually, mas puno ng balita kaysa sa 80-araw ng kampanya.

QUESTION: So sir ang ano...

FGE: Kung wala na wag pilitin...

QUESTION: Sir si Velarde, hindi ba kayo... yung El Shaddai?

FGE: Si Bro. Mike? Binigyan niya lang kami ng pagkakataon na makapagsalita noong nagdaang linggo at nagpapasalamat kami sa pagkakataong maihatid ang aming programa.

QUESTION: Pero mag-eendorso daw ba sila sir?

FGE: Hindi ko alam. Hindi ko siya nakausap tungkol doon. Maikling panahon lang ang nagkaroon kami para magkausap at mag kamustahan pero hindi namin napag-usapan ang mga bagay na yan.

QUESTION: Ang endorsement ng INC? Sa inyo napakaimportante at crucial...

FGE: ...ng El Shaddai, ng INC, ng iba't-ibang grupo, siyempre dagdag palagi 'yun. As they said, politics is addition. Anumang dagdag na pag-endorso at pag-suporta siyempre malaking bagay 'yun.

QUESTION: So naalala ko lang di ba last minute nagkaroon ng Noy-Bi ngayon bang 2016 magkakaroon din ng ganong scenario?

FGE: Ako walang ganon. Ewan ko kung yung iba may ganon. Pero ako walang ganon. Walang Noy-Bi na scenario mula sa panig ko. Ang kinakampanya ko mula't-mula, sa simula hanggang ngayon, hanggang sa huling araw ng halalan ay Grace-Chiz.

QUESTION: Si PNoy solid na ba talaga sa kanyang kandidato?

FGE: Hindi kami nagkakausap mula noong nagdeklara sya ng kandidatura ng mga kandidato ng LP eh. Marahil magkakausap kami kung saka-sakali kung meron pang pag-uusap pagkatapos na ng eleksyon.

QUESTION: Anong tulong ang naibigay sa iyo ni PNoy?

FGE: Wala.

QUESTION: Kahit na expression of goodluck?

FGE: Grineet nya ako ng happy new year. Text. Nag thank you nung grineet ko ng happy birthday. Pero walang tulong. To be fair to him and his candidates.

QUESTION: Wala ba syang inadvise sa iyo?

FGE: Wala.

QUESTION: Kelan kayo huling nag-usap?

FGE: Noong kinukumbinse nya si Senator Grace at ako na makipagkaisa. Bandang Mayo.

QUESTION: How about Kris Aquino?

FGE: Hindi rin kami nagkausap. Matagal-tagal na. Mga isang taon na.

QUESTION: Hindi ba sya nagsabi ng pasensya na.

FGE: Wala. At hindi rin naman kailangan magpaliwanag dahil mas importante at mahalaga ang relasyon nya sa kanyang kapatid at pamilya kesa anumang relasyon sa kaibigan.

QUESTION: Sir, sabi ni Trillanes once daw na ma-elect daw si Duterte, magiging vulnerable daw sa kudeta, you think so?

FGE: Sya yung eksperto dyan hindi ako. Hindi ko kayang magsalita tungkol sa posibilidad na yan. Mas alam nya yan. Hindi ko core competence yan.

QUESTION: Kasi daw hindi acceptable sa military yung sharing of power between communist and...

FGE: Alam nyo wala naman sigurong may gusto na magkaroon ng kaguluhan dito sa ating bansa dahil ang pinakamagdudusa yung pinakamahihirap nating mga kababayan. Yun mayaman magkagulo man o hindi dati namang mayaman hindi magugutom ang mga anak nila. Kung magkakagulo sa ating bansa at bumagsak ang ating ekonomiya mas maghihirap yung mas marami nating kababayan na mahirap. Kesa yun mayaman na wala namang pakialam.

QUESTION: Do you think he should prompt Duterte to explain?

FGE: Si Alan ba pagsasabihin mo kung anong gagawin niya? Hindi ata kaya 'yun, mahirap ata gawin 'yun. Alam na ni Alan, matanda at malaki na siya, kung anong dapat at hindi niya dapat gawin. Hindi para sa akin na diktahan or turuan siya kung anong dapat gawin. Matanda at malaki na siya, may desisyon siya kung bakit niya ginagawa o hindi ginagawa ang mga bagay-bagay . Ikaw naman, patapos na ang eleksyon hindi kami nag-away at nagbangayan, ngayon mo pa kami pag-aawayin.

QUESTION: Pero sir 'yun yung sad part ng politics ano? Mga magkakaibigan, mga magkakaaway, mga magkakapartido.

FGE: Sa lahat ng eleksyon wala akong inaway. May mga eleksyon na may umaway sa akin. Pero tiyak ko nung binibilang ko, mas marami akong naging kaibigan at nakilala kaysa sa hindi na naging kaibigan pagkatapos ng eleksyon.

QUESTION: E sir 'yung pag-aaway mas nagugustuhan ata ng iba. (laughs)

FGE: Ano 'yun?

QUESTION: 'Yung mga palaaway.

FGE: Hindi din. Hindi din.

QUESTION: Talaga? (laughs)

FGE: Hindi din.

MODERATOR: Mayroon pa? Si Leila nagtaas ng kamay.

QUESTION: Ayun sir, kung gusto niyo lang mag-comment. Anong masasabi niyo doon sa mga nagsasabing na naging liability daw kayo kay Senator Poe? Kaya hindi siya nakakuha ng enough support.

FGE: (laughs) Sinong nagsabi noon bago ako mag-komentaryo. Mahirap naman mag-komentaryo ng anonymous.

QUESTION: Well, first one si Sen. Serge.

FGE: Sino? Sinabi niya 'yun nung simula na ng kampanya, hindi niya sinabi 'yun lately.

QUESTION: Sir sa interview kasi namin..

FGE: Pero gaya nang sinabi ko, victory has many fathers and defeat is an orphan. Lahat eksperto na pagdating sa mga bagay-bagay na 'yan. At kung sinabi man niya 'yun, marahil mas asikasuhin niya 'yung kampanya niya dahil dikit at malapit ang karera sa pagka-senador kaysa iba pa ang punahin niya.

QUESTION: Sir anong plano niyong gawin sa bisperas ng eleksyon, doon sa Sunday? Magsisimba?

FGE: 'Yun ang unang araw nang tulog ko matapos ang siyampung araw, na kompletong tulog na walong oras.

QUESTION: So matutulog lang kayo sa Sunday?

FGE: Oo naman, 'yun ang kulang ko nitong nagdaang siyamnapung araw. Wala ka naman ng pwedeng gawin. Tapos na at nakakasa na ang lahat kung ano man ang nilatag't pinagplanuhan mo at hinanda mo sa loob ng siyamnapung araw. Dapat 'yun na ang tumakbo at gumalaw ng mag-isa, wala ng pwedeng gawin pa ang kandidato, bawal nang mangampanya ang mga kandidato.

QUESTION: Sir magsimba, Sunday.

FGE: Siyempre, pero matutulog muna, paggising. Pero tulog muna bago simba.

MODERATOR: And with that...

FGE: Thank you!

MODERATOR: Thank you very much Sen. Chiz Escudero.

News Latest News Feed