Press Release
August 1, 2016

Grace Poe's Interview on FOI

Q: Ma'am you're expected to handle the Committee on Public Information. Once maging official na po na kayo ang chairman how soon will you start with the deliberations of the FOI?

Poe: Yun nga yung maganda dun kasi yung aming kopya ng bill from the 16th Congress intact pa yun kaya I expect to have our committee hearings immediately. Hopefully, within the month of August. So sa August tatalakayon na kasi huwag natin kalimutan na habang pinag-uusapan ang Charter change, federalism, ito po iyong pinaka-importante na huwag tayong lokohin ng mga nakaupo sa gobyerno. Kaya dapat masiyasat lahat ng ginagawa nila ipasa muna natin tong FOI.

Q: Tapos expected po ba na medyo mabilis na lang yung deliberation ngayon kasi pinasa na before to sa Senado eh.

Poe: Siyempre may iba tayong mga bagong kasama sa Senado. Gayunpaman, wala naman akong kilala na tutol dito. Hindi magmumukhang maganda sa kanila pag tumutol sila. Pangalawa, nakadebate na natin noon si Senator Enrile at si Senator Miriam, sa tingin ko hindi naman tayo mahihirapan na ngayon na i-eksplika ang importansya nito.

Q: Ma'am, yung key features lang ng FOI bill that merits its passage kahit na meron ng EO on FOI?

Poe: Ang importante sa ating mga kababayan kasi ang Executive Order ng Presidente, tayo'y nagpapasalamat pinasa niya pero hindi kasama dun kami sa Senado, Kongreso, Hudikatura, dun sa korte. So ibig sabihin hindi natin malalaman pati yung local government kung ano talaga yung nangyayari. Kulang pa talaga yun, kailangan isang batas para kahit na mag-iba pa yung administrasyon ay hindi basta-basta mabubuwag ang batas na ito.

Q: Ma'am parang mas detalyado yung law niyo kasi talagang sinasabi dun anong mga documents ang i-upload sa websites, anong yung mga bawal.

Poe: Tama, yung gusto nga naming may mga automatic uploads na sa mga website. Halimbawa sa ating mga kababayan, di ba parang magugulat kayo, gusto kong magtrabaho sa gobyerno pero hindi ko alam ano yung mga opening? Tuloy ang nagkakaroon ng mga trabaho dun mga kama-kamag-anak lang. Ngayon, pag may FOI automatic uploads, lahat ng mga bakanteng posisyon sa bawat opisina, lahat ng kinikita ng mga opisyal sa gobyerno naka post dun. Pati yung budget na nabibigay sa bawat departamento kaya walang puwedeng magsinungaling at magsabi na walang pera para dun sa proyekto na dapat mapunta sa tao.

Q: Yung criminal offense, merong possible na criminal case?

Poe: Oo isa pa yun, tama.

Q: Anong importance nun?

Poe: Sa ngayon kasi, administrative lang. Ibig sabihin, puwede kang matanggal sa trabaho, bigyan ka ng suspension pero pag meron na tayong FOI na batas, may criminal liability na dun. Ibig sabihin, pwede kang makulong pag hindi mo ibinigay ang impormasyon, pwede ka ding magbayad ng multa kasama na rin ang pag dismiss sa trabaho at di ka na pwedeng magtrabaho sa gobyerno.

Q: Sa tingin niyo Ma'am meron bang kakaiba sa administration na to? Baka payag na yung mga Congressman na ipasa na ang FOI kasi they're insisting pa rin on right of reply. What could change? What could push them?

Poe: Ako yung compromise ko eto, kung gusto niyo ng right of reply, gawin niyong separate bill iyan. Huwag ninyong ikambal sa FOI kasi magkakagulo lang tayo. Maraming sumusuporta sa FOI na ayaw naman ng right of reply, meron rin naming vice versa so ihiwalay na natin iyon.

News Latest News Feed