Press Release
August 10, 2016

GRACE POE's AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT
Senate Committee hearing on emergency powers

Poe: Alam mo mahirap magsalita ng tapos, kailangan pakinggan lahat. Minamadali natin ito pero sa ngayon nakikita natin na malaki talaga ang problema, halimbawa, sa EDSA, mga mayors din ang may kinalaman sa mga side roads na talagang kailangan ay may isang central traffic management agency na mamamahala niyan. Tapos nakita natin na parang ilang libo pang mga kalsada ang kailangan idagdag. Ang dami pang kailangang bilhin na mga equipment sa airport. Napakarami pa talagang kailangang gawin. Kaya nga maaaring mag-isip tayo ng isang sistema na mas mapapabilis natin ang solusyon sa traffic.

Q: (Inaudible)

Poe: Maganda naman kasi nagsasabi ng totoo doon sa mga nangyayari ngayon. Siguro kulang pa, marami pang problemang dapat ihayag pero ang maganda dito nakikita natin kung saan tayo nagkakaroon talaga ng problema.

Q: Ma'am, malinaw ba para saan yung emergency powers?

Poe: Nakikita natin dito ang emergency powers, kailangan nila para sa mas mabilis na procurement process. Ibig sabihin, para makabili ng mga kagamitan kaagad o makapag-umpisa ng construction. Kailangan nila mas mabilis na approval, eh kung dadaan pa sa mas masusing... eh hindi naman natin masasabing masusi dun sa isang proseso na napaka-reasonable eh, nababagalan naman talaga tayo. Katulad nga niyan yung ibang mga plaka, nakabinbin pa rin ngayon dahil hindi pinayagan ng COA. Pag merong emergency powers at pinayagang ma-release yan kaagad-agad eh maibibigay naman kasi sa motorista. So may mga bagay na maaaring idulot ang emergency powers, sabi ko nga, kailangan nakatutok talaga tayo diyan na lahat ng bidding at ang mga kukunin nilang mga suppliers dapat mailahad sa publiko para di tayo ma nakawan at kailangan transparent para walang palakasan.

Safeguards to prevent potential abuse

Q: Ma'am your committee came up with safeguards to prevent for potential abuse of this emergency powers?

Poe: Alam mo kauna-unahang hearing ito, malalaman natin ang kalawakan ng kapangyarihan na maaaring maibigay. Hindi ko sinasabing ibibigay, maaaring ibigay, ano ang limitasyon nito pero malinaw dito kung meron silang proyekto, kailangang nakasaad dito kung gaano katagal, magkano ang aabutin, sinong responsible dito. Iyon yung ating mga hihingin at usually ang emergency powers, hindi po iyan lalagpas ng tatlong taon sapagka't meron talagang limitasyon iyan at sinong pagkakatiwalaan ng Pangulo na maging overall traffic czar kung sinuman ang mamamahala dito.

Q: Ma'am I think it was Senator Drilon or was it Senator JV who said na wala ng question na kailangan ng emergency powers to address this, it's just a matter of how to do it. Do you agree with that Ma'am?

Poe: Not necessarily, bill nila iyan eh. That's their bill, they believe that that we need the emergency powers now. As chairman of the committee, I have to maintain objectivity at this point, hear all sides, this is the first hearing we've had so far and we will have our next hearings. Iimbitahin po natin ang mga miyembro ng local government units. Kailangan din natin tawagin ang DBM, ang NEDA, lahat kasi iyan coordinated. Hindi naman natin puwedeng sabihin, "O ibibigay natin ang pera sayo" yun pala wala namang pera.

Q: Can you clarify Ma'am na yung DOTr Secretary siya na rin yung ina-eye na maging MMDA Chairman?

Poe: Parang dapat ganun eh. Para sa akin ah, yun ang nakikita ko pero tignan natin but sa pag tingin ko kay Sec. Tugade, meron siyang political will. Parang ngayon lang talaga ako nagkaroon ng hearing na mas inaamin nila kung ano ang kakulangan. Sa tingin ko mayroon siyang leadership strength na maaaring kailangan natin para ma-impose itong mga solusyon sa traffic.

Q: Can you clarify, the emergency powers ay kay Pangulong Duterte pero ang mag-iimplement ay si DOTr

Poe: The emergency power is for the President to be able to do what he needs to do. Siyempre kahit naman anong kapangyarihan ng Pangulo , mayroon pa rin siyang dinedelegate. So kung binigyan natin ng emergency powerrs ang president, as the representative of the President, ay maaari niyang i-execute iyan for him.

On Timetable

Q: Kailan ang timetable na pwedeng maibigay o hindi maibigay yung...

Poe: Remember ha, kapag nagsagawa tayo ng pagdinig dito, ilang sektor pa ang kailangang kausapin. Tapos pagdedebatehan pa iyan sa plenaryo so hopefully bago kami mag-session break sana, o bago mag-Christmas, sana. Hindi ko pinapangako kasi hindi lang naman ako ang tao sa Senado. Kung magtutulungan kami ng mga kasamahan ko dito, maaaring matapos ito kaagad. Basta gagawin natin sa abot ng ating makakaya, kaya nga emergency powers ang hinihingi dahil nga may emergency situation na.

Q: What is your target? This should be over by?

Poe: Well I am hoping bago mag-Christmas break sana, napag-uusapan na ito sa plenaryo.

Q: How often ma'am yung hearings do you think, that you need?

Poe: I think we should at least have two hearings a week, or at least one hearing a week pero tuloy-tuloy. We wanted sana next week, ang problema, the next group of resource persons, they need more time to prepare so we might have it the week of August 24.

Q: Ma'am may clarity na yung duration? Sabi dapat two years lang pero sabi ni Sen. Drilon kanina parang one congress or three years?

Poe: Technically, three years, pero siyempre hindi naman natin na-implement agad, next year pa siguro ito. A little more that two years. It's really the term of Congress, the duration of emergency powers.

Q: Extendable yun?

Poe: I think that it's important. For us to be assured that we are doing the right processes and I think meron namang due process na dapat talagang sundin at para sa amin dito sa Senado, kaya nga natin pinag-uusapan ang ganito na susi ang emergency powers kasi delikado talaga na ibinibigay lamang sa isang tao ang kapangyarihan.

News Latest News Feed