Press Release
August 11, 2016

SEN. GRACE POE's INTERVIEW TRANSCRIPT
DZMM with Ted Failon

Ted Failon: Madam Senator Good Morning po!

Sen. Grace Poe: Good Morning, Manong,

Failon: Madam Senator ito na muna, kahapon Ma'am saan kayo nagsimula at saan po kayo natapos?

Poe: Hindi pa kami tapos talaga. Nagsimula tayo siyempre sinabi nila kung ano ang problema, mga suliranin sa trapiko alam naman natin yun. Tapos meron silang mga generic na solusyon pero siyempre Manong, yung pagdinig na yun ay ilang oras lamang yun ay kulang pa talaga at sa totoo lang hindi talaga nila nalalahad ang mga partikular na gagawin nila. May mga iba silang sinasabi ba't di na kailangan pa ng emergency powers. Halimbawa, yung problema ng pagkakaroon ng isang central traffic regulatory group. Ang problema ngayon, yung EDSA lamang parang anim na LGUs ang dadaanan diyan na minsan ay hindi nagkakatugma ang regulasyon ng MMDA at yung mga Local Government Units. Tapos gusto rin nila buksan yung ibang subdibisyon para pumasok yung mga sasakyan dun. Gusto rin nila wag magkaroon ng TRO or injunctions ang mga lower courts para sa mga proyekto nila. Yung mga bagay na ganun pati yung right of way acquisition sinasabi nila na baka kailangan nga ng isang emergency powers.

Failon: Opo, opo. So, wala naman siguro tayong question dahil may problema, malaki ang problema. Diba ho may kasabihan 'the devil is in the details', diba.

Poe: Correct...oo.

Failon: Meaning, doon sa detalye baka dito tayo sumabit. Kung papaano ba ho ito. Okay, Ma'am, doon muna sa usaping na ito hong puder na ito ay ide-delegate o ibibigay ho ninyo kay Pangulong Digong na kanya namang ide-delegate pupwede sa isang tao. Poe: Maaari...

Failon: Assuming ho Ma'am ito ho kay Ginoong Art Tugade siya ho ba talaga ang magiging bastonero o traffic czar or manager at hindi niya po ito ipagkakatiwala sa iba.

Poe: Alam niyo po isa nga yan sa aming pinag-usapan dahil nga may nagsabi nga sa akin na dapat siguraduhin yun kasi kung siya nga yun ang mamahala; kung hiwalay naman sa MMDA yan e baka parehong problema pa rin. Nakikita ko si Mr. Tugade meron siyang experience sa private sector, nakita rin natin siya doon sa Clark pero sabi nga namin dapat masiguro kung sino ang pagkakatiwalaan ng pangulo na mamumuno dito sa inisyatibo na ito. Dahil baka nga kung sinu-sino lang yung magpapairal nito, di naman yun ang nakausap natin pero sabi nga namin, itong emergency powers Manong, tama ka 'the devil is in the details', kailangan ang mga probisyon ay malinaw. Meron po itong hangganan, kailangan po dito, wag kakalimutan ng ating mga kababayan na pwedeng bawiin ito ng Kongreso at ng Senado kung hindi nila tinutupad ang kanilang mga deadlines o kanilang mga pangako. Kasi yung nangyari po sa, tapos dapat po transparent o may FOI kasi yung nangyari doon sa Electric Power Crisis Act of 1993 kung naalala niyo po yun, sabi nila yun daw ang naging puno't dulo kaya napakamahal ng kuryente sa ating bansa. Binigyan ng emergency powers noon ang nakaupong pangulo na si FVR kaya lamang po yung detalye ng kontrata pagkatapos napirmahan at saka natin nalaman kung anu-ano yung mga yun. Dahil hindi naman kasama ang taumbayan sa pagkilatis ng kontrata na pinasok ng gobyerno. Kaya may stranded debts, kahit yung kuryente na hindi natin ginagamit ay binabayaran pa rin natin. Yung mga kuryente na hindi nade-deliver ng power plant ay binabayaran pa rin natin. Iyon yung ayaw nating mangyari, na henerasyon pagkatapos natin ay magkakaroon pa rin ng utang sa pagbabayad itong mga proyektong ito.

Failon: Yes Ma'am, para mapaliwanag din po Madam Senator, hindi ho sa hindi kayo sa nagtitiwala diba sa kasalukuyang administrasyon. Ang atin po lamang mas maganda na ho na malinaw ang lahat, lahat tayo ay may access sa mga kontratang ito kasi nga ho baka lang may mga iba ho na probisyon na kinalaunan pala lahat; kagaya ho for example kung may mga procurement na ganyan baka ho na kinalaunan at saka lumabas na ay...ganito pala. Tayo pala ang magbabayad etsetera...etsetera. Ang importante po talaga ay FOI-compliant, ika nga po ninyo.

Poe: Opo, fiscally responsible. Alam niyo Manong, kasama rin diyan kasi gusto nila direct procurement ang gagawin nila. Okay lang iyon pero dapat nakalagay dun may track record yung pagkukunan. May tamang kapitalisasyon, walang mga kamag-anak na incorporators na kasama ng Department of Transportation. Iyon yung mga bagay na dapat ganun dapat nakadetalye yun sa probisyon para hindi naman tayo niloloko.

Failon: So Ma'am ang aking pong agam-agam ho dito, tayo po ay nakikiisa nga na ito ay magiging madali, mabilis para ho agad natin maramdaman po ang magandang pagbabago. Ang akin po kasing naiisip ho ngayon, itong hinihinging emergency powers na ito bagamat kailangan ho talagang maigawad na ASAP will take some time, right? Sa inyong timetable ho ba kaya ba itong maipasa sa both Houses by bago matapos ang taon.

Poe: Ako po gusto ko talagang matapos na ito. Kasi nga kaya nga emergency powers kailangan natin. How ironic naman tatagal pa ito sa Kongreso at Senado. Basta kami Manong sa Senado, nag-uumpisa na kami at gagawin naming ito as much as possible not this coming week but weekly yun or twice a week. Ang Kongreso ay hindi pa po nag-uumpisa, hindi pa alam kung saang komite yan mailalagay sa Kongreso. Pangalawa, hindi lang po ang Kongreso at Senado ang dapat tingnan dito. Di naman kami pwedeng pumayag sa emergency powers na walang detalyadong plano mula sa DOTr kasi baka bigay kami ng bigay ng mga kung anu-ano emergency powers hindi naman namin alam kung ano bang mga kalsadang gagawin nila. Ano bang oorderin nila, yun nga ang sabi ko, wag naman tayo magbigay ng blankong cheke na maaring duguin naman tayo sa susunod.

Failon: Ma'am, I'll give you an example. Magandang pagusapan siguro ninyo sa inyong pagdinig, duon sa binabanggit kahapon ni Ginoong Tugade talagang siya po mariin niyang sinasbi niya na 27 bus terminals on EDSA. Labing-apat diyan sa Pasay mga ganun ho...Madam Senator, we are in unison na talagang kapag tinanggal natin ang lahat ng bus terminal sa kahabaan ng EDSA malaki po ang tulong nito. Given po talaga, walang debate yan. Pero ang sabi niya hindi naman ito confiscatory, as in sarado kaagad, right. Meron daw sinasabi siya na mga hango sa batas na kinakailangan ay merong just compensation, may mga ganun pa siyang isyu. Pero ang tanong po dito is kapag ginawad ang emergency powers at pinagusapan nap o natin ang implementasyon ho. For example, sa pilot area ng EDSA, ang tanong how long will it take you people number one to implement that transfer ng ano ba ito, common terminal na pinaguusapan ng mga bus saan? Gaano sila, sino magko construct niyan? Gano katagal konstruksyon yan? At meron na ba tayong study kung yung lugar nay an talaga ay mainam para sa lahat.

Poe: Kaya nga Manong Ted yan ang sinasabi ko, kung hindi man ito mapapasa agad hindi ito dahil sa Senado. Dahil nga kailangan yung mga plano na yan hanggang ngayon nga sabi namin, san ba sa North terminal gagawin itong imprastraktura na ito. Hindi pa nila matukoy kung saan. Meron na daw, hindi lang nila natukoy. Tapos yun nga pagre-relocate ng mga bus terminals na yun. Bibigyan sila ng kompensasyon diyan. So kailan magre-release ng pera ang DBM, diba parang may pera ba talaga para diyan. Lahat po yun ay talagang masusing dapat ay di lang pinag-aaralan kundi bigyan na ng kaukulang plano kung paano gagawin.

Failon: Ma'am kasi po just consider the number one construction of the terminal, the access or availability of the connecting ride. You know it will really take some time. If you don't start planning it now and putting it in black and white or getting ready with the blue print. Ma'am baka ho sila mapahiya sa hearing.

Poe: Yun na nga sabi namin, alam mo Secretary siguro may mga pwede na kayong gawin ngayon kahit na walang emergency powers. Sabi naman niya, oo naman. Katulad niyan yung mga ire-relocate na twenty plus bus terminals baka pwedeng kausapin ngayon na. In anticipation of that emergency powers being passed baka they'll be more cooperative. Yun po yung ating sinabi din natin sa Secretary alam mo, si Secretary Tugade 30 days plus siya na andiyan. Marami pa rin siyang hindi siguro napapag-aralan. Kaya nga po hindi po talaga ang problema ng emergency powers kabagalan ho nito sa Senado.

Failon: Opo. One thing also Ma'am, can we, ito lang ba if I can just put this, to tell you this input yung consistency. Consistency po ng gobyerno particularly ito hong taga land transportation sector dito sa DOTr. Ang pinag-uusapan nga po natin dito volume kaya nga sobrang traffic. For example, EDSA volume...come to think of it, panukala po nila is maglagay ng...magdagdag ng double decker bus, maglagay ng point to point na bus, I mean when you asked them about the details, sasabihing...hindi meron na kaming nakausap na investor. Ma'am excuse me, hindi nga volume ang ating pinag-uusapan. Ba't ka magdadagdag ng karagdagang bus, e meron ng existing na sa ngayon.

Poe: Sabi nga po ninyo diba, dapat kung meron mang ganun limitahin sa mga may franchise na para yung mga luma nilang mga bus ang bawasan nila. At hindi na tayo magdadagdag ng mga iba pang may mga prangkisa doon. Tapos alam niyo siyempre kailangan natin out of the box solutions, pero yung iba sobrang out of the box rin. Tulad ng maglalagay ng cable cars, napanood natin sa Facebook sa isang mountainous sa South American country ginagamit yun...dito di alam papaano maiimplementa yun. Masyado na ngang crowded yung city natin. Pag tingin pa natin sa taas ganun pa. Kaya meron ding proposal na LRT 2 ba yun gagawin nila ay parang rapid bus transit line. May mga ganun na solusyon pero wala nga pong konkreto. Ito talagang gagawin natin.

Failon: Ma'am baka pupwede lang po, we go back to basics dito po sa usaping franchise ng land transportation kasi po Ma'am, tatlo po ang basic requirement ng franchise: one is you have to be a Filipino citizen; pangalawa you have to be financially capable, meron kang financial capacity; at pangatlo ho may garahe...may garahe pangatlo. Actually Ma'am, ngayon ang tanong lang sa LTFRB, lahat ban g binigyan niyo ng prangkisa sa jeep, taxi, UV Express lahat bay an may garahe. I mean, part na ho ito ng problema na andiyan nap o ito pero ngayon po patuloy sila nagbibigay nito. I mean sa mga, alam niyo ho yun. For example lang Uber, Grab maraming nagre-retire ngayon ng maaga na kumukuha ng retirement pay, bumibili po ng sasakyan at automatic pupunta ho sa Uber or Grab meron ka ng service na sasakyan pero nawawala na ho yung basic requirement na may garahe k aba. I mean, you know what I'm saying you are adding too much volume kasi nga po we disregard basic na panuntunan ng transportation.

Poe: So, yun na nga po minsan kulang tayo sa follow-up checking. Magbibigay tayo ng paper works na ang hirap-hirap pa pero wala naman tayong due diligence check kung merong garahe. Pero Manong that is a good point, kailangang maitanong... (line was cut)

News Latest News Feed