Press Release
August 17, 2016

TRANSCRIPT OF SEN. VILLANUEVA's DZBB INTERVIEW ON ENDO, DUTERTE ADMIN's TAX REFORM PROPOSAL
Program: Bangon Na, Bayan!
Host: Joel Reyes Zobel

ON LABOR HEARING ON 'ENDO'

Q: Ano ho ang development sa nangyaring pagdinig sa issue sa end of contract?

Senator Joel Villanueva: Napaka insightful and fruitful sapagkat kanina organizational meeting po ng Committee on Labor at ininvite po natin lahat ng agencies of the government na sumasaklaw dito lalo na ang Department of Labor at ng ilang mga ahensya na naka attach dito. Isa po sa glaring na nakita natin ay una ang gobyerno din ay maraming JO o job order. kanina rin po sa hearing dun sa Committee on Public Highways about 30,000 sa DPWH, about 11,000 sa Department of Transportation and Railway, sa DOLE mismo about 2,500. So ilan po yan sa mga nakita natin ngunit at the same time gusto ko pong ulitin na ang ating committee on labor ay di po naghahangad na sirain yung maling pananaw na ang endo , isa po ito sa globally recognized scheme ngunit ang sinasalag po natin ay yung evils of endo, yung paulit ulit na ifa-fire at ihihire with the same job description sometimes the same person kahit di same person but with the same job description. Nakakaikot po sila sa dun sa isinasaad ng ating bata batas kaya mahalaga na itumba natin itong evils of endo.

Q: May binanggit ka tungkol sa gobyerno marami ring job order particularly sa DPWH pero paano kung ang departamento ay gumagana per contract or per project?

SJV: Tama po kayo at isa yan sa mga na raise kanina at isa ho sa magagandang solusyon na pwede natin ientertain ay yung classification, na ikaw ba yung probationary pagkatapos kung after six months kailangan ka pa ng kumpanya o ng gobyerno dapat maging regular ka na at meron namang project based o seasonal kunyari ako po ay may ari ng isang resort sa Boracay and summertime syempre kailangan kong mag hire ng mas maraming tao ngunit pagka oras ng mga bagyo hindi ko naman ho pwedeng irregular lahat ng aking hinire so maganda po na may description at ma classify natin . Ngunit ang nakaka alarma kanina is yung ang DPWH kanina na there are individuals na gumagawa ng regular jobs so ito hindi talaga kahit na sabihin natin na per project , the project is a continuing project so hindi mo masasabi na magfa-fall sila under sa project based workers. Again ang gusto nating tukuyin dito ay hindi yung contractual at ayaw nating masira yung pananaw ng employers na this is an anti program. Hindi po. Ang tayo lang po ay gusto natin tanggalin yung maling practice, hindi po natin pino promote syempre yung unemployment ayaw na ayaw po natin yan. Puro paggawa ng trabaho gusto natin at we're just saying na we just wanted to redistribute the income dun sa workers natin who is the bloodline of every business in the country

Q: Ang business sector ba ay well represented sa pagdinig?

SJV: Sila po ang susunod nating iimbitahin maging ang labor organizations and unions kasi po kanina ang talagang pinunterya natin ay yung mga alagad ng ating pamahalaan, yung mga nasa gobyerno, department of labor and its attached agencies.

ON DUTERTE ADMINISTRATION's TAX REFORM PROPOSAL

Q: Ano ba yung initial assessment natin sa tax reform proposal ng Duterte admin pati yata senior citizens, PWDs ay isa sa mga maaapektuhan ng tax reform proposal ng Duterte admin?

SJV: Gusto kong sabihin na napaka lawak ng tax reform program na ipinresent sa amin ni Secretary Dominguez at kaharap doon si Pangulong Duterte. Natutuwa naman po tayo dahil may ilang panukala na very close to our heart especially unahin ko na yung lowering of personal income taxes, sinusuportahan nya po yun. For example, yung nag eearn ng 250,000 a year o 21,000 pesos a month na dati e nagbabayad ng 25,000 pesos a year, ngayon, magbayayad nalang ng 2,500 a year so malaking difference po yan. So from about P2,000 plus a month magiging 200 pesos a month. Doon na po sa corporate income tax, masayang masaya din po tayo dyan dahil kapag ibinaba natin ang corporate income tax, from 30 to 25 percent, mag haharmonize po ang ating tax rate with our ASEAN peers. Ibig sabihin, yung ating investors mas maae-encourage na mag punta dito at mag invest. And at the same time, kadugtong po nyan yung evils of endo na masisiguro natin na magiging regular yung mga kababayan natin mga workers natin, mga bayaning manggagawa natin at mawakasan na talaga yung endo. Ang talagang tumaas po talaga yung kilay namin ay doon po sa binabanggit na VAT exemption. May mga proposals po dun sa senior citizens pati yung PWDs yung dalawa po nyan talagang di ko susuportahan yan. Ngayon palang babanggitin ko po na I will go against it. Dun sa iba naman, na vat exemption pati girl scout, boy scout, yung vat exemption ng pagcor, ang laki laki po ng exemption nyan sa VAT so yun po susuportahan ko po yan

Q: Magkano ba mawawala kung sakaling matuloy yung proposal na maibalik yung mga exemptions ng mga gusto nilang matanggal na exemptions?

SJV: Dun po sa pagbaba ng personal income tax, about P139 billion ang mawawala. Sa corporate income tax about P34 billion so about 170 plus billion ngunit ang iniisip nilang pagbawi, yung isa nga dyan yung VAT base expansion, yung excise tax on oil, and yung sugary beverages. We're looking sa sugary beverages mga P18 billion, sa excise tax on oil about P178 billion. I think we have to be careful about it kunyari yung sa oil bagamat 1997 yung huling pagtaas diyan remember nung pumasok ang VAT, pinatawan din yan. Bagamat I'm supportive siguro ang tanging proposal ko po dyan ay maging dahan dahan para masiguro natin na di aaray at di rin tataas ang presyo ng mga bilihin

Sapul dito ang lahat ng tao sa excise tax on oil...

SJV: Opo kung itataas aabot ng sampung piso. Medyo kailangan talaga tignan nang mabuti kasi pwede naman pong gradual yung mangyari. Ilan pa po yung sa property tax, yung sa capital income tax, may mga ganun po and then other taxes which is yung usual is yung tignan natin kung pwede pa itaas yung sa sin tax and mining tax. Tingin ko naman po magaganda ang gusto nilang gawin pero it's quite ambitious to produce P600 billion by 2019. If I'm not mistaken, that is their target. Out of the P600 billion, P200 billion would come from the improved tax collection efforts of the revenue agencies, that's 1 percent of our GDP. And yung tax policies naman po another P400 billion so yun po ang tinitignan natin. Bagamat maganda yung programa na nais ipagawa tayo naman nais natin masiguro na at the end of the day, may trabaho, may disenteng hanapbuhay ang ating mga kababayan at may room para mag improve sila at magkaroon ng magandang kinabukasan

Q: Sinusuportahan nyo po ba ang VAT increase from 12 to 15 percent?

SJV: Hindi po dahil masyadong malawak yan at masyadong maraming tatamaan kung ganyan yung gagawin . I would rather look at these figures...again tinataxan na naman natin yung mga taong supposed to be, for example, yung personal income tax mas maraming natataxan yung mga kakaunti ang kinikita kaya nga sinasabi natin lagi overtaxed na yung ating workers. I think it's about time na ibaba po natin ito dahil pag ginawa natin ito mas malaki ang chance na mas maraming magbabayad ng buwis dahil mas dignified yung pagbabayad ng buwis at mas maliit ang kanilang babayaran.

Q: Sa Hongkong uniform na 15 percent yung tax na binabayaran regardless kung ano trabaho mo. Hindi ba natin pwede gawin dito sa atin yan?

SJV: Well isa po yan sa mga tinitignan natin siguro magkakaroon ng gradual muna...yung proposal ng Department of Finance yung first year pababa nang pababa yung income tax na binabayaran. For example, in the first year, 20 percent lang yung babayaran nung kumikita ng P250,000 to P400,000. In the next year, magiging 15 percent nalang so I think 5 percent ang ibinababa. Pag tinignan natin yung middle level dito talagang makikita natin yung significance at talagang mararamdaman nila at tayo naman alam natin pag merong purchasing power ang ating mga kababayan then mas magkakaroon ng economic activity sa ating bansa.

News Latest News Feed