Press Release
August 20, 2016

Press Conference of Sen. Leila M. de Lima
Kamuning Bakery Cafe
August 20, 2016

De Lima: Maraming, maraming salamat po. Again, good afternoon. Katulad ho nung pagharap ko sa media nung isang araw, nung nag presscon po ako para sagutin yung mga hindi magagandang salita na nanggaling mismo sa Pangulo, nahirapan na naman po ako ngayon.kung ako ho ba'y talaga haharap na naman sa inyo ngayon. Kung matutuloy ko na naman itong sinabi ko kahapon sa mga Senate media na posible akong magpa-presscon na naman.

Pero after much reflection po ay napasya ko na ituloy po ito kasi ang pinaka-ayaw ko po kasi na pagdating sa Lunes, na alam niyo ang simula ng aming pinakaabangan na Senate inquiry ay nada-divert po ang mga tunay na isyu sa mga personal na mga bagay, na mga foul na bagay na binabato po sa akin.

Hindi ko na po kailangang sabihin kung gaano ka-foul yung mga pagtira po sa akin. So para ho hindi na nga ho mangyari yan na hanggang Lunes, Martes, na puro ganyan ang mga lalabas na mga paninira sa akin, minarapat ko po na harapin kayo ngayon.

Alam niyo po para sa akin, ang personal na buhay ng isang tao ay sensitibo, ang personal na buhay ng isang tao ay sagrado. At ako po yung tao na sinisiguro ko po na anuman ang mga krisis na personal na dinaanan ko o pinagdadaanan ko, sinisiguro ko po yan na hindi yan nakakaapekto sa aking pagganap ng aking mga tungkulin sa buhay. Mula pa noon, noong ako po ay private practitioner at hanggang sa naging CHR chairperson po ako, hanggang naging DOJ secretary, ayaw ko po na nalilihis ang mga importanteng usapin sa aking tungkulin, sa aking pagganap ng tungkulin sa mga personal na bagay.

Pero gawa nga ho nitong mga lumalabas ngayon, kailangan ko ring magsalita nang konti kahit mahirap po sa akin kasi first time ko po itong ganito na imbes na magpo-focus lang po ako sa mga tunay na mga isyu na mga mas makabuluhan na isyu ay napipilitan po akong magsalita naman tungkol dun sa mga banat na mga personal sa akin.

Yan pong sinasabi nila na si Ronnie Dayan, dati ko po talaga yan na driver-bodyguard or bodyguard-driver. Mula pa po noong ako ay private practitioner, in other words, bago ho ako pumasok sa gobyerno.

Napalapit po siya sa akin pero kung gaano man ho siya kalapit sa akin, pagpaumanhin niyo po, hindi ko na muna po, I don't want to touch on that muna po kasi po personal yang bagay na yan. And again, ayokong nalilihis po itong usapin natin sa mga personal na bagay.

Napipilitan po talaga akong banggitin siya kasi naaawa na rin po ako sa kanya. By the way, wala na po siya sa akin. Hindi na po siya nanunungkulan sa akin bilang driver-bodyguard. Umalis po siya sa akin, nag-resign po siya sa DOJ--if I'm not mistaken, early last year, 2015. So wala na po siya sa akin pero meron pong komunikasyon pa rin po kami hanggang ngayon.

Now, three weeks ago po--I'm not sure whether it's three weeks or four weeks ago--nakatanggap po ako sa kanya ng tawag at nagpapatulong, nagpa-panic po siya. Halos mangiyak-ngiyak na po at sinasabi nga daw po niya na hindi na po siya nakakauwi sa kanilang lugar, sa kanilang bahay dahil may mga nagha-hunting daw po sa kanya.

Ang sabi niya, meron daw siyang mga kakilalang pulis na local sa kanila, na winarningan na nga daw na 'Lay low ka, merong mga nagha-hunting sa iyo. Either ire-raid ka sa bahay mo at papalabasin na meron kang mga armas, papalabasin na nanlaban ka, at baka patayin ka, o dudukutin ka kasi balak nila na gawin kang witness or state witness laban sa dati mong boss na si Sen. De Lima.'

So naniwala naman po siya kasi meron nga ho siyang naobserbahan na mga suspicious na mga umaali-aligi sa kanilang neighborhood. Nagtatago ho siya hanggang ngayon. Hindi ko pa ho siya ulit nakakausap, although may nagparating po siya sa akin kahapon hanggang kagabi na talagang delikado na ho siya kung saan man ang kinalalagyan niya ngayon, na nagpapa-SOS na nga po na kung puwede nga daw ho tulungan ko siya dahil nga sobra na ang pangamba niya, wala na nga daw ho siyang makain kasi hindi nga ho daw siya makapunta rin. Sinusubukan raw niyang puntahan sa mga bahay ng mga kapatid niya o sa kaibigan, pero wala daw nag-aano sa kanya kasi mga takot din. Kaya napipilitan na iparating sa akin ang kanyang sitwasyon.

Gusto ko pong malaman niyo rin, ayaw ko pa sana na talagang sabihin ito. But dahil nga po dito sa mga pangyayaring ito na grabe naman talaga ang ginagawa niya na nandadamay po sila ng iba, ay about nung first week pa lang po after elections--so that's about May--meron na ho sa aking mga nagsasabi na I consider credible sources na meron daw ho na mga umiikot-ikot sa Bilibid nung panahon na yun. As I said, first week after the elections--na ang ginagawa daw ho ay naghahanap ng mga possible na mga puwedeng magtestigo laban sa akin.

In other words, they were trying to access certain convicts na ang pakay daw ay ituro ako na ako ay isa ngang coddler, ako ay isang protector, na ako ay nakikinabang sa droga nila, na ako ay tinulungan nila nung eleksyon through campaign funds, and words to that effect, na nabanggit nga din ho yan na palalabasin nga daw ho na si Ronnie ay parang nag-serve as bagman. Yan po ang impormasyon na nakuha ko at that point.

Pero sinundan pa ho ng another information, also about that time na huwag kayong mag-alala kasi mukha namang walang takers. In other words, wala namang kumakagat diyan sa ano nila, na parang papipirmahin yata ng kung ano-ano, mga statements, sworn statements na i-implicate nga po ako.

Now, that was first week or after the elections. And then, nasundan na rin po yan ng mga ganyang impormasyon. Siguro ho hindi ho ako magtataka kung at this point meron na po sila nakuha na mga possible na ganun ang sasabihin, na mga perjured witnesses na posibleng mga convicts.

Wina-warningan na po ako tungkol dito ayaw ko lang ho talagang maniwala kasi ang ano ko nga ho, anuman ang kasalanan ko sa Pangulo, iniisip ko po na hindi naman siguro siya hahantong sa punto na ito na lantaran, o diretso, o talagang out and out na sisirain, sisiraan, out and out to destroy me.

Tignan niyo po yung kanyang mga asal niya ngayon, yung kanyang mga comments na hindi ko alam kung biro yung tinatawag niya na "killing me softly" na yan. Pero ako'y nagtataka, bakit ho ganun? And gusto ko na rin hong idagdag na dahil the same people who told me about the information na merong mga umiikot doon sa BIlibid para lang ako idiin, para lang ako ituro, are also telling me na, 'Umpisa lang yan, Senator.'

Ang impormasyon po na nakarating sa akin from these same sources is kinakalkal din daw po nila ang mga buhay ng ilan pang mga tao na alam nila na malapit sa akin either on a personal or professional level. In other words, dati rin na mga nagtrabaho sa akin, katulad ni Ronnie, o kaya mga dating Usec., o mga dating heads of attached agencies of DOJ na who are perceived to be close to me, whether or not they are really close to me is another matter.

They are perceived to be close to me because ako ako ang nag-nominate sa kanila para ma-appoint sila sa mga puwesto na yan nung ako ay DOJ secretary. Ganun daw po ang ginagawa ngayon kasi yun nga daw po ang mga isusunod. Kinakalkal nila ang mga buhay nila, personal man o hindi, at kapag makakuha daw ng dumi, ituturo na naman nila sa akin, ili-link na naman nila sa akin.

For example lang, example lang, hypothetical lang, example lang po ito. Halimbawa, they succeed in what--digging some dirt sa buhay ng tao na yan, sasabihin na naman nila, 'Nakinabang na naman si Senador De Lima,' dahil ganun nga ho ang pakay, siraain ako sa hindi ko maintindihan na kasalanan ko sa ating Pangulo.

Kaya ko po ito sinasabi na kasi nag-appeal na po ako nung isang araw, nung presscon, na tama na, tama na ito--paninira, pananakot, at nandadamay ng mga kawawa naman na ang kasalanan lang naman nila ay they were once part of my life, lalo na as Secretary of Justice, but they were perceived to be close to me.

Alam niyo po, mahal na Pangulo, kung ipipilit niyo po yang akusasyon ninyo na ako'y nakinabang sa droga, dahil coddler ako, o protector ako, o nakatanggap ako sa kanila, whether in the form of campaign funds or whatever, alam niyo po mapapahiya po kayo diyan at ayaw ko pong mangyari yan sa inyo.

Anuman ang ebidensiya niyo diyan kung saka-sakali man meron na po kayong ebidensiya tungkol diyan, sinasabi ko na po sa inyo na yang ebidensiya na yan ay hindi totoo--fake, peke, bogus, manufactured, fabricated, perjured. Anumang dahilan na nakumbinsi yung mga operator niyo, nakumbinsi ang sino man ang mga affiants na yan na magsisinungaling hinggil sa punto na yan, I'm telling you Mr. President: Ayaw ko po na mapahiya kayo. Maybe not now, but perhaps later.

Dahil yan po ang totoo, wala pong katotohanan yan. Ayaw ko po na kayo mismo ang mapapahiya. So ang unsolicited advice ko po sa inyo, kung sino man ang mga nagsusuplay nga mga impormasyon na yan at so-called evidence na yan, kung meron man na tinuturo na ako nakikinabang sa droga, puwede ho ba harapin niyo na sila ngayon at pasabihan, pilitin niyo na silang magpakatotoo sa inyo dahil kayo ho ang masisira. Maybe not now but in the very near future, but there will come a time na talagang ganyan ho ang lalabas na wala hong katotohanan yan. So please.

Yan, sinisimulan na nga po ako. Nandiyan na, merong so-called House inquiry. Para ano ho yan? So yan po...kasi iniisip ko lang po, I'm just trying to be very honest at this point. Ang iniisip ko nga po, kung ganyan ang nangyayari sa akin na kaya nila na mag-imbento ng ganyang mga kuwento about my alleged involvement sa drugs, sumasagi po sa utak ko ngayon na baka naman dun sa mga so-called list na yun--yung isiniwalat na sa publiko ng Pangulo, yung halo-halong listahan na nandiyan ang judges, mayors, police--napaka-posible ho na ilan-ilan dun, ganun din, mga inosente pala at sa anumang mga kadahilanan.

Hindi ko po sinasabi na lahat ng nandun sa listahan na yun ay hindi totoo. Hindi ko po sinasabi na lahat ng mga listahan na yun ay inosente rin na katulad ko. Ang sinasabi ko lang po, since kayang-kaya nilang gawin po sa akin na senadora po ako, puwede ho nilang gawin yan dun sa mga nandun sa listahan na yan.

Kasi tignan niyo, may mga nakita na ba kayong kaso na finile at this point after making or having that naming-and-shaming sa mga yun? Mukhang wala pa. So nasaan po ang mga ebidensiya? At kung meron man, tunay ho ba na mga ebidensiya yan? Yun po ang gusto kong iparating na mensahe. Kasi siya ho talaga mapapahiya sa nangyayari ngayon.

At yung mga kung sino man yung mga tao na yan, whether nasa paligid niya o hindi na may kagagawan niya, please, tigilan niyo na rin ang Pangulo. Be responsible enough na bago po kayo nagbibigay ng kung ano-anong impormasyon o so-called evidence, you should be completely convinced of the veracity of those information na dumaan sa tamang proseso ng validation, double checking para wala hong mga nadadamay na inosente na kawawa rin ang pamilya.

Ganun din ho ang nangyayari sa akin kaya mahirap po sa akin gawin ito dahil ang talagang nasasaktan ay ang pamilya ko, at yung pamilya rin ni Ronnie. Si Ronnie may pamilya siya, may mga anak siya, although ang alam ko matagal na siyang hiwalay sa asawa niya bago pa man pumasok siya as driver-bodyguard sa akin noon. Pero nasasaktan po ang kanyang pamilya. May mga babae rin po siyang mga anak.

I think at this point, that's all I have to say. Maraming salamat po.

Question: Ma'am, ano pong totoo sa sinabi ni Duterte, ano po yung hindi totoo?

De Lima: Alam niyo po yung sa personal nga pong buhay, ayaw ko na muna hong pumasok diyan. Ang kino-confirm ko po sa inyo ngayon, dati ko ho talagang tauhan si Ronnie Dayan, dati ko po siyang driver-bodyguard, na matagal ho siya before pa ho ako pumasok. Saka yung mga sinasabing bahay-bahay na yan, hindi po yan sa akin.

Now, whether or not pumupunta rin ako doon at ilang beses ho akong pumupunta doon, puwede ko ho yang sagutin sa susunod, sa tamang panahon because I really want to avoid, as much as possible, going into certain matters tungkol sa mga personal na bagay.

Ayaw ko ho kasing malihis itong mga pinag-uusapan natin na kaya lang naman ito ginagawa sa akin dahil nga...kasi mahuhuli niyo naman yung ating Pangulo what could be the possible reason kung bakit ganyan ho ang pagkangitngit niya sa akin--if I may so. In fact, to put it lightly, why is he so fixated on me? Mahuhuli niyo naman po. I think lumalabas na yun.

I think he has not forgotten and forgiven me nung ako po ay CHR chairperson pa at pinaimbestigahan ko po yung isyu ng Davao Death Squad at dinala ko po yung CHR en banc nung 2009, pumunta po kami mismo sa Davao at nag-conduct po kami ng series of public hearings.

Pinatawag po namin yan si Mayor Duterte, and in fairness to him, he obeyed the subpoena. Pumunta po siya pero ang pagkaalala ko po, in open court, in open proceedings, medyo ni-lambast ko po siya, medyo ni-lecturan ko po siya tungkol sa human rights. Although again, in fairness to him, hindi naman ho siya nag-react ng hindi maganda nung ginawa ko po yan sa kanya.

At pangalawa, yung sinasabi rin niya kasi narinig ko po yung bits and pieces ng certain recent interviews niya na, 'Sumusbora na kasi siya.' Gusto ko rin po tanungin sa Pangulo: Ano ho bang ibig sabihin niyo doon sa sumusobra na po ako? Hindi ko pa ho masyadong maintindihan yan.

Question: Madam Senator, ano po ba yung mas apektado kayo, yun hong i-link ho kayo sa drug operations or yun pong allegedly meron kayong illicit affair sa inyong bodyguard driver?

De Lima: Masyado akong apektado diyan sa paulit-ulit, persistent na alegasyon na ako'y may kinalaman o may link sa droga dahil actually, matagal na ho yan. I mean, siguro pag-start ng election period. Kasi naalala ko sa mga tabloids...I just cannot pinpoint the exact period but it's within campaign period meron hong pinakita sa akin na certain tabloids at ang nakalagay dun: 'Mga drug lords ng Bilibid at Napoles, mga contributor sa campaign funds ni De Lima.' Akalain niyo yun? So parang lumala nang lumala. At ito, ni-revive na naman.

Siyempre masakit din yung mga tungkol sa mga personal na buhay na kinukutsa ka bilang babae at tignan niyo, rine-revive na naman yung so-called alleged sex video na yan. Matagal na po yang alleged sex video. Hindi po totoo yung sex video na yan. Dati na ho nila yan na nire-raise, including nung sa confirmation ng CA, rinaise na yan and hindi lang doon. I notice na every time I'm in the middle of something, a high-profile investigation, a high-profile case na ako ang nasa sentro, nilalabas nila yung so-called, alleged sex video na yan. Magpapa-text blast sila na meron daw po akong sex video. Nakita niyo na ba yung sex video?

Sabi ng aking staff is parang still photo of what is being made to appear as a video. Pero siyempre ako, hindi ko tinitignan yan, mga kababuyan yan. I have better things to do. But sabi ng staff ko, if I may share, in-examine daw nila nang husto yung picture na yan at halata naman daw na hindi ako yung babae doon. I will not anymore tell you the details kung bakit hindi ako ang babae dun sa tingin ng aking mga staff. It's too low pag sasabihin ko yun. Wala ho tayo sa showbiz presscon ngayon. So I don't undertsand.

Question: Meron ho ba kayong plano na humingi ho ng police assistance from the Philippine National Police dahil ang sabi po ninyo nalalagay sa kapahamakan ngayon ang inyong dating bodyguard driver?

De Lima: Ito ho ang puwede kong sabihin, sana ho huwag niyo siyang galawin. Sana po huwag niyo siyang damputin. Puwede niyo lang po siyang damputin kung meron kayong warrant of arrest. Pero kung wala hong warrant of arrest, sana po huwag siyang pakialaman. Huwag siyang--anong tawag dun--huwag siyang galawin kasi gusto lang naman manahimik nung tao. Iyak nang iyak nung nakausap ko nga three weeks ago or four weeks ago. Nanahimik na nga ako sa puwesto ko diyan sa DOJ, tapos ganito ang ginagawa. Nadadamay ako nang husto dito.

Question: Ma'am si Ronnie Dayan magwi-witness ho against you o hindi siya magwi-witness against you?

De Lima: I don't think he will do that, dahil unang-una, wala naman siya dapat ite-testify against me. And then pangalawa, I don't think so. I don't think he will do that.

Question: But he was being forced by the group to testify against you?

De Lima: Katulad ho ng sabi ko kanina, meron hong mga nagpasabi sa kanya. Kaibigan daw within...pulis din na, 'Mag lay low ka kasi target ka. Lay low kasi either nga ire-raid ka at papalabasin na nalaban ka--so therefore, puwede siyang mamatay--o dudukutin?'

Question: Ma'am, do you see the President as a vindictive person?

De Lima: What do you call that? I don't want to accuse the President of anything at this point. I'm just stating the facts, I'm just stating my impressions, my feelings because it is so unfair. Have you seen anything like this? It is so unprecedented that it is the President himself oppressing an elected public official. They're violating my rights, they're violating my dignity as a human being.

Question: Ma'am, bakit kaya parang galit na galit sa inyo si Presidente, parang meron ho ba kayong bad blood?

De Lima: Nabanggit ko na nga kanina po. Meron din hong nagsasabi sa akin na posible hindi nga daw ho ako siguro nakalimutan at mapatawad ng Pangulo. Hindi ho ba kasi yung sinasabi niyang CD, ipapakain niya sa akin dahil sabi niya, 'You slandered me,' dahil sinabi ko nga daw ho, I don't know if it was in an interview in Davao or during that public inquiry na sinasbi ko nung 2009 na sinabi ko raw, 'I will prove Mr. Mayor that you have links to the Davao Death Squad.'

Hindi ko na ho matandaan if that was exactly what I said. But really, the whole point of that public inquiry is to determine the truth kasi talaga hong maraming nagsasabi noon, sources, na possible nga na may kinalaman siya.

Kinukutsa niya na po ako ngayon na I was never able to prove it. Yes, I may not have been able to prove it officially or legally dahil nga po doon sa mga testigo na mga nakausap ko secretly, ayaw naman po nila na mag-execute ng mga sworn statements dahil sa sobrang takot. So there is no admissible evidence.

Inaamin ko ho yan na all this time, all these years, hindi ko talaga siya nakasuhan dahil wala naman ho akong hawak na admissible evidence. Abogado ho ako, hindi naman ako puwedeng basta na lang magsampa na hindi ko hawak-hawak yung mga ganung klaseng evidence. Kasi I cannot just say, 'The witnesses told me or confided in me na may katotohanan yan.' I cannot just say that and I cannot just do that. I'm a responsible, professional lawyer.

Question: Senator, sa tingin niyo po ba si Sandra Cam ang nasa likod ng paglalabas ng expose? Kasi meron po siyang interview sa DZMM kahapon. She's linking you to the illegal drug trade?

De Lima: See, yan na yan. Now, hindi po ako nakikinig o nakinig diyan kay Sandra Cam dahil hindi naman po talaga ako nakikinig sa kanya. You know, ang mga ganyang karakter ay...basta yun po ang nagiging attitude ko kahit masyado niya akong inaano...you know, dahil nga dun sa (inaudible) of women, then paminsan-minsan (inaudible) and make this allegations, ang attitude ko po sa kanya, hindi ko po siya pinapansin.

Question: Ma'am is the President manufacturing evidences against you?

De Lima: I am not at all saying that, that's why I'm telling him, my unsolicited advice, remember, 'Suriin niyo po, mahal na Pangulo ang mga yan kung meron na po kayong hawak na so-called evidence, suriin niyo po nang husto.'

Question: Ma'am so are you confident enough to prove him wrong?

De Lima: Yes, I'm pretty confident. I will stand by my innocence any time, now and forever.

Question: While all this is going on, are you expecting action on the part of the Senate, or at least, support from your colleagues?

De Lima: Ayaw ko na nga ho sana na madamay yung Senado, lalo na na magsisimula na nga po itong importanteng inquiry na ito at nagsimula na rin yung marami na ring mga trabaho na. You're seeing that, di ba, marami namang committee hearings, mga ano ng various committees. Nagsisimula na po yung mga tunay na trabaho ng Senado.

Ayaw ko na po na itong isyu na ito ay nakakasira ng trabaho ng Senado o nakakistorbo po sa tunay na mga trabaho ng Senado. Yun po ang aking posisyon.

Question: Personal na laban niyo lang po na hindi niyo lang kilala yung ibang senador?

De Lima: I would not say really personal. Ang punto ko lang po, ayaw ko namang pilitin ang aking mga kasamahan na, 'Puwede ba depensahan niyo ako dito?' I'm leaving it to their own volition. You know, they have their own minds. They have their own style din nila. You know, I don't expect most of the senators to really openly come to my defense. Hindi rin naman madaling gawin yan. So I'm not going to urge them, plead to them.

Kaya nga ginagawa ko na lang ito sa pamamagitan ng presscon. Ayaw ko na nga mag-privilge speech ulit. Meron ding nag-aadvise, 'Mag privilege speech ka na kaya ulit?' I can always do that, but you know, kagabi, although that was an option, ang sabi ko huwag na muna dahil nga marami na talagang trabaho ang Senado ngayon. Thank you.

Question: Ma'am are you willing to resign as a senator kapag napatunayan na tama yung mga alegasyon?

De Lima:Yes, yes. I'm willing to resign. I'm willing to be shot in front of the President kung may tunay--I just have to qualify--tunay, totoo na ebidensya. hindi coerced, hindi manufactured, hindi fabricated, hindi imbento. I can tell you now. Alam niyo po, I'm getting a little emotional. Sana ho tapos na. tama na po yun. I think I have said my piece and I thank everyone for this opportunity. Maraming, maraming salamat po.

News Latest News Feed