Press Release
August 22, 2016

Bam confirms PNP crusade on drug personalities within their ranks
Transcript of Sen. Bam's questions to Gen. Bato dela Rosa, Senate Hearing on extra-judicial killings (EJKs):

Sen. Bam: Currently ho, nag-iimbestiga rin kayo among your ranks. Marami ho sa amin rito, nagugulat sa kuwento niya, na iyong pulis mismo ang nagsu-supply sa kanyang mga magulang . Ito po ba'y nakakagulat sa inyo o pangkaraniwang kuwento na ngayon?

Gen. Dela Rosa: Hindi po, your honor. In fact, marami na tayong pulis na pinagtatanggal sa kanilang assignment. Tinapon natin sa Mindanao dahil nga, through intelligence report, nalaman natin na ganoon ang kanilang involvement sa drugs.

Pero ito ngayon na meron talaga tayong witness, i-prosecute talaga natin ang pulis na ito, itong mga involved na ito.

Sen. Bam: So kapag involved po diyan sa illegal na gawain, especially sa illegal drugs, ano ang ginagawa ng PNP sa mga pulis? Itatapon lang ba o kakasuhan?

Gen. Dela Rosa: Kakasuhan, your honor. That's why sinabi ko po na tinapon para right there and then, nadi-disrupt ang operasyon nila, pending the right evidence to prosecute them.

Kagaya nito, kung hindi siya lumabas, wala kaming hawak na ebidensiya against these people. Kaya para ma-disrupt iyong drug operations nila sa kanilang AOR, tinatapon namin sa ibang lugar, para hopefully ma-disrupt.

Pero, hindi humihinto ang IAS natin sa kahahanap ng ebidensiya para sila'y mapapanagot sa kanilang gawain.

Sen. Bam: Sa inyo po, whether kasama niyo po ngayon sa PNP, wala sa PNP, retirado na o active pa, hindi na aktibo, basta may kinalaman, hahabulin po ninyo?

Gen. Dela Rosa: Hahabulin po namin.

Sen. Bam: Ito pong testimony niya, will you consider this in the resolution of the case of her mother? Magiging kasama po ba sa inyong imbestigasyon ang sinasabi niya?

Gen. Dela Rosa: Yes, your honor.

News Latest News Feed