Press Release August 22, 2016 Sen. Bam's interview after Senate hearing: Kailangan talagang linawin iyong police action - ano iyong extra-judicial killing, ano iyong collateral damage? Palagay ko, sa kuwento ng mga witnesses, mukhang kailangan pa itong himayin. Bukas, I think si Gen. Dela Rosa, magbibigay ng report niya. Magandang malaman natin ang katotohanan dito. Q: Pero malinaw naman na mukhang hindi kukunsintihin under the leadership of Gen. Bato itong mga sinasabi na vigilante killings? Sen. Bam: Natuwa naman ako noong sinabi niya na siya mismo iyong mag-iimbestiga sa mga pulis na pinangalanan ng witness. That's a good sign and hopefully, tomorrow mas mailahad niya ang kanyang mga plano upang mas malinis ang kanyang hanay. |
Thursday, April 25
Wednesday, April 24
|