Press Release
August 25, 2016

SEN. GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT

Question: On colorum

Sen. Grace Poe: Hindi. Kasi may iba't ibang interest groups diyan--may buses, jeepney, ganyan. Marami sa kanila gusto nila tanggalin ang colorum, dapat naman. Pero nagugulat ako yung iba naman gustong ilegalize yung colorum. So sabi ko, may kanya kanyang interes pero isipin natin yung interes ng nakararami. Kulang ba talaga ang mga sasakyang pampubliko, 'di dagdagan pero alisin muna ang iligal. Hindi naman natin pwedeng gawin ligal ang iligal diyan. Yun yung nagiging problema. Supposedly, meron silang memorandum of agreement, but since 2014 hanggang ngayon, ang nahuhuli lang nila sampu na colorum. Akalain niyo yun, sampu lang ang colorum na nahuhuli.

Q: Yan po yung bagong fine diba na P1 million?

Poe: P1 million pero 200,000 lang ang iniimpose nila.

Q: Nakikita niyo ba na kapag, by preventing provincial buses from entering EDSA, ma so-solve tong problema?

Poe: Not necessarily. I mean siguro makakabawas ng konti pero ang problema kasi, remember the buses, public utility vehicle is only comprised of about 27% of the traffic in Metro Manila, of the cars of Metro Manila. So hindi pa rin. Kaya nga lahat ito, dapat simultaneous ang plano, ano pa ba ang idadagdag ninyo, mag su-subway system ba tayo. Anong plano ninyo DOTr para magawa natin. Pero para sa akin, hindi solusyon yung tatanggalin mo ang mga buses na colorum at saka yung mga provincial buses. Hindi solusyon, hindi pa rin luluwag ang traffic. Dapat sabay sabay, local government alisin niyo yung mga nakaparada sa sidewalk o sa gilid ng kalsada. si Tito Sen diba yun ang sinabi niya kahapon kasama yan. Number 2, mag-umpisa na tayo. Diba sinabi nga na magkaroon ng subway system ang New York in 1903, 1904.

Q: Yung DOTr hindi pa nagpapasa ng plans nila?

Poe: Humihingi sila ng two weeks. Sabi ko, I'm sure may mga ideas kayo kaya ibigay na ninyo ngayon.

Q: May napiga ba kayo sa mga resource persons?

Poe: Mayroon naman, may mangilan-ngilan. May mga nagsasabi ng konting solusyon pero ang talagang solusyon dito ay imprastraktura pero yun ang mangaggaling sa DOTr.

Q: How about yung MMDA, yung eksplanasyon nila sa budget nila. Convinced ba kayo?

Poe: Kasi bago pa lang yung pinadala nilang MMDA chairman. Siyempre hindi tayo convinced, di ba nakita mo naman, disallowed sa kanila P53 million ba, e yung naki-clear pa lang nila wala pang P2 million. 'Di ba, sabi nila. May mga sinehan pa nga sila doon.

Q: Mas mapapadali ba ang trabaho kung ipasa na agad ng DOTr yung plano nila.

Poe: Okay number one, kami ang pinakamabilis dito. Bakit? Naghi-hearing na tayo ngayon diba? Tapos on the side marami na akong nakaka-technical working group na nakakausap. Ang DOTr, hindi pa nagsasubmit ng plano nila, I understand that they need more time. Ang House hindi pa nga naghi-hearing maski isa. Hindi naman kami ang pwedeng mag-approve nito mag-isa lang. So we need a list from DOTr, we also need House to do their hearings para mag-bicam na kami kaagad.

Q: So kung ganoon, hindi mamimeet yung December target na emergency powers kasi mag-babudget (hearing) na kayo?

Poe: Hindi naman siguro kung bibigyan kami ng kwarto.

Q: Ano na yung susunod? Anong thrust na ng further hearing?

Poe: Next week ang hearing naman namin depende kung makakuha kami ng...local government so mga Mayors ng Quezon City, Manila ganyan pero magtatatawag muna kami para malaman kung sino sa kanila ang makaka-attend.

News Latest News Feed