Press Release
September 1, 2016

TRANSCRIPT OF SEN. ANGARA'S DZRH INTERVIEW ON TAX REFORM

ANGELO PALMONES: Kasama natin ngayon ang chairman ng Senate Ways and Means Committee, si Senator Sonny Angara. Senator, magandang umaga po!

SEN. JUAN EDGARDO "SONNY" ANGARA: Magandang umaga Cong. Angelo at Henry.

HENRY URI: Senator, Merry Christmas!

PALMONES: Ikaw naman, September pa lang e.

URI: Aba, nakakabasa na ako ng Merry Christmas dine sa Facebook e.

PALMONES: Binabati mo ng Merry Christmas e ang daming sakit ng ulo ni Senator Sonny ngayon. Senator, nabasa ninyo yung mga tax program na isinusulong po ng Duterte administration para mahabol natin yung budget. Anu-ano ho ba talaga ang nandoon?

SJEA: Marami ho yun kasi five packages ho 'yun. Binababaan nila yung income tax sa indibidwal at saka sa mga korporasyon.

PALMONES: Maganda 'yon. Yun yung matagal niyo nang isinusulong diba? Bababaan natin yung income tax.

SJEA: Yes. Tapos yung inheritance tax - yung buwis doon sa mana, yung tinatawag na estate tax gusto rin nilang ibaba yun.

PALMONES: A, bababaan?

SJEA: Yes. Marami din silang gustong patawan ng buwis tulad ng produkto ng petrolyo, tulad ng mga softdrinks, tsitsirya - gusto din nilang patawan ng buwis. Tapos pati yung VAT exemption ng mga senior citizens at saka person with disability yung mga may kapansanan gusto rin nilang tanggalin yung VAT exemption. Yun yung ilan sa mga proposals po nila.

PALMONES: Sen, totoo yun? Kasi dine-deny e, sabi nila hindi naman daw e.

SJEA: Hindi lang naman 'yon. Pati yung ibang mga kooperatiba, ganon, siguro pinag-iisipan pa nila kasi ang presentasyon pa lang naman nila ay in general kumbaga parang yung mga malalawak o broad strokes pa lang ng mga reporma at sa Setyembre e magbibigay na sila ng mga draft bills o yung talagang aktwal na panukala.

PALMONES: Excise tax sa oil, ang tama nito end-user. Tapos tatanggalin yung VAT exemption sa mga agricultural product, ang tama nito ay end-user parang galit yata sa inyo Sen?

SJEA: Hindi yata tatanggalin yung added tax sa agricultural products in the raw form - ibig sabihin yung mga pagkain na binibili sa palengke, yun ay mananatiling...

PALMONES: VAT exempt?

SJEA: Yung sa oil products, four pesos ng kasalukuyang excise tax nila gustong itaas sa sampung piso, yun ang proposal.

PALMONES: Ang laki nun.

SJEA: Medyo pinag-aaralan pa natin dahil sinabi natin sa kanila, tingnan natin kung ano yung magiging epekto sa mga iba't ibang sektor dahil syempre yung petrolyo ginagamit sa pagtransport ng mga gamit. Ginagamit rin sa power sector yan so maaaring magkaroon ng epekto sa...

URI: It would, Senator, eventually create a chain reaction. Parang nagtaas ka lang ng presyo ng produktong petrolyo tapos kagyat na nagtataas naman ng presyo yung... may domino effect. Now, what's the wisdom behind this move? Kasi ang ating Pangulo e socialist hindi ho ba? Makasama, lahat ng measures para pagaanin ang buhay ng mga Pilipino e kanyang ginagawan ng paraan tapos ito naman magdadagdag pa tayo ng buwis sa petrolyo so ibig sabihin ay kukunin din sa ating mga mananakay at mga gumagamit ng langis ang increase na ito na ipapataw ho sa kanila. E, paano ho 'yun? Contradicting 'yan, Senator?

SJEA: Kailangang pag-aralan ngang mabuti Henry at Cong. Angelo dahil iba't ibang sektor yung matatamaan dito specially dun sa pagbaba ng buwis sa sweldo, maraming matutuwa pero marami rin ang magagalit naman doon sa kung saka-sakaling itutuloy yung pagtaas ng buwis sa petrolyo. Kailangang pag-aralan kung sino ang maaapektuhan talaga dito, ano yung magiging epekto? Kung talagang papanalo ba talaga dito ang pangkaraniwang Pilipino at ang kanyang pamilya. Kung ang talagang epekto niyan ang tumaas ang kanyang net income o take-home pay, yung inuuwi niyang sahod.

PALMONES: Alam ko kayo malayo pa kayo maging senior citizen pero daddy niyo ay senior citizen na e. Si Joe Taruc senior citizen narin ho ito, mabuti pa tayo e mga trenta pa lang tayo.

URI: Trenta sa industriya, huwag kayong magugulat doon Senador.

PALMONES: Bakit naman pati ang mga senior citizen e kailangang madali?

SJEA: Hindi proposal ng Department of Finance na tanggalin ang diskwento ha, yung 20% discount na tatay ko ang nagpanukala noong una nung dekada nobenta pa. Ang proposal nila ay tanggalin yung VAT exemption, ibig sabihin kapag kumain po sa restaurant tatanggalin yung 12% VAT exemption.

PALMONES: Damit, gamot, diba ganun din yun e. Ang laking bagay e.

SJEA: Kasi ang pag-iisip nila kapag tinanggal 'yon mas makakatipid ang gobyerno kapag nagbigay na ng subsidiya ang gobyerno. Ibig sabihin magbibigay sila ng allowance sa mga senior citizens. Sa ngayon, ang alam kong nabibigyan na ng allowance ay yung mga 70 and above or 67 and above, yung mga ganon. E, ang dami namang senior citizen na hindi pa umaabot dun sa puntong 'yon at sa ilalim ng batas e dapat na mabigyan na din ng... I think it's P500 a month kung hindi ako nagkakamali sa ilalim ng amended Senior Citizens Act. So, siguro baka dapat unahin yung subsidiya kaysa... baka ang mangyari niyan ay tanggalin nila yung...

PALMONES: We owe it to them Sen diba? We owe it to our seniors.

SJEA: Definitely. Dun sa serbisyo nila at sa binayad nilang buwis sa pagtagal ng panahon. Yun ay balik lamang naman ng lipunan sa kanila.

PALMONES: PWD muna. Bakit tatanggalan din natin? E, wala na nga tayong subsidy sa mga PWD, diba?

SJEA: E, tayo nga ang isa sa author ng batas na 'yan... ng VAT exemption at kapapasa lang ngayon. Kung hindi ako nagkakamali, wala pang isang taon yung batas na 'yun Cong. Angelo.

PALMONES: Tapos babawiin na naman.

URI: Pero Senator, ang ating gobyerno alam natin na napakaraming balakin, napakaraming proyektong gustong ipatupad at tutulong lalo na sa mga mahihirap, so kailangan talaga ng pera ano ho? At magkumahog para sa tax collections pero yung kinokolektang buwis sa mga mayayamang negosyante lalo na yung mga tax evader, hindi ho kaya yung mas dapat na pag-igihin at bigyan ng pansin bago ho itong mahihirap.

SJEA: Specially yung mga propesyunal na sabi nila andito yung pinamalalaking posyento ng mga hindi nagbabayad ng tamang buwis. Yung sektor ng mga propesyunal sapagkat hindi kinokolektahan unlike tayong mga swelduhan. 'Pag tanggap natin ng ating sahod, kinakaltas na yung buwis buwan-buwan dahil withholding tax po ang tawag doon. So, yung mga propesyunal dapat dyan mag-focus yung administration... dito sa tax administration sa pag-enforce nung tamang buwis. At sabi naman ng Deparment of Finance na magfo-focus din sila dito.

URI: Sabi nga ho ng Pangulo pala nung kamakailan e yun daw na mga oligarko, yung mga mayayamang tax evader ay kanya na hong ipalalabas na din ang listahan kapag hindi nagbayad ng tamang buwis. Kakatukin na sa kanilang mga bahay na may kasamang pulis and media kapag hindi pa talaga nagbayad ng tamang buwis. Ipapahiya na sa publiko. Kayo ba'y sangayon diyan?

SJEA: Okay lang din ho 'yon basta may ebidensiya. Mahirap din kasi kapag nasira yung reputasyon ng isang tao tapos mali pala.

PALMONES: Mas mahirap naman.

SJEA: Hindi yata tama 'yun diba? Pero kung may ebidensiya at saka nararapat naman e magkaroon ng ehemplo rin para sa mga iba... kung hindi magbabayad ng tamang buwis e masa-sampolan sila. Pero meron din tayong confidentiality of tax records, yun ay isang batas. So, kailangang mag-ingat din sila doon sa kanilang shame campaign.

PALMONES: Senator Sonny, can you give a rhetorical message ngayon sa mga senior citizen natin at mga PWD na isa sa mga haharangin ninyo e itong mga binabalak na pagtatanggal ng mga exemption nila.

SJEA: Ako po ay hindi sumusuporta doon sa plano po... dun sa pagtanggal ng mga benepisyo ng senior citizens at persons with disability o PWD sapagkat sabi ko nga isa tayo sa mga nagbalangkas nung bagong batas na nagbibigay ng exemption sa PWDs. At sa nakikita ko, wala pang tinatanggap na umento o allowance itong mga PWD natin mula sa gobyerno at ito na lang ang kanilang konswelo kumbaga. Kunwari may anak kang PWD, may autism o kaya may sakit at nagbabayad ka ng 20,000 na gamot kada buwan e malaking bagay po yung 2,500 na VAT discount. Sa akin, hanggat mapapantayan 'yun ng gobyerno, hindi dapat natin galawin yung mga naibigay nang benepisyo sa ating mga kababayang person with disabilities.

PALMONES: VAT sa fertilizer, sabi tatanggalin din daw yung VAT sa fertilizer? Babawasan yung VAT sa fertilizer.

SJEA: Kailangan natin pag-aralan nang mabuti 'yan sapagkat ano ang magiging epekto sa presyo ng pagkain, sa presyo ng mga... dahil sa ngayon kung ikukumpara tayo sa mga iba't ibang bansa sa South East Asia o sa ASEAN region, e isa tayo kung saan ang pinamalaking gastusin ng pamilya ay napupunta sa pagkain. Kung pupunta tayo sa Thailand, alam niyo yan dahil alam ko Cong. Angelo, ikaw ay napakainteresado dito sa agrikultura, sa pagkain. Yung tinatawag na food security, baka maapektuhan 'yan. Lahat ito ay pag-aaralan po natin ng mabuti bago natin ipasa sa komite.

PALMONES: Basta dadalasan namin ang tawag sa inyo para nae-educate ho natin ang taumbayan na hindi naman kinukunsinte itong... eto, ang dami nang nag-react. Huwag naman daw sana yung VAT sa mga senior citizens.

SJEA: Opo, dahil ang apektado ho dyan ay hindi lamang yung senior citizen mismo kung hindi yung mga nag-aalaga sa kanila.

URI: Sa ibang bansa nga ho e binibigyan pa ho ng buwanang allowances yung mga matatanda at yung mga may kapansanan e. Okay, ano ho ang win-win situation na hindi ho maapektuhan ang mga mahihirap lalo na at hindi naman magsa-suffer ang kaban ng tao pagdating ho sa buwis?

SJEA: Well, mayroon tayong mga nakikitang madaling ipasa tulad nung dito sa napapanalunan sa lotto, sa PCSO. Yung mga nananalo dyan, palagay ko hindi naman sila magrereklamo kung lagyan ng kaunting buwis yung kanilang napanalunan sapagkat milyun-milyon naman yung iba.

URI: Are you saying Senator na ang proposal ninyo ay yung mga tumatama sa lotto o yung tatama sa lotto ay malagyan narin at hindi na maging tax free?

SJEA: Opo. Magrereklamo pa ba ang tao kapag nanalo siya ng pitong milyon, sampung milyon?

URI: Yung tama sa jueteng, Senator?

SJEA: Kung makuha edi mas maganda.

URI: Pero ang malaking pataw talaga e yung sa mga jueteng operator dapat, ang lalaki ng kita nung mga yun.

PALMONES: Maiba ako, nuclear power plant, okay ka ba doon, Sen?

SJEA: Palagay ko kung safe naman... isa lang naman ang isyu dyan sa totoo lang Angelo at Henry e. Yung issue dyan e yung safety hindi ba? Nakita natin yung sa Fukoshima. Basta mabigyan tayo ng assurance na hindi magkakaroon ng nuclear fall-out. Palagay ko pwedeng pag-aralan dahil alam ko sa Fukoshima, yun talaga ang source nila ngayon e. Hindi na sila sa coal o sa uling, hindi narin sila renewable dahil masyadong mahal at saka masyadong unstable yung kanyang mga supply. Pero yung nuclear, mura at saka sabi nila malinis. Yun lang nga ang potential downside niya e yung kapag nagkaroon ng aksidente.

PALMONES: Marami nang bagong technology doon Sen diba? At least, napag-uusapan.

SJEA: Siguro itanong natin sa scientific community kung pwede na talagang pumunta sa nuclear. Dahil kung sa datos lang o sa numero, kita natin na talagang malaki ang advantage, malaki ang bentahe ng nuclear.

PALMONES: Anyway, from time to time makikipagugnayan kami lalong-lalo na dito sa mga ipu-push nila na panggagalingan ng dagdag na kita ng gobyerno. Sabi ko nga, e problema nga dito sa customs e bumagsak yung koleksiyon e. Palakasin muna natin yung koleksiyon ng customs. Sen, last question lang.

SJEA: Magkukomento lang ako Cong. Angelo. Yung customs, pabagsak ho talaga ang koleksiyon dahil ang koleksiyon ng customs sa iba't ibang bansa ay hindi ho talaga para harangin ang kalakal kundi paramihin ang kalakal. Padamihin yung mga kagamitan o sangkap na nandyan na ine-export at ini-import sa daungan kundi pabilisin. So yung tinatawag natin sa ingles na trade facilitation dahil yung mga aktibidades naman ay mabibilisan ng gobyerno. Huwag natin masyadong problemahin na hindi tumataas yung koleksiyon sa customs. Ang problemahin natin ay kung may korapsyon at sinasabi ng mga negosyante na ang hirap ilabas yung mga galing sa iba't ibang bansa o kaya yung mga inilalabas nilang mga kagamitan nila.

PALMONES: Okay. Sen, last question na lang, ewan ko lang kung sasagutin niyo ito. Yun daw po bang moon cake kapag binili ng September, expired na?

SJEA: (laughs) Hindi ko po alam.

PALMONES: Sen, maraming salamat ha? Magandang umaga ho.

SJEA: Maraming salamat. Magandang umaga ho sa inyo.

News Latest News Feed