Press Release
September 22, 2016

SEN. GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT ON EMERGENCY POWERS

Question: Sa Mayors, parang hindi siya na-touch, kasi parang kaunti lang ang umattend?

Sen. Grace Poe: Yun nga e, nakita naman natin talaga yung problema din sa mga iba't ibang munisipalidad at siyudad. Nakakalungkot na hindi nag-attend yung ibang mga mayors so malalaman mo kung prayoridad talaga nila ang trapiko o hindi. Nagpapasalamat tayo sa mga nakarating, pero mali iyon, hindi sila nagpakita dito. Sana ito ang pagkakataon nila na masabi diretso kay Sec. Tugade kung ano ang magiging problema kapag nagkaroon ng isang central traffic authority.

Q: Sa 19 billion supplemental budget na hinihirit, mayroon ba?

Poe: Mayroong mga ganon pero dadaan pa rin iyan sa proseso dito. Pag-uusapan din namin kung paano iyan maaaprubahan kung saka-sakali.

Q: Paano na-settle yung request ni Sen. Ping na unahin yung mga doable, madali i-implement at i-set aside muna yung mga contentious na project?

Poe: Yung suggestion ni Sen. Ping pagdating sa creation ng central traffic authority baka pwedeng iseparate muna iyon. Yun ang pagkakaintindi ko. Sa tingin ko naman dahil na rin sa bilis ng kinikilos ng komite natin, ito na ang huling hearing tapos technical working group na. Magdedepende iyan sa mga kapwa senador ko kung bibigyan nila ng oras ito sa gitna ng pagdinig ng mga budget. Baka by December, at least dito sa Senado tapos na kami. Kaya iniintay na lang natin yung sa kongreso din.

Q: Since last hearing niyo na, satisfied ba kayo sa (submission ng DOTr)?

Poe: Mas nag-improve in the sense na nakalagay doon kung ano ang magiging epekto kung walang emergency powers. Pero siyempre hindi pa rin identified kung saan talaga ilalagay yung mga train stations lalung-lalo na sa Mindanao at ibang lugar sa Central Luzon. Kaya yun yung mga bagay na yung detalye hindi pa nila masyadong nalilinawan kaya technical working group na ang susunod para mas particular na ang mga tanong. Ang mahirap kasi dito hindi din tayo pwedeng maging ganon ka-strikto dahil hindi naman natatapos lahat ng plano sa isang upuan lamang. Basta lamang kailangan transparent ang pagbuo ng kontrata at pagpapakita ng detalye nito para mabantayan natin habang tinatapos ang proyekto.

Q: So klaro na ma'am na yung mga projects?

Poe: Hindi pa lahat...

Q: Ma'am given na last hearing na ito, satisfied ba kayo sa pag-didiscuss ng single majority?

Poe: Kulang ang detalye. Kailangan talaga natin tingnan kung gaano kalawak ang kapangyarihan nito. May isa ngang nagtanong, kung mayroon tayong single traffic authority na may emergency powers...kasi yung emergency powers is granted to the president so the president can create that, yung mga local government, mayors, kung meron silang gustong gawin para makatulong sa traffic like for example, sariling acquisition of land para malipat nila yung mga informal settlers, kasama rin ba sila sa mabibigyan ng kapangyarihan nito or authorized by the power of president? So this needs to be clarified under the single traffic authority, to what extent the cooperation will be with the local government.

Q: Yung mga hindi nakaattend, would they be given a chance pa to give their inputs on that point?

Poe: Well we will probably go above and beyond what we need to do and ask each of their offices to submit position papers that we can submit to the DOTr. Ibig sabihin hihingan natin itong mga hindi man lang nagpadala ng mga representatives o hindi nag-attend na mga mayors para mabigay nila yung kanilang suhestyon para mabigay namin iyong suhestyon sa DOTr kasi ito naman ay ginagawa nila para sa kanilang mga kababayan.

Q: Ilang TWG?

Poe: Siguro mga tatlo pa, kasi ang dami diba?

Q: Di po kasama sa consideration niyo yung proposal ni Senator Lacson na to separate yung mga madaling implementable.

Poe: Kailangan pag-aralan kasi kahapon lang din, kagabi lang nila sinumbit yung updated list nila, which ones will be funded by PPPs, which ones will be funded by the GAA so pag na-separate natin ang mga yun at saka yung time frame of completion, pwede ring practical yung sinasabi ni Senator Ping but again we have to sit down, look at the bill and then study which is the fastest, most effective way to be able to roll out traffic solutions.

Q: So ma'am by next month, October, pwedeng may committee report na kayong ma-isubmit? Before na mag-break ang session?

Poe: ...Baka after pag balik from the break.

Q: So November na?

Poe: Oo, tapos mag pe-plenary pa.

Q: So basically ipo-polish na lahat ng presentation, ok na?

Poe: Oo kasi, sa ating mga kababayan marami talagang nasasayang na oras dun sa hearing. Kahit na gusto mong malaman lahat ng detalye, kapos din ang oras ng diskusyon. Lahat hindi consistent ang line ng pagtatanong kasi yung isang senador iba ang concern, iba naman ang concern ng iba kaya nga dito sa technical working group, gagawin natin by categories. Air, land, sea, transport, rail, kung ano man yung particular concern para talagang nakatutok doon ang diskusyon at hindi palaktaw-laktaw na dito. Dito tayo sa air ngayon and then after 10 minutes doon naman tayo sa rail. Yung mga ganoon.

Q: Ma'am one other point was yung mga hindi na kailangan ng emergency powers sana gawin na. Can you expound?

Poe: Oo katulad ng road clearing. Diba may isa nga galing doon sa mga tao na nagsasabi sa kalentong halimbawa, parang kulang na yung mga lane kasi dalawang lane ginagamit ng vendors at ng iba so yung mga bagay na ganoon. Tapos ang isa pa, yung implementation ng traffic rules hindi naman kailangan ng emergency powers para doon pero nais rin nating sabihin sa ating mga kababayan ang isa pang magandang kinahinatnan ng hearing na 'to ay ito, na dapat magkaroon ng telecommuting ang ating mga kababayan pero sinabi kung traffic ang ating mga kalsada, traffic din ang mga linya natin para sa internet kaya napakabagal. So kailangan din sa emergency powers siguro na payagan natin na magtayo ng mas maraming cell sites sa buong Pilipinas para mas malinaw ang cellular signal natin, mas mabilis ang ating internet. Ang ating mga kababayan hindi na kailangan lahat na magtrabaho sa opisina, pwede sa bahay nila. Mas makaka-reduce ito ng traffic pagka merong telecommuting na sinasabi na trabaho. Ngayon kung ikukumpara natin ang Vietnam yata merong 45 thousand cell sites, tayo 25 thousand lang. Ang kulang natin ay kailangan tayo at least 50 thousand cell sites pa so kailangan talaga natin dagdagan ito.

Poe: Ang isa pa, yung implementation ng traffic rules, hindi naman kailangan ng emergency powers para doon, pero nais rin nating sabihin sa ating mga kababayan, ang isa pang magandang kinahinatnan ng hearing na ito ay na dapat magkaroon ng telecommuting ang ating mga kababayan. Pero ang sabi kung traffic ang ating mga kalsada, traffic rin ang mga linya natin para sa internet kaya napakabagal. So kailangan din sa emergency powers siguro na payagan natin na magtayo ng mas maraming cell sites sa buong Pilipinas para mas malinaw ang cellular signal natin, mas mabilis ang ating internet. Ang ating mga kababayan hindi na kailangan lahat mag-trabaho sa opisina, pwede sa bahay nila. Mas makaka-reduce ito ng traffic kapag meron telecommuting na sinasabi na trabaho. Ngayon kung ikukumpara natin, ang Vietnam yata merong 45,000 cell sites, tayo 25,000 lang. Ang kulang natin, ang kailangan tayo ay at least 50,000 cell sites pa, so kailangan natin talaga dagdagan ito. It takes about 25 signatures just to be able to get a permit to build a cell site kaya natatagalan tayo, kaya ang bagal bagal ng signal natin at ang hina-hina rin ng signal ng ating telepono. Lahat yan makakatulong sa ating mga kababayan na hindi na kailangan lumuwas pa at pumunta sa kanilang opisina kung papayagan sila magtrabaho sa kanilang bahay.

Q: Ma-incorporate yan Ma'am sa bill?

Poe: Gusto ko, ako ilalagay ko, na i-coordinate kasi anti-redtape yan. In coordination with the local governments specifically when it comes to structures for internet, kailangan din masama yan sa emergency powers at bibilis daw talaga yung signal natin kaagad.

Q: Effectively, makaka-reduce ba ng problema sa traffic?

Poe: Well when you think about it, kapag may internet ka, sa bahay na lang ako magtatrabaho ngayon. Sasabihin ng boss mo, o sige. O may iba na maliit lang ang office space natin, isa kang nanay gusto mo magtrabaho sa bahay kasama ang iyong anak dahil bagong panganak ka lang, pwede sa bahay kung mabilis ang internet.

Q: How soon can commuters expect to begin getting relief from the traffic gridlock?

Poe: Unfortunately, there's no specific date except that meron ng ibang promising developments. For example, yung airport connector road ngayon bubuksan yun. Tapos meron silang sinasabing matatapos by 2018 na mga, yun yatang train papuntang Antipolo. Babalikan ko ang listahan ko kasi meron silang listahan na may timetable na by 2018. Nasa 2016 tayo ngayon, so we're looking at 2 years pero meron namang ibang implementable katulad nga yung mga nabanggit natin na connector road. Tapos yung common station naman sa MRT na sinasabi, sa 28 da magpipirmahan yata sila kung saan gagawin yun.

Q: Ma'am anong development doon sa proposal na agahan ang Christmas break ng mga estudyante?

Poe: Nakalimutan ko nga tanungin, isa pa yan sa tatanungin ko, pero DepEd yun. Sa budget (hearing) ng DepEd. Isa pa pala hindi ko natanong kanina kasi walang representative ng DepEd pero ang budget ng DepEd didinigin dito sa Senado sa Lunes so tatanungin ko si Sec. Briones baka naman pwedeng payagan ang mga paaaralan na agahan ang Christmas vacation para hindi na sabay-sabay sa lansangan lahat ng mga ang sasakyan ng mga bata, pwede na rin sila magpahinga kasama ng kanilang pamilya. Kasi kung aagahan natin ang bakasyon pwede naman bawiin in the coming months na hindi naman ganoon ka busy ang ating mga kababayan.

Q: Salamat po.

Poe: Thank you.

News Latest News Feed