Press Release
October 8, 2016

Interview of Sen. Leila M. de Lima during the "Misa Para sa Katotohanan at Katarungan"

De Lima: It was...this is supposed to be or this was an event called "Misa Para sa Katotohanan at Katarungan".

Father wanted this to be...they wanted that mass to be really offered for me dahil sa pinagdadaanan ko na hirap diyan sa mga acts of persecution. So this is organized initially by certain groups like the Black and White Movement, the Democratic Warriors, various women's groups.

Hindi ko na papangalanan yung mga women's groups but it's several civil society groups, at karamihan diyan mga babae. Although, meron na ding mga lalaki.

And then almost everyone was wearing black dahil nagpapakita ng dalamhati sa mga nangyayari sa atin.

Hindi lang ho ito tungkol sa akin at hindi dapat ito tungkol lang sa akin, kung hindi tungkol sa mga other issues katulad ng mga patayan, yung summary killings, and violation of women's rights, yung slut shaming po na ginagawa po sa akin.

Alam niyo naman kung ano ang nangyari dun sa House inquiry. Oo nga, hindi nga nila pinalabas yung alleged sex video dahil siguro na-pressure na sila sa dami ng umalma, lalo na mga women's groups, saka mga nag-pass ng resolution yung Senado condemning that; also, even members of the House of Representatives. So hindi nila tinuloy yung plano nilang ipalabas yung alleged sex video, pero alam niyo naman yung nangyari during the hearing na hinayaan lang nila ng hinayaan yung isang dating PSG security ko, si Mr. Joenel Sanchez na nagsiwalat ng mga ganung detalye.

So ganun na rin ang nangyari, slut shaming na rin ho yun. And lalo hong nagagalit yung mga women's groups as they have expressed it kanina na bakit ganun. And then kailangan daw maramdaman talaga yan ng lipunan, maramdaman ng mga leader natin, lalo na diyan sa House of Representatives na hindi katanggap-tanggap yan. Katulad din yan nung nangyayari ngayon sa States, di ba. Umalma rin sila sa mga pinalabas na grabeng mga ano ni...yung video tape ni Trump. So ganun din dito sa atin.

So hindi ho pupuwede yan. Hindi ho pupuwedeng ganyan ang trato sa isang babae. Hindi puwedeng sina-subject sa ganyan na act of harassment, violation. It's a virtual rape. Kung puwede nilang gawin ito sa isang sitting senator, kayang-kaya nilang gawin ito sa sino man na babae. Diyan umaalma ang mga kababaihan. Tapos umaalma din yang mga various groups na yan diyan sa walang hintong mga summary killings.

Q: Ma'am, at this point, Sen. De Lima, gaano kaimportanteng makahanap ng mga taong naniniwala sa inyo, kumakampi sa inyo?

De Lima: Napakahalaga po, napakahalaga kasi alam niyo, akala ko nag-iisa lang ako. Nanghihina na ako nung the past weeks. Kahit on the surface nakikita niyo na lumalaban ako, pero sa totoo lang, deep inside nanghihina na ho ako nang husto. I was really boiling inside. I was deeply hurting inside. Although, I tried na hindi pinapakita, although, may mga pagkakataon, at least a couple of times nakita niyo yun na halos nagwala ako kasi hindi ko na nakakayanan. So akala ko po mag-isa lang ako. Akala ko lungkot na lungkot ako. I was already frustrated. I was having some emotional upheaval already within me, and I was so enraged. Until nakita ko nga ho yung mga suporta.

Nagsimula ho ito last weekend, a women's group met with me and they said they are forming some kind of a social movement, social movement to uphold and protect human rights, women's rights and democracy. Human rights dahil sa mga summary killings, extrajudicial killings; women's rights dahil sa slut shaming; and then for democracy, dahil nakikita nating merong suppression of dissent, merong muzzling, stifling of dissent.

Ito nga hong ginagawa sa akin na since lumalaban ho tayo, nagiging seryoso ho tayo diyan sa pag-iimbestiga ng mga EJKs na yan, sa pagpalabas ko kay Mr. Matobato, ay ginagawa nila ito para durugin ako, in the hope na kapag dinurog ako, hihinto na ho ako dito sa pinaglalaban ko. So ito po ang mga issues dito: women's rights, human rights, and democracy.

And then I've been to at least a couple of schools or universities, St. Scholastica's and Adamson University. And I could see, the students have very great interest, high interest diyan sa mga nangyayari ngayon, and sila mismo, agitated din po sila. So parang ano lang po ito, awareness raising na since marami hong tahimik lang, hindi naman ho puwede na ganun na lang, manahimik na lang tayo diyan sa mga nakikita natin na mga mali.

Q: Ma'am, sabi po ni Sec. Aguirre, wala silang airtight case against you. What can you say about this reaction, ma'am?

De Lima: Yun na nga, so diyan niyo po makikita yung pinakahangarin nila na mula't sapul po, kaya nga hindi ako nagpa-participate diyan, hindi ako nag-a-appear diyan, dahil alam ko naman na wala naman silang tunay, legitimate, or genuine na hangarin for in aid of legislation, kung hindi all that is definitely in aid of my demolition or destruction.

Ang gusto lang nila, unti-unti nila akong dinudurog sa mata ng publiko. Sinasaraan nilang nang husto ang pagkatao ko, yung pagkababae ko dahil iniisip nila na the moment mag-succeed sila sa pagdurog sa aking pagkatao, character assassination, dine-demonize ho ako, wala na hong maniniwala sa akin diyan sa pinaglalaban ko--yung karapatang pantao, yung against EJKs. Kaya ganun ang ginagawa. That was the whole purpose, para mapahiya ako sa buong bayan. Maski na personal na buhay ko, na wala namang kinalaman diyan sa usapin na yan, bakit pinipilit pa rin nila?

Saka yung mga kasinungalingan na yan, katulad ng Durano na yan. Yang Durano na yan, I have not seen him, I have not met him. Yung nagsabing nag-abot siya sa akin ng P1.5 million. Pero meron ngang nagbigay sa akin ng impormasyon na ito daw po ay dati siyang pulis. I don't know kung pulis pa rin pero hindi na yata in active service, ay corrupt daw po yan. Tiga-Danao City daw po yan at kamaganak daw po yan ni Pangulong Duterte.

Q: Ma'am, where did you get this information?

De Lima: I have a source. I have a source.

Q: Sen. De Lima, President Duterte graded himself 6 in his first 100 days...

De Lima: Hindi po ako marunong mag-ano ng numerical rating, gusto ko ho substantive lang. Well, siguro fair na para sa kanya yun, yung 6 na rating niya. So hindi naman mataas, hindi naman masyadong mababa.

But yung first 100 days ho kasi, sayang. Yun ho sana, yung first 100 days dapat ho naging agresibo, naging determinado sila dun sa mga iba pang mga bagay. Hindi yung nakatuon lang siya, although, hindi naman masama na talagang determinado siya diyan sa war on drugs. Pero parang yun na lang ang kanyang inaasikaso. Kahit sa mga public pronouncements niya, yun na lang. Maski nga sa SONA, halos yun na lang ang pinag-usapan niya.

Nakakalimutan niya yung mga ibang areas of governance. Ang dami pa ho nating mga pressing needs, pressing concerns katulad ng ekonomiya, poverty, saka mga iba pang mga bagay. Of course, yung peace talks, at least sumusulong, and it's very good for them. Sana maganda talaga ang kalabasan ng peace talks. Pero marami pa ho. Yang traffic lumalala, etcetera. Kasi masyado siyang naka-focus on the war on drugs. Obsessed na siya sa akin.

Q: Ma'am, sino po yung naka-meeting niyo na Palace executive before the probe about the EJKs investigation?

De Lima: Hindi naman...I don't have kasi an authority to reveal who he is. Now, meron lang parang "nag-broker" na magkaroon ng formal meeting, a fellow Bedan, and a mutual friend.

Kasi narinig ng Bedan na yan, in the holding area, dun sa Club Filipino, nung bago nag-speech si Pangulong Duterte, na there were several of them, officials of San Beda. Bigla na naman daw ako naalala, na pinag-uusapan na naman yung war on drugs at sinabi daw po ng Pangulo...I'm trying to quote.

These are the exact words na sinabi sa akin nung nagkuwento na, 'Ah, yang si Leila, meron na ngang hinahanda ang mga tao ko sa kanya. Pero pinipigilan ko lang kasi hindi pa naman siya sumusobra.'

So siyempre, parang na-concern yung mutual friend namin. That was...yung event na yun, yung ano siya sa...yung testimonial ng San Beda Law Alumni Association. And if I'm not mistaken, that was just a few days after I filed the resolution calling for the Senate inquiry. So nakarating sa akin yun.

And then sabi, bakit kaya...ano kaya yung sinasabi niyang ganun na...tapos naalala ko yung naging info ko rin nun, first week pa lang after the election na may mga umiikot na raw sa Bilibid na humahanap ng mga testimonial, affidavit. So, na-corroborate yung information na yun kasi mismo from the President, 'Meron na ngang hinanda ang mga tao ko sa kanya. Pinipigilan ko lang dahil hindi pa siya sumosobra.'

So apparently, in his mind sumobra na ako kasi finull (full) blast na nila itong demolition. So yung mutual friend namin, in-arrange yung just an informal talk over late breakfast with that kind Palace official. And wala namang ano dun...although, sabi ng Palace official na yan alam ito na Pangulo na I'm meeting you today. Siyempre nagpaalam daw siya. Sabi naman daw okay lang, something like that. Pero wala namang offer of whatever na magkakasundo, or what. I explained my side why I filed the Senate resolution. Ganun lang. Wala naman. Thank you very much.

News Latest News Feed