Press Release
October 26, 2016

Transcript of Sen. Grace Poe's dzMM Interview
with Kabayan Noli de Castro

DE CASTRO: Senadora magandang umaga po!

POE: Magandang Umaga po Kabayan at sa lahat ng nakikinig, Magandang Umaga po!

DE CASTRO: Gigisingin po namin kayo ng maaga dahil maagang-maaga itong problema. Ito na naman po ang MRT, Senator ano ho ba ang sabi sa inyo ng mga opisyal ng gobyerno, ang DoTr sa MRT?

POE: Alam mo Kabayan ang palaging nagiging problema talaga dito ay ang mga spare parts ng MRT natin sapagkat magmula po noon nagkaroon tayo ng problema doon sa maintenance, ngayon andaming kailangan palitan diyan. Ang problema matagal ang pag-procure natin o pagbili ng mga piyesa niyan tapos hindi nagkakaroon ng stock kaya kapag nagkaroon ng sira hindi napapalitan o kaya... ibig kong sabihin hindi nagagawan ng general maintenance. Medyo disappointed po ako dito sa pumalit na Busan... parang sa akin... parang train to Busan nga, diba? Parang kulang po talaga yung kanilang diagnostic, yung kanilang aksyon dito. Ang isa nga diyan ang pino-propose nila pag nagkaroon ng emergency powers sapagkat alam niyo po pagka kumuha ka ng piyesa lalo na kung yung train mo katulad ng MRT iilan-ilan yung mga piyesang kailangan, ikumpara mo sa piyesa na kailangan nung iba pang train sa ibang parte ng mundo na talagang kapag namili sila ay maramihan. Hindi po tayo nagiging prayoridad ng mga suppliers kaya yun nga ang sinasabi na dapat talaga gawing emergency talaga ang pagkakuha ng mga piyesang ito na sabay-sabay para pansinin tayo. May mga ganung klaseng concerns...

DE CASTRO: Senator alam naman yan na bago pa lang ang eleksyon; tinututukan na ninyo yan dahil sa dami ng aberya...

POE: Oo nga po.

DE CASTRO: Si Secretary Abaya nangako na rin noon. Kinuha na nga yang Busan na yan at ang pag-asa natin ay gaganda dahil sabi nila pinangako nila na tataasan ang pamasahe para gumanda ang serbisyo. Tumaas ang pasahe; yung serbisyo lalong lumalala. Ito ho ngayong alas-kuwatro ng umaga bumagsak na naman ang ating MRT. At ang pinagmamalaki ho nila nabawasan naman ang interruption, naging from 46 na naging 38 sabi ni Usec. Kintanar. So ang hinahabol ng taumbayan yung ba na araw-araw na huwag bumagsak ang MRT dahil aminin natin o hindi ho ito lamang ang talagang means of transportation ng pangkaraniwang manggagawa sa umaga't sa hapon ang maasahan dahil sa traffic.

POE: Alam mo Kabayan, yun nga talaga ang nakakalungkot kasi pumasok sila sa isang kasunduan nung nakaraang kasama ng DoTr hindi sa tayo ay nagbibintang pero yun ang katotohanan. Pagpasok sa kasunduan na hindi natin nabusisi, hindi din natin napigil para sabihin na 'alam mo yung kinukuha ninyong maintenance provider na yan mukhang hindi kaya yan'... yun mga bagay na parang nasayang na dapat nag Sumitomo na tayo ng tuloy-tuloy naging tuloy-tuloy ang maintenance.

DE CASTRO: Opo.

POE: Opo, naalala po ninyo noon na parang nagkakaaberya yung MRT natin siguro mga apat na beses sa isang linggo, ngayon parang dalawang beses sa isang araw...

DE CASTRO: Laging naasahan ng...

POE: Araw-araw.

DE CASTRO: Parang laging inaasahan na lang ninyo... parang ganun...

POE: Parang ganun po.

DE CASTRO: Ang mga kababayan po natin walang magawa kundi mainis, may nagmumura na nga ho. Wala silang magawa daw. Ganun lang.

POE: Alam niyo tama kayo Kabayan siguro mga anim na raang lbong mga kababayan natin ang sumasakay diyan araw-araw. Akalain mo yung tulong sana ng isang magandang train system kung ito'y maayos ang daming di na kailangan pang mag drive sa trabaho o magdala ng sariling sasakyan. Yan naman po ang nais kong sabihin sa ating mga kababayan, sa ating pakikipagtulungan sa DoTr yun ang gusto namin siguraduhin na mass transit system natin ang gawin nilang prayoridad...

DE CASTRO: Yun hindi yung mga ano-ano...  mga bus rapid system... ilang taon hong gagawin yun. Papaano yung mga linya ng MRT atsaka... I mean yung existing sana ho ay...mas matatalino ho sila kaysa sa atin. Pero ano ho ang garantiya Senator na bibigyan niyo ho sila emergency power na yan ay masosolusyunan ang problema, yun ang tanong.

POE: Alam niyo po ganito nga po yun ano. Ito pong emergency powers ay gusto nating madaliin...

DE CASTRO: Yes...

POE: ... kaya lang nung sila ay nagpresenta sa amin katulad ng bus rapid transit system na sinasabi po ninyo ay P40 billion po ang gagastusin diyan. Sabi namin, papaano yun gagana. So nag-eksplika sila, maganda naman po yung kanilang presentasyon. Tinanong namin, 'ito ba ang mayroon ng pag aaral'. Alam mo Kabayan, walang pag aaral ito hindi katulad nung ibang sistema katulad ng pagpapadagdag ng tren na talagang nakalagay sa study ng JICA na ilang milyon ang binayad diyan para makumpleto. Ito wala pang pag-aaral, ngayon bakit naman tayo susugal sa isa pang hindi pa napapatunayan o nasasaliksikan kaya isa yan sa maari namin talagang hindi pahintulutan bagamat hindi ko pinangungunahan ang komite sapagkat hindi lang naman ako ang miyembro nito. Kausap ko yung ibang Senador kasama si Senator Ralph na alam naman natin na nag NEDA dati, pinag-aralan din yung mga ibang kanyang mga sistema sa procurement ng gobyerno na sinasabi niya parang nakakatakot yung bus rapid transit system. Ang isa pang hinihingi nila sa emergency powers ay buong kapulungan, buong Pilipinas.

DE CASTRO: Yun ang isa sa mga questions ho dun.

POE: Opo ang sabi namin: 'yung inyo pong hinihingi ay solusyonunan ang traffic, unahin muna natin ang makakaya nating gawin na mga highly urbanized centers katulad ng Metro Manila, siguro ibang lugar sa Region 4A Cebu, Cagayan De Oro, Davao'. Yung mga lugar na talagang merong...mga ganun. Pero alam niyo po Manong, di ngayon nakikita natin ang MMDA ay gumagawa ng paraan siyempre konti lang yung nababawas na perwisyo katulad niyan yung pagsuspinde ng number coding system na ginagawa ng MMDA tapos yung pakiusap sa mga malls na sana ay mag sale na lang sila sa mga weekends. Kahit papaano kahit wala ang emergency powers gumagana na yung...

DE CASTRO: ...gumagawa...

POE: ...Oo kasi ang sabi ko sa DoTr 'alam ko bago lahat kayo diyan, ano ba ang pwede niyong gawin ngayon sapagkat hinihintay pa rin naman natin yung sa Kongreso na emergency powers'. Tapos yung ating mga kababayan kahit ibigay po natin bukas hindi po ninyo mararamdaman ang solusyon sapagkat magtatayo pa po tayo ng mga...

DE CASTRO: ...infrastructure ano ho...

POE: ...Oo, hindi po kaagad-agad yan kaya dapat ngayon pa lang meron na silang mga illegal parkings tanggalin niyo na diyan. Sabi nga ng MMDA...

DE CASTRO: Meron na naman bagong banta ang MMDA, tingnan natin kung ano ang magagawa. Yung PNR ho ba napag-uusapan ho ba ninyo, PNR?

POE: Opo yung PNR na yan...

DE CASTRO: Parang wala hong galaw dun.

POE: Kasi nga alam niyo po yun nga po ang mga dapat existing na sana ini-improve na diba imbes na nag-iimbento tayo ng (line cut) problema so hindi ....tingnan natin na iextend yung ruta niyan atsaka ayusin yung mga tren at riles natin. Yun yung mga bagay na talagang, yun ang gusto naming tutukan. Yung ibang mga kasamahan niyo Manong kasabay niyo na dati sa Senado na yun talaga ang rules na ating tinutulak.

DE CASTRO: Opo. Maiba ho kami Senator kasi habang tayo ay naguusap ang sabi ng isang texter ay sabi: 'payag ho ba kayo na halungkatin ulit ang kaso ng Mamasapano kayo ang nag imbestiga nito sa Senado?'

POE: Alam niyo po Kabayan ang sabi ko ganito: 'Bago buksan ng gobyerno ang isang pagdinig na ganyan kailangan malinaw ang kanilang layunin. Ano ang gusto nilang malaman na kulang sa aming mga reports. Kasi si General Magalong kung hindi man ako kahit ang board of inquiry ni General Magalong sa tingin ko makatotohan na kung ang gusto ng ating pangulo ay malaman kung ano ang nangyari sa reward money at kung ano ang nangyari sa daliri ni Marwan. Iyan ang mga bagay na pwedeng malaman ng pangulo sa pamamagitan ng sarili niyang intelligence. Hindi kailangan ng report sapagkat, bilang pangulo meron na siyang direktang access sa PNP intelligence, sa AFP intelligence.

DE CASTRO: Hindi na kelangan ng hearing hearing?

POE: Hindi po kailangan ng hearing kaya... Kasi ngayon hindi ba Kabayan ito inaapura natin iyong kung anu-anong mga bills na kailangan. Dito kay Senator Ping ang kaniyang inaano iyong Anti-wiretapping na magkaroon ng expansion.

DE CASTRO: Yes ano. Okay. Anyway.

POE: Tapos ang iba naman naghahabol tayo ng budget para sa 2017.

DE CASTRO: Yes.

POE: So iyong... matapos na by this Christmas. So kung bubuksan ng ating pangulo itong pagdinig na ito, baka mabaling na naman ang atensyon ng mga tao sa mga hindi nararapat na pag usapan at napag-usapan na. Pero iyan ay prerogatiba ngayon ng Chairman ng Public Order na dati ako iyong chairman. Ngayon ang chairman niyan ay si Senator Ping, so kung may bagong ebidensya o may bagong maiiprepresinta, sige buksan nila. Wala naman kaming...wala naman dapat itago.

DE CASTRO: Opo pero isang katanungan yata dito, ayon po ito sa hearing ninyo. Saan daw napunta raw po iyong reward?

POE: Alam mo noong itinanong naming iyan, una executive session. Tapos iyong sunod doon na sa pagdinig, sabi nila may nakakuha. Hindi namin hiningi iyong eksaktong pangalan ng tao na ito, sapagkat, hindi ba pinoprotektahan nila ang kanilang mga sources. So iyong reward money na iyon, kinumpirma nilang may nakatanggap. Meron silang asset na tinatawag na nakatanggap noon. Basta Kabayan ito, kung ikaw ang pangulo pwede mong tanungin. Sino ba iyong asset na iyan, oo magkano iyong total na natanggap? Sino ang nagbigay? Tumulong ba ang Amerikano diyan? Iyong laboratory na di umano ay ipinadala na sa Amerika para suriin sa lab. Anu ano, kailan dinala, sino ang nakatanggap? Lahat iyan hindi pwedeng itago sa pangulo. So siguro diretso niyang tanungin at sana nasa kaniya iyon kung gusto niyang isiwalat sa taumbayan, dapat protektahan natin iyong asset na nakakuha ng impormasyon nagsumbong sapagkat maaring balikan siya ng kung sinuman iyan.

DE CASTRO: Okay so Senadora hintayin namin iyan. Mga kailan itong emergency powers na hinihingi nila?

POE: Ay gusto ko nga...

DE CASTRO: Madaliin na, oh.

POE: Kung maayos lang, alam ninyo po sa ating mga kababayan. Higit 1 trillion... P1.3 trillion ang hinihingi diyan sa emergency powers na iyan. Ayokong magkautang-utang ang ating bansa at kasama iyong ating mga anak sa mga bagay na hindi naman gumagana. Kaya sinisiguro namin na ayusin ang mga probisyon dito para hindi ito maabuso. Katulad niyan gusto kong siguraduhin na bawat kontrata na papasukin nila ay kelangan mailathala, bago pa lang ito pirmahan.

DE CASTRO: Okay.

POE: At iyong oversight ng Senado at Kongreso bagaman may kapangyarihan kaming ireview ang kanilang mga transaksyon. Binibigyan din namin ng taning ang aming sarili na kapag hindi namin natapos at ni-review within let's say seven calendar days deal-approved yan oversight... (line cut)

DE CASTRO: ...Si Senator Grace Poe ho iyon sa emergency power may binabanggit na kapag balik uli nila after ng bakasyon ay kanilang aayusin na.

News Latest News Feed