Press Release
November 18, 2016

NAKAW NA SANDALI
Pahayag ni Senador Risa Hontiveros sa paglibing kay
Marcos sa Libingan ng mga Bayani

Hanggang sa dulo, pumupuslit ang yumaong diktator.

Nagpuslit ng kaban ng bayan. Pumuslit sa pananagutan at katarungan. At ngayon, pinuslit ang kanyang bangkay para mabigyan ng isang pekeng parangal. Hanggang sa dulo, nagnanakaw si Marcos. Ang kanyang pekeng hero's burial ay isang nakaw na sandali.

Ganunpaman, kahit kailan, hindi niya mapupuslitan ang katotohanan sa likod ng ating kasaysayan. Hindi niya maipupuslit ang pagtatangi sa puso ng mga Pilipino na nakareserba lamang sa mga tunay nating bayani.

Walang puntod, walang mausoleo, walang desisyon ng anumang korte o utos ng sinumang pangulo ang makapaglilihim sa katotohanan na hindi bayani si Marcos.

Hindi bayani si Marcos. Hindi bayani ang isang taong umusig, nanakit at pumaslang sa napakarami nating mga bayani.

News Latest News Feed