Press Release
November 18, 2016

GRACE POE's INTERVIEW TRANSCRIPT
DZMM with Noli de Castro

DE CASTRO: Madam Senator, Magandang umaga po!

POE: Magandang umaga po Kabayan at sa lahat po ng nakikinig, Magandang umaga po!

DE CASTRO: Madam Senator Grace, tama ba ako na ang hinihinging emergency powers ay para ho ma-solve ang problema sa traffic sa Metro Manila, tama ba?

POE: Well, of course yung Metro Manila po ang kanilang talagang tututukan pero kasama rin po sa hinihingi nila yung ibang lugar sa Pilipinas. Gusto nila buong Pilipinas kasama na diyan ang Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao. Kaya nga medyo kailangang pag-aralan din ng mabuti kung saan talaga ang problemang kailangan (ayusin) at hindi naman sa lahat ng lugar.

DE CASTRO: Kasi po ang aming interpretasyon dito, I don't know kung mali kami na ang hinihinging emergency power ay dahilan sa problema ng traffic sa Metro Manila. So bakit ngayon ay buong Pilipinas na ang problema ho ba sa traffic sa ibang lugar ay maikukumpara mo sa nangyayari sa EDSA o sa Metro Manila.

POE: Kaya nga tama po kayo, Kabayan, kaya nga pinag-iingatan nating mabuti ang pananalita nitong maaaring maibigay natin na emergency powers. Hindi naman pwedeng nakalagay na buong Pilipinas sapagkat alam naman natin pag sobra-sobra, minsan nagiging pabaya. So, ilalagay po natin talaga doon na Metro Manila tapos naiintindihan natin talaga ang Cebu ay kailangan din yan. Hindi ko sinasabing kailangan ng emergency powers, ang sinasabi ko kailangan talaga ng solusyon sa trapiko.

DE CASTRO: Yan po ang sinasabi ko po. Lahat ba yang sinasabing proyekto ay kailangan ng emergency powers kasi po ang iniisip po namin dito, Senator Grace, walang bidding yung mga proyekto at ang binabanggit po, ilang trilyon?

POE: Walong trilyon po.

DE CASTRO: Ang ating pong budget ay P3.1 trilyon lang ang alam ko for 2017.

POE: Oo nga po, kaya nga po.

DE CASTRO: Mas malaki pa yung budget na hinihingi nila kaysa budget ng buong gobyerno natin, ganun ba?

POE: Ganun na nga po ang lumalabas, Kabayan. Pero siyempre hindi naman ito magagastos ng isang taon. Ngayon, nakipagpulong po tayo sa mga counterpart natin sa Kongreso. Alam niyo po Kabayan, nung kausap namin sila, meron po silang mga ideas na actually, para sa akin, mas maayos. Sinasabi nga nila, ang tingin ko dun sa House, yung kanilang version hindi nga emergency powers.

DE CASTRO: Ano ho?

POE: Meron silang aayusin doon sa pananalita sa procurement process na hindi na kailangan ng emergency (powers) pero naayon pa rin sa proseso pero mas napadali, yung mga ganun po.

DE CASTRO: Yung mga ganun mga bidding process, padadaliin.

POE: Meron lang idadagdag at hindi padadaliin tulad niyan parang may acts of God, may bagyo may ganyan, emergency yun. Idadagdag agad yung pananalitang traffic at yun nga ay maaring magputol ng ibang hakbang sa bidding. Anyway, alam mo Kabayan maraming pwedeng tingnan katulad ngayon nakalagay doon sa hinihingi nilang emergency powers yung pagkuha ng kakulangan sa plaka at sa lisensya. Hindi naman po talaga kailangan ng emergency powers po dun halimbawa.

DE CASTRO: Senator Grace, alam naman natin na may problema na bago sila umupo, may problema na sa lisensiya at sa plaka. So dapat pag-upong pag-upo nila, tiningnan nila ang problema at sinimulan na nilang resolbahin at hindi na nila hinintay ang emergency powers.

POE: Ganun na nga po. Kaya nga po yung MMDA kahit papaano, so ngayon yung kay Chairman Orbos, hindi natin sinasabi na perpekto pero nagbibigay ng kahit konting solusyon na nakikita nilang maaaring makatulong katulad ng pagbubukas ng ibang kalsada sa mga kampo.

DE CASTRO: Sa kampo ng militar.

POE: Kung hindi ako nagkakamali, tapos yung pagtatanggal ng number coding scheme.

DE CASTRO: At saka yung property ng gobyerno ay bubuksan sa traffic na hindi naman nagagamit.

POE: Kaya nga mabilis na pag-iisip, yung mga bagay na yun.

DE CASTRO: Kasi parang lumalabas, kung mali ako, parang sa kahihintay nila sa emergency powers parang huminto sila sa pag-iisip. Hinintay nila yung emergency powers ninyo na ibibigay parang ganun.

POE: ...Sa tingin ko naman katulad ngayon, yung ating bagon, ito medyo kasalanan talaga ng nakaraan.

DE CASTRO: Alam na nila ang problema dahil before ay alam na nila na nagkaproblema noong umupo sila hindi na-naresolve.

POE: Kaya nga po, so kung halimbawa yung mga bagon na yun na inorder sa Dalian, China ay hiwalay ang signaling system. Kung yun lang minadaling maasikasong matapos, diba imbes na 62%, 66%, 71% ang operation ng ating train Line 1, Line 2, and Line 3, kung pinataas mo lang yan ng 10% each, ang ridership mo tataas po ng 100,000. Ibig sabihin ilang daang libo rin ang matatanggal mo sa kalsada kahit papaano. Kaya nga may mga bagay sana na nakita nila. Alam niyo yung mga jeep natin matagal na yang problema na kung saan-saan.

DE CASTRO: Mga kolorum matagal ng problema yan.

POE: Matagal na rin po.

DE CASTRO: At nadatnan na nila yan.

POE: Kung mamanu-manuhin siguro...Umpisa pa lang nakita na nila yung laki ng problema pero kung nakikita natin, ng ating mga kababayan, na kahit papaano ay nadagdagan na yung mga train, isa, dalawa, tatlo man lang, sa tingin ko mas lalo kaming magkakaroon ng kumpiyansang magbigay ng emergency powers.

DE CASTRO: So in other words Senator Grace, medyo talagang pinag-aaralan niyo ng mabuti ang mga wordings, ang laman ng emergency powers sapagkat sabi nga nila ay prone to abuse, pwedeng abusihin dahil yung bidding aalisin, bakit kinakailangan sa isang proyekto ay aalisin ang bidding samantalang pwede naman mag-bid. Nung nagsimula, nung pag-upung pag-upo nila may plano na agad, tapos na ang bidding yun po ang sinasabi ng iba. Ngayon po ay tinitingnan niyong mabuti ang laman ng ilalabas niyong emergency powers. So habang tinitingnan ho ninyo ang mga kailangan, kailan ho kaya maibibigay itong emergency powers, Senator Grace?

POE: Manong kasi sabi ko nga na hindi naman talaga iisa lamang, iilan lang yung proyekto pero ang sinasabi ko nung nag-umpisa sila tumaas nang tumaas yung kanilang mga hinihingi. DE CASTRO: Baka sabihin nila dahil tumataas ang dolyar. POE: Oo nga po, bilyon muna tapos ngayon 8 trilyon na. DE CASTRO: 8 trilyon. POE: Habang sila ay nagre-revise ng kanilang mga pangangailangan, kailangan din naming balikan yung mga isinumite nila.

DE CASTRO: Balikan niyo uli.

POE: Opo. So siguro bago naman mag-Pasko baka makapag-report na po ako sa plenaryo.

DE CASTRO: Pasko po ng panganganak ni Hesus Kristo o Pasko ng pagkamatay niya.

POE: Sa Senado po Pasko ng kapanganakan. Hindi po Easter. Ito nga po, yung House version, sila nga po ay may mga pangamba at alam niyo Manong nung nakita ko, ang hirap i-reconcile ng mga version namin. Isa rin palang magiging problema sa pagpasa. Naiintindihan niyo po iyan at napagdaanan niyo na rin po.

DE CASTRO: Tama po.

POE: Sige po.

DE CASTRO: Hintayin po namin Senator Grace at sana mabusisi natin at malaman nating mabuti at mailabas ng tama talaga para sa kanila. Maraming salamat po, Senator. Magandang umaga po.

POE: Magandang umaga po.

DE CASTRO: Mabuhay po kayo! Senator Grace Poe ang chairman ng Senate committee on public services.

News Latest News Feed