Press Release
December 14, 2016

GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT
At the Manila North Cemetery on the occasion of FPJ's 12th Death Anniversary

Question: On FPJ

Sen. Grace Poe: ...Kay FPJ, yung kanyang mga yakap. Alam mo malaking tao yan eh, pag niyakap ka nun damang dama mo ang seguridad at ang pagmamahal.

Q: Sa Libingan ng mga bayani, sino nagbigay ng idea about it?

Poe: Kasi national artist, bayani yan. So sabi nga nila doon, pero hindi na. Dito nga masaya tayo, lahat tayo ay pwede pumunta dito

Q: But no plan talaga?

Poe: Wala...

Q: Ma'am on emergency powers, ngayon po yung sponsorship, what can we expect?

Poe: Basta katulad ng pinangako ko, ito ay ating ginawa bago magtapos ang taon. Pero hindi nangangahulugan na dahil nahain na ito sa Senado agarang mararamdaman. Kailangan talaga ma-detalye ng DOTr ang kanilang plano sa trapiko pero bibigyan natin sila ng suporta para mas mapabilis ang kanilang proyekto. Pakinggan na lang natin mamaya ang sponsorship speech, pero definitely sasabihin natin, ano ang masterplan ninyo? Kailangan dagdagan ang imprastruktura, kailangan magkaroon ng synchronized traffic system. Magkaroon ng transparency para hindi tayo maloko at...i-encourage natin ang telecommuting. Palakasin natin ang communications technology natin para yung iba pwede sa bahay magtrabaho, hindi kailangan magtrabaho. Yung mga estudyante, mas madaling makakakuha ng impormasyon.

Q: Ma'am yung efforts ng government sa traffic, enough na po ba yun para ma-ease?

Poe: Sa tingin ko mas may magagawa pa pero, ako'y nagpapasalamat at least yung MMDA meron talagang silang pagkilos para maibsan ang traffic. Pero siyempre kulang pa rin dahil ang marami talaga nun dapat mag implementa DOTr at imprastruktura ang kailangan natin. Salamat po.

News Latest News Feed