Press Release
January 24, 2017

SEN. GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW
POST-SENATE MMFF HEARING

Question: Do you think may need for a separate indie film festival?

Sen. Grace Poe: Hindi na kailangan. Sa tingin ko pwede nang pagsamahin kaya lang siguro yung bumubuo ng executive committee na pumipili ng mga pelikula, maglagay rin tayo ng mga ordinaryong mamamayan. Mga tricycle drivers...teachers...mga nanay. Hindi naman lahat kailangan ay sa industriya lang kasi siyempre iba't-iba ang panlasa natin.

Q: What do you expect after ng hearing na ito?

Poe: Kailangang patuloy ang paggawa ng batas na makakatulong talaga sa industriya kasi ngayon wala namang batas ang MMFF. Kaya minsan, yung parte na nakukuha ng mga benepisyaryo katulad ng Mowelfund o ng MO Film academy, paliit ng paliit. Siguro may batas na magsasabi hindi ito talaga ang inyong porsyento diyan sa kinikita kasi minsan nga bilyun-bilyon ang kinikita pero 1% ang share ng beneficiaries. Pangalawa, pagdating sa working conditions ng mga artista at ng mga kasama sa paggawa ng pelikula, tinatalakay rin iyan. Pinakamalaking...marami talagang contractual sa industriya kasi hindi naman consistent yung paggawa ng pelikula. Pero dapat kasama pa rin ang kanilang kalusugan, ang kanilang kaligtasan sa ating binabantayan.

Q: Bakit pinili pa ang Oro ng selection committee if it violates the animal welfare act?

Poe: Hindi alam ng selection committee noong pinanood yung pelikula na mayroon talagang pinatay na aso. Kasi diba pag may pinapanood tayong pelikula may binabaril na tao...Hindi naman natin inaassume na talagang pinatay iyon. Yun yung nangyari. So noong bandang huli, nalaman ni Chairman Diño na noong tinanong niya, nagkaduda na siya na mukha atang may pinatay na aso talaga doon. At kung mayroon mang kinalabasan itong hearing na ito, talagang malinaw na bawal pumatay ng aso kahit na sabihin nating tradisyon o kultura, may exemption po iyan. Kailangan pang humingi ng permit para gawin iyan kaya mabuti naman na nalinawan at narinig natin na humingi ng tawad ang director at producer nitong pelikula na ito. Gayunpaman, humingi sila ng tawad, sabi ko patuloy pa rin ang kaso dahil mayroon naming violation talaga sa batas.

Q: Will there be specific provisions para maiwasan ang nangyari last MMFF na puro indie?

Poe: Sabi nga namin unang-una yung criteria on the selection committee, tinanggal doon ang commercial viability. Pinalitan nila ng audience appeal, but what is audience appeal? It's very subjective. So sabi namin, yung composition mismo ng executive committee, selection committee dapat iba't-ibang sector. Ngayon, anong gagawin natin? Alam mo naman ang batas, lagpas isang taon bago pumasa, mag MMFF na, so kausap natin ang MMDA Chairman na baka naman maging regulasyon na nila sa susunod na MMFF na galing sa cross-section ng lipunan ang iba't-ibang representative.

Q: Ma'am napag-usapan po kanina ang mga benefits mapupunta ng tama sa mga beneficiaries, hindi po ba magkakaroon ng probe o pag-iimbestiga sa mga nakaraang filmfest kung saan napunta yung mga benefits? Dahil sabi po ni Leo Martinez, paunti ng paunti, saan po napunta yun? Hindi po ba magkakaroon ng imbestigasyon?

Poe: Marahil ay pag-uusapan natin yan bakit.

Q: Hindi po nadiscuss kanina?

Poe: Hindi. Alam mo siyempre ito, dahil kabuuan din ng malaking problema. So yung mga indibidwal na mga teknikal na bagay na yan, sa maliliit na teknikal working group natin matatanong. Tanungin natin ang MMDA, alam mo si Chairman Orbos, ngayon lang naupo yan. Pag-upo niya, nagawa na lahat ng regulasyon para sa nakaraang MMFF. So malaman natin sa huli, bakit niliitan yung share kung kailan lumaki yung kita.

Q: So sa mga nakaraang filmfest ang laki ng kinikita...

Poe: Pero mas maliit ang share, kasi...

Q: Saan po napunta yun?

Poe: Ang bait kasi ni Tita Boots...Dapat ang namumuno ng Mowelfund talagang magreklamo na at sabihin hindi dapat ganoon kaliit.

Q: At saka daw po Senator, yun daw pong provincial returns ng kita ng pelikula...

Poe: Hindi yata nareremit sa kanila. Yun nga rin, wala tayong manpower din na mag-audit nga doon sa lahat kaya nga kailangan ng cooperation ng theater owners para maging tapat sila sa pagreremit ng kanilang mga kinikita.

Q: Hindi kayo payag na magkaroon ng separate?

Poe: Oo kasi bakit tayo mamimili na ganitong klaseng pelikula lang. Dapat nga, sabi nga ni Ate Guy, dapat sa iba't-ibang panlasa. Merong drama, may comedy, may action. Hindi naman nangangahulugan na dahil mainstream ay dapat walang mapupulutan na aral dito o hindi maganda ang pagkagawa. Pwede naman talaga ipagsama yan sa isang film festival.

News Latest News Feed