Press Release
February 14, 2017

Transcript of ambush interview with Senator Joel Villanueva

Question: Reaksyon sa pag uwi/pagbalik ni Sombero

Senator Joel Villanueva: Well, lahat tayo siguro ang sasabihin natin "sa wakas" dahil matagal na natin siyang hinihintay, matagal na natin siyang iniimbitahan dito sa Senado. In fact, during the last hearing, I even mentioned that I support the motion to cite him in contempt considering the fact that the entire proceedings sa Blue Ribbon nanonood sya, nag rereact sya, nagtetext pa siya kay Secretary Aguirre. So, marami tayong katanungan na siguradong mabibigyan ng kasagutan ni Wally Sombero sa kanyang pagharap dito sa pagdinig sa Senado

Q: Expectations sa susunod na pagdinig

SJV: Ako marami tayong katanungan. And I give him the benefit of the doubt na magsasabi sya ng pawang katotohanan. For instance, bakit parang it appears na very easy for him to get in touch with these officials in government whether in Bureau of Immigration, whether DOJ Secretary. Ako nga mismo sa Senado sa Committee on Labor, for instance, I never had the chance na matawagan si Sec. Aguirre pero siya parang napakadali 'no. Sa BI ganun din, sa commissioners and bakit tila baga first meeting nila nagkasama sila for that period of time eh siya ang nasusunod. Saan uupo, saan pupunta, saan magmi-meet saan kukunin, saan bibitbitin, saan lalabas. Ito yung mga katanungan na gusto nating malaman nang sa gayon ma assess natin kung sino ang nagsasabi ng katotohanan.

Q: Sabi ni Sombero wala naman syang plano to escape pero he is allowed to go back to his home

SJV: Yung witness protection program ng NBI, yung protective custody. Kanina pinapanood ko yung statements nya sa airport. Sabi nya humingi sya ng permiso sa DOJ pero nung huli sinabi niya na 'di niya kailangan ng permiso, abiso lang ang kanyang kailangan. Nung huling pagdinig tinanong natin ang NBI tinanong kung sya ba ay naroroon pa sa protective custody. Wala na nga raw po. These are the questions that you want answers. Bakit ba nabigyan ng protective custody? Sino ba ang nakakatanggap nito? Ano ba ang dapat na ginagawa ng isang tao na under protective custody? Ia-advise lang ba o talagang hihingi ng permiso before he or she can leave? Sa sinasabi nya na 'di siya tumatakbo pero it took some time bago sya makapagsalita dahil narinig na niya at nakita yung mga nangyari nitong nakaraang pagdinig kung ano yung magiging final decision na sasabihin niya sa pagdinig. Siya lamang ang nakaalam nito. Gaya nga ng sinasabi nila "abangan ang susunod na kabanata".

Q: May nakikita ba kayong hand dito ng SOJ?

SJV: Di ko sinasabing meron, di ko rin sinasabing wala. Ang para sa akin ay lahat dapat tignan natin. Lahat ng anggulo. Pwedeng kasama, pwedeng di kasama. Gusto ko talagang pagtuunan ng pansin kung bakit ganoon ka easy for him to text and to ask for appointment, to ask for a meeting in the wee hours of the morning with two former BI commissioners. Will he confirm yung sinasabi ni Sec. Aguirre na makipag deal sa ilang indibidwal at 'di kay Gen. Calima, at ano ang dating sa kanya nito? Meron ba silang mga naunang mga deals o pag uusap? Gusto natin 'tong malaman.

Q: Sa Thursday sinabi nya magiging it's beyond corruption ang kanyang ieexpose

SJV: Maganda yun. Importante kasi dito, sinasabi nga natin 'di lamang ang isyu ng bribery, extortion kundi ang isyu ng labor kaya ako nandito. Kaya kung mapapansin niyo very few of the hearings being conducted by the Blue Ribbon ako umaattend. Ang pakay natin dito maiwasang manakawan yung sarili nating kababayan ng trabaho na dapat sa kanila. Nangyari ito sa Fontana, nangyari din ito na dumating sa atin ang illegal Chinese workers without paper, without documents and sino ba talaga ang nag iissue ng working permits? Bakit nag issue ang CEZA pero doon nagtatrabaho sa Clark? Bakit may iba pang nagsasabi na sila ay makapagbibigay ng working permits samantalang ang alien working permit ay solely discretion ng DOLE?

Q: So you hope to be enlightened?

SJV: Definitely, at dapat ito ang maging mithiin ng Blue Ribbon para nang sa ganoon makita ng taumbayan na may nangyari sa aming pagdinig.

News Latest News Feed