Press Release
February 20, 2017

GRACE POE ON BUS TRAGEDY

Idinidiin ng aksidenteng ikinasawi at nag-iwang sugatan sa napakaraming estudyante ng Bestlink College of the Philippines sa aksidente sa Tanay kaninang umaga ang pangangailangan para sa mas mahigpit na regulasyon sa kaligtasang pangtransportasyon sa ating bansa. Walang puwang ang pagkakamali at kapabayaan sa mga naghahandog ng transportasyong pampubliko dahil ang isang pagpalya ay maaaring magdulot ng trahedya sa mga pasahero. Nananawagan tayo sa kinauukulan na tiyaking pananagutan ng Panda Coach Tours and Transport at lahat ng responsable ang pagkawala ng buhay at pinsalang natamo ng mga pasahero nito. Lubos po kaming nakikiramay sa lahat ng naulila sa nakalulungkot na pangyayaring ito.

News Latest News Feed