Press Release
March 6, 2017

SENATE HEARING TRANSCRIPT OF SEN. JV EJERCITO AND SPO3 LASCAÑAS
Committee on Public Order and Dangerous Drugs Committee
On Arthur Lascañas testimony re: Davao Death Squad
6 March 2017 | Monday

Ejercito: Thank you Mr. Chair. Magandang hapon po sa inyong lahat. Tanungin ko lang kay SPO3 Lascanas, sinabi mo sa inyong mga salaysay mula kanina, na medyo may ilang taon ka na ring nanilbihan kay Mayor Digong pa, noong Mayor Duterte pa, tama po ba?

Lascanas: Opo your honor.

Ejercito: Kung bibilangin ba natin, mga ilang taon na, mga humigit-kumulang mga ilang taon kaya?

Lascanas: Since 1989 and then na-cut off ito middle of 98 and 2001.

Ejercito: So yung mga panahon na ito...

Lascanas: Mga 20 years.

Ejercito: Ok. Masasabi mo ba na base din sa iyong salaysay, ay naging tunay na matapat ka sa kanya, in fact, naging blind loyalty na nga ang iyong sinasabi sa kanya noong mga panahon na yun, talagang ganoon ka katapat?

Lascanas: Opo, your honor.

Ejercito: Ang ipinagtataka ko lang, Mr. Chair, bakit naman kung kailan nagretire, kareretiro mo lang, kailan kayo nagretiro?

Lascanas: Last December po, your honor.

Ejercito: December 2016. Bakit naman kung kailan kayo nagretiro, bakit ngayon ka ba tumaliod, ngayon mo pa iniwan, kumbaga si Pangulong Duterte.

Lascanas: Isa po doon you honor is hindi ko na kayang labanan ang konsensya ko. Yun ang pinakamabigat.

Ejercito: Yun lang po kaya ang dahilan, dahil sa konsensya at wala nang iba?

Lascanas: Yung personal ko po na promise po sa Panginoon. I'm given another chance in life, hindi ko na dadalhin ito sa libingan.

Ejercito: Kung dito po sa Luzon ay mayroong Jueteng, sa Visayas ay mayroong masiao, sa Mindanao ay ano po ang tawag sa palaro?

Lascanas: Sa Davao City po ay Last Two.

Ejercito: Plus Two?

Lascanas: Last Two po your honor.

Ejercito: Kilala mo ba kung sino ang mga nagpapalaro sa Davao?

Lascanas: Marami pong mga financer doon your honor. Sa Davao po kasi, kumbaga, open po kasi si Mayor Rody noon sa Last Two kasi hindi naman tinatakbuhan ng mga financer yung mga nanalo at saka doon sa mga maliliit po na mga... yung mga pobre po, kumikita din sila ng mga 200, 300, kapag may palaro.

Ejercito: Sa madaling sabi sila po ay nabubuhay dito sa palaro?

Lascanas: Opo your honor.

Ejercito: Kilala mo ba sina Barangay Captain Romeo Baquerel, Barangay Captain Salvador...

Lascanas: Kilala ko po.

Ejercito: Kilala niyo din?

Lascanas: Kilala ko po.

Ejercito: Barangay Captain Bantayan?

Lascanas: Kilala ko po.

Ejercito: May alam ka ba na sila po ay nagpapalaro din? Sila po ay involved sa palaro?

Lascanas: Ang pagkaalam ko po na nagpalaro is si Barangay Captain Baquerel, in fact kumpare ko siya.

Ejercito: Sila ba ay kasama mo sa mga palaro? Ikaw ba ay nakikinabang sa mga palaro?

Lascanas: Hindi po, personally hindi po. Pero nagbibigay sa akin ng pera minsan.

Ejercito: So nakikinabang ka. May natatanggap ka, tama po ba?

Lascanas: Hindi naman. Kasi minsan... noong December binigyan ako ni Captain Baquerel ng one hundred thousand, binigyan niya ako.

Ejercito: Totoo ba na nagbuo kayo ng tinatawag na Davao Group na para mag-expand o mas lumawak pa yung mga... yung inyong palaro? Ang balita namin, sa aming imbestigasyon sa Davao, ay naglayon kayo na makakuha ng mga STL franchises sa mga magaganda... sa mga tinatawag na juicy areas tulad ng Cavite, Laguna at Bulacan. Iyan daw ay binuo yung Davao Group at ikaw daw ay isa sa mga nagsabi sa grupo na magpa-facilitate o susubok na kumuha ng prangkisa?

Lascanas: Totoo po yun your honor, ganito ang istorya noon. Noong month of... before ako nagretire, after doon sa pagtestify ko dito sa Senate, month of November, kung hindi ako nagkakamali or late of October, inimbitahan ako ni Kapitan Baquerel na mag-ano kami dito sa Manila dahil may pinakilala ako sa kanya na parang gusto ding mag-finance ng STL, then magpatulong kung makakuha ito ng prangkisa. So yung... siguro mga five days ako dito, nagsama-sama ako sa kanila, na... in fact, nameet ko rin ng personal, dinala ako ni Kapitan, kasama ko nga noon si Baste Duterte... nameet ko personal si PCSO chair Corpuz, kasi inimbitahan nilang kumain sa isang kainan sa Makati. Then nakinig lang ako sa kanilang pinag-usapan. Kasi plano ko rin, na wala naman ako ginagawa sa Davao, noong nandito ako nag-follow up ako sa retirement ko, is parang sumasama-sama lang ako sa kanila, libreng kain, minsan binigyan ako ng pera pang-hotel, kasi parang personally naramdaman ko na parang... dahil na-expose ako noon sa Senate investigation and then kumbaga parang successful po yung pagsisinungaling ko at saka it appears na tao talaga ako ni Mayor, ni Presidente, so parang naramdaman ko na gamitin nila yung personality para maka-influence. So hindi naman umubra kay Chairman Corpuz. Yun po.

Ejercito: Kumabaga, yung grupong iyon, yung binabanggit na... tawagin na nating Davao Group, naglayon na makakuha ng sabihin na nating ilang hanapbuhay sa dahilang gagamitin na nga tulad ng sinabi mo, yung koneksyon dahil ikaw ay identified kay Pangulong Duterte?

Lascanas: Opo.

Ejercito: So ano po ang nangyari kay Chairman Corpuz? Noong nakita niyo po, noong inyong nakausap, yung inyo bang prangkisa ay inaprubahan o hindi po?

Lascanas: Hindi po ako nag-apply ng prangkisa your honor, nakikinig lang po ako, pero nakiusap si Kapitan, in fact kasama pa nga namin isa si Atty... yung Secretary ni Baste, Lumbatan, pero ang nagdiscuss lang doon yun si Atty. Lumbatan, si Chairman Corpuz at si Kapitan Baquerel, si Baste hindi naman nakikusap. Hindi naman. Parang ginamit lang din si Baste para...

Ejercito: Baka sakaling makakuha ng prangkisa?

Lascanas: Para maka-influence, yes po. Ok naman si Chairman Corpuz sana, may tinatawag kasi na... may term sila doon na bigay niya yung... kung puwede Visayas at Mindanao pero yung gusto ng grupo ni Kapitan Baquerel ay yung grupo ng... dito sa especially Laguna, Cavite, Batangas...

Ejercito: Yun yung mga medyo malalakas, kumbaga yung mga juicy areas, tama po ba?

Lascanas: Yun po. May terms sila doon, basta yun, parang ganoon po, juicy nga. Sa pagkarinig ko, hindi pumayag si Chairman.

Ejercito: Totoo nga po ba, Arthur, na matapos yung meeting kasama po ba yung anak ni Chairman Corpuz na si Migs Corpuz bilang kanyang executive assistant?

Lascanas: Yes. In fact, iniwanan kami ni Chairman Corpuz, hindi siya kumain, naiwan doon yung kanyang anak, so yun na ang nakipag-usap doon kay Kapitan Baquerel at Atty. Lumabatan. Yung anak niya.

Ejercito: Totoo na pagkatapos noong meeting na yun, at noong umalis po si Chairman Corpuz, noong hindi po naaprubahan ang prangkisa para sa grupo ay may sinabi ka raw kay Migs Corpuz na medyo hindi maganda?

Lascanas: Opo.

Ejercito: Naalala niyo pa?

Lascanas: Opo.

Ejercito: Puwede niyo po bang pakisabi dito, tutal sabi niyo nga, katotohanan, pakisabi po kung ano yung sinabi niyo kay Migs Corpuz.

Lascanas: Ganito po ang takbo ng istorya. Kasi inexplain noong anak ni Chairman Corpuz, na yung tatay niya na-threatened ng mga malalaking financer dito sa Luzon, and then sinabi ni Kapitan Baquerel, treat lang pala ang kapalit para ma-OK-han yung mga prangkisa, then sinabi rin na i-treat na lang natin yung tatay mo, para ma-OK-han din yung prangkisa nila Kapitan. Yun po. Yun ang totoo po.

Ejercito: Salamat, buti naman at sinabi mo rin Arthur. Totoo rin po ba yung inyo ring grupo, yung Davao Group...

Lascanas: Hindi ko po grupo yun your honor.

Ejercito: Pero kasa-kasama niyo? Or sumasama lang kayo?

Lascanas: Nagsama lang kami for five days at that time.

Ejercito: Pero sumubok din ho ba kayong kumuha ng Customs brokerage?

Lascanas: Sa Davao po.

Ejercito: Ok. Kumuha kayo, sumubok kayo?

Lascanas: Hindi ko na po itinuloy dahil doon sa issue ng smuggling. Pero 2012 nakapag-operate kami doon, mayroon kaming itinayo na isang brokerage, ito pinamunuan ni... ang nag-manage si Mark Choi po. Noong pumutok yung... nakapag-operate kami ng mga five to six months, ang trabaho ko doon is protection. Noong pumutok yung smuggling doon sa Davao, pinatawag ako ni Mayor and then sinabi ko sa kanya na wala namang direktang rice smuggling sa Davao, galing lahat Manila. Isa ako doon sa kasama. And then in fact, tinanong niya ako kung kilala ko ba si Davidson Mangayan, sinabi ko personally hindi, pero mayroon akong nakuhang picture ni Davidson, so binigay ko kay Mayor then tinanong pa nga niya ako kung kasali si Pulong doon sa operation namin, then sinabi ko kay Mayor na in fairness naman kay Pulong, hindi.

Ejercito: Totoo din po ba, SPO3 Lascanas na matapos ang inyong retirement ay nagplano rin kayo na makakuha ng isang... para bang terminal na kayo po ay magpapatakbo sa Davao?

Lascanas: Ano po your honor?

Ejercito: Yung parang terminal ng mga sasakyan?

Lascanas: Yes, yes.

Ejercito: Nag-apply din kayo?

Lascanas: Yes, in fact nag-audience kami personal kay Secretary Tugade, kasama ko yung dalawang barangay captain at mayroon din... si Barangay Captain Salvador, Barangay Captain Bantayan and then may mga taga-Bulacan na leader ng transport group ng Bulacan.

Ejercito: Tanong ko lang, ito po ba ay napagbigyan o hindi? Natuloy ba ito o hindi?

Lascanas: Hindi po.

Ejercito: Hindi rin po. So matapos si PCSO, tapos ito, panghuli ay nagkaroon po ng isang medyo malaking proyekto sa may Turil, Banawan, three kilometer coastal road ay kayo po ba ay sumubok na baka makapag supply ng quarry para sa proyektong ito?

Lascanas: Ganito po... kinausap ko po...

Ejercito: Ano lang, yes or no lang. Sumubok ba kayo?

Lascanas: Yes po.

Ejercito: Then elaborate, sige po.

Lascanas: Noong nabalitaan na may project sa Davao, si Kapitan Bantayan ang nagbigay sa akin ng idea kung saan tayo makakuha ng supply ng lupa, kagaya ng pantambak.

Lacson: Ito bang lahat ng ito nangyari after mo magtestify ka rito, October 3 2016?

Lascanas: Yes Mr. Chairman.

Lacson: So parang tumaas yung face value mo noong after mag-appear ka kasi deny ka ng deny.

Lascanas: Parang ganoon, Mr. Chairman...

Lacson: Maraming lumapit sa yo, siyempre, malakas nga ito, kasi sinasabi na very close kay Presidente, kaya talagang bumaha yung mga lumalapit sa yo, at sumasama ka naman.

Lascanas: Yes po.

Lacson: Sa kasamaang palad, anong score? 0-4?

Lascanas: 0-4 po.

Lacson: Sige. Please continue.

Ejercito: Mr. Chairman, it appears that our witness here, hindi strike three, mukhang naka-strike four within that period after the retirement, sumubok lang... alam mo, SPO3 Lascanas, lahat naman po ng mga magreretiro, particularly mga kapulisan, kilala po natin iyan, iniisip yung kanilang kinabukasan, hindi naman po masama yung maghangad kayo, kaya lang it appears, Mr. Chair, mukhang naka-strike four po kayo, walang... kumabaga wala pong natuloy. Nabokya doon sa mga hinangad ninyo.

Lascanas: Your honor, hindi po ako ang naghangad, ako po yung nilapitan. Wala naman ako kapital.

Ejercito: Tatanungin ko lang po, yung inyong mga kasama na nabanggit kanina, Jimmy Tan, Sonny Buenaventura, SPO4 Gloribel, sila po ba ay retired na po ba ngayon, retirado na rin, o sila ay nasa aktibo pang serbisyo.

Lascanas: Ang active lang si Jim Tan. The rest marami na ang nagretire po.

Ejercito: Kagrupo niyo po sila, tama po ba?

Lascanas: Si Jim Tan naka-grupo ko po noong Heinous Crime group na, itong grupo naman kay Gloribel during the time of anti-crime unit.

Ejercito: Sila po, kumusta naman ang kalagayan nila ngayon? Sila ba ay napagbigyan doon sa mga... sila ba ay nai-appoint after retirement, o nabigyan ng pakinabang o nabigyan ng hanap buhay matapos silang magretiro?

Lascanas: Hindi ko po alam your honor.

Ejercito: Hindi niyo na po sila nakausap matapos kayong magretire?

Lascanas: Si Jim last ko siya nakausap noong nag-appear kami dito sa Senado.

Lacson: Arthur, kasi naiinip na lang ako tanungin ni Senator JV, sumama ba yung loob niyo na na-zero-four kayo? Masama ba yung loob niyo?

Lascanas: Ako po hindi po, kasi one hundred thousand po ang allowance ko kay Mayor.

Lacson: Hindi, itong lahat ng nilalakad niyo, nilalapit ng mga kaibigan... na nilalapit sa inyo, ni hindi man lang kayo napagbigyan, ang tanong, sumama ba yung loob niyo? Nagtampo kayo?

Lascanas: Hindi po Mr. Chair.

Lacson: Hindi ba normal sa tao yung magtampo? Parang hindi kapani-paniwala na hindi ka napagbigyan, sa haba ng pinagsamahan niyo, ilang taon, tapos sinasabi mo pa pumapatay ka dahil sa utos, tapos hindi ka man lang napagbigyan, hindi ba natural sa tao na sumama yung loob? Pag sinabi mo na hindi sumama yung loob mo, hindi ka normal?

Lascanas: Wala naman po akong...

Lacson: Hindi, nagdamdam ka? Nagdamdam ka ba?

Lascanas: Honestly po Mr. Chairman, wala, kasi po ito pong plano ko na pag...

Lacson: Hindi, hindi ko idinudugtong dito, ang sinasabi ko lang kung sumama ang loob mo?

Lascanas: Wala po.

Lacson: Sige, salamat.

Ejercito: Tatanungin ko lang, sususugan ko lang yung sinabi ng ating chairman, kailan po kayo na-reject, halimbawa yung kay Chairman Corpuz? Was it before the Senate hearing, yung unang pag-appear niyo dito, o kaya pagkatapos na?

Lascanas: Nareject po? Wala po, kasi hindi naman ako yung nakipag-usap kay Chairman.

Ejercito: Oo nga po, pero mga anong panahon po yun? Yung hindi kayo napagbigyan?

Lascanas: After na po.

Ejercito: After na? After na po?

Lascanas: Yes.

Ejercito: So yung sa... doon po sa quarry, pagkatapos na rin po?

Lascanas: Yes, pagkatapos na rin po. Wala naman po akong kinausap noon.

Ejercito: Yung sa van terminal na nakausap niyo pa si Secretary Tugade, gaya ng inyong nabanggit, kumbaga tinabla din kayo, after na rin po noong hearing? After the previous hearing?

Lascanas: After the previous hearing, pero hindi naman po ako ang tinabla niya, yun naman pong barangay captain na kausap niya.

Ejercito: Hindi, ok na po. Yun lang po ang tinatanong natin. Ang tatanungin ko naman po, Mr. Lascanas, Hinahangaan ka namin, dahil napakahirap ng inyong ginawa, ng inyong sakripisyo, kahit na mahirap at nanganib ang buhay ng pamilya mo, gusto ko lang malaman kung ang pamilya mo rin po ba ay nasaan po ngayon? Nandito pa ba, or nasa Davao or nasa safety na po?

Lascanas: Safety na po your honor.

Ejercito: Mga kailan sila umalis? Bago kayo lumantad? Ilang linggo, ilang araw?

Lascanas: Puwede po your honor, hindi ko sasabihin for their safety?

Ejercito: Sige po. Sino po ang tumulong sa inyo o kaya sa inyong pamilya, mayroon po bang mga tumulong na tao?

Lascanas: Ang sa akin po partikular mga pari po.

Ejercito: Mga pari. Wala bang ano, mayroon daw po kayong nakausap, may nakakita sa inyo bago po kayo bumaliktad, noong February 20, may mga kausap daw po kayong mga foreigners, mga puti, sa Davao, ito po ba ay nangyari?

Lascanas: Hindi po totoo yun.

Ejercito: Hindi totoo yun. Anyway, Mr. Chair, if there will be a next hearing, I hope we can invite the Bureau of Immigration just to find out whether the family of Mr. Lascanas when they left the country, and then also si SPO4 Henry Tocmo, kilala niyo po si Henry Tocmo?

Lascanas: Yes po, retired na rin po yun.

Ejercito: Siya po ang isa sa mga pinakamalapit sa inyo?

Lascanas: Opo. Yun po yung naging kasama ko noong nandito ako ng straight five days dahil siya po yung nagpaout ng retirement ko.

Ejercito: Mr. Chair, kung saka-sakali may isa pang hearing, siguro si SPO4 Henry Tocmo para nga po malaman natin kung totoo po yung inyong sinasabi. Tinatanong ko lang po, para akong na-deja vu rito eh.The first time that you came out retracting all the things you said about President Duterte, napansin ko lang na yung kasama niyo po sa FLAG lawyers no? medyo kilala ko yung mukha nila eh, sa kaliwa niyo, si Atty. Arno Sanidad, Atty. Pablito Sanidad, kulang na lang...si Alex Padilla,wala ho? Siya po'y abogado niyo rin,kulang na lang dito sila Simeon Marcelo para kumpleto na yung cast nung 2001. Noong unang inimpeach si President Estrada ay sila-sila rin po yung nasa likod ni Chavit Singson, pwede niyo bang i-confirm, Atty. Sanidad? either of the two? Yes or no lang po, kayo po ba?

Atty. Arno Sanidad: I don't understand your question, Senator?

Ejercito: Kayo ho ba yung nasa likod ni Chavit Singson noong 2001 nung humarap po siya dito?

Sanidad: We're his lawyers, Sir. Yes, Sir.

Ejercito: Are you part of any movement or plot that time, were you part of it?

Sanidad: No, Sir. In fact, were the lawyers representing witnesses against Senator Lacson when he was with the PAO here before. I think, Senator Lacson would vouch on that.

Ejercito: Pero sa ngayon po, masasabi niyo rin bang hindi kayo kasama?

Sanidad: We're here as lawyers.

Ejercito: Just wanted to make sure kasi the last thing we know, 2001 is a foregone conclusion, Mr. Chair, we want to know that... so that the Senate be used for any destabilization plot. For the truth, it's okay. We are all for the truth but ano eh, this has happened before, para akong na-deja vu lang, Mr. Chair. I would like to ask some more questions as we go on.

Lacson: Maybe deja vu is not the proper word, maybe traumatized.

News Latest News Feed