Press Release
March 29, 2017

EXCERPTS OF INTERVIEW WITH SEN. FRANCIS PANGILINAN AT THE KAPIHAN SA MANILA BAY RE: BARANGAY ELECTIONS

Moderator: Marichu Villanueva

Q: Is there a party stand on the new proposal to postpone the barangay and SK elections?

The party has not officially made a stand but off-hand, based on our consultations sa Senate and a number of the LPs sa House, there is an expression of reservation regarding the proposal to postpone the barangay elections and the act of appointing rather than electing the officials because of the postponement.

Malaki ang aming concern dito dahil unang-una, na-postpone na ito.

Q: What was your previous stand before?

We supported the postponement but ang main reason ko nung postponement is dahil in-amyendahan yung SK law at binago yung qualifications, I felt that to have the election immediately would-parang kulang ang oras lalo na sa mga youth leaders o youth representation na makilahok nang meaningfully.

So I said, maybe one year would be good. And why one year? Because the barangay elections should not be held too close to the mid-term elections and by next year, 2018, maghahanda na naman sa 2019 elections. So we said that one year postponement is doable and realistic and gives the Comelec enough time to prepare for the scheduled mid-term elections.

We agreed to a postponement but a second postponement is no longer reasonable in terms of timing, in terms of preparation, it's too close to the mid-term elections and the issue of postponing for a second time also affects yung right to suffrage ng ating kababayan.

I think the vast majority of our citizens ay gusto nang magkaroon ng halalan sa barangay, gusto na nilang piliin ang kanilang barangay officials dahil nga hindi ito nangyari noong nakaraang taon. At mahalaga para sa ating mga kababayan lalo na sa barangay na mayroong mandato yung ating mga opisyal ng barangay at mayroong suporta mula sa tao sa pamamagitan ng kanilang pagpili at pagboto.

ON MAKING ILLEGAL DRUGS A CAMPAIGN ISSUE

Sabihin na nating walong buwan na nakaupo itong ating pangulo at ang administrasyon at talagang ipinamalas na sa ating mga kababayan itong usapin ng illegal na droga, so dapat pagkatiwalaan natin 'yung ating mga botante na sila ang magpapasiya kung sino ang pipiliin nila.

At 'pag alam nilang nadidikit dito sa-o mayroong koneksyon sa droga, eh di 'wag nila iboto. Palagay ko 'yun ang pinakamainam. Bigyan natin ng pagkakataon at pagkatiwalaan natin ang taumbayan na marunong magpasiya kapag nandiyan ang impormasyon. So gawin nating campaign issue itong problema ng illegal na droga. At doon, dahil campaign issue siya, matitiyak natin na magiging mapanuri ang ating mga botante na ang susuportahan nila 'yung hindi linked sa droga. Alam mo, sa barangay, sabi nga nila walang sikreto diyan eh. Lahat diyan eh basta ikaw lang ay nakikinig nang maayos at nagtatanong at mapanuri ka, eh malalaman at malalaman mo kung sino yung mga konektado sa mga sindikato. Mga kapitbahay mo 'yan eh. So hindi dapat i-postpone dahil natatakot doon sa usapin ng droga na baka maging opisyal ng barangay, kundi hamunin natin ang mga mamamayan. Maging mapanuri tayo. Gamitin natin nang tama ang ating kapangyarihang mamili at huwag tayong pipili ng mga konektado sa mga sindikato at drug-related na mga gawain.

ON BARANGAY ELECTIONS AS A DEMOCRATIC PROCESS

The practice in the past has always been hold-over. At least iyon, kahit na sabihin na nating na-extend yung term, at least alam nating pinili ng tao. Kahit paano, may mandato sila. May mga sumuporta sa kanila at mayroon sila ng boto na galing sa tao, pero yung i-postpone yung elections tapos i-appoint yung 1.6 million na-it's no longer democratic. These are 1.6 million positions and it'll be by appointment. I don't think that has been ever contemplated under a constitutional democracy that 1.6 million village officials will be appointed by the President.

Ang pinaka-palagay kong masakit ay hindi natin binibigyan ng pagkakataon 'yung ating mga kababayan na sila ang mamimili sa mamumuno sa kani-kanilang mga barangay. Araw-araw na ginawa ng Diyos, 'yan ang pupuntahan ng mga kababayan natin 'pag may problema. Kung baga, frontline, first line of defense in the war against poverty, war against illegal drugs, etc. itong mga barangay officials, sila ang nakapain diyan, tapos hindi pinili nung tao?

'Pag pinili ng tao, malaking tyansa na dahil may mandato, mas malaki actually na may suporta. 'Yun ang may suporta dahil naipanalo niya ang kandidatura niya at dahil siya ang may pinakamaraming nakuhang boto so pagka mayroong mga patakaran na gagawin sa barangay, at least alam niya mayroon siyang suporta galing doon sa bumoto sa kanya.

Why would we deprive our people in the villages, in the barangays the opportunity to choose who will lead in their respective communities na napakalapit sa kanila. Dapat bigyan ng pagkakataon.

Ang mangyayari niyan, kanino mapupunta ang utang na loob ng opisyal pagka hindi halal? Eh 'di kung sino ang nag-appoint. Mayroon ba siyang utang na loob doon sa botante niya? Wala. Pagka lumapit 'yung botante niya sa kaniya sasabihin, hypothetically, hindi na masasabing: "Kapitan, binoto namin kayo." Yung kapitan naman, baka sabihin: "Eh hindi naman kayo ang bumoto sa akin eh. So ang utang na loob ko hindi sa inyo, doon sa taas."

My belief is that we are weakening our constitutional democracy when we postpone elections and rather than have elections, we appointments made by the executive department.

Q: Paano naman yung mga NPAs na fetching the opportunity to run in the barangay election na 'pag nanalo sila, amin na 'tong barangay na 'to?

Ang ideolohiya nung kaliwa ay hindi naniniwala sa eleksyon. 'Yun yung pagkaintindi ko. At least yung mga NPA, hindi tatakbo sa eleksyon yan. Ngayon, kung hindi NPA, halimbawa, hindi affiliated groups, baka 'yun pa ang tatakbo. Pero 'yung NPA mismo, I don't think they will try and run for public office and become officials of the barangay.

News Latest News Feed