Press Release
April 16, 2017

STATEMENT OF SEN. PANGILINAN ON EASTER SUNDAY

Nakita ko sa Facebook: May batang nagtanong sa nanay niya, sino ang nagluto ng Huling Hapunan?

Ang galing nung bata. Ang curious niya. Naisip niyang suriin ang nasa likod ng karaniwang istorya. Madalas, hindi natin pinapansin ang mga nagaganap sa likod ng mga kwento. Itong batang ito, naisip niya ang isang mahalagang pangyayari na karaniwang hindi kinukwento.

Ngayong Pasko ng Pagkabuhay, magandang aral ang tanong at pag-iisip nung bata. Magandang itanong: Sino ang mga dapat nating pasalamatan tuwing tayo'y nasa hapag-kainan? Alalahanin din natin ang magsasaka't mangingisdang nagpapakain sa atin.

Nawa'y mabigyan natin sila-ang pinakamahihirap sa ating ating lipunan-ng karampatang atensyon para sa ikabubuti ng kabuhayan nila at ng buong bayan.

Ang Pasko ng Pagkabuhay ay natataon din sa panahon ng ani. Happy Easter! Bountiful harvest!

News Latest News Feed