Press Release
April 18, 2017

SENATOR JV EJERCITO'S CLOSING STATEMENT
Senate Committee on Urban Planning, Housing, and Resettlement
Public Hearing on Senate Resolution Nos. 272 and 332
18 April 2017

Sa pagdinig na ito ay nakumpirma ang masamang balita ng beneficiaries ng government housing projects na nagsasayang tayo ng bilyung-bilyong piso dahil bihirang napapakinabangan ang housing units na naipatayo ng National Housing Authority.

Isa sa mga natalakay nating ugat ng kapabayaan sa housing projects ay ang kawalan ng probisyon ng basic services tulad ng kuryente, tubig, eskwelahan, pagamutan, transportasyon at pangkabuhayan. Sino ba naman ang tatagal kung ganito ang kalagayan? Kaya dapat siguraduhin natin na ang current at future resettlement areas ay kumpleto sa basic services at may access sa transportation. From now on, let us do it the proper way. Siguraduhin na natin ang mga probisyong ito upang hindi tuluyang masayang ang housing projects ng pamahalaan.

Natalakay rin natin ang malaking problema ng Informal Settler Families na hindi abot-kayang presyo ng pabahay. Para maresolba ang isyu na ito, kailangan nating gumamit ng iba't-ibang schemes katulad ng long-term lease, public housing rental, usufruct, mixed-use housing development, housing cooperative at iba upang maging magaan para sa kanila ang pagbabayad ng bahay. Sabi ko nga ho patungkol sa socialized housing, kung hindi mo man mahalin, huwag mo na lang mahalan.

Napag-usapan rin natin na napapanahon nang hindi tayo nakapokus sa paggawa lamang ng mga istruktura upang magsilbing bahay ng mahihirap. Dapat ang ating mga programang pabahay ay disente, matibay, at nakasunod sa standard ng disaster risk reduction and management and climate adaptation requirements. Dapat rin ay nakapaloob ang mga ito sa well-planned communities, at hindi kung saan may mura na lupa ay doon na natin pipiliting gawin ang resettlement projects.

Huwag na ho nating hayaang manatili ang mga ganitong mababagal at problemadong proseso. Kinakailangan na nating magkaroon ng isang malinaw na Blue Print para sa Housing sector. Ang proposal ko po ay magkaroon tayo ng isang Housing Master Plan na nakakabit sa Transportation Master Plan, na kung saan gagawa tayo ng mga kalsada, istasyon ng tren, at iba pang transportation infrastrucutures ay dito rin natin ipapatayo ang mga pabahay, agri-food terminals, programang pangkabuhayan, at maging ang mga prayoridad na growth areas.

Dito na rin po papasok ang aking proposal na magtayo ng isang epektibong Department of Human Settlements and Urban Development. Malaking factor na iisang direksyon lamang ang tatahakin ng 6 nating housing agencies. Itigil na natin ang kasalukuyang sistema at cycle na may kanya-kanyang proyekto ang mga ahensiya ng housing sector. Magkaisa na tayo sa direksyon upang tugunan ang mga problema sa pabahay.

Sa katunayan, kinakailangan nating magdouble time at overtime sa pagtatayo ng mga pabahay dahil tinatayang aabot na sa 6.8-Million ang housing backlog bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa 2022. Kung sa ngayon ay 8 hours ang ginugugol ng mga contractor sa paggagawa ng bahay, baka maaaring gawin nating 24/7 ang pag-develop ng housing communities para sa mga ISF. Sa ganitong paraan ay makakapagbigay tayo ng trabaho, bukod sa mapupunan natin ang housing backlog.

In addition, we URGENTLY need REFORMS IN THE HOUSING SECTOR and we begin these reforms by doing the following:

1. Transform the Shelter Agencies under one strong fully fledged Department of Human Settlements and Urban Development (with ONE BOARD and march in one direction.

2. Devolve further the provision of housing and shelter to the Local Government Units through the Local Housing Boards. Kailangan may express lanes para sa mga socialized housing projects. Problema kasi tingin ng lahat sa proyekto ng housing pagkakakitaan.

3. Prioritize In-City, On-Site or Near-City Resettlement of ISFs in Danger Zones to be spearheaded by Local Government Units.

4. Let us use other modes for housing delivery like usufruct arrangements and public rental for Metro Manila.

5. Create a Senate Oversight Committee for Housing Resettlement Immediate Review of the National Building Code and Socialized Housing StandardsCreate a Comprehensive Emergency Shelter Program with New-Age Appropriate Building Standards.

6. Call for a Nationwide Land Use mapping and Inventory with the end view of Identifying Danger Zones for Evacuating Settlers and Residents and Identifying Safe Zones for Housing and Resettlement Projects.

7. Review Proclaimed Areas for housing and provide immediate recommendations for Distribution and Development.

8. Align our Housing Master Plan and Programs with this Government's Planned Massive Transportation Infrastructure Project and Integrated with our RAILWAY SYSTEM. Let us Establish Growth Areas along the Rails.

Hindi dapat tayo mangamba sa anarkiya kung magiging sensitibo tayong nasa gobyerno sa kahilingan ng mga sektor sa ating lipunan. Kung gagawin nating tama ang ating mga tungkulin bilang lingkod-bayan, kung gagampanan natin ng TAPAT ang mga tungkuling sinumpaan natin at kung tayo sa gobyerno ay magkaisa na ilagay sa unahan ang interes ng mamamayan.

News Latest News Feed