Press Release
May 2, 2017

GRACE POE's INTERVIEW TRANSCRIPT
with Mr. Erwin Tulfo

On MRT

Tulfo: Ma'am nabasa ko kasi na medyo naiinis na kayo at gusto ninyong pa-imbestigahan na itong, tama po kayo, at mabuti at naisip ninyo, halos nakalimutan na ng lahat, ang pinagmamayabang ng nakaraang administrasyon na mga Dalian train, ineexhibition pa diyan, nag-dry run dry-run pa sa Pasay, wala naman pala Ma'am dahil sabi kulang sa signaling system ito, Senator, Ma'am?

Sen. Grace Poe: Alam mo, hindi lang ako naiinis, ako'y nagagalit na at kasama na rin ang ating mga kababayan, kaya nga sabi mo, maha-highblood ka talaga dito sapagkat ilang pagdinig ang ginawa namin, ilang beses din silang nagbigay ng garantiya na ito'y maayos pero katulad nga ng nangyari sa Senado, maraming kasinungalingan. Ngayon, nakita nating sinabi nila na magkakaroon ng 48 na LRVs, ibig sabihin 48 na bagon, pinuntahan natin yan. Alam mo ba naman na dineliver dito, wala namang makina, wala namang signaling system. Sa ating mga kababayan, ang ginawa po ng DOTr, sila po yung original na nagchop-chop. Ang ginawa po nila inorder nila yung Dalian na, mismong kaha ba o yung mismong bagon, yun pong bagon ng train, inorder nila sa Dalian na walang experience, galing China. Yung makina sa Germany nila inorder. Yung signaling system, yung mismong mag-piprevent ng bungguan niyan, sa South Korea naman nila inorder.

Tulfo: So ang ibig sabihin ma'am ang mga tren na yan chop-chop.

Poe: Yan dapat talaga ang itawag diyan, chop-chop. Ngayon ko lang naisip, sapagkat yun nga, iba't ibang lugar ang pinagkuhanan niyan.

Tulfo: Bakit ma'am hindi ba nakabili sina Abaya na kapag sinabing Dalian locomotive, kumpleto na, may gulong na, may makina, may signaling? Bakit po ganun ma'am, ano nangyari daw? Anong explanation nila?

Poe: Yun na nga 'no, nung tinatanong natin sila bandang huli na, naka-order na sila. Hindi natin nalaman na yung kanilang kasunduan sa Dalian--yung main na expertise nila, if you can call it expertise, yung mismong katawan ng train. Tapos sila na ang bahala na kapag dineliver dito, iso-source out na nila from Germany at from South Korea yung iba't ibang mga parte. Pero nakita natin na yung initial delivery dito pagpunta natin doon sa depot nila, hindi pa kasama yung mga yun. Tapos, ito pa yung nakakasakit dito, kailangan bago nila ideliver yung mga yan, yung 48 trains na yan or LRVs, kailangan na-test nila ng 5,000 kilometro bago nila dalhin dito.

Tulfo: Correct

Poe: Eh paano nga nila itetest eh hindi nga kumpleto. So dineliver dito, katawan lang, nabubulok doon sa ating storage.

Tulfo: So ibig mo sabihin Ma'am, ano yung mga nakikita natin nung mga nakaraang taon, nagpapraktis-praktis sila diyan, may mga nagkatrapik-trapik pa diyan sa Pasay rotunda dahil binababa nila, pinapatakbo kunwari. Pinakunan pa sa media, naalala niyo, ma'am yan noon? Pinakunan pa, pati ako, sumilip din, sabi ko sa report napakaganda ng tren na yan. Iyon pala hindi magamit ngayon, ma'am?

Poe: Yun na nga ang gusto kong tanungin, yung mga tinest nila na yun prototype lang yun at isa lang yun. So marami pang, sabihin natin doon sa 48 na naghihintay, minus 3 kasi 3 coaches per train, sabihin na natin yung 45 wala pa rin talagang makina. Alam mo, sabi nga ng iba, huwag tayo magbibintang sa nakaraan, pero papaano natin maaayos ang ating sarili kung hindi tayo matututo sa nakaraan at kung hindi mananagot ang mga nagkasala, lalakas ang loob ng kawatan na gawin uli yun. Kaya nga sabi ko, nagpapahinga na kayo, pasensya na pero pananagutan niyo ito kaya papatawag natin yung mga incorporators nitong maintenance provider halimbawa itong Busan na ito; ipatatawag din natin yung mga pumirma sa kasunduan nitong mga train na ito, kasama na diyan siyempre ang kalihim mismo na si Secretary Abaya. Ngayon, kung sabihing wala naman akong pinirmahan diyan dahil nga, kunwari general manager lang, pero bakit mo pinayagan? Hindi malakas ang loob mo na ilagay ang pangalan sa kasunduan na 'yan dahil ikaw ay mismong nag-aalangan din. Nakita din natin Erwin na yung ibang incorporators, huwag nating kalilimutan, ay mga kaalyado nila noon na mga nag-ambag sa kanilang kampanya noon diumano. At pangatlo, walang bidding 'yan, yung maintenance contract...na ibinigay sa Busan kaya nga maraming anomalya ang nakaraang DOTr na dapat nating ipatawag. Hindi ko nakakalimutan 'yan.

Tulfo: Ma'am, sa inyo bang pakiwari o pakiramdam, may kumita rito? Pakiramdam ko may kumita talaga e.

Poe: Alam mo P3.8 billion 'yan na hindi natin alam kung para saan. Hindi natin alam dahil hindi naman natin nagamit 'yang mga train na 'yan. Kung kumita, may kumita man dyan o wala, may kapabayaan dyan sigurado. May kapabayaan at may dapat managot kung hindi natin magagamit yung mga train na 'yon. Sapagkat ilang libo, daan-daang libo kada araw ang gumagamit ng train, kanina lamang alas-dos ng umaga, na-derail ang isang train na nawala doon sa kanyang riles papunta doon sa kanyang compartment mabuti na lang walang mga pasahero. Yung mga riles natin hindi pa naaayos lahat 'yan kaya bakit pa natin hihintayin na magkaroon pa ng isa pang sakuna na hindi man lang natin binibigyan ng pagkakataon talaga na masuri ito. Kaya alam ko, sabi ko nga sa ating mga kababayan, sasabihin na naman nila na ayan na naman, pagdinig na naman pero kasi ang Senado, hindi namin sila pwedeng hulihin at ilagay sa kulungan e. Kung pwede lang sana , 'yan ay atin nang ginawa na noon pa. Yung Ombudsman, ako'y mataas ang paggalang sa ating Ombudsman lalo na kay Ombudsman Carpio-Morales subalit ako'y nagtataka bakit hindi niya sinama sa complaint itong si Abaya? Alam naman natin diba--

Tulfo: Akala ko Ma'am, ako lang ang nakakapansin at ilang mga kababayan natin, pati pala kayo napansin niyo. Ay, salamat sa Diyos at meron na kaming kakampi.

Poe: I mean may mga ibang, marami namang galaw ang Ombudsman na tama naman at ako mismo bilang isang babae, mataas ang respeto ko talaga kay Conchita Carpio-Morales subalit dito nga malaking katanungan ito. Bakit hindi siya kasama e siya nga yung nag-apruba ng mga 'yan? At kung sinabi niyang, 'hindi ako ang nakapirma dyan,' pwede ba na ang isang manager ang pwedeng mag-apruba niyan na walang go signal mula sa kanya? Kaya nga po talagang kailangan ipatawag silang lahat muli para naman kung meron man, kami sa Senado, pwede kaming magrekomenda na mag-file ng kaso. Kung natatandaan ninyo dito sa Mamasapano--

Tulfo: Yes.

Poe: Ang aming rekomendasyon ay mag-file ng kaso doon sa PNP Chief at saka sa iba. Basta lahat ng mga dapat sampahan natin ng kaso ay nasampahan naman ng kaso ng Ombudsman. Ang pangulo lamang ang hindi dahil sa ating batas, hindi malinaw ang command responsibilty. Kaya nga itong si GMA diba wala na nasa PCSO net. Kasi nga iyong ganoon nga, kailangan nating baguhin ang ating sistema ng command responsibility sa ating batas.

On Sen. De Lima

Tulfo: Ma'am, panghuli na lamang before I let you go, ma'am. Nabasa ninyo na siguro, ano po ang reaksyon ninyo, would you agree na ito pong kay Senador Leila De Lima na pinapakiusap at papakiusapan daw, susulatan and they will ask the court na payagan si Senador De Lima na makalabas ng kulungan everyday to attend ng session ng Senado. Ano po ang reaksyon? Is it okay with you bilang miyembro din ng Senado, ma'am? Or baka maging precedent at isa pa may mga dalawa pa kayong senador na nakakulong doon ma'am na hindi naman binigyan ng privilege na makapag-attend ng mga hearing, senadora?

Poe: Alam mo, unang-una karapatan nila iyon na hingin sa korte. Mabuti dumadaan sila sa prosesong iyan. Ngayon ang gusto natin na ang ibinoto ng tao, kung totoo ka talagang ibinoto, na dalawampu't apat na senador na makakadagdag sa diskusyon. Si Senator Leila De Lima, kayo man ay naniniwala sa kanya o hindi, nakakadagdag iyan sa diskusyon sa Senado. Sana, hindi kami mabawasan pero nandiyan ang mas mataas na konsiderasyon, iyong ating batas.

Tulfo: Correct.

Poe: Kaya ka na-detain for a reason. So, sana iyong kaso na iyan ay mas mabilis nilang madinig para naman magkaroon na nang linaw kung may kasalanan o wala. Pero sa ngayon, hindi ako abogado kasi. Sa nakikita ko, parang, precedent wise, nakita natin na sina Senator Bong at Senator Jinggoy ay hindi nga pinapayagan na mag-attend ng maraming mga- kung anu-anong hiningi nila. Hindi nga rin sila makaboto kahit na nasa loob sila ng kanilang piitan. Siguro, kung gagawin nila ngayon na magkaroon ng virtual Senate

Tulfo: Oo.

Poe: Papayagan na manood doon. Pero, hindi rin maganda iyan kasi ang ibig sabihin, ang mga iba sabihin natin na guilty talaga na ganyan nakulong, aba'y puwede pa rin silang makilahok. Papaano ngayon iyan? Iyon ang medyo napakahirap na dapat linawin ng batas, ng korte kung ito'y papayagan nila. Pero, para sa akin, hindi ako abogado, gusto ko makita kung ano ba ang pinapayagan ng batas at maganda kumuha na siya ng mga kaalyado niya na mag-file ng kaso para mag-appeal para malinawan.

Tulfo: Alright, Senator Grace Poe maraming salamat ma'am. Magandang umaga, mabuhay po kayo senadora.

Poe: Magandang umaga, Erwin at sa lahat ng nakikinig, salamat po.

News Latest News Feed