Press Release
June 21, 2017

Sen. Bam on DOJ's contradictory resolutions in Espinosa case
(Transcript of media interview)

Q: Sir, yung minority bloc meron ng resolution para dun sa reopening dun sa... (inaudible)

Sen. Bam: Opo. Merong resolution na i-fifile ang mga iba't ibang miyembro ng senado. I think we're asking some members of the majority na pumirma rin expressing grave concern dun po sa pag-downgrade ng charges kina Superintendent Marcos ng DOJ.

Aside from that meron din po tayong finile na separate resolution looking into an inquiry kung bakit po ito ginawa ng DOJ. So dalawa ho 'yan. May isa na magbubukas ng hearing para malaman po ng taumbayan ano po yung rason kung bakit nag-iba ang pananaw ng DOJ, bakit po nila dinowngrade yung charges mula murder hanggang homicide. And ang isa pang resolution expressing serious concern mula po sa senado, and we're hoping na marami pa po sa mga kasama po natin dito ang pipirma sa resolusyong iyon.

Q: Sir, pero may sinasabi sila Senate President Pimentel na they want to reopen the investigation

Sen. Bam: That's another possibility. Puwede pong ireopen yung investigation, that's also possible. Ang pinakamahalaga is malaman ng taumbayan at malaman rin po namin dito sa senado ang mga rason ng DOJ kung bakit binago yung findings ng NBI, ng senado at nila mismo.

Q: May nakita po ba kayo dito Sir na pwedeng may nasa likod

Sen. Bam: Opo.

Q: Dati ipinagtatanggol talaga ng Pangulo ito sina Marcos.

Sen. Bam:Well, nakakabahala po talaga na ang gantong klaseng imbestigasyon na naging transparent naman sa publiko naging malinaw naman po yung NBI, naging malinaw po yung senado sa ating committee report at naging malinaw din yung DOJ mismo na ito po ay pinagplanuhan, pinatay in cold blood at murder ho talaga. Bigla-bigla na lang, after a few months, noong nawala na po sa mata ng publiko, biglang binago at dinowngrade. Nakakabahala po talaga ito at sa tingin ho natin kailangang mag-explain ang DOJ kung bakit nila ginawa ito at kung bakit binaba ang charges sa isang kaso na napakalinaw naman na may premeditation o may pinagplanuhan na gawin dun po kay Espinosa.

Q: Sir, but what can the Senate do, kunyari makita niyo wala pa ring reason kung bakit nababa yung charges?

Sen. Bam: Well, one, I think is, kung wala pong valid reason dapat ho may mga motions po in the judiciary na bumalik po sa murder yung mga charges. That of course is something that we can find out in the inquiries. Pangalawa, it also puts into question yung credibility ng DOJ, kung ang isang kaso na ganito kabigat, ganito po ka-seryoso, bigla-bigla na lang nagbabago na walang naman pong rason, it really puts into question the credibility of the institution and the Secretary.

Q: Pero kiniclaim ni Sec. Aguirre na parang hindi umabot sa kanyang lebel yun, yung hindi siya pumirma o nag-approve noong pag-downgrade?

Sen. Bam: Well, kaya nga po gusto nating magkaroon ng inquiry at investigation para malaman natin kung ano talaga yung nangyari, but aside from that ang alam ko po isang undersecretary yung pumirma doon sa downgrading. Of course, kung Undersecretary yan, syempre nasa ilalim siya ng Sekretarya. So through command responsibility, it is still the responsibility of the DOJ Secretary kung bakit po na-downgrade yung charges kina Marcos.

Q: Once ma-determine na meron talagang mali dun sa nangyari, ano moving forward?

Sen. Bam: Sa pagkakaalam ko po may mga remedies yan na through the judiciary na puwede hong maibalik sa tamang charges kina Marcos. So, there are remedies in the judiciary na puwede pong gawin but this also puts into question the credibility of the institution, yung institusyon po mismo dito ngayon yung, ngayon na nakataya, Kumbaga kung ang isang kaso na ganito ka-transparent, ganito ka-publiko eh bigla-bigla na lang mababago nang basta-basta, talagang merong kailangang magbago dun sa institusyon.

Q: Criminal offense ba yun (downgrading)?

Sen. Bam: Hindi ko po alam kung criminal offense po yan but definitely may offense pong nangyari kung basta bastang magdodowngrade na wala naman pong rason.

Q: So dapat may managot? '

Sen. Bam: Dapat may managot diyan. Even if you're in the DOJ. Lahat tayo ay accountable sa ginagawa natin?

Q: Have you made any communication with the Espinosa family?

Sen. Bam: Wala po.

Q: Hanggang saan niyo singilin ang Secretary of Justice pagdating sa kasong ito?

Sen. Bam: Iyong unang resolution mula sa DOJ, nagsabi na may premeditation, na murder po ito. After a few months, nagkaroon ng bagong resolusyon. Wala namang bagong lumabas na mga ebidensiya, dinowngrade po. That in itself is really irregular. Nagkaroon po ng flip-flopping. Binalewala po ang investigation ng NBI. Binalewala rin po ang committee report ng Senado. Ang pag downgrade na ito, hindi ito basta-basta. Kailangan nating malaman kung bakit nangyari iyan at kung wala talagang rason, managot po ang mga gumawa niyan. I think an investigation in the Senate will be able to come to the truth.

Q: (Inaudible)

Sen. Bam: I think clearly hindi na po ito tungkol sa minority at majority. Ito'y tungkol na sa hustisya sa ating bansa. Doon po sa mga invesigations sa Espinosa case, sama-sama naman po kami diyan. Naging malinaw naman ang posisyon ng Senado through the committee at ang pagbalewala ng Senate committee report, nakakabahala po iyan. Sa tingin natin, malinaw naman ang charges na dapat gawin. In fact, the NBI, the DOJ and the Senate, naging malinaw po ang posisyon natin. Kung bakit ito na-downgrade, palagay ko meron talagang nagkasala dito at kailangang managot iyon.

Q: (Inaudible)

Sen. Bam: Marami sa amin ang nagsalita na and sa totoo lang kapag marami na kasi, hindi na talaga ito personal, institusyon na po ang pinag-uusapan dito. Iyong institusyon ang pinakamahalaga rito. The institution is what we really need to address kasi po iyong institusyon na dapat nagdadala ng hustisya sa ating bansa, siya pa ang nananagot sa kawalan ng hustisya, may problema talaga tayo diyan. Hindi lang personally, kundi bilang isang bansa.

Q: (Inaudible)

Sen. Bam: May mga procedures tayo. If they're going to follow the resolutions, kailangan pong ma-refer muna iyan sa first reading. But if the chairmen wish to reopen, puwede na po nilang gawin iyan and we will support the reopening. Kasi mahalaga po ito at ang kasong iyan, that was a clear case of a murder, premeditated, pinagplanuhan na patayin si Espinosa, bigla na lang ida-downgrade, at ngayon on bail na po. We need to get to the bottom of this kung ano talaga ang nangyari and we're hoping that the Senate inquiry will support iyong ating paghahanap ng katotohanan dito.

Q: (Inaudible)

Sen. Bam: Marami na pong kontrobersiya sa ating DOJ. Huwag na nating isa-isahin pa pero palagay ko, ito na ang pinakamatindi.

Q: At hindi rin tinupad ang pangako na magpa-public apology siya....

Sen. Bam: Magkikita naman kami uli so we can talk about that again. Ito pong case na ito, this is a case where mga opisyales ng PNP, may pinatay na nasa kulungan, pinalabas iyong mga jailguard, pinaluhod, tinanggal ang CCTV, pumunta ng madaling araw - at sasabihin nating hindi premeditated? Sasabihin nating walang plano at homicide lang? Palagay ko po nagbobola-bolahan na tayo dito. Kung gusto talaga nating makakuha ng hustisya na walang kinikilingan, mahalagang malaman natin kung bakit nagbago ng tono ang DOJ dito.

Q: (Inaudible)

Sen. Bam: Kaya gusto nating malaman ang puno't dulo ng bagong resolusyon ng DOJ. Kung paano nila ginawa ang resolusyong iyon na balewala ang imbestigasyon ng NBI, balewala ang committee report ng Senado at balewala rin ang una nilang imbestigasyon. We want to know how they came up with the resolution. Diyan siguro malalaman natin kung sino mismo ang nagsulat, kung sino ang nagbigay ng input, kung mayroon talagang protektor sina Marcos o wala.

Q: (Inaudible)

Sen. Bam: Kailangang maingat tayo sa impormasyon. Ayaw nating mag-create ng takot sa ating mga kababayan kung hindi pa naman totoo ang reports na ito. Sa pagkakaalam ko nasagot na ito ng PNP. I think what's important bilang mamamayan, huwag lang tayo mag-spread ng fake news, false news, siguraduhin nating galing sa official sources. I'm sure na ang PNP, kapag mayroon nang totoong impormasyon, they will tell the public properly kung ano ang measures na dapat gawin, kung anong pag-iingat na dapat gawin. Pero tayo, sa totoo lang, mahilig tayong mag-spread, mahilig tayong mag-share, maging maingat sa sini-share natin. Let's not fall into the trap of spreading fear, kasi sa kadulu-duluhan ng lahat, iyan ang gusto ng mga terorista, na ang ating lipunan, mamuhay na takot. Let's be careful about spreading information, makinig tayo sa official sources, huwag tayong maging part of the problem, maging part of the solution tayo.

News Latest News Feed