Press Release
August 18, 2017

STATEMENT OF LIBERAL PARTY PRESIDENT SEN. KIKO PANGILINAN ON KILLINGS IN THE CITY

32 ang patay nung isang araw sa Bulacan. 25 ang pinatay kahapon sa Maynila. Yung isang pinatay, si Kian Loyd delos Santos, 17 years old, kitang-kita sa barangay CCTV na kinaladkad ng 2 tao papunta sa lugar kung saan sya natagpuang patay.

Kahit sino na lang kakaladkarin ng pulis para umabot sa quota? Makuha ang reward money?

Hindi solusyon sa problema ng droga ang kaliwa't kanan na patayan ng mga maliliit at mahihirap habang tone-toneladang shabu ang pinapalusot sa BoC.

Hindi ito makatarungan. Hindi araw-araw na patayan ng mahihirap ang solusyon. Tutulan ang masaker ng mahihirap. Itrato bilang health issue at problema din ng kahirapan at hindi lang problema ng kapulisan ang drug addiction.

News Latest News Feed