Press Release
September 13, 2017

Sen. Bam on PNP Spot Reports, CHR Budget and Faeldon
(Transcript of media interview)

Interviewer: Ngayon sir, parang napanood ko kagabi sa news na ipinagbabawal na yung sa media. Wag na ipakita sa media yung mga SPOT Reports.

Sen. Bam: Well, kataka-taka iyan. Kasi parang talagang may itinatago sila. In the last hearing, nag-commit na si Bato na ipapakita niya, kasi wala naman daw silang itinatago. So probably, pag nagkita-kita ulit tayo dito sa hearing, puwede nating tanungin sa kaniya ulit kung ano ba talaga. And we will insist that the Senate has those records para magawa namin yung tungkulin namin.

Interviewer: Kasi sir, I remembered, last time, sabi ni Presidente huwag ipakita iyong mga case folders ng mga namamatay. Parang may connection ba iyon sa tingin niyo, sir?

Sen. Bam: Siyempre, itong SPOT reports, nagpapatunay kung meron talagang kababalaghan na nangyayari o wala, so mahalaga na makuha namin iyan sa aming imbestigasyon. We will insist that we have the SPOT reports.

Interviewer: *inaudible*

Sen. Bam: Well, alam mo dito sa Senate, yung Senate Committee level, ipinasa iyan ng 678 million. And we will do our best to make sure na maretain yung ganung klaseng budget. That's a constitutionally mandated body. Nasa constitution natin na dapat mayroong CHR na nagpapatunay ng check and balance ng ating mga iba't ibang branch sa government. So mahalaga po sila. At hindi dapat ibinabale-wala at binibigyan ng ganung kaliit na budget, na alam naman nating ibig sabihin ay gusto talaga silang i-abolish.

Interview: Sir, susuportahin niyo po ba si Sen. Lacson to restore the-

Sen. Bam: Yes. Yes, in fact, we will restore it, pagusapan natin, baka dapat higitan pa iyong kanilang budget, kasi malaki yung tungkulin nila, meron silang papel ngayon sa ating panahon na maraming pang-aabuso na nangyayari.

Interviewer: Nagpeperform rin CHR sa... *inaudible*

Sen. Bam: Well, we would want them to do their investigations faster. And maybe ang ibig sabihin niyan, baka kailangan silang mas suportahan pa. Definitely, yung investigations nila, mahalaga. Kasi ang chinecheck nila dito is kung meron bang pang-aabuso iyong estado o wala. So ang mahalaga po yung kanilang papel at hindi sila dapat ibinabale-wala.

Interviewer: Sir, si Mr. Faeldon, ano yung collective decision dapat ng Blue Ribbon Committee kung siya ay pauuwiin, or...?

Sen. Bam: Hindi dapat siya pauuwiin. He has to appear in the Blue Ribbon hearing. Kasi kung papauwiin mo siya, wala nang testigong pupunta dito. Lahat na lang hihindi, tapos makukulong for a day, tapos papauwiin. Hindi puwede iyon. Kailangan humarap siya dito. At kung hindi siya haharap dito, manatili siya diyan hanggang kasuhan siya at makulong. So yun yung pinakasimple doon. But at the minimum, he can come here, he can go to the Hearing, we're very respectful sa kaniya, at kung gusto niya mag-invoke ng kaniyang right to self-incrimination, puwede naman. Pero iyong hihindi ka at hindi ka magpapakita sa hearing, hindi mo puwedeng choice iyan. You have been invited by the Senate, meron kaming mga patakaran dito, at kung gusto nating i-uphold iyong independence ng Senado at yung kakayahan ng Senado, hindi siya puwedeng pauwiin nang basta-basta.

Interviewer: Kahit sir iyong paglipat niya saan, kailangan collective decision ng body. Kung ililipat sa Munti or Pasay City Jail.

Sen. Bam: Yes. Well, ang mahalaga diyan ay hindi siya papauwiin. Kung saan man siya ilalagay, puwede naming pag-usapan iyan. Pero yung mahalaga dito is hinikayat ka ng Senado na mag-appear sa isang maayos na imbestigasyon, dapat mag-appear ka. Pagdating mo dito, puwede mo naman i-invoke yung karapatan mo. Hindi ka naman pinipigilan na mag-invoke ng karapatan.

Interviewer: Sir, sabi ni Sen. Gordon... *inaudible*

Sen. Bam: Ako, honestly, I don't think the other members will allow na pauuwiin siya na wala pa siyang sinasabi or hindi nag-aappear sa Senado. Kaya nga siya inaresto kasi ayaw niyang magpakita ng galang dito sa atin. Palagay ko, mahalaga na mag-appear siya sa susunod na hearing, but *inaudible* that's next week. And he can always invoke his right to self-incrimination kung ayaw niyang magsalita.

News Latest News Feed