Press Release
November 8, 2017

Sen. Bam on Case Filed Against Former President Aquino

Sa simula pa lang, naging bukas na ang dating pangulong Aquino ukol sa kanyang naging papel sa trahedya sa Mamasapano, kaya tiwala akong haharapin niya ang kaso ng buong tapang at katapatan.

Inaasahan naming mabibigyan na siya ng pagkakataon na ilabas ang katotohanan sa angkop na lugar.

Inaasahan rin natin na sa huli, mananaig ang katarungan at katotohanan sa Sandiganbayan at sa puso ng mga Pilipino.

News Latest News Feed