Press Release
November 27, 2017

TRANSCRIPT OF AMBUSH INTERVIEW ON TRAIN AMENDMENTS (AFTER MORNING SESSION)

Q: VAT exemption sa residential property?

Sen. Sonny Angara: Tinanggap natin yung amendment na itaas yung VAT exemptions. Yung mga umuupa ng P15,000 pababa ay hindi papatawan ng VAT. So, ito makakatulong sa mga umuupa - 12 percent din yun so kung sabihin mong P10,000, may balik sa kanya na P1,200 na hindi bubuwisan ng gobyerno. Makakatulong ito sa mga bedspacer, sa mga nagtratrabaho na umuupa at galing probinsya. Tulong sa kanila ito.

Q: Pero yung condition na P3 million?

SJEA: Separate pa yun. Iba pa yun. This applies irrespective of whether they're over -kung lessor nila or yung landlord nila ay above or below. Kahit above or below P3M siya, basta yung upa niya ay hindi lalampas ng P15,000 kada buwan, exempt siya sa VAT.

Q: Sir pumayag ba ang DOF dyan? Wala silang reservation?

SJEA: Actually medyo nag-aalangan sila kasi syempre bawas yan. Pero sabi namin, hindi naman siguro gano kalaki yan, tutal pumayag na rin sila doon sa original P12,800 na nakalagay sa committee report. Sabi namin, it's just a small step. Pagbigyan na natin. Yun ang naging diskusyon.

Q: Ano primarily ang reason ng DOF? Bakit hindi matanggap yung isang amendment ni Sen. Recto sa services ng MRT/LRT?

SJEA: It's not just the MRT and the LRT but all BOT contracts. So malawak ang sakop niya. Kung i-specify siguro kung MRT or LRT lang, baka tanggapin pa. Pero it's all BOT. Napakaraming kontrata nyan. I think, pinag-aaralan nila.

Q: Sir, tapos na ba tayo sa period of amendments o nasa kalahati pa lang?

SJEA: Parang gusto kong sabihin na patapos pero parang hindi pa. Kasi meron pa tayong fuel tax, meron pa tayong automobiles, kotse, meron pa tayong asukal, meron pa tayong earmarking. So, marami pa actually. Ilang oras pa ito.

Q: Wala pa kayong napagkakasunduan na?

SJEA: May napagkasunduan na pero yung mga ibang detalye, I think, bubuksan ulit ng ibang mga senador.

Q: Sir, yung sa cosmetic procedure ba, na-settle na natin? 10 percent? 20 percent?

SJEA: Sa ngayon it's 20 pero I think may mga magmo-move na ibaba o tanggalin. Hintayin na lang natin.

Q: So hindi siya automatic na dahil na-retain (inaudible)

SJEA: Dahil na-retain it's there but it's subject to change. I think in our consultations, mukang may magmo-move. Marami bang may kailangan sa inyo nung cosmetic procedures dito? Wala akong nakikitang nangangailangan nyan dito.

Q: Yung cosmetics sector daw, may concern yata kasi majority ng OFWs yung nagsi-seek ng improvements.

SJEA: Not just the OFWs. Yung concern dyan is medical tourism, I think dahil sabi nila, maraming taga-Guam daw ang pumupunta rito to have the operations here because it's cheaper. So yun ang isang consideration. Parang sabi nila, palakihin muna natin yung industriya at saka na lang natin buwisan pag malaki na.

Q: Sir clarify lang duon sa MRT-LRT. Parang ang implication is, in the event na ma-privatize yung MRT at LRT, merong VAT yung gagamit ng MRT/LRT?

SJEA: VAT is on the concessionaires kasi ang gusto nila i-exempt pati yung concessionaires. So, pati doon sa - let's say may MRT station ka, may nakakabit na mall doon, pati yung mall, i-exempt din sa VAT. I don't think that's the intention.

Q: Yun yung implication?

SJEA: Yun yung implication. Di ba maraming MRT stations ngayon na nakakabit sa malls.

Q: Yung sinasabi ni Sen. Recto kasi di ba walang VAT ngayon yung MRT/LRT pero in the event na ma-privatize, magkakaron ng VAT.

SJEA: We can look at specific amendment that limits it to the LRT /MRT like I said earlier. Pero huwag naman sanang lahat ng build-operate-transfer. Otherwise, may unintended consequences yun.

Q: So hindi pa closed yung ...

SJEA: Well for now, it's closed. But if someone wants to reopen it just based on that narrow interpretation baka mag-reconsider yung mga member.

Q: Magkano yung projected revenue from -

SJEA: If we don't include yung this morning's discussion, I think nasa P130B kung hindi ako nagkakamali.

Q: So konte na lang yung room nyo, kasi yun na yung target ng ano..

SJEA: Yun din ang siansabi ko sa members. Sana, i-defer natin yung ibang magagandang proposal hanggang may final na numero tayo para makita natin. Baka at the end of the day, may elbow room tayo, tanggapin natin yung ibang amendments.

Q: TRAIN ulit mamaya hindi pa budget?

SJEA: TRAIN ulit tayo.

Q: Target matapos this week?

SJEA: I think, today or tomorrow sana ang target tapos ma-clean copy tapos mapagbotohan na.

News Latest News Feed