Press Release
January 7, 2018

Transcript of Interview with Senate Minority Leader Franklin M. Drilon
DZBB Hosted by Ms. Nimfa Ravelo

Q: Una po doo sa cha-cha, ang huling pagdinig sa senado, kayo po ang nanguna dahil kayo ang chairman at that time, ano po ba ang latest?

Drilon: Tama po iyan, ang huling chairman ng committee on constitutional amendments and revision of codes, kung saan na-hear naming yung resolution of both houses na magkaroon ng constituional amendment, iyan po ang unang tinalakay. Ano ba ang mode of amendments? Iyon ba ay sa pamamagitan ng con-con o con-ass. Doon sa aming huling hearing, hiningin ko ang presence ni ES Medialdea at tinanong ko kung pwede ba silang magbigay ng proposal. Unfortunately, ang sinabi ni ES ay kakapirma lang ng pangulo noon ng EO para bumoo ng constitutional study group, composed of 24 members. Unfortunately up to this point, wala pang natatanggap ang senado na official positions. Hindi rin namin alam kung nabuo yung constitutional study group. Ang aking maalaala, ang ibig nilang i-tap na mamumuno nito ay si former CJ Puno. Up to now, wala pang naisusumite sa amin.

Q: Yung absence ng study, ibig sabihin hindi pa sila handa?

Drilon: Iyon po ang conclusion na ating nakikita. Baka handa sila, hindi natin alam. Ang pagpaamyenda ng saligang batas ay trabaho ng kongreso at hindi ng executive branch. Ang trabaho ng kapulungan ay hindi dumadaan sa Malakanyang kundi dederetso sa isang plebesito.

Q: Yung statement ni Speaker Alvarez na dapat may referendum na sa May 2018, hindi pa ba iyong reflective ng stand ng Malakanyang dahil magkapartido naman sila?

Drilon: Hanggang walang official communication sa senado, hindi natin ma-presume na iyan ang position ng Malakanyang.

Q: Sa mga sinabi ni Speaker Alvarez, yung timetable po niya na by May ay magkakaroon ng plebiscite, ito po ba ay makatotohanan?

Drilon: Sa May 2018, talaga pong hindi pwede iyan. Unang-una, kailangan desisyunan kung ang ibig ba natin ay con-ass at sang-ayon ba ang senado diyan. Dalawang kapulungan kami at hindi naman kami pwedeng diktahan ng Kamara na dapat con-ass ang paraan sa pag-amyenda. WAla pong ganong consensus sa senado. In fact, ang pending sa committee ay ang resolution calling for an election of the delegates of the con-con. Ang unang hakbang po, ating i-determine kung ano ang mode ng pagbabago ng saligang batas. Sa ating Saligang Batas, may dalawang mode: yung con-ass kugn saan ang kongreso ang magpo-propose ng amendments at ito po ay kailangan ng ¾ votes o con-con na kailangan ng 2/3 vote. Iyan ang unang hakbang bago nating pag-usapan yung ratification.

Q: Si SP raw po magpa-file ng resolution calling for con-ass.

Drilon: Tama. Ang kailangan po niyan ay ¾ votes at dadaaan iyan sa komite. Iyan po ang didinig at kasama na yung unang hearings na ginawa, dahilan magpapatawag po ang resource persons ang komite upang alamin, especially today na may mga balak na i-extend ang term ng kongresista at senador; given that, tama ba na con-ass ang ating tatawagin.? Hindi ba may conflict of interest kung ang pag-uusapan ay extension of term of office? Ibig sabihin kami ang magpo-propose nag amendment na kami ang makikinabang. Iyon po ay isang punto na dapat nating talakayain. Pangalawa, anong boto ba ang gagawin natin? Joint o separate voting? Nakita naman natin kung join voting, nakita natin sa pagboto sa martial na kahit ano ang gawin naming sa senado ay katumbas lang kami sa boto ng isang party-list congressman. Iyon po ang dalawang bagay na dapat nating talakayin. Masalimuot po iyan.

Q: Ano po na-sense n'yo sa senate? Gusto po ba ng con-ass o con-con?

Drilon: Wala pa po dahilan sa walang committee report na nabubuo dahilan sa hindi pa natatapos ang committee hearing.

Q: Kasi inumpisahan na ni Speaker yung pagpapaingay rito, mayroon bang balak na i-railroad?

Drilon: Hindi ko po alam. I don't want to talk about the motives of the Speaker. Pero yung sinasabi nila na kabagalan ng senado doon sa pag-aksyon sa house measure, ito po ay tingnan natin; ako ay nangangamba at nag-aalangan talaga ako rito. Ito;'y mukhang kasama sa deliberate and sutained effort na pahinain at ipahiya ang senado bilang isang institutin, in order to lay the groundwork for the abolition of the senate and pave the way for a unicameral congress, which is preferred by the HoR. May mga nakikita akong placards sa HoR na "one congress". Anong ibig sabihin non? Unicameral system ang kanilang preferred. Sa akin, ang pag-atake sa senado ay kasama sa effort to weaken the senate in order to lay the groundwork for the abolition of the senate and pave the way for a unilateral congress. Pangalawa, angg senado ay kasama sa check and balance system, which is the essence of a democractic system of government. Hindi ibig sabihin na kapag naipasa na ng isang kapulungan, kailangan na ipasa. Ngayon para sirain ang senado, ito po ay maapektuhan ang independence ng senado at ating democractic system of government. Matagal ka na sa senado at nakikita mo naman that the senate, in the paste, resisted efforts from any quarter to undermine its independence. The independence of the senate is seriously guarded by the senators. Kaya po si Senate President Pimentel, kailangan po na proteksyunan niya at depensahan ang integridad at independence ng senado. He must rise above partisan political interest to defend the senate regardless of his political affiliation. Otherwise the senate, unfortunately, becomes irrelevant as an institution of democracy in our system of governance.

Iyon po sa aking tingin. Iyan po ang ating bantayan na humina ang senado, na mawalan ng independence ang senado. Kaya po iyan its tradition of independence and its role to check and balance the other house would be affected. Ganundin kami, kung anoman an gaming gawin nandiyan ang House para bantayan kami. Kapag humina ang senado, nakakatakot po dahilan magiging stamping pad na lang ang senado ng Malakanyang.

Q: Balikan ko po yung Cha-cha, yung pinalulutang na no-el, ito po ay medyo turn off na sa Cha-cha. Hindi kaya maengganyo rito ang mga mambabatas?

Drilon: I cannot speak for the house. Nirerespeto ko ang institution ng kongreso. Sa mga senador, ang basa ko lang ay hindi naman papayag na sasama sila sa pag-amyenda ng constitution para ma-extend ang term nila dahil hindi magandang tingnan, pangit, may conflict of interest. Sa aking, sa partido, hindi kami papaya. Ako ay naniniwala in the decency of my colleagues in the senate that they will not be perceived as participating in something that is almost immoral, dahil sa conflict of interst. Sasabihin mo walang election, kasi may benepisyo ka roon.

Q: Wala po ba tayong batas para pagbawalan yung mga mambabatas na makinabang sa mga batas na kanilang gagawin?

Drilon: Mayroon iyan pero sa punton ito, maliwanag kasi sa Saligang Batas na ang termino ng senador ay anim na tao. Para po maging possible ang term extension, kailangang amyendahin ang Section 4, Article VI of the Constitution, kung saan nadoon ang term of office ng mga senador. Siyembre ang boboto diyan, malaking pananagutan sa taumbayan kung ang boto will benefit themselves dahilan sa papayagan mo na mawala yung election.

Q: Kapag aamyendahan ang constitution, ang sabi n'yo nga po kung, malinaw sa transitory provision na yung mga nanunungkulan ngayon ay hindi dapat makinabang?

Drilon: Sino ang magde-decide noon? (laughs)

Q: Kayo rin po Sir.

Drilon: Ganundin ang puno't dulo non.

Q: Dapat hintayin po muna natin yung study group?

Drilon: Yes, kailangan naman siguro na tanungin natin ang Malakanyang sa position nila. Although uulitin ko lang na ang pagbabago ng saligang batas ay tungukulin ng lehislatura subalit ang views ng Malakanyang ay importante rin po.

Q: Last point, mahirap aksyunan ang cha-cha dahil may impeachment kung saka-sakali?

Drilon: Kung saka-sakali. Ang sinasabi ay Mayo 2018 ang kanila balak, hindi ko Makita kung paano mangyayari yun (proposed plebiscite by May 2018).

Q: Tapos mayroon pang BBL, sir?

Drilon: Sa LP, sinusuportahan naming ang BBL na sinasabi nila ay sasang-ayon sa Saligang Batas. We will support that dahil kailangan natin ng kapayapaan sa Mindanao. Iyan din ay kailangan unahin natin at binigyan ng priority ng administrasyon, ang tanong ay kung kalian natin gagawin ito kung may con-ass?

Q: Baling lang po sa TRAIN, mayroong ilang congressmen na magpa-file ng petition sa SC para pigilan ang implementasyon nito. Ano po ang tugon n'yo rito?

Drilon: Unang-una, amy karapatan agn sinoman na dahil ang akso sa SC tungkol dito sa TRAIN. Iyan po ay kasama sa karapatan ng sinuman. Pangalawa, yung pagtaas ng pangunahing bilihin, isa ako roon sa nagsabi na ingatan natin ito dahil tataas ang inflation rate, kaya nga po hindi ako pumayag na mawala yung tax sa cosmetic samantalang bubuwisan mo yung mga mahihirap. May assurance po ang majority na mayroong sapat na provision ang TRAIN to respond to these fears that we have raised and we are giving them the benefit of the doubt. This is a political act. At the end of the day, assuming na walang constitutional issue, pananagutan po ito sa bayan; kung pumalpak ay may pananagutan ang administrasyon sa taumbayan.

Q: Kontento na po ba kayo sa ginagawa ng DTI na price monitoring?

Drilon: The proof of the fooding is in the eating. Tingnan natin kunag mababantayan ila.

Q: Hindi po ba dapat may IRR muna?

Drilon: Tama po iyan.Tama po iyan lalo na po sa presyo ng gasoline dahilan sa may inventory naman at ang inventory ngayon ay wala pa doon yung excise tax.

Q: On the grant of tax amnesty

Drilon: Susuportahan po natin iyan dahilan sa iyan ang proposal ng administrasyon in order to start from a clean slate.

Q: Ano po ang priority ng minority bloc this 2018?

Drilon: Hindi pa kami nakakapag-usap pero sinabi ko na yung BBL na sasang-ayon sa sa saligang batas.

News Latest News Feed