Press Release
January 26, 2018

TRANSCRIPT OF SEN. GRACE POE'S INTERVIEW
dzMM with Vic Lima

VIC LIMA: Magandang hapon po.

SEN. GRACE POE: Hi, magandang hapon, Manong Vic.

LIMA: Kumusta ho ang MRT natin?

POE: Alam mo araw-araw na lang may nararanasan na pagtigil ng serbisyo ng train pero siyempre, nakakaalarma, pinapakinggan ko nga kayo kanina sabi niyo 'pag mayroong usok may apoy, di ba?

LIMA: Correct.

POE: Oo iyon yung nakakaalarma sa ating lahat. Matagal ko nang sinasabi dahil pinag-aaralan natin dahil nakakalungkot nga, kasama ng ating mga kababayan, nakikita natin araw-araw, ang haba ng pila dahil parang pitong train na lang ang tumatakbo ngayon. Ang maximum, ang alam kong kumportable diyan, between 19 to 23 trains so ang dami talagang nababawasan. Mahirap nga kasi, nakatali rin ang kamay natin dahil nasa lehislatura tayo. Kung ikaw ay nasa ehekutibo, mas direkta ang iyong partisipasyon para maayos ang problema na 'yan. Pero Manong, ito nga yung eksplanasyon ng DOTr at may punto rin naman sila, sa hinaba-haba ng panahon na palpak lahat ng nagme-maintain niyan, hindi nila nabibili yung parts na kailangan. Meron nga tayong resibong nakuha sa pag-imbestiga natin, imbes na binibili nila sa manufacturer, pupunta pa sila ng Raon para bumili ng mga secondhand parts at saka yung mga substandard parts.

LIMA: Surplus ang tawag doon.

POE: Parang ganun.

LIMA: Ah talaga?

POE: Oo meron po tayong resibo at ang nakakalungkot dito, isa doon sa may-ari ng shop na pinagbilhan ay isa doon sa may ma-anomalyang kontrata dito sa maintenance. Kaya nga talagang alam mong pinagkakitaan nila 'yan. Kaya alam niyo, Manong Vic ito talaga yun, sa ngayon lahat tayo, wala tayong magagawa kungdi hintayin ang mga parts na 'yan pero ito yata yung magagawa natin--punong-puno na tayo. Ang Ombudsman mismo, ipinawalangsala o inalis doon sa aming rekomendasyon na patawan ng kaso, pero dapat ngayon sa tingin ko, ang magiging alternatibo dito ay turuan ng leksyon at parusahan ang mga nag-take advantage nitong mga kontrata na 'to. Sa susunod na pagdinig natin, kasama na ang Blue Ribbon committee, dapat talagang managot diyan si Secretary Abaya. Siya talaga yung pinagmulan ng tuloy-tuloy na problema diyan sa MRT.

LIMA: Ma'am...

POE: At mga kaibigan nilang kasangkot lahat diyan, kaya 'yan ang ating huling baraha diyan na dapat sila ay mapatawan ng sentensiya kasi talagang--parang tanga naman tayo na pinapabayaan, nagdurusa ang ating mga kababayan. Ngayon ang sinasabi nila unavoidable daw na masisira, kaya araw-araw asahan na ninyo na magbababa at magdidiskarga talaga ng mga pasahero.

LIMA: Ma'am biro niyo ang tagal niyong pipila sa umaga. Bagong ligo kayo, papasok kayo sa opisina, ang tagal na ninyong maghihintay, pagsakay niyo naman hindi pa rin kayo smooth sailing dahil magkakaaberya pa so double whammy diba? Doble dagok.

POE: Kawawa nga, nakikita mo napakapasensiyoso ng ating mga kababayan. Nakakalungkot talaga--umulan, umaraw--tapos dapat din siguro yung DOTr magpadala na ng mga sasakyan na pwede talagang mag pick-up sa kanila. At saka ito pa Manong Vic kung natatandaan ninyo bago matapos ang termino ni Secretary Abaya, tinaasan nila ang pamasahe sa MRT

LIMA: Tibay ng sikmura.

POE: Dapat magpetisyon tayo--sa dami ng aberya--na ibalik nila doon sa dati, kasi nga tataasan yung pamasahe para daw mamaintain ng tama eh wala pa nga yung serbisyong yun.

LIMA: Dumami nga yung aberya.

POE: Dumami lalo. Baka naman konting konswelo, baka pwedeng may rollback ng konti sa lahat ng inconvenience. Dapat talaga may indignasyon na tayo dito dahil parang mali ang napupulot nating mensahe, parang nakakalusot yung dapat talagang may responsibilidad.

LIMA: Parang nakakaloko Ma'am. Parang pinapaikot niyo ba kami? Tataasan niyo ang halaga ng pamasahe para mag-improve, eh lalong dumami yung aberya, hindi ba? Araw-araw, it's not only araw-araw Ma'am, three times a day parang tabletas, three times a day kung minsan mahigit pa. Eh ano na halos hindi na bumibiyahe ang MRT pag ganun karami ang sira niyan.

POE: Marami talagang dapat--ito nga lahat tayo ngayon wala na tayong recourse except talagang hintayin ang mga parts na 'yan.

LIMA: Naku kailan pa 'yan?

POE: Pero matagal na naming sinasabi 'yan.

LIMA: Matagal na yun ma'am.

POE: Noong umupo sila noong 2016, pinaalala na namin 'yan, pero siyempre alam mo naman ang gobyerno napakabagal minsan ang proseso pero ang dami nang nag-resign diyan sa DOTr.

LIMA: And the saddest part ma'am is, andiyan yung mga may kagagawan, scot-free, baka tatawa-tawa na lang 'yun ngayon, diba?

POE: Kaya ho Manong Vic, alam mo kung ako yung--kung sa ating mga pasahero makikita mo na napapababa kayo, naglalakad kayo dun sa gitna, sa may riles para makatawid. Tapos makikita mo na, teka muna, yung mga may kagagawan nito wala lang, pabiyahe-biyahe dahil sila ay retirado ngayon. Parang kapag ganun, sa tingin ko mas may pampalubag-loob na rin kung makita mong nasentensiyahan sila sa kanilang mga ginawa. Diba kahit papaano masasabi mo--

LIMA: Ang laking pera niyan Ma'am.

POE: Ilang bilyon po 'yan, ang ginasta diyan. Pati yung mga train, Manong Vic, tandaan natin yung mga train na inorder nila--

LIMA: Hindi kasya.

POE: --galing sa China, hindi compatible dahil napakabigat, hindi kaya ng ating mga riles.

LIMA: Papaano nga pala ang bayad nun ma'am? Papaano specifically yung hindi kasya. Can we return that, pwede natin ibalik yun? Refund?

POE: Alam mo kapag kinumpara natin ang sarili natin sa ibang bansa na may kapalpakan din na ginawa yung Dalian, nasauli nila, katulad yata ng Singapore. So meron naman tayong recourse, kasi dapat ay tugma talaga ito. Pero depende yan sa kontratang pinasok ng ating gobyerno. Kung hindi man lang nila tiningnan yung mga probisyon diyan baka mamaya naipit tayo. Alam mo ilang daang milyong dolyar iyan na babayaran natin.

LIMA: Alam niyo ma'am ang masakit ho rito, aminin man natin o hindi, ang mga pasahero sa EDSA gustong-gusto talaga ang MRT dahil aircon, swabe, siguro walang traffic pero 'yan ho ang inaabot di ba yung mga interview sa TV Patrol noong isang araw, MRT pa rin tapos ganyan ho ang serbisyo. Talaga ho ako, talagang pipiliin ko MRT dahil yun nga mabilis, aircon, talagang magdudusa ka nga lang sa pila at saka sa tirik system di ba?

POE: Oo, kaso nga Manong Vic di ba sa ibang bansa nga mahirap man o mayaman, pag maayos ang train system, mas gugustuhin mo talaga na bumiyahe ng ganun kasi mas mabilis. So malaki talagang solusyon sana ito sa problema natin sa traffic. Ako mismo, aaminin ko po, kung talagang hindi ganun kahaba ang pila at dumarating yung train every two minutes, bakit naman hindi? Makakatipid din ako sa gasolina at mas mabilis ang biyahe dahil galing akong Quezon City tapos pupunta ako ng Pasay sa trabaho. So napakatagal talaga, pero pag nakita mo na parang sardinas, hindi lamang sa train pati sa mga bus natin talagang ipit na ipit na yung ating mga kababayan. Nandoon na rin ako na dapat tanggalin ang mga mauusok na sasakyan na hindi ligtas pero ano naman ang alternatibo natin ngayon? Dapat isinasaayos kung kailangan natin na mag-hire ng mga pribadong bus na ang gobyerno ang magpapatakbo muna ng mabilis, mas mura o kaya libre, bakit hindi, kaya ng gobyerno natin 'yan siguro wag lang mawalan ng malasakit.

LIMA: Noong isang araw, in-interview ni Karen sa Headstart si Secretary Tugade, may mga malalaking negosyanteng interesado. I think what he mentioned was seven na malalaking negosyante. Ang alam ko si Mr. Pangilinan interesado, something like that. Papaano ba ang arrangement nun?

POE: Alam niyo Manong Vic kung babalikan yung ating mga pagdinig noon pa, matagal ko nang sinasabi na bakit hindi natin ikonsidera ito sapagkat--okay ganito lang yan--sa kontrata natin, halimbawa papasok tayo, MVP man 'yan, Ayala

LIMA: San Miguel or whatever.

POE: Kung anuman yang kumpanya na yan, ang dapat lang nating ilagay diyan, huwag kayong magtataas ng singil ng walang justification o pagaapruba ng gobyerno. So dapat may cap. Alam naman natin na ang pribadong sektor ay mas sanay magpatakbo ng kung anumang bagay kaysa sa gobyerno.

LIMA: Yung mga ganyan, utilities at tsaka may babalikan ka agad, you can pinpoint right away kung sino ang pwede mong sisihin, hindi ba, pag pumalya?

POE: Kaya nga po, tapos sila, talagang tututukan nila ang mga empleyado na gumagawa diyan kasi ayaw din naman nila na magkaroon sila ng liability.

LIMA: Yes.

POE: Hindi ba? So para sa akin, alam nyo wala tayong kakayanan, kulang tayo ng inhinyero.

LIMA: Let us face it

POE: Ayaw natin ng sobrang ano--bakit hindi na lang kumuha ng pribadong sektor, kikita ang gobyerno, basta lang nakalagay doon sa ating kontrata na hindi sila pwedeng magtaas ng hindi nila napapa-apruba. Tingnan niyo ang LRT, hindi ba? Parang iyan ay consortium na nagpapatakbo, mas konti ang nagiging problema.

LIMA: Konting konti ho na mabibilang mo lang.

POE: Alam ko yung aircon lang ang naging problema, yung iba na nagrereklamo.

LIMA: Oo nga. Alam nyo, ano maganda rito ma'am sa nakikita ko, itong aberya na inaabot ng MRT ngayon sa ilalim nitong--yung mga nag-imbento nyan, yung nagpagawa nyan-- maganda ho ibigay sa, I don't know ha, maganda ho ibigay sa private dahil magpapakitang gilas yan. This is the way, how to do it, siguradong gaganda yan hindi ba? Parang ganon ang mentalidad ko, parang magpapakitang gilas yan, ang ganda siguro nyan pag binigay mo talaga sa malalaking negosyante.

POE: Oo kasi naman yung mga tao sa gobyerno na katulad namin na hindi naman talaga sanay diyan, ang magpapatakbo, hindi ba? I mean, si Secretary Tugade iba naman ang kanyang pinanggalingan. I mean, kahit na nandoon siya sa logistics, hindi din naman transport so at least kung kailangan magkaroon ng mga consultant, kaya na yan ng pribadong sektor na kumuha ng mga magagaling at mamahalin. Alam mo kung isipin natin ang DOTr ang sakop nila, napakalaki hindi ba?

LIMA: Malaki ho, madaming trabaho rin sila eh.

POE: Eroplano, pati yung pang ground transportation, sea, lahat yan so kung iisipin natin, kalat na kalat nga ang kanilang focus, kailangan siguro natin ng isang grupo na talagang yun lang ang tututukan.

LIMA: Kelan ho ang susunod niyong hearing Ma'am?

POE: Next week yung aking naka-schedule na hearing yung fake news sa Tuesday iyon. Pero itong hearing para sa MRT ini-schedule natin in the coming three weeks sana. Kasi ang dami pa naming gustong kunin na dokumento. Isa pa yan, dapat yung ating gobyerno talagang transparent, kahit na mayroong derektiba ang ating Pangulo na merong Freedom of Information sa Executive, napakahirap pa ring kumuha ng mga dokumento kaya isa yan sa mga dapat nating bantayan.

LIMA: This time siguro sa sususnod niyong hearing ma'am marami kayong bala. Ang dami nang nangyari since the last time na nagkaroon kayo ng pagdinig. Final question, what are we expecting sa hearing ninyo? Ano po ang maririnig ng taumbayan?

POE: Unang-una sisingilin ko yung DOTr doon sa kanilang mga timeline na matagal na nilang sinasabi by December giginhawa na, sumasama ng sumasama, so malalaman natin mula sa kanila ngayon. Titingnan natin, akin na yung resibo, kailan ba talaga yung delivery ng mga parts na yan diba? Tatanungin din natin kung ano na ang mangyayari sa mga train sa China. Huwag na nating lokohin ang mga sarili natin, kung umpisa pa lang ay mabigat na yan para sa riles, wag niyo ng gawan ng paraan yan, isauli na ninyo at kung kailangan nating lunukin ang ating pagkakamali, gawin na natin para magumpisa na tayong mag-order ng iba pang bagong train na mas maayos. Pangatlo, gusto kong balikan, at sa ating mga kababayan hindi tayo makakarating sa ating paroroonan kung hindi din tayo matututo sa ating mga pagkakamali, kaya yung mga dating nakinabang at nagsamantala kailangan talagang ipatawag at kung gagawa kami ng committee report, if we have to implore the Ombudsman, pwede bang kasuhan ninyo na yan at ipakulong na ninyo kasi talagang grabe naman. Parang obvious, araw-araw makikita mo na yung pila, hindi pa ba malinaw sa atin yan na may isang malaking kakulangan at kasalanan.

LIMA: Biro mo, wala eh. Nag-umpisa yang problemang yan, ma,am, si Emilio Syquia kalaban pa ni Cardo, ngayon nakalaya na ulit ganun pa rin ang problema, galit na galit na si Lola Kap dyan.

POE: Kaya nga paborito ka ng mom ko, naaalala mo yun.

LIMA: Oo kagabi galit na galit si Lola Kap kay Chairman. Maam, ako'y nagpapagaan lang ng loob dahil kawawa yung mga mananakay natin. Until when maam? Kelan po tayo makakakita ng liwanag dyan sa MRT na yan, again sana yung usok na yan wag ng lumala, knock on wood, wag na sanang mas malala pa dyan, matindi na ho yun diba?

POE: Matindi, naalala natin nung 2014, hindi malayong mangyari yan. Sabi ko nga dati, siguraduhin lang ninyo, kasi kung kailangang ipasara yan--ayaw naman nila, nakikita ko talagang mas grabe ang problema pag pinasara--pero huwag naman nating isugal at ilagay sa alanganin ang kaligtasan ng ating mga kababayan.

LIMA: Hihintayin pa ba natin na, you know, tandaan natin senador wala hong pagsising nasa unahan laging nasa huli ang pagsisisi.

POE: Yun na nga.

LIMA: Napabuntong hininga kayo.

POE: Hindi na nga ako nakakaabot ng 'Ang Probinsiyano' dahil napakatrapik.

LIMA: Ikukuwento ko ho sa inyo, itetext ko ho sa inyo kung anong nangyari, hay naku galit na galit si Lola Kap. Ma'am Grace thank you so much, we'll be expecting the next hearing, sana maganda ang mangyari at makastigo ang dapat makastigo Ma'am.

POE: Maraming salamat po.

News Latest News Feed