Press Release
February 8, 2018

Transcript of SNBA interview re: NFA rice
Senate

Senator Nancy Binay: Parang sinabi ni Sen. Cynthia [Villar] magtatawag na daw siya ng hearing patungkol nga doon sa NFA rice shortage.

Question: Anong feedback, kasi kahapon, nung nagpresscon ang NFA, sabi ng NFA officials wala pa ring go signal para mag-import ng bigas. So paano yung concern lala na doon sa mga mahihirap na pamilya?

Binay: Unang-una, niraise ko na itong issue na ito last week pa. Kasi nga napansin ko, pag nagbibigay ako ng relief, nag-oorder ako sa NFA. So unang-una, tumaas na yung presyo nila, from PhP1400.00 to PhP1600.00. Tapos ang pasabi nga sa akin, baka sa susunod na request ko, baka hindi na nila mabigay kasi nga, kumbaga konti na lang yung stock nila. Kasi kahit mag-order tayo ngayon, magkakaroon talaga ng araw na mawawala talaga yung NFA rice.

Question: Ano yung isa-suggest ninyo na, at least, temporarily, (unintelligible) solution kasi hindi naman lahat makaka-afford nung commercial rice.

Binay: Panawagan na lang dun sa mga traders, kung pwede huwag silang magtake advantage na walang NFA rice. Kung kaya nilang tapatan, kahit hindi na lang yung PhP27.00, kahit yung PhP37.00, kasi balita ko ngayon, parang PhP45.00 na daw ang bigas sa mga palengke.

Question: (unintelligible) pero as to the rice shortage, wala talaga.

Binay: Pero ang tanong ko nga, umikot kayo sa mga palengke, may mabibili ba tayong NFA rice? So nasaan yung NFA rice kung buffer lang yung nawawala? So dapat may delivery ngayon sa palengke ng NFA rice pero wala e.

Question: Artificial shortage?

Binay: Yun yung magandang malaman sa hearing e. Artificial lang ba ito, may nagho-hoard ba, sino bang nagbebenefit ngayon na nawawala yung NFA rice?

Question: Parang ang bilhin mo na lang yung mas mahal na ano.

Binay: Yung mas mahal na bigas, may ganung anggulo ba pagdating dito sa bigas? Kasi di ba, kung titingnan ninyo ngayon, forced to good ang mga kababayan natin na bumili ng commercial rice kasi wala ngang mabiling NFA rice.

Question: Ma'am, ang sinasabi kahapon din ng NFA, kaya din napabilis ang ubos ang daming disasters na nangyari. Pero ano ba talaga yung ideal, di ba supposedly meron tayong 60...

Binay: 15 days. Unang-una, siguro sa hearing, itatanong ko sa kanila, bakit walang 15 days buffer? Bakit walang 30 days buffer? Ano ba, kasi dahil hindi nag-angkat? Or talagang sobrang dami lang yung kalamidad na nangyari at hindi nakahabol yung order ng NFA rice. Kasi aminado naman ako e, yung bigas mismo talagang may bigas, ang nawawala yung murang bigas na galing sa NFA. Question: Tapos yung directly hit yung mga mahihirap.

Binay: Sila naman yung nangangailangan ng NFA rice. Saka kung two days lang yung buffer, isipin ninyo yung Mayon di ba ang forecast nila three months pa nasa evacuation center yan, what if kunyari next week magkaroon na naman ng bagyo or another calamity? Meron pa ba yung NFA rice na, sapat na bigas na para ibigay sa mga biktima ng kalamidad?

Question: So yun ang kailangan talaga sagutin ng NFA, kasi ang (unintelligible) may available pero commercial.

Binay: Naiintindihan ko naman din yung reasoning kung bakit hindi nag-angkat. Harvest na ngayon e, so ayaw naman nating bumagsak yung presyo para sa ating mga farmers. So kumbaga, binabalanse nila yan so maganda ring tanungin dun sa [NFA] council bakit hindi nakapag-order last year. Bakit hindi na-forecast na mawawala yung buffer?

Question: Pero wala kayong narereceive na info[rmation] kung ano nga ba yung dahilan kung bakit parang may shortage? May tinago, merong control,walang ano...kasi di ba ininvestigate na ni Sen. Villar..

Binay: Ang inimbestigahan yata e yung presyo, yung presyo nung bigas. Pero kasi ngayon parang may power struggle dun sa mga kawani na in charge sa pag-aangkat ng bigas di ba? Kasi itong council, bago lang ito, I mean previously wala naman atang council dati.

Question: Hindi na nag-aaway Ma'am pero may council. Kumbaga walang faction.

Binay: Hindi, di ba may NFA headed by Mr. [Jason] Aquino, tas may NFA Council na iba rin yung head, tas meron pang sariling Secretary of Agriculture. So ang panawagan ko nga, sana mag-usap silang tatlo. Parang tama na yung iringan, kasi di ba, sinisisi ni, nagsisisihan silang tatlo. Siguro it's high time na mag-usap silang tatlo at talagang ayusin yung pagfoforecast kung ilan ba talaga yung kailangan na bigas. I mean NFA rice ha? Kasi for me yun yung napaka-importante. Tapos nasabayan pa ng pag-implement ng TRAIN. So sinasabi ngayon parang aabot ng additional PhP5.00 ang increase sa bigas.

Question: Sa NFA?

Binay: Hindi, rice as a whole. So may ganung inputs. Siguro yung NFA kailangan may, gawin nila yung directive, yung order, may department order na 15 days buffer saka 30-days.

Question: Ma'am, yung sa rice, papaulit ko lang yung concern ninyo doon sa NFA rice.

Binay: Ang concern ko syempre, bakit umabot tayo sa punto na halos wala nang nabibiling NFA rice? I guess wakeup call for everybody na hindi na dapat maulit na aabot tayo na walang NFA rice sa merkado.

Question: Yung sabi ninyo kanina parang ano yung pakiusap ninyo, yung concern ninyo, yun nga, yung maaapektuhan, artificial man o hindi artificial ang NFA rice shortage.

Binay: Ang pakiusap ko sana, mag-usap sila Secretary [Manny] Piñol, yung NFA Council, pati na rin yung pamunuan ng NFA na upuan ninyo talaga kasi di ba parang yung isang grupo nagsasabi kasi gusto nung isa na talagang mag-import. Yung isa ang paniwala walang need. But you know, at the end of the day, wala tayong bigas na NFA rice, na nabibili yung ating mga kababayan, lalong-lalo na yung mga mahihirap nating kababayan. So unahin muna natin yung pangangailangan nila bago yung mga internal issues among the different agencies.

News Latest News Feed