Press Release
February 8, 2018

Transcript of SNBA interview re: MRT
Senate

Question: Ma'am, makakapagcomment ka doon sa MRT, doon sa pangako ni Sec. [Arturo] Tugade, at least daw hanggang end of February. Konting tiis na lang daw. E what if hindi ma-meet yung deadline.

Senator Nancy Binay: Siguro magandang malaman kung ano yung self-imposed punishment. (laughs) Di ba? Siguro magandang tanong kay Sec. Tugade kung ano yung self-imposed punishment niya. Kasi kung matatandaan ninyo, di ba, pag-upo niya a year and a half ago, di ba ang panawagan niya wag na tayong magsisihan, basta sila gagawin lang nila yung trabaho nila. Within one year maayos na yung takbo ng MRT, pero di pa rin siya ganun kaayos.

Question: Makakatulong ba yung panay ang pangako, panay bigay ng pag-asa, full of hope?

Binay: Ako naman, panawagan ko, desisyunan nila yung Dalian [trains]. Pwede ba o hindi pwede? Mukhang hindi talagang pwede e. But parang pinag-aaralan pa nila, parang kino-consider pa nila yung Dalian. So I think, siguro umpisahan ni Secretary, desisyunan niya kung ano gagawin diyan sa Dalian na yan, tas kung hindi na pwedeng gamitin, mag-order na tayo ng train na bagay talaga dun sa MRT.

Question: Kumbaga lalong nade-derail yung train (laughs) dahil sa nagdi-dilly dally.

Binay: Dun sa Dalian, kasi di ba may Dalian trains dyan, pero apparently hindi nagagamit. So once and for all, kung hindi talaga siya pwede at hindi na siya maaayos, bumili na tayo ng bagong train.

Question: Afford ba yun Ma'am? Kaya ba ng government?

Binay: Nakabili nga tayo ng Dalian train, di ba?

Question: Ma'am, kung kayo tatanungin, ano yung dapat na maging reaksyon ng ranking government officials, ng senator, members ng, ng Presidente kung hindi na naman makakadeliver si Sec. Tugade?

Binay: Ayoko siyang pangunahan. Antayin na lang natin kung ano nga yung kanyang self-imposed punishment.

Question: Pero naniniwala kayo na kaya nilang magdeliver? Kasi ilang weeks na lang yun from now.

Binay: Hindi, pero pag nadeliver ba yung mga spare part lahat ng train gagana na? Hindi pa rin gagana yung Dalian train, so kulang pa rin.

Question: (unintelligible)

Binay: Hindi, pero bagong parts na yun para dun sa lumang train. E yung bagong biling train hindi pa rin siya magagamit so kulang pa rin.

Question: (unintelligible) madadagdagan yung tumatakbong

Binay: Madadagdagan yung kulang. Kasi kulang pa rin to begin with, di ba? (laughs)

Question: Parang madadagdagan pero luma pa rin yung (unintelligible)

Binay: I mean kulang pa rin yung train di ba?

Question: Parang band aid solution

Binay: Oo, for me ang long term solution e kung ano yung gagawin dun sa Dalian train. Kung isosoli ba natin yan tapos kukuha tayo ng refund from Dalian para magkaroon tayo ng pera para bumili ng bagong train na talagang match doon sa system ng MRT.

Question: Pero di ba dapat Ma'am, although automatic sa contract natin na merong parang 'grievance provision' parang ganun, hanggang ngayon ang DOTr hindi sinasabi kung merong grievance provision o wala.

Binay: Wala. Actually, hindi ko nga maintindihan yang Dalian train na yan e. Kasi nagkaroon yan ng prototype, naalala ko yung hearing noon. Nagdeliver yan ng prototype. So yung prototype, dapat tinest [test] yan sa rail, di ba? Kung yung timbang ba, ok. Kung yung signalling ba, tama. So anong nangyari doon sa prototype? Bakit yung nadeliver hindi pa rin tama doon sa MRT?

Question: Pero doon sa testing ng prototype Ma'am, di ba tumama?

Binay: Tumama ba?

Question: Kasi parang nagdemo

Binay: So ano yun? Wrong delivery si Dalian? Which hindi ko rin maintindihan bakit ang tagal?

Question: Ng resolution Ma'am?

Binay: Oo.

Question: (unintelligible)

Binay: Hindi, yun na nga e. Actually ang solusyon talaga is, may need talaga na dagdagan yung mga bagon. May delivery yung Dalian pero hindi naman magamit.

Question: (unintelligible) additional budget na naman yun.

Binay: Kung sa Dengvaxia nga, napabalik natin sa Sanofi yung mahigit isang bilyon, bakit hindi natin ma-impose sa Dalian na ibalik din nila yung nabayad na dati, nabayad na natin sa kanila.

Question: Kung unused, kasi yung binayaran lang ng Dengvaxia, nung Sanofi...unused din ang Dalian di ba?

Binay: Unused din sya e. Di bas a Dengvaxia sinoli yung unused tapos nirefund nila tayo. Baka pwede sa MRT yan, sa Dalian yung unused isoli din sa kanila tas irefund nila tayo. Para we can start the process of purchasing new trains. Di ba, kasi hanggang hinihintay natin yung, kasi di ba, may audit pa daw, e parang sobrang obvious naman talaga na hindi umaandar yung train, yung Dalian train. So bakit pa pinapatagal?

News Latest News Feed