Press Release
February 11, 2018

Transcript of interview with Sen. Cynthia Villar on NFA rice shortage, Kuwait deployment ban
(Nimfa Ravelo, DZBB)

Q: Kulang ba talaga ang ating bigas?

Villar: Wala po tayong shortage sa bigas. Ang may shortage po, NFA. Kasi ang NFA mandated po iyan na bumili ng 15 days buffer stock either sa mga farmers natin o mag-import. They have failed to do it so sila ang may problema. Pero ang bigas po sa Pilipinas ay walang shortage dahil bago po tayong ani.

Q: Kung NFA ang kulang, dapat bumibili na lang sila sa local farmers o mag-aangkat sila?

Villar: Oo. Sinasabi nila hindi daw sila makabili sa local kasi ang mandate nila hanggang 17 pesos per kilo. Sabi ko, maghanap sila ng probinsya na mura ang bigas. Marami naman pong probinsya na mura ang bigas. Huwag silang bumili dito sa Central Luzon dahil diyan talaga pong maraming traders diyan na bumibili nang mahal ang mga bigas. Pumunta sila doon sa Antique, Bicol, sa Palawan, doon mura lang ang bigas, below 17 pesos.

Q: 17 pesos bigas po iyon o palay pa?

Villar: Palay, 17 pesos per kilo. Doon naman po sa 17 pesos kumita na ang farmer kasi ang cost per kilo is P12 production cost kaya kung pinagbili ng P17, kumita ka na.

Q: Hindi ba nag-uunahan ang mga commercial rice traders at NFA sa pagbili sa local farmers?

Villar: Kaya nga dapat ang NFA pumunta sa mga lugar na mura ang bigas. Hindi naman po lahat ng bigas sa buong Pilipinas ay mahal. Kasi may mga lugar na mura, like sabi nga, sa Antique daw P10-P12 lang per kilo. Sa Bicol daw, P14, sa Palawan daw less din daw, P13. Ang mandate ng NFA hanapin niya kung saan mura ang palay at doon siya mamili para matulungan niya ang mga magsasaka na maipagbili at P17 iyong kanilang palay.

Q: Pero ang mandate po nila ay mag-stock ng pang 15 na araw? May pinoint out kayo na hindi iyon ang first time na nagkulang sila ng supply meron din last year... kapag ganoon, may problema sa NFA?

Villar: Sila ang may problema, hindi iyong supply ng ating bigas.

Q: Ano po ang dapat gawin doon, ngayon nag-aabiso sila humihingi ng permit para makapag-import?

Villar: Kaya nga po maghi-hearing tayo dito para tanungin natin sila once and for all. At the same time kailangan din natin silang makausap kasi we will be transitioning from quantitative restriction on rice to tariffication. Under tariffication po, pwede nang mag-import lahat, walang limit, basta magbabayad sila ng tariff. Under this condition, baka hindi na kailangang mag-import ang NFA kasi wala na sa mandate nila. Mamimili na lang sila sa local.

Q: Kailangan po bang suplayan ng local farmers natin ang kailangan nating bigas? Kasi may trend na pinapakita pababa po ang ating ani..

Villar: Hindi naman po. Hindi po pababa ang ani natin ng palay. Tumataas ang ating population kaya lumalaki ang demand but inspite of that ang short lang natin is 5 percent.

Q: Ito pong announcement ng NFA na kulang sila ng supply, nagbunsod na tumaas ang presyo ng commercial rice...

Villar: Kaya nga dapat hindi sila naga-announce nang ganyan. Basta gawin nila ang trabaho nila at huwag na silang sumali sa pagki-create ng panic na may shortage of rice. Wala pong shortage ang rice. Ang NFA po ang hindi nakabili ng rice.

Q: Doon sa inyong pagdinig, meron bang lumilitaw na maaaring may sindikato na nagma-manipulate po...

Villar: Talaga naman po dito sa Pilipinas common knowledge na may cartel. Alam naman natin iyan, so it's the job of the government na dapat i-estabilize ang price para huwag magkaroon ng cartel. Kaya naman iyan ng gobyerno kapag gusto.

Q: Ano ang dapat gawin ngayon na tumataas ang presyo?

Villar: Kaya po tumataas ang presyo �syempre kapag nagpa-panic they buy more than what they need kaya lalong lumalaki ang demand, lalong naitataas ng mga nagtitinda iyong price. Kaya hindi tayo dapat nagpa-panic. Wala po tayong shortage ng rice kaya ang mga Filipino, ini-enjoin ko po sila na huwag silang mag-panic.

Q: Dapat pala ang pagsabihan ang NFA?

Villar: Huwag silang mag-press release nang ganyan kasi sila lang ang may shortage. They failed in their job. Huwag na nilang idamay ang buong bansa sa kanilang failure.

Q: May umiikot daw na traders kinukuripot nila ang mga magsasaka�

Villar: Kaya nga may mandate ang NFA bibili sila at P17 para hindi makontrol ng trader iyong presyo. Kasi kung sila everytime binabagsak ang presyo, bibili sila ng P17, hindi nagigipit ang ating mga farmers.

Q: Kaya daw pong gamitin ng NFA ang powers niya para i-insist na P17 per kilo bibilhin ng mga traders?

Villar: Hindi po, law of supply and demand iyan. Hindi po tayo nagko-kontrol ng price. Basta sila mandated to buy at P17. Ibig sabihin, kapag sila ay bumibili ng P17, doon ibebenta ng mga farmer iyong kanilang bigas kapag binibilhan sila ng trader at a lower price. So ngayon we make sure na hindi na bababa sa P17 ang price. Kapag naman P17 kumita na sila kasi ang puhunan nila P12.

Q: Since nagawa ang batas against agricultural smuggling, may nakita na ba kayong naparusahan?

Villar: Wala pa. Kasi kapag large-scale smuggling it's economic sabotage and non-bailable. Kapag nakasuhan ka, hindi man ma-prove na ikaw ay nag-cartel kulong ka muna. Iyan ay maganda kasi nahihirapan silang i-prove sa court. Dito makukulong ka muna bago kasuhan, i-file lang iyong case. Wala pang napa-file na case kasi wala pang nakukulong.

Q: Imposible namang walang nagi-smuggle?

Villar: Panay ang press release na may pumasok, may nag-smuggle. Walang nafaylan ng case, walang nakulong.

Q: Laging may report na may nahuli sa Port of ganito, ganyan�

Villar: Yes. Itanong mo kung may nakulong na, wala. Ibig sabihin walang na-file na case.

Q: Kailan po ang inyong hearing tungkol dito?

Villar: Parang February 27.

Q: Sino po ang mga ipatatawag...

Villar: Iyong NFA, NFA Council, Department of Agriculture, DBM at Department of Finance kasi iyong Bureau of Customs kasama din diyan.

Q: Kuntento ba kayo sa pagtutok sa sitwasyon ni Secretary Pinol?

Villar: Alam mo, marami pong problema ang ating agriculture. Wala pa po akong nakitang secretary of agriculture na talagang naging very successful in solving our problem. Deep-rooted po ang mga problem natin, kailangan po magtrabahong mabuti kasi hindi po ito ngayon lang problema. It's been there for a long time. When you try to solve deep-rooted problems, hindi ito naso-solve nang madaling madali.

Q: Ano po ang tingin ninyo bakit wala pang nakukulong sa smuggling?

Villar: Interbyuhin nyo po ang BOC at Department of Justice. Kasi ayoko naman pong magsalita ng laban sa kanila. Basta ako palagi kong tinatanong sa kanila bakit walang napa-file na kaso para tayo ay may maipakulong man lang as a sample para tumigil iyang smuggling at cartel.... Walang nafaylan ng kaso kapag walang nakulong.

Q: Magkakaroon ng deployment ban sa Kuwait... Kakayanin ba nating saluhin sa ating ekonomiya iyong 250,000 na mawawalan ng trabaho?

Villar: Alam ninyo, ang deployment ban ay mga domestic helper. Iyong domestic helper they comprise 80% of the problem ng ating DOLE sa human rights abuses kaya ako po ay naniniwala na iyong mga bansa na talagang mahigpit sila sa domestic worker natin, huwag na nating papuntahin ang mga domestic worker doon kasi kawawa naman sila. They comprise 80% of the problem so kapag nawala sila doon, natapos na ang 80% na problem natin sa ating mga OFWs. Talagang iba ang kultura nila doon, hindi katulad sa atin kaya medyo mahirap po na mag-deploy ng domestic helper sa lugar na iyon.

Q: Ang inaaalala ng iba ano ang kanilang trabaho?

Villar: Alam ninyo ngayon sa Build, Build, Build, wala ngang magtrabaho sa construction. Alam mo ba, ang mga babae pwede din silang welder. Iyong valedictorian ng aking TESDA class sa welding babae. Iyong welding pwede naman sa babae tapos malaki pa sweldo kasi shortage po tayo ng mga welder. Hindi pa nila nahahanap iyong mga opportunities para sa mga babae. Lumalakas din po ang ating tourism industry, pangbabae din iyan. Tingin ko kailangan lang silang ma-train, ma-retrain para alam nila ang skills and they can be employed here in the Philippines. After all, nagbu-boom po ang construction sa Pilipinas, ang tourism. Nag-gogrow po ang ekonomiya natin, kailangan lang hanapin ang mga job opportunities na pwede sa kanila.

Q: Ang dapat naming kumilos diyan ang TESDA at DOLE?

Villar: Yes, tama.

News Latest News Feed