Press Release
February 20, 2018

Ambush interview re Marawi rehab hearing

Sen. JV Ejercito (SJVE)...finanicial assistance tapos sila na bahala na magpagawa ng mga bahay nila, which I think a faster option kasi kung hihintayin pa natin yung, based on Yolanda and Sendong experience, it will take a while kasi yung consolidation pa lang ng lupa matagal na, that would take about six months to one year. Tapos land development, tapos magtayo ng bahay it woud take another two years so minimum three years, three to four years.

Ano ang naging request ng mga taga Marawi?

SJVE- isa sa mga request ng mga taga Marawi, gusto nila mag-extend na ng financial assistance ang gobyerno tapos sila na ang bahalang magpagawa ng bahay, kani-kanilang bahay, which I think a viable option kasi mas mapapabilis, kasi kung hihintayin natin, unang-una based on Yolanda and Sendong experience, ang tagal eh. Yung consolidation pa lang ng lupa, that would take about six months to one year already. Yung land development, yung paggawa ng bahay construction itself another two years, so minimum three years bago ka may makita. Pero kung ito, yung demolition kasi ang problema dito ide-demolish mo muna. Pero kung bibigyan mo isa-isa ang bawat residente ng financial assistance, mabilis kasi sila na ang magpapagawa on their own. So that would be a good option for Marawi residents. Siympre una yung temporary housing na ginagawa na ngayon ng Task Force Bangon Marawi. Second, yung permanent housing sa mga danger zone and dun sa mga gustong dun tumira but yung third option I would suggest, I would endorse, yun nga, yung bigyan na lang ng financial assistance ang bawat residente kasi alam mo natural yun eh, yung bahay mo mismo ayaw mong iwanan eh, so yun ang lumalabas kanina base sa sinabi ni Mayor Gandamra at yung mga stakeholders, yung residente ng Marawi would rather rehabilitate or rebuild their house.

Pero Sir sino magde-determine magkano dapat ibigay sa kanilang financial assistance?

SJVE- yun ang pag uusapan pa, siguro depende na sa Bangon Marawi siguro yung equivalent nung ibibigay na pabahay maaring yun na lang ang ibigay diretso as financial assistance to the residents na sila na magpapagawa.

So open ho yung executive doon sa ganung suggestion?

SJVE- I think so, the good thing about Chairman of Task Force Bangon Marawi si General, si (Eduardo) Secretary Del Rosario and the GM of NHA si (Marcelino)Jun Escalada they have always been good listener kung ano po yung sentimyento at ano po ang posisyon ng mga stakeholders madalas pinakikinggan nila, kung baga they are reform-oriented sila. Kaya ano eh, I really like working with them, this time around nagulat din ako na talagang sinabi na that's a good, na tinanggap nila yung option na pag-aaralan nila. They will draw up the scheme itong third option na to extend financial assistance to the residents of Marawi na kanya-kanyang gawa na and in that way mas mabilis pa ang paggawa.

Wala ng mga kontra-kontraktor Sir?

SJVE- kasi mahirap eh, especially land development and the actual development of the homes. Tapos yung consolidation, design dun palang minimum 3 years na eh, minimum 3 years bago okay may makitang gumalaw. So sa tingin ko maganda yung option na ano, and I think it's very sacred binigyan mo pa ng importance yung, binigyang mo pa ng importansya yung kanilang heritage, yung kanilang beliefs, yung history, so malaking bagay.

Pero dapat may mechanism na talagang gagamitin nila yung pera sa pagpapatayo ng bahay sir? Yung assurance?

SJVE- Siguro yan yung mga dapat na gawin ng...(inaudible) Marawi rehab and we had a very productive and a very meaningful meeting kasi nandun ang Task Force Bangon Marawi, ang HUDCC, and DBM, andun din yung mga stakeholders, yung mga residents at si Mayor Gandamra.

News Latest News Feed