Press Release
February 21, 2018

Privilege Speech of Senator Trillanes

I stand on a matter of privilege to talk about 3 very important issues: Una, ilang araw na lang mula ngayon ay magiisang taon na sa kulungan ang ating kasamahan na si Senador Leila De Lima.

Just to refresh our memories, Sen. De Lima was detained last Feb. 24, 2017 in Camp Crame on trumped up charges of illegal drug trading. Prior to this, she became a target of a very vicious vilification campaign by no less than Duterte himself. Without presenting even an iota of evidence, he claimed that Sen. De Lima is the Queen of the drug lords in the Philippines. Back then, because of his popularity, a lot of people believed him. Soon after, Duterte's minions went to work; they manufactured evidence and coerced witnesses to destroy Sen. De Lima's credibility and fabricated charges against her.

Now, deep in our hearts, alam natin na hindi ito totoo. Ang mga paratang laban kay Sen. De Lima ay ginawa lang dahil sa political vendetta o pagiging benggatibo ni Duterte dahil inimbistigahan sya ni then Commission on Human Rights Chairman De Lima. Ginawa rin ito bilang babala at pananakot sa mga miyembro ng oposisyon at sa mga politiko in general, na ganito ang sasapitin 2 nila kung titindig sila laban kay Duterte. Alam ko po ito, ramdam ko po ito. Ilang kaso na rin ang sinampa laban sakin, niyuyurakan din ni Duterte at ng kanyang mga alipores ang aking pagkatao. Di lang yan, ilang beses na rin binantaan ang buhay ko. Siguro mapalad lang ako sa ngayon dahil baka hindi ko pa panahon.

Mga kasama, si Senador De Lima ay biktima lamang ng political persecution, hindi po siya Drug Queen. Wala po siyang ginawang karumaldumal na krimen na kailangan siyang ikulong nang walang pyansa. Isa siyang simbolo ng injustice at pagyurak sa human rights, rule of law at demokrasya sa ating bansa. Ngayong isang taon ng kanyang pagkakakulong, isipin natin ang ating kasamahan na si Senador Leila De Lima. Tulungan natin sya; ipaglaban natin sya.

Ang ikalawang isyu na nais kong talakayin ay tungkol sa insidente kahapon na pinagbawalan na si Ms. Pia Ranada ng Rappler at ang iba pa nilang reporters na mag cover sa Malacanang sa utos mismo ni Duterte. Kinukundena ko ang utos na to. Gaya ng ginawa kay Sen. De Lima, ako ay naniniwala na ginawa ito para lamang balikan ang Rappler para sa ilang artikulo nito na, sa pananaw ng Malacanang, ay hindi paborable sa kanila. Mali ito. Paglabag ito sa ating Constitution, particularly the Bill of Rights that guaranteed press freedom.

Nagsimula ang lahat ng ito sa isang sulat ni Office of the Solicitor General Calida para sa SEC naimbestigahan ang Rappler nung December 2016. Dito makikita kung papano pinuntirya ni Duterte ang Rappler. Pagkatapos, para masiguradong maimpluwensyahan ang SEC sa kanilang desisyon, nagtalumpati mismo si Duterte para siraan ang Rappler. Gaya din ng taktika niya laban kay Sen. De Lima. Makalipas ang limang buwan, pinakansela nga ng SEC ang rehistro ng Rappler bilang isang Korporasyon. Gayun din ang mga pananakot, panggigipit at pagbabanta sa mga may-ari ng Inquirer at ABS-CBN. Lahat nang ito ay ginagawa ni Duterte out of political vendetta and to send a chilling message to other reporters and media outfits that they should tow Malacanang's propaganda line or else.

Sana po ay magkaisa ang Senado sa pag protekta ng press freedom sa ating bansa as this is one of the pillars of our fragile democracy. Tumindig tayo para sa kanila. Ipaglaban natin sila.

Ika-huling isyu na tatalakayin ko ay isang bagay na mariing ipinaglalaban din ni Sen. De Lima. Ito ay ang Extra Judicial Killings. Nung December 26, 2017, naglabas ang Malacanang sa media ng isang dokumento, ang Duterte 4 Administration Year-End Report, 2017 Key Accomplishments. Ito ay nireport sa iba't ibang pahayagan pero dahil sa kapaskuhan, hindi ito gaano napansin.

On page 22 of this document. Under the accomplishments of DILG, specifically under the section of "Fighting Illegal Drugs", Malacanang listed 3,967 drug personalities who died in anti-drug operations from July 1, 2016 to November 27, 2017. These are the "nanlaban" or those who allegedly resisted arrest. But curiously, Malacanang also listed 16,335 homicide cases under investigation from July 1, 2016 to September 30, 2017. Since it was listed under the section of "Fighting Illegal Drugs", therefore, all of these deaths are drug-related and not for other causes. Maliwanag yan. It cited PDEA, PNP, NBI and BoC as sources. Those dumped on sidewalks with bodies or faces wrapped in packing tape would fall in this category. (pitures) So, to sum up these two figures, we'll get 20,322 total number of deaths/EJKs under Duterte's War on Drugs.

Bago ako maakusahan na fake news itong inilabas kong dokumento, ito po ay inireport na ng maraming media outfits. Gaya ng...

Dito ka lang makakakita na pinagmamalaki as accomplishments ng isang presidente ang pagpatay sa mga Pilipinong pinamumunuan niya; Mga napagsuspetsahan na pusher gaya ni Kian De los Santos na hindi man lang nalitis sa husgado para mapaglaban ang kanilang innocence o kung guilty man lang yung iba ay hindi na lang ikulong. Mga adik diumano na hindi man lang nabigyan ng pagkakataong ma-drug test man lang kung totoong adik sila o dun sa tunay na adik, na ma-rehab man lang at makapagbago ng buhay. Pero, kung anong galit daw ni Duterte sa iligal na droga, ganun din ka-tikom ang bibig nya nung nasangkot ang sarili niyang anak sa pag import ng tone-toneladang illegal na droga.

Buti na lang, sa kanilang pagmamalaki, they basically admitted that there are no so-called vigilante killings and that these deaths are actually state-sponsored executions. Kasi bakit naman isasama ang mga pagpatay ng vigilantes sa yearend accomplishment report ni Duterte? Sa madaling salita, sila ang gumawa ng lahat ng mga pagpatay kaya nga accomplishment. I believe the ICC would be very interested to know this new piece of information.

Sabi ng iba, okay lang yan patayin ang mga adik. Pero papano ang mga walang kamalay malay na napatay kagaya ni Kian De los Santos at ang mga mahigit 30 na batang napaslang gaya nina...

Bilang mga Senador ng bayan, alam natin ang tama at mali. Umaasa satin ang ating mga kababayan na itataguyod natin ang wasto at nararapat. Alalahanin natin sila. Proteksyonan natin sila.

 

News Latest News Feed