Press Release
February 28, 2018

Transcript of Sen. Grace Poe's Interview
dzMM with Ted Failon

Ted Failon: Magandang umaga po sa inyo Sen. Grace Poe. Good morning po.

Sen. Grace Poe: Magandang umaga po Manong Ted at sa lahat ng nakikinig.

Failon: Ano ho muna po ang inyong mga napagtanto po na pagkukulang ng NFA sa mga panahong ito?

Poe: Unang-una, nakita naman natin si Mr. Aquino na nandoon, ang tagapamahala. Siguro kung meron akong summary doon sa kanyang presentasyon, siya ay talagang deadma lang sa mga tinatanong namin sa kanya. Ano yung mga nakita natin dito, unang-una yun nga, nagkaroon ng kakulangan ng NFA stocks at siya pa mismo ang naganunsyo nito imbes na ginawan niya ng paraan. May mga alegasyon at may mga pruweba na yung mga stocks nila, imbes na gamitin nila sa nararapat, ay nirerepack at binebenta. Noon, Manong Ted, ay disimulado pa, nirerepack nila ng may mga bags na walang nakalagay na NFA. Ngayon diumano, may mga nakikita na mismong nakalagay na NFA ay binebenta na commercial rice. So yun talaga yung puno't dulo nito. Nakita din natin na parang yung mga ginagawa niya ay taliwas doon sa dapat ay bantayan niya na walang smuggling. Tinanggal niya ang mga NFA representatives na nagbabantay sa ports, tapos yung kanyang mga ibang tao na mismong empleyado niya sa NFA, may mga kwestyonableng background so itong si Mr. Aquino ay talagang ang laki ng pananagutan, sa aming palagay, sa kakulangan ng bigas na nangyayari sa ating bansa.

Failon: Ma'am Senator may binanggit ho kayo na NFA rice, nirepack doon sa mga sako na wala pong marka. Can you give us more information o details po nito.

Poe: May mga iba tayong mga farmers groups na pumupunta doon. Ang isa na nga doon ang SINAG, kay Manong Sendong So. Siyempre sila yung nagiikot sa buong Pilipinas. Nakikita talaga nila na nirerepack at ginagawang commercial rice na yung pagbebenta nito. At saka parang open secret na e, hindi na nga nila tinatago. Lahat ng ibang mga farmers groups doon, sinasabing ganun talaga at hindi na rin tayo magugulat dito kasi yun nga yung sinasabi namin, kunyari ilang bags kayo per month na alloted, ano ba yung inventory niyo niyan? Saan ba talaga napunta yung mga bigas na iyan. Yun yung medyo hindi talaga naklaro ng NFA lalung-lalo na napagusapan yung mga lumang stock niyo, saan ninyo dinidistribute, supposedly daw ito ay accounted for. Kung naging accounted for, bakit biglang nagkulang sa merkado yung ating supply ng NFA. Nakakalungkot rin kasi 'di ba ang NFA mayroon iyang mandato na una, pwede silang mag-import from private importers or pwede silang bumili sa ating mga magsasaka. Marami sa aming nagsasabing wala ngang nagiikot na NFA sa lugar namin para bilhin ang mga ani ng magsasaka so sinasabi niya hindi daw totoo iyon pero ang daming nagsabi doon pati na mismo ang NEDA, nandoon na rin si Sec. Piñol tapos yung Mayor sa Cebu sa Concepcion na sinasabi, available at mura pa nga doon sa kanilang threshold na P17 per kilo na palay pero hindi pa rin binibili ng NFA, so Manong, kung titingnan mo iyan parang ang kabuuan dito parang sinasabi nga ni Sen. Cynthia, parang gusto mo yatang ianunsyo na palpak ka para makapag-import ka ng bigas. Ok naman mag-import kung talagang kinakailangan at dapat sa tamang oras at hindi naman yung babalewalain mo ang mga binebenta ng ating magsasaka.

Failon: Bago ko po puntahan yung binabanggit po ng taga-NEDA kahapon, baka ko makaligtaan, kayo ho ay may kopya ba nito ma'am, inyo ho bang nabasa itong memorandum na may petsang August 11, yun pong selling price bulletin ng NFA rice doon po sa atin pong region, sa Region 8 na binaba ho nila ang presyo at ito ho ay kanilang dinispose na ilan pong libong sako, binenta ho nila ito at napunta ito ng Bicol region eventually po sa Central Luzon din, yung binaba ang presyo. I think meron ho kayong kopya ng dokumentong ito. Ito ho yung patunay na meron silang stock na bigas sa Region 8 tapos ang sinasabi ay lumang stock ito that they have to dispose so from the selling price po sana na P25, ginawang P22.50.

Poe: Okay...

Failon: Opo, and then, yun nga po ang katanungan dito is, sino ho ang nakabili nitong 209,437 bags ng NFA rice na kanilang dinispose sa pagsasabi po na luma ito kasi kung ito po ay dinispose nila nang palugi. Ang tanong ma'am dito, sinong nakabili nito at yung nakabili, anong ginawa mo doon sa bigas? Yun nga pong sinasabi ng iba, namin, ako po mismo din, na ang style nila, sabi din po nitong mga, itong sina Herculano Co, nire-repolish lang iyan, tapos binebenta mo na commercial rice, 'di hamak na mas mahal po sa P35 so tubong-tubo po yung trader sa bigas na binili po ng NFA, na subsidized po ng estado, ng gobyerno. Sinubsidize mo ngayon yung bigas na binenta nung commercial rice dealer.

Poe: Yun nga po manong, tama kayo diyan, yun yung mga sinasabi na ang NFA ngayon, dapat direktang nagbebenta sa mga retailer pero ang nangyayari ngayon, sila na nga ay sa mga dealer na mismo nagpupunta at isa nga iyan sa--kasi ito nga, si Senator Cynthia nga, talagang parang exasperated na rin dito sa hearing na ito kaya lang, ang dami naming hiningi sa kanila na hindi naman nila naipakita sa amin sa hearing na ito. Katulad nga niyan, sino ba talaga yung mga benepisyaryo niyan? Pati nga yung import na, yung mga pinapayagan nila na mag-import ng bigas, hindi nila napo-post, supposedly pinost daw nila sa website nila, dapat iyan every December, hindi nila nagawa kaya yung nagiging spekulasyon nga, sa tingin ko ay meron namang basehan dito ay yung sinasabi nilang meron pa ring sindikatong nag-ooperate diyan sa NFA na patuloy pa rin kasi never nangyari ito sa atin na nagkulang nang ganoon ang buffer stock ng NFA. Parang ang sinasabi nila, ngayon one day and a half na lang ang natitira, kaya syempre 'pag sinabi mo yun, naaalarma yung iba, lalong tinatakot yung publiko. Pero ang sabi naman ni Secretary Piñol, hindi naman totoo iyan dahil kung kailan nga, ngayon, mas mataas nga yung harvest natin so hindi magkasundo ang datos ng NFA at DA at doon makikita mo na parang merong ginagawang kababalaghan, 'di ba.

Failon: Opo, opo. Yung NEDA, ma'am, ano po ang point niya kahapon noong sinasabi niya na parang hindi nila maintindihan itong mga press releases ng NFA?

Poe: Oo, ang sinasabi nga ng NEDA, parang nagulat, parang sinang-ayunan nga rin nila yung sinabi ni Senator Villar, na bakit ba ninyo ginawa iyan? Nag-anunsyo kayo ng ganyan? Inanunsyo pa ninyo, parang tinakot pa ninyo yung tao. Kasi doon sa datos mismo ng NEDA sa kanilang Philippines Statistics Authority ay meron ngang sapat na mabibilhan dito sa atin. Ngayon ang sinasabi ng NFA, hindi kasi P17 lang ang threshold natin, ang ibig sabihin niyan, iyan na yung maximum na pwede nating ibayad doon sa mga bibilhin natin na palay sa magsasaka. Sila kasi mataas ang benta nila dahil hindi dry at hindi rin sa specifications pero sa totoo nun manong, sa dami ng hindi pinapansin ng NFA, marami na ring mga magsasaka ang nagbebenta within the price range or sabi nga nila lower pa, yun nga yung mga ibang nakitang presyo na nakaano sa merkado ngayon, galing sa mga magsasaka na sinabi ng NEDA, sinabi ni Secretary Piñol, at sinabi rin nung mga farmers' group kaya alam mo naman, 'di ba? Nagkakaroon ng alegasyon, 'pag nagbibigay ng permit ang NFA sa mga privatized dealers, importers, doon talaga nagkakaroon ng kaunting maniobra yung ibang mga favored na rice importers. Kaya nga sinasabi namin baka naman nagcreate ng scenario ito na huwag alagaan ang stock ng NFA para may dahilan na mag-import sila. Yun po yung nakikita natin, at definitely yun ang aming itutunton sa susunod na hearing, saan napunta yung inventory ninyo na monthly. Bakit biglang nagkaubusan ng ganun at yung mga old stock ninyo sino--gaya po ng sinabi ninyo--sino ang nakatanggap niyan.

Failon: Sino ho ang nakakuha sa kanila, opo. Maganda ho iyon ma'am. Sino ho ang nakabili sa kanila at papaano po dinispose? Ano po ang komento ninyo na nagpapakita because you have to have the documents. Kasi sa BIR niya, sa recorder ninyo hindi ba? 'Di ho ba kung kayo ay rice dealer at bumili ka sa NFA ng ganito karaming sako ng bigas, papaano, saan mo dinispose yan? Mayroon pong poder ang estado para malaman iyan at saka iyong resibo mo. Magkano mo ngayon ito ibinenta? Ano ang ginawa mo? Ito ho ang patunay na hindi ho talaga sira ang bigas. Hindi ho mababang kalidad, ano po ma'am?

Poe: Hindi po, alam mo sa lahat ng usapin na ito Manong, ang ipinupunto lamang naman natin dito ay ang affordable na rice. Dati P17 lamang ang NFA, ngayon nasa P30 plus na. Malaking bagay iyon, kada pamilya, minimum na ginagastos ay dalawang libo buwan-buwan, sa bigas pa lamang. So, talagang ito ay isang kriminal na ginagawa nila. Kung sabihin na nila na wala talaga silang ginawang kalokohan pero iyong incompetence nila na mangyayari yan sa ating mga kababayan at kailangang magdusa, magdagdag ng worth P10 per kilo dahil hindi nila ginagawa ang kanilang trabaho ay malaking kakulangan iyan. At the very least ang dapat na ilagay nating tao diyan ay nakakaintindi. Alam ninyo ito ay pagdurusa, March pa lamang po ngayon at hanggang June pa ang sinasabi ng NFA na medyo maiibsan ng konti iyong presyo ng bigas sa merkado. Ang tagal nun, matagal iyon para sa atin. Kaya para sa akin unang-una, kriminal, siyempre dapat panagutin. Pero, iyon ang nakakalungkot, sa dinami-dami ng kuwento ng mga nagiging smuggler, ang DOJ diumano ay wala pa namang nakakasuhan talaga.

Failon: Ano po ang nangyari kay David Tan, kay Davidson Bangayan. Ano ho ang report ninyo kahapon?

Poe: Iyong report nga tinatanong namin ang mga taga-NFA, ano ba iyan? Ano ba ang balita ninyo diyan? Ang sinasabi nila hindi daw naman kasi importer itong si Bangayan. Wala naman daw silang record. Ang sabi namin, na-check ba ninyo ang qualification nito, iyong office nito, address nito? In short, yung due diligence nila sa pagiisyu ng permit ay hindi nila ginawa. Number two, pagdating mismo sa DOJ at sa NBI, yung NBI wala ring makita sa kanya. Tapos, yung DOJ wala ring mga kaso dito sa mga naging smugglers. Naalala ninyo sa full-blown hearing, naalala ba ninyo dati pati si Presidente galit na galit kay Davidson Bangayan aka David Tan. Ang mensahe na ipinapadala natin sa mga loko-loko na ito ay, 'hindi, okay lang iyan kasi makakalimutan rin kayo, makakalusot kayo diyan.' Kaya nga iyong ibang mga tao diyan sa NFA, hindi ko naman sinasabi lahat kasi marami ring matitino diyan pero yung mismong sa top brass, nagulat ako, kung hindi ako nagkakamali, 40 years na siya dun. 40 years na siya dun na nagbibigay ng mga permit dito sa mga importers hindi pa rin niya mahuli-huli yung mga nangloloko. Kaya nga bakit nagrere-appoint ng mga taong ganun na kuwestiyonable? So yun yung sa aming palagay.

Failon: Opo. Yes Ma'am. Sige po Ma'am. Kasi mawalang-galang lang, meron kasing mga bagong dating diyan, yung mga nandiyan tuturuan ka kung papaano, papaano o anong style ang gagawin. Anyway, Ma'am sa punto ho ngayon, kasi po merong isang Senador nanawagan po ng kanyang resignation dito po kay Administrator Jason Aquino. Sa inyo hong tingin Ma'am, ano ho ang inyong pananaw po sa usapin na ito, sa kanyang panunungkulan, sa kanyang competence po para pangalagaan po ang pangunahing pangangailangan po sa pagkain ng bansang Pilipinas?

Poe: Sa nakikita ko ngayon, walang personalan ito doon sa Administrator, pero talagang malaki ang kanyang nagiging pagkukulang at sa tingin ko naman hindi naman tayo kulang sa mga tao na maaaring magpatupad ng kanilang mandato na maayos. So ako naman, sana may delicadeza siya na sabihing 'paumanhin sa taumbayan, ito ay hindi ko nagampanan ng maayos, magbibitiw na lang ako,' yun ang ideal. Pero kung hindi man, siguro mismo na lang ang ating Pangulo makita ito dahil pampahirap ito sa ating mga kababayan. Apektado lahat lalung-lalo na yung mahihirap so baka naman pwede na ngang palitan muna siya dahil kung hindi man ito intensyonal, ito'y malaking kakulangan sa kanyang ginawa at para sa akin yung kanyang demeanor bagama't siya'y tahimik naman at hindi naman siya walang galang pero wala rin siyang assertion ng kanyang mga nagawa para ito ay maiwasan. So obviously, kulang talaga siya sa intervention para hindi tayo umabot dito, at the very least, pero marami pang ibang alegasyon na kaya ito'y talagang sinadya para magkaroon ng ganitong problema sa merkado.

Failon: Alam niyo Ma'am, I admire your being so kind with your words Ma'am, so kind really. Hinahangaan ko po Ma'am ang inyong pagtitimpi sa paggamit ng salita dito po sa ating katanungan kung kinakailangan pa hong manatili sa pwesto si Ginoong Jason Aquino, I admire. Kasi kahapon diretso, kinakailangan magresign ka na, ibigay mo yan sa iba, kasi malaki problema ito ngayon. Hindi pa lang po ito, hindi pa po ito sa next hearing pa po sigurado ako meron pa pong lalabas. Ma'am kelan po ang next hearing nyo po?

Poe: Si Sen. Cynthia po maguusap pa siguro kami mamaya kasi marami nang gustong magpa-schedule pero you can see the frustration in her face na rin. Yun nga, imagine lahat ng mga nirekomenda namin na kasuhan na at ikulong ay laganap pa rin dyan kaya siguro malaking bagay na ito kung itong pagdinig na ito ay makakapwersa kay Mr. Aquino na magbigay daan na sa iba dahil hindi niya nagampanan ang kanyang tungkulin. So siguro yung susunod na hearing, alam nyo naman Manong malapit na ring mag-adjourn yung Senado, siguro by next week dapat ay ma-schedule na yung hearing...

Failon: Ma'am senator thank you for your time. Kami po ay aantabay po dito po sa inyong next hearing and again, ang ating panawagan sana ngayon ma-address po itong problemang ito dahil tama po kayo, sa bandang huli po sino po ba ang nagdurusa, hindi po yung pamilyang Pilipino na may kakayanan na bumili po ng commercial rice kung hindi po ang masa na siya po namang unang-una po na nangangailan po ng mas murang bigas po na maisasaing sa araw-araw. Mabuhay po kayo, Senator.

Poe: Thank you for being a crusader, salamat po, Manong.

News Latest News Feed