Press Release
March 13, 2018

TRANSCRIPT OF DOORSTOP INTERVIEW OF SENATOR FRANCIS PANGILINAN ON EXONERATION OF KERWIN ESPINOSA

SEN KIKO PANGILINAN: Malaking question ngayon ang pagkakulong ni Sen De Lima rito dahil inabswelto nila ang isang testigo na dinidiin si Senator De Lima at ngayon ay hindi pala. Sana aksyunan na ng Korte Suprema ang petisyon ni Senator De Lima para sa lalong madaling panahon ay siya ay makawala na dahil maliwanag na kwestyunable ang basehan o yung ebidensyang ipinapakita ng mga testigo laban sa kanya.

Q: So may impact yung pagkaka-exonerate so to speak kay Kerwin Espinosa sa kaso ni Sen. De Lima?

SEN KIKO: Eh siya rin ang nagdidiin kay Sen. De Lima, siya ang ginamit sa ilang mga testigo dito sa mga hearing. Tapos ngayon pinawalang-sala siya. Talagang kaduda-duda ngayon itong kredibilidad ng testigong ito laban kay Sen. De Lima.

Q: How about the message that this particular exoneration sends in the overall drug war? Kasi madaling patayin yung mga maliliit pero in this case the so called big fish--

SEN KIKO: Precisely, pagka maliliit, isang gramo, dalawang gramo patay. Pagka ganyang matataas na tao, maimpluwensyang tao, mayayaman na tao at saka yung mga nasangkot dun sa 6.5 billion smuggling ng shabu hanggang ngayon wala pang nakukulong. Kung baga pagka kalaban iniipit, pagka malapit at malakas ay inaabswelto. Hindi ito tama.

News Latest News Feed