Press Release
March 26, 2018

MESSAGE DURING THE LAUNCH OF FREE COLLEGE LAW IRR

Napakagandang araw at pinagpalang araw na naririto po tayo. This was not easy. The fight for accessible, affordable, quality higher education has been decades in the making. Nauna na po ang K-12 reform under President Aquino. Masasabi nating ito po ang biyaya ng Duterte administration sa pamilyang Pilipino. Biyaya po ito ng Senado, biyaya po ito ng House of Representatives at ng Commission on Higher Education. Ito na po ang legasiya palagay ko. When all has been said and done, maaalala na this was the administration that brought in free quality education.

Hindi po madali ang haharapin nitong batas. Why do I say that? Makikita po natin sa mga mayayamang bansa, ginawa na nila ito at hindi naging madali ang kanilang karanasan. You look at Western Europe for example, there is a scaling back of funding for higher education. If you look at Denmark, the UK, Germany, nagkakaroon ng scaling back kasi nga, sabi nila, merong crowding out phenomenon. Maraming gustong mag-aral, pero yung talagang kailangang mag-aral para yumaman ang kanilang pamilya, ay nakaka-crowdout. But that's for the future. Let's focus on the present and be happy that we're finally here.

We thank everyone who's involved in the fight for this. Not everyone who fought for this is in this room kaya kasama sila sa pasasalamat namin. We thank Chairperson Popoy dahil hindi po naging madali ang kanyang karanasan dito sa pagbalangkas nito. Maraming batikos ang tinanggap bago nabuo itong implementing rules para rito sa free tuition. But definitely, sa Senado, magmamasid po kami. We will make sure na taun-taon ay merong pondo ito. Lalaki at lalaki ang funding requirement para sa batas na ito and that will be a challenge, going forward. Pero habang naririto po kami, asahan po ninyo ang patuloy naming suporta. Nariyan din po ang suporta ng taumbayan dito sa pagpondo nitong batas. Sabi nga nila, kung dati, ang pangarap ng pamilyang Pilipino ay magkaroon ng isang college graduate, ngayon, puwede na pong mangarap na lahat ng ating mga anak ay magiging college graduate na. Salamat po!?

News Latest News Feed