Press Release
April 23, 2018

Sen. Bam on 'Nakaw Load', Dengvaxia report and opposition slate
(Transcript of media interview)

Q: ... Maliwanag na po ba ang puwedeng maging solusyon tungkol sa problema ng nawawalang load?

Sen. Bam: Well, ang telcos naman na nagsabi ng kanilang gagawing mga proseso. Hindi na sapat ang isang click lang, naka opt - in ka. The suggestion of NTC was for a two-step process. Ang isang telco nga nagsabi, they'll try to implement a three or even four-step process para malinaw talaga ang pinapasukan nating value-added service. Ang isang nakikita natin na solusyon na baka makita natin sa memorandum ng NTC, kada araw, meron tayong nakukuhang resibo kung magkano ang natitira sa ating load. Palagay ko mahalaga iyon, na alam ng bawat subscriber kung magkano ang natitirang pera, at kung meron silang maling nakuha, o meron silang nakita na pagbabawas na hindi tama, pwede silang mag-complain agad. So ito ang mga issues na nakikita nating puwedeng solusyon. The NTC has committed to a memorandom circular by June or July, and babantayan natin na sigurado na maglalabas sila ng circular para maresolba na ang issue ng nawawalang load.

Q: Sir, kung may reklamo, tatawag. Pero bakit ganun, may bayad pa rin ang tawag.

Sen. Bam: Yun na nga eh. Nagulat rin kami na ang ibang mga telco doon sa kanilang complaint line, kailangan may minimum load tayo at nababawasan pa nga. Sa pagkakaalam ko, dapat libre ang ating complaints. So this is something the NTC is looking into, at nagcommit naman ang mga telco rin na titignan nila ang kanilang mga sistema kung bakit yun ang nangyari. To make it clear, sa pagkakaalam ko at sa pagkakaalam ng NTC, although nakita natin na hindi ito ang nangyari, dapat pag may complaint line, dapat libre yun. Dapat hindi binabawasan kapag nagcocomplain tayo.

Q: Doon po sa Dengvaxia report, member po ba kayo ng Blue Ribbon?

Sen. Bam: Yes, I'm a member of the Blue Ribbon Committee. Isa ako sa mga hindi pumirma doon sa Blue Ribbon report. Ang pinaka issue ko doon sa report ay ang pinaka basic na tanong, hindi pa niya naisasagot. Ano ba talaga ang harm, ano ba talaga ang naidudulot ng Dengvaxia? Hindi malinaw. Ito ba ay nakakasama? Ito ba ay may nagagawang masama sa ating mga bata? It did not resolve that issue. So as the most basic question doon sa Dengvaxia issue, palagay ko merong pagkukulang ang Blue Ribbon report.

Q: Pero sir ang pagiging sinasabing primary conspirator ni PNoy, do you agree with that, sir?

Sen. Bam: I don't agree, like many of the other Senators here. Nagtataka rin kami kung paano siya naging primary conspirator kung sa panahon naman na ginawa ang transaksyon sa Dengvaxia, hindi pa naman lumalabas ang ibang mga balita tungkol dito. So, nasabi ko na rin before na hindi naman psychic si Former President Aquino. So, I think marami na kaming Senador ang nagsabi nito. Kahit ang ibang mga pumirma sa report. Pero ang tanong ko talaga ay tungkol sa Dengvaxia mismo. Magkakaiba ang sinasabi ng mga ahensiya natin. Iba ang position ng UP-PGH, iba ang posisyon ng DOH, iba ang posisyon ng DOH, iba ang posisyon ng PAO, iba rin ang posisyon ng WHO. And I think at the end of the day, yun ang dapat masagot ng report. Ano ba talaga ang nangyari? Ano ba talaga ang naidulot nito? Kung tatanungin niyo ang PAO, ang nasasabi nila, napakarami nang namatay. Kapag tinatanong niyo ang UP-PGH, sinasabi nila na hindi naman iyon ang nangyayari. So at the end of the day, a report must be able to answer that very basic question. And unfortunately, hindi pa iyan nasasagot nung Blue Ribbon Report on Dengvaxia.

Q: *inaudible*

Sen. Bam: During the period of interpellation, once it's sponsored, I think a number of us will be interpellating this matter, and palagay ko meron ding iba na mag-aamend sa report na ito.

On the Magic 12, Opposition slate

Q: *inaudible*

Sen. Bam: Well, wala pa tayong update. So far, mga paguusap pa rin lang. Natutuwa naman tayo na nasama tayo doon sa list of possible winners sa panghuling survey, pero sabi ko nga, sana mas marami pang mga nasa oposisyon ang makapasok. Anyway, isang taon pa naman iyan. That only means na kailangan doblehin ang efforts ng oposisyon para mas dumami kami na makasama sa Magic 12. Palagay ko pagdating ng eleksyon, maaappreciate naman ng taumbayan na kailangan pa rin ng oposisyon sa ating bayan. Hindi naman puwede na isang panig lang. At kung meron man na kailangang pagtutol na kailangang gawin, kailangan sapat ang aming numero dito sa Senado.

Q: *inaudible*

Sen. Bam: Ongoing pa ang mga paguusap, pero as I said, hindi ito traditional political groups. These are groups coming from church groups, mga sociocivic organizations, mga grupo na may mga problema at may mga hinaing doon sa mga polisiya ng ating administrasyon, panahon na magsama-sama tayo. And I think ang hinahanap ng tao, hindi rin ang mga lumang mukha at lumang pangalan. Naghahanap rin sila ng mga bagong mukha at bagong pangalan, at baka makita natin na ito ang magiging bagong mukha ng oposisyon.

Q: Sir, mga kailan kaya lalabas ang lineup?

Sen. Bam: Probably near October. October pa naman ang filing, at ang aking experience sa pulitika, ang mga pangalan, lineup, nangyayari iyan kapag malapit na ang filing of candidacy. Tingin ko marami pang mangyayari. A lot of things are still going to happen in our country. Baka ang nasa kabilang panig, mag-iba ng panig. I mean, who knows kung ano ang magiging final lineup natin. Ang mahalaga siguro, at least para sa amin sa oposisyon, magkaroon ng mas maraming numero dito sa Senado, at mas maging independent ang ating Senado.

Q: *inaudible*

Sen. Bam: Palagay ko hindi naman, kasi may ibang mga political parties rin naman na nagsasabing gusto nila sumama. But more important than the traditional political groups, ang mga grupo na non-traditional. Kasi palagay ko, yun ang kinakailangang bagong mukha ng oposisyon mula sa mga simbahan, NGO, eskuwelahan, sociocivic organizations. Ito siguro ang totoong taumbayan na puwede maging oposisyon sa ating bayan.

Q: Sir are you also adopting ang mga kapwa niyong re-electionists?

Sen. Bam: Right now, masyado pang maaga, and again, kung ano ang mga panig pagdating ng October this year or May of next year, very fluid ang ating pulitika. So bukas naman tayo diyan. At tingin ko ang pinakamahalaga, magkaroon ng isang grupo na puwedeng itaguyod ang pagiging independent ng ating Senado.

Q: *inaudible*

Sen. Bam: Well siyempre bilang isang former President, siyempre marami pa ring mga tao na gusto malaman ang panig niya, but I'm sure he will be supportive of the opposition as well.

News Latest News Feed