Press Release
May 25, 2018

Transcript of Sen. Grace Poe's Closing Statement
Senate Committee on Public Services Hearing
May 25, 2018
Sangguniang Panlalawigan Session Hall, Iloilo Provincial Capitol

In today's public hearing on the effects of TRAIN law to public services and utilities, we heard that consumers, in particular here in Panay area, are reeling from the effects of rising fuel prices and TRAIN law.

Ang ating komite--ang committee on public services--ay pag-aaralang mabuti ang napag-usapan ngayon sa hearing at magbabalangkas ng rekomendasyon para mapagaan ang pinapasan ng ating mga kababayan natin bunsod ng TRAIN Law, at pagtaas na rin ng presyo ng krudo.

Hihilingin natin sa Department of Finance at sa ibang ahensya ng gobyerno na pag-aralang mabuti ang suspension ng excise taxes sa fuel dahil sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Bilang tulong sa ating mga kababayan, lalo na sa mga mahihirap, dapat na pag-aralan ng ahensya ang pagpapaliban sa full implementation ng TRAIN Law, particularly sa fuel excise taxes, dahil lahat ng produkto ay apektado nito.

Mababa na nga ang kita pero patuloy pa rin ang pagtaas ng mga bilihin.

From December 2017, pump prices here in Panay have increased 30 percent, or at least P10 for diesel and gasoline.

Dahil dito, ang isang pamilya ng magsasaka ay may karagdagang P2,600 gastos kada buwan, at ang mga ordinaryong manggagawa naman ay may dagdag na P3,640 gastos kada buwan.

Ngayon din, ang mga drayber ay nagmamaneho ng mas mahabang oras para lamang matugunan ang kakulangan na iyon.

Nandito rin ang ating mga kasama sa Senado, sina Sen. JV Ejercito at si Sen. Nancy Binay para hingan natin ng suporta.

Babantayan nating mabuti ang Panay Electric Company dahil sa mga naging reklamo ukol dito. Pasensya na pero we have to listen to...for us that's the basis--it's not so much the evaluation of the bureaucratic setup, it's what the feedback is directly from your customers. So nothing personal, we are just taking note of what we have heard today from the consumers, and we will study the matter very closely, especially if your franchise reaches the Senate when we take up the franchise application of Panay Electric Company...

News Latest News Feed