Press Release
June 5, 2018

Win transcript ambush interview
SENATE BUILDING | SPEDEZ ACT | TRAIN
2ND FLOOR LOBBY SENATE OF THE PHILIPPINES

Q: Tungkol po sa Senate building, kinukwento ni Tiglao na hindi raw nararapat gumawa ng ganung building in a third-world country, parang misplaced daw ang priority ng Senate, what can you say about this?

SEN WIN: Actually, and Senado, very conscious sila doon sa gastos para sa building. Kung titignan natin ang terms of reference, ang binudget doon ay 50,000 per square meter, ang isang building ngayon sa Fort Bonifacio, ang pinaka-high end ay aabot ng 80,000 per square meter, ang regular na government building ay aabot ng 45,000 per square meter so ang 50,000 na budget per square meter is within the range of reasonableness. Ngayon, ang importante rito ay dapat ang mga materyales na gagamitin ay hindi overpriced, ang specifications ay hindi mas mababa so I think yung budget ay within reasonable grounds.

Q: Sir, can you explain why the Senate has to move out from this building and build something like that?

SEN WIN: Nagbabayad tayo dito ng close to 250 million per year so lumalabas in ten years, nakapagpatayo na tayo ng sariling building. Sa ngayon, nagrerenta tayo, hindi natin ma-renovate ang building na ito dahil nga nagrerenta lang tayo, hindi tayo maka-invest ng mas malaki. Kapag titingnan natin ang economics, in ten years, kung same amount ng binabayad natin sa GSIS ay inilagay na lang natin sa isang bagong building, nakapagpatayo na tayo ng bagong building so it makes economic sense to put up your own building na puwede nating gastusan at puwede tayong mag-invest. On top of that, ang lupa na ibinenta sa atin ng BCDA, nagkakahalaga siya ng 90,000 per square meter sa loob ng Fort Bonifacio, in any recent sale sa Fort, hindi bababa ng 350,000 per square meter, almost 80% discount ang nakuha natin sa BCDA so malaking tipid na ang binigay nila sa atin para magkaroon ng lupa sa Fort Bonifacio. Ngayon, kung bakit sa Fort, if you look at the area where the proposed Senate building will be, malapit sya sa airport, alam naman nating during budget hearing, buong Pilipinas pumupunta dito para i-defend ang budget nila, nakatira sila around Manila area, Pasay area, Paranaque area dahil maraming mga hotels at murang mga tirahan dito so kung bakit nilagay doon is para mas malapit sa airport at mas maraming puwedeng tirahan ang mga kababayan natin na luluwas pa para i-defend ang budget nila every middle and end of the year.

Actually, itong plano ay hindi naman bago. As early as 2011 ay pinag-uusapan na itong plano na ito. So ang assurance ng Senado ngayon ay hindi magiging maluho, hindi magiging overpriced at sisiguraduhin nating reasonable ang magiging gastusin. Syempre, maraming government agencies ang nagpapatayo ng sariling building, ang Supreme Court nagpatayo ng sariling building also in Fort Bonifacio, ang Energy Regulatory Commission (ERC) ay ganun rin so maraming opisina ang nagpapatayo ng building because pasikip ng pasikip ang opisina at ang mga taong pumupunta sa mga offices na yun. Wala nang pwesto dito sa Senate, every budget season ay masikip dito, ang parking nga rito ay umaabot hanggang Roxas Boulevard area na dahil kulang sa space so we have to be practical, masikip na ang Senado, we have to find a bigger space.

Q: Kamusta po ang hearing kanina tungkol sa special defense?

SEN WIN: Ang pinag-usapan natin kanina during the special defense economic zone hearing, lumalabas na 70% ng ating bala ay domestic at 30% ay ini-import natin. Almost 20 million bullets ay nanggagaling sa ibang bansa as 30% of our requirement. Nagiging problema ngayon, kung ang isang bansa ayaw magbenta ng bala sa atin, wala tayong bala para sa ating mga sundalo, ultimo pagpraktis nila, wala silang gagamiting bala so ang Department of National Defense and Armed Forces of the Philippines is lobbying na magkaroon tayo ng isang special defense economic zone para maging self-reliant tayo at hindi na tayo bibili ng bala at defense equipments sa iba pa, at para tayo na mismo ang gagawa ng sarili nating bala.

Q: But how probable is that (supplier)?

SEN WIN: Tinanong ko yan kanina, there are instances for example, policy difference between the Philippines and another country, kung matatandaan natin ay bumili tayo ng helicopter sa Canada at sabi ng Canada na 'ay iba na ang inyong policy, ayaw na naming bentahan kayo ng helicopter' so mawawalan tayo ng helicopters na kailangang-kailangan natin dahil isla-isla tayo. Yun ang isa sa mga pinakailangan natin so hindi tayo puwedeng magkaroon ng uncertainty pagdating sa suporta at sa ating mga sundalo lalo na pagdating sa bala dahil very basic ito eh at sinasabi ng AFP na kailangan nating mag-produce ng sarili nating bala para hindi tayo mamalimos o hingi ng hingi o biglang mapag-initan ng ibang bansa at bigla ay magkukulang tayo sa suplay ng bala.

Q: Sir, ang 20 million po ay annual?

SEN WIN: Yes, that's annual supply and that's only for their use, kung idadagdag mo pa ang pang-praktis dahil kailangan nilang magpraktis on a regular basis, we will need almost 40 million bullets na dapat i-import sa ating bansa.

Q: Puwede naman daw i-refund yung budget for education sabi ng DOF?

SEN WIN: We will find a way and importante rito ay magkaroon tayo ng self-reliance, ibig sabihin mag-produce tayo ng sariling bala, ng firearms para masuportahan natin ang ating mga sundalo.

Q: Their concern is it will mean another hole in the financial aspect.

SEN WIN: Sa ngayon, hindi siya magiging hole kasi maliit lang ang industriya. In fact ngayon, walang mawawala dahil ang defense industry natin ay maliit lang eh so only 4 billion pesos every year so walang mawawala sa ngayon. Again, what we want to make sure is, sabi nga kanina ni Gen. Dionisio, we have to look at the non-tangible aspects of defense, ito yung buhay ng ating mga sundalo na gusto niyang masigurado na tuloy-tuloy ang supply ng bala at equipment at hindi sila nalalagay sa peligro.

Q: Suspending TRAIN law will hinder economic growth?

WIN: There are a lot of complications, kaya ang first option diyan ay dapat ma-implement na ang mitigating measures ng TRAIN law. Madami pang mitigating measures doon na hindi pa na iimplement. Number one is yung 300 pesos na Unconditional Cash Transfer (UCT) na kalahati pa lang ang nai-implement. Number two discount on rice and discount on fares that should be implemented also. Number three yung pangtawid pasada na dapat ma-formulate just in case lang tumaas-taas pa yung presyo ng langis. May konting good news ang presyo ng langis bumababa siya ngayon, nag stabilize siya around 72 dollars per barrel, but then again we have to be ready because anything can happen. We really have to implement the mitigating measures dahil may pondo na yan. Naglagay na tayo ng 24 billion in the budget na nakalaan specifically for UCT.

Q: Disappointed po ba kayo kasi ang promise ng implementation as early as January?

WIN: Correct, that was really the assurance to the Senate dahil kung titignan natin yung transcript of records, in-assure talaga nila in the Senate na pagpalo ng January mai-implement na yan and the latest is March. Last hearing it was revealed na 40% pa lang ang na-iimplement of the UCT. Yun yung first option para mabigyan natin ng tulong yung ating mga kababayan.

I am very disappointed and disheartened dahil may pondo na yan eh. May pondo na inilaan na para sa kababayaan natin. Kaya talagang nakakadismaya na di nila ma-implement. Ngayon marami sa ating mga kababayan hinahanap yun.

Q: Ano daw yung rason?

WIN: Iba-iba yung rason nila, but again it is their job, they assured the Senate na mai-implement yan, at dapat ma-implement na yan as soon as possible dahil nasa batas yan.

In the last hearing, I was worried na baka may kontsabahan na nangyayari between economic managers on the rate of inflation and on the mitigating measures. Sana hindi, dahil kapag yan ang nangyari--reputasyon ng bansa natin ang nakaalalay diyan. For me, actions speaks louder than words kaya dapat ma-implement na nila yan agad dahil parte yan ng assurance na ibinigay nila sa Senado.

Q: On the new senate building? Parking?

WIN: Ang importante dito yung costing which is di pa tapos kasi architectural pa lang yung andun eh. When they propose the detailed engineering doon na natin makikita isa-isa kung magkano yung gagastusin. Currently we are spending 250 billion per year more or less for the current Senate building and the few of the parking.

Q: Ceiling cost?

WIN: 50,000 per sqm. Lahat lahat na yun. Nagpa survey ako last Sunday ang construction cost for a normal building walang interior is about 40,000 per sqm. Pag nilagyan mo ng interior aabot yan 50,000 per sqm. So reasonable na ito. Yung mga high-end building sa Fort Bonifacio, cost nun about 80,000 per sqm. So makikita natin yung Senate building is almost 50% discount from the most expensive building doon. Plus DPWH will conduct the bidding dahil mas alam nila magkano talaga ang gagastusin.

Q: Right now no ball park figure?

WIN: Wala pa. kasi hindi pa nila na draw-drawing yung floor plan. For example, yung media center gaano ba kalaki? Mabibigyan ba kayo ng isang office? meron ba kayong sariling parking lot o banyo o pantry? These are the details na malalaman mo as you start drawing. Basta sakin I go by the per sqm cost kasi its conservative--50,000 per sqm kasama na lahat pati interior.

Q: Inflation 4.6% this month which is an all-time high?

WIN: We have the highest inflation in Southeast Asia, we are third fastest economy in SEA however we have the highest inflation figure in SEA. This is also dragging our growth dahil kung mas mahal yung bilihin ang tao hindi bibili at this will pull back our growth. The immediate solution, at ito pa ulit-ulit lang kami, kailangan na talaga ma-implement yung UCT budget para makatulong agad sa tao because the suspension of excise tax--that will really take time dahil gagawa ka pa ng batas eh. So let us implement what we can implement right away.

Q: Urgent na ba ang suspension ng excise tax dahil pataas pa rin ang inflation?

WIN: Ako I want to take a conservative view on this, let's wait one more quarter, which is the third quarter. Ang presyo ng langis bumababa ngayon eh in fact may mga roll-back na nangyayari no dahil bumababa yung presyo ng langis. So let's wait for one quarter.

Q: How will the remedial legislation mag su-supplement?

WIN: Kung kailangan i-suspend yung excise tax on fuel then you need legislation on that. Dito natin makikita na kailangan na talaga natin ma-develop yung fuel security ng bansa. Hindi tayo pwedeng import ng import ng langis. Dahil onting gera sa Middle East tayo ang apektado tayo.

Q: Meron daw sa Palawan?

WIN: Meron daw pero it's under the contested area. But there are other means, madami tayong hydro power plants, madami tayong ilog. In fact if we harness our hydro power plants we can be self-sufficient or energy-sufficient in the next five years. Malaki kasi potential ng hydro power plants.

Q: Rice tariffication bill?

WIN: I just recently filed a bill to remove the quantitative restrictions and impose tariff on rice. It will reduce as much as 10 pesos per kilo on rice and reduce inflation by as much as 7%. So pag pumasok ang murang bigas, mas maraming makakbili ng murang bigas, mas bababa ang inflation.

Q: Status?

WIN: It is already pending in the Committee of Agriculture, I think nagkaroon na ng dalawang hearing I think magkakaroon pa ng isa.

News Latest News Feed