Press Release
June 30, 2018

"BAKIT SYA TAKOT NA TAKOT SA ISANG BABAE?" Sen. Leila M. de Lima's Reaction to Duterte's latest tirades against her

Binubuhay na naman ni Duterte ang kahibangan nya ukol sa alleged sex video na yan.

Malinaw ang kanyang pakay: Sinasadya niya ang ganitong mga kabastusan at kasinungalingan para ilihis ang ating atensyon sa mga tunay na isyu sa ating bansa - sa mga pangako niyang hindi matupad-tupad, sa mga kapalpakan nya at sa dumadami niyang kasalanan sa Diyos at bayan.

Marahil gusto niya rin akong panghinaan ng loob at umatras sa posible kong pagharap sa Korte Suprema para tutulan ang desisyon nyang umurong ang Pilipinas sa Rome Statute ng International Criminal Court (ICC), na isang paraan ni Duterte para makaiwas sa pananagutan sa kanyang mga krimen sa sangkatauhan o "crimes against humanity".

Bakit sya takot na takot sa isang babae? Ipinakulong na nga niya ako gamit ang imbentong mga kaso, ayaw pa rin niya akong tantanan ng kanyang mga kalaswaan at kasinungalingan!

Mga kababayan, ganito kaduwag si Duterte! Ganito kawalang-hiya, kapalpak, at kabastos si Duterte!

How do we deal with a madman, a morally depraved and demonic creature?

News Latest News Feed